Share

Kabanata 10

"Tsk! Tsk! Nandito lang pala ang hinahanap natin."

Napalingon si Mark nang marinig niyang may nagsalita sa kanyang likuran. Hindi na siya nabigla nang makita niya ang tatlo sa mga kidnapper na humahanap kay Alyssa.

"Kapag sinusuwerte ka nga naman." Nakangising sabi ng isa sa mga ito.

"Matutuwa sa atin si Boss n'yan."

"Tama. Lalo na kapag nahanap din natin iyong magandang babae."

"Tara na. Isama na natin 'yan."

Lumapit ang tatlong kidnapper kay Mark at akmang hahawakan siya. Ngunit bago pa nila ito nagawa, nagpakawala na nang tig-isang suntok si Mark para sa mga ito.

"Aba't..." Nabiglang sabi ng isa sa mga kidnapper. Hindi nito inaasahan ang ginawa ng binata.

Sinamantala naman ni Mark ang pagkakataong iyon. Muli niyang inundayan nang tig-iisa pang suntok ang dalawang kidnapper na malapit sa kanya.

"Napipikon na ako sa isang ito, ha!" Sabi ng pangatlong kidnapper. Kinuha nito ang nakasukbit na baril sa tagiliran at itinutok kay Mark na abalang sumusuntok sa dalawang kidnappe
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status