Share

Kabanata 2

Madilim na silid. Iyon ang bumungad kay Alyssa nang siya ay magising.

"Hah, na saan ako? Anong lugar ito?" tanong niya sa sarili. Bigla siyang napatayo. Ngunit agad din na napaupo nang maramdaman niyang nakatali pala ang kanyang mga kamay sa isang upuan. Agad niyang naalala ang nangyari sa elevator, kung saan pareho silang nawalan ng malay ni Laura dahil sa makapal na usok.

"Sino kaya ang may kagagawan nito?". Pilit niyang iniisip kung sino ang mastermind sa pangyayaring ito.

Mayamaya pa ay may natanaw siyang liwanag na nagmula sa isang nakasiwang na bintana. Kasabay nito ay may mga yabag siyang narinig na papalapit. Marahil ito ang mga kumidnap sa kanya.

Bumukas ang ilaw sa silid. Pumasok ang tatlong armadong lalaki at kasunod nito ang isang maskuladong lalaki na maraming tattoo sa braso. Nakasuot ito ng shade kaya hindi niya makita ang mga mata nito. Ito marahil ang leader ng grupo. 

"Gising na pala ang ating bisita." Sabi nito patungkol sa kanya.

"Sino ba kayo? Ano bang kailangan niyo sa akin?"

"Huwag kang mainip at malalaman mo rin mayamaya." Lumakad ito papalapit kay Alyssa. "Pero bago 'yun, gusto muna namin nang kaunting kasiyahan." Ngumiti ito ng kakaiba at may malisyang tiningnan si Alyssa mula ulo hanggang paa. 

Alyssa wears a peach lace-inspired gown made by a famous fashion designer. It was indeed perfectly fit her. Kaya naman kitang kita ang magandang hubog ng kanyang katawan. 

Alyssa didn't feel panic when she heard the man said those words instead, she feels calm. But she made a mental note that if this guy made a wrong move towards her, she definitely has to fight. 

Lumapit ang iba pang lalaki sa bandang likuran niya at akma siyang hahawakan. Ngunit bago pa man sila makalapit ay agad ng tumayo si Alyssa. Iniumang niya ang upuan sa paa ng isang lalaki at agad itong ibinagsak. Dahil hindi ito inaasahan, hindi nakaiwas ang lalaki.  Napasigaw ito sa sobrang sakit. Sa lakas ng pagkabagsak ng upuan, nasira ito at lumuwag sa pagkakatali ang mga kamay ni Alyssa. 

Nagulat ang maskuladong lalaki na nakashade sa kanyang ginawa. Inutusan nito ang mga kasamahan na hawakan siya sa braso. Pumalag si Alyssa at inundayan ang mga lalaki ng tig-iisang sipa sa dibdib. Paniguradong masakit ang naging dulot ng kanyang sipa dahil sa suot niyang heels. Ininda nang mga ito ang kanyang ginawa. 

"You...woman." Galit na sabi ng maskuladong lalaki na nakashade. Inundayan nito ng suntok si Alyssa. Wala na itong pakialam ngayon kung babae man ang kanyang kalaban. Ang tanging nais na lamang nito ay ang makaganti. Nailagan at nasalag naman ni Alyssa ang mga suntok nito. At nang makahanap siya ng pagkakataon ay inundayan rin niya ito ng ubod na lakas na flying kick. 

Lingid sa kaalaman ng iba, Alyssa is into martial arts. 5years old lang siya ng magsimula siyang magtraining through the help of her brothers. May tatlong kapatid na lalaki si Alyssa. And all of them are into martial arts, target shooting, fencing, etc. Sila ang naghikayat sa kanya para matuto nito. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status