Share

Chapter 2

"Carla pinapatawag ka ni ma'am Lila." wika ni Margie sa akin.

Si Ma'am Lila ang may ari ng ampunan at nagpapatakbo rito.

"Oo Margie andyan na, magbabanlaw lang ako ng kamay, dali dali akong naglakad dahil baka pagalitan nanaman ako.

Pagdating ko sa opisina ni ma'am Lila ay agad akong kumatok.

"Ma'am Lila nandito na po ako," ilang saglit pa bago sumagot si ma'am.

"Yes Carla pumasok ka," binuksan ko kaagad ang pinto at pumasok, pero bago pa ako makapasok ay napansin ko na ang magandang babae na nakaupo sa sofa.

Siguro nasa 50 plus na siya, pero Hindi halata dahil sa taglay niyang ganda at sobrang kinis ng balat.

Sa itsura pa lang nya ay napaka yaman na kung titigan mo sya ay parang sobrang taray ng mukha.

"O Carla maupo ka muna." sabi ni ma'am Lila habang itinuro ang upuan.

Agad naman akong umupo sa may upuan na malayo ng konti sa sofa at sa misa ni ma'am Lila.

"Carla sya nga pala si Madame Thalia Marco at ikaw ang napili nyang bilhin. " sabi ni ma'am Lila habang napatingin ako sa babae.

"Ikinagagalak kitang makita iha, 'wag kang mag alala mabait naman ang anak ko, dahil sya ang magmamay-ari sayo," nakangiting sabi ni Madame Thalia sa akin.

Ang akala ko masungit si Madame pero 'di pala siguro mabait din ang kanyang anak katulad niya.

Masaya akong lumabas sa opisina ni ma'am Lila sa wakas may bibili na rin sa akin, sana paaralin nila ako kagaya ng ibang mga kasamahan kung nabili na dahil sabi ni ma'am Lila 'di naman daw malulupit ang mga bumibili sa amin yong iba pa nga ay pinapaaral daw nila.

"Carla kumusta anong kailangan sayo ni ma'am lila? " tanong ni Margie sa akin.

"Okay lang Margie alam mo ba may bumili na sa akin," tuwang sabi ko kay Margie.

!Talaga Carla, masaya ako para sayo mabuti ka pa ako kaya kailan mapipili," napansin ko ang lungkot sa kanya.

"'Wag kang mag alala Margie malay mo malapit ka na rin maka alis dito,"

"Sana nga Carla oo nga pala kumusta naman ang nakabili sayo mabait ba?" nakangiti niyang tanong sa akin.

"Oo Margie mukhang mabait naman pero sabi ni madame ay sa kanyang anak daw ako mag silbi, siguro mabait din ang anak niya kasi mabait naman si madame,"

Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Euvona Aguila
Hindi palareho maganda ang mga nilalaman ng bawat pahina
goodnovel comment avatar
Euvona Aguila
pareho ang laman ng chapter 2 at 3
goodnovel comment avatar
Amy Pandaan
mgandang kuwento
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status