Share

Chapter 3

Masaya akong lumabas sa opisina ni ma'am Lila sa wakas may bibili na rin sa akin, sana paaralin nila ako kagaya ng ibang mga kasamahan kung nabili na dahil sabi ni ma'am Lila 'di naman daw malulupit ang mga bumibili sa amin yong iba pa nga ay pinapaaral daw nila.

"Carla kumusta anong kailangan sayo ni ma'am lila? " tanong ni Margie sa akin.

"Okay lang Margie alam mo ba may bumili na sa akin," tuwang sabi ko kay Margie.

!Talaga Carla, masaya ako para sayo mabuti ka pa ako kaya kailan mapipili," napansin ko ang lungkot sa kanya.

"'Wag kang mag alala Margie malay mo malapit ka na rin maka alis dito,"

"Sana nga Carla oo nga pala kumusta naman ang nakabili sayo mabait ba?" nakangiti niyang tanong sa akin.

"Oo Margie mukhang mabait naman pero sabi ni madame ay sa kanyang anak daw ako mag silbi, siguro mabait din ang anak niya kasi mabait naman si madame,"

"Eh ano ba'ng anak niya Carla?" tanong niya ulit sa akin.

"'Di ko alam eh nakalimotan ko pa lang itanong kung lalaki ba o babae,"

"Okay lang 'yon Carla basta mag ingat ka don ha at sana 'wag mo din akong kalimutan," Niyakap ko siya dahil sa kanyang sinabi.

"Ano ka ba Margie oo naman alam mo naman na para na kitang kapatid diba?"

"Oo Carla basta hanapin kita kapag naka labas na rin ako dito," nakangiti niyang wika sa akin.

"Oo Margie," ngiting sagot ko sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status