Share

Chapter 4

Binilisan kong iligpit ang aking mga damit upang pagdating ni madame Thalia ay handa na ako, konti lang din naman ang mga gamit ko dahil wala naman kaming pera pambili ng mga gamit namin.

Tanging mga bigay lang ito ng mga kasamahan namin na nabibili na.

"Mukhang excited ka naman masyado Carla." Napalingon ako kay Amy na nasa likuran ko.

"Kailangan ko kasing maghanda agad Amy para pagdating ni Madame ay maka alis na kami,"

"'Di ko alam kung anong nakita ng madame Thalia na yan sayo. Mas maganda naman ako sayo." masungit niyang wika sa akin.

Di na lang ako umimik sa mga pinagsasabi ni Amy sakin kasi aalis naman na rin ako dito, kaya hinayaan ko na lang sya at hindi rin naman ako mahilig makipagtalo.

"Carla andyan na ang sundo mo lumabas kana!" dinig kong sigaw ni Margie.

"Oh Carla pagbutihin mo ang pagsisilbi sa kanila ni Madame Thalia ha ayaw na ayaw kung mapahiya." bilin ni ma'am Lila sa akin.

"Opo ma'am," maikling sagot ko sa kanya.

"O sige umalis ka na at 'wag na 'wag kang pasaway doon dahil 'yon na ang bago mong tirahan." muli akong tumango sa kanya.

"Opo ma'am,"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status