Share

Chapter 6

"O Ambo 'yan na ba iyong binili ni Madame?" sabi ng babaeng lumapit samin medyo may katandaan na sya mukhang nasa 60 na siguro.

"Oo Gloria siya na nga," sagot ni Manong sa kanya. Ambo pala ang pangalan niya.

"O siya sige halika iha sumunod ka sakin, ako pala si manang Gloria ako ang namamahala dito," nakangiti niyang wika sa akin.

"Ako naman po si Carla manang, " nakangiti kong sabi sa kanya.

"Napakaganda mo namang bata iha ilang taon ka na?" tanong niya sa akin.

"18 na po ako manang,"

"Ah ganun ba masaya ako at ikaw ang napili ni madam para mag alaga kay Sir Dominic." Dominic? Siya pala ang magiging alaga ko? Siguro bata pa 'yon.

"Masaya rin po ako manang at ako ang napili nila," ngiting sagot ko sa kanya.

Lalaki pala ang anak ni madame bulong ko sa aking isipan.

"O dito 'yong kwarto mo iha kung may kailangan ka itanong mo lang sa akin."

"Okay po manang salamat po," nakangiti kong pasalamat kay manang. Mabuti na lang at mabait sila.

Pagkatapos kong mailagay sa lagayan ng damit ang mga gamit ko ay lumabas na ako para tumulong kay manang.

Naabutan ko siya sa kusina at may mga kasama siyang mga babae, na nagsusuot ng damit na magkatulad at isang kulay lang, ano kayang tawag sa ganyan bakit kaya sila mag-katulad? Hindi ko mapigilang malito habang nakatingin sa kanila.

"O Carla halika dito para makilala mo ang ibang mga kasamahan natin, ito nga pala si Elma siya ang naka tuga sa laundry," pakilala ni Manang sa kanila.

"Kumusta po kayo ate Elma," ngiting bati ko dito, siguro nasa 40 na din si ate Elma.

"Okay lang ako Carla," bati din nya habang naka ngiti sakin.

"O ito naman sila Janice Lea Naomi at Kyla," ngumiti ako sa kanila habang napansin ko naman ang pagtaas ng kanilang kilay.

"Kumusta po kayo," nakangiting bati ko sa kanila, ngunit 'di sila kumibo kaya hinayaan ko na lang, siguro nasa 20 na sila,

"O Carla kumain ka na muna habang wala pa ang mga amo natin," yaya sa akin ni ate Elma, kaya tumango ako sa kanya.

"Salamat po ate," ngiting wika ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status