Share

CHAPTER 04

"Nagbaon ka ba ng biscuit, Sophia?" tanong sa akin ni Mama.

"Opo, Mama." sagot ko mula sa labas.

Nagsisintas na kasi ako ng sapatos. Nakalabas na ang haring araw dahil nahuli akong nagising ngayon. Balak ko sana na sumabay kay Papa upang makatipid ako ng pamasahe.

Ang kaso lang ay tinanghali ako. Kung nagising lang ako ng mas maaga, edi sana nakaalis din ako ng maaga. Maiiwasan ko rin sana ang traffic.

Dahil sigurado akong maraming luluwas ng Maynila ngayon, parte nang dahilan ay Lunes kasi. Napahilot ako sandali sa aking sentido. Sa Quezon City kasi ang opisina ng Berkshire & Rockefeller Entertainment Media.

"Ma, alis na po ako!" sigaw ko.

"Sige! Ingat ka ah!" sigaw ni Mama pabalik.

And I was out our house. I'm feeling a bit giddy knowing after today, I won't be jobless anymore. Armed with my transcripts, and my resume. I went onwards.

I'm too optimistic now. Too freakin' optimistic to care about the struggles of getting on the bus, people crowding and towering over me, and the aches my feet feels.

Alas diyes na, ayon sa relo sa aking pulso, nang makababa ako ng bus. Tama ang hinala ko na traffic palabas ng Marilao Exit dahil sa mga construction na ginagawa sa kalsada.

Naglakad na ako papuntang building ng Berkshire & Rockefeller Entertainment Media. My feet aches so bad as I take a hike to the building. Mas angkop pa nga yata na nag-tricycle ako.

At nakarating ako sa harap ng building quarter to eleven na. Natigilan ako nang nasulyapan ko ang tarpaulin ni Malcolm sa labas ng building. Tumigil ako roon at tumayo. Nakatitig ako sa seryoso niyang mukha at nangingiti.

I know that I've reached the level of obsession. Sometimes I'm scared of what I would become if I go any further.

But as a major fan, I would follow him anywhere. Kahit sa dulo pa ng mundo. Susunod ako sa kanya. I've even followed him in all of his social media accounts, and that's an obvious given.

Nagdududa na rin ako kung simpleng paghanga lang ba talaga 'to. Dahil kung hindi, pag-ibig na yata. Which is kind of impossible. Malcolm is in the tier of heaven, and I'm obviously a hundred million feet down below of him.

Pero tadhana na siguro ang gumagawa ngayon ng paraan upang mag-krus ang landas namin. This job applications is the answer!

Berkshire & Rockefeller Entertainment Media has a ton of work opened. From office works, design team - which I could fit in- personal assistants, and down to company drivers. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit mayroon silang mass hiring but this is my chance to be able to work with him.

Kahit mula sa malayo. Basta nasa iisang kumpanya kami. Okay na ako roon.

I'm so immersed in looking at Malcolm's face on the tarpaulin when I felt someone tapped me by the shoulder, "Excuse me, Miss. Are you applying for a job here?" binalingan ko ang tumapik sa akin at ni-head to foot ko ang babae. Tapos ay nginitian niya ako.

Agad nagpataas-baba ang aking ulo, "Yes po, Ma'am! I would like to, I have my complete documents here," sabi ko sa kanya. "Nagpasa na rin po ako ng application online." I showed the woman the brown envelope that I was holding.

Inilahad niya ang kamay para sa aking mga dokumento at iniabot ko naman ang hawak na envelope. Bahagya niya pang sinilip ang laman noon bago ibinalik ang tingin sa akin.

The woman looks smart and classy with her gray pantsuit, high heels, and her hair is pulled back in a tight ponytail. She obviously radiate not just the fancy aura but also power.

"Come with me." sabi niya sa akin. She lead the way and I followed behind her to the entrance. I watched the woman passed by the security without any hassle. And when I followed her, I was immediately blocked by the same security personnel.

"Hep!" pigil niya sa akin. Tinignan ako nang guard mula ulo hanggang paa. "Sandali, ikaw yung babaeng nakatayo roon sa harap ng tarpaulin kanina diba?" tanong niya sa akin. Nginunguso pa ang tarpaulin sa harap.

Napalabi ako, "Opo, Manong. Pero kasama ko po 'yung babaeng nauna sa akin." turo ko sa babae na sinundan nang tingin ni Manong guard. Hawak pa naman niya iyong mga documents ko. 

Hindi biro ang laki nang binayaran nang magulang ko makuha lang 'yung credentials ko tapos hindi mababalik sa akin? Hindi naman issue na hindi ako ma-hire. Gusto ko lang ay kahit ibalik lang 'yung envelope ko. Pipila na lang ako o maghahantay ng tawag mula sa B&REM para sa interview.

"Weh? Maniwala ako sayo?" the guard sarcastically told me, "Si Ma'am Maddie isasama ka papasok?" the guard even lightly chuckled at me like I made a joke or something.

Kinagat ko na lang iyong labi ko at binaba ang tingin sa sahig. Nagtapos ako ng BA in Multimedia Arts sa St. Ignatius University. I graduated as a scholar and a Magna Cum Laude. My parents were proud when I finished college in flying colors, then I'm being belittled here right now. 

Why does people had this toxic trait, judging someone base on what they see.

I was already close to crying and walking away. Nang maringgan ko ulit ang boses nang babae kanina. "Kuya anong nangyayari dito?" kalmado niyang tanong doon sa security. 

"Eh kasi Ma'am itong babaeng 'to." turo niya sa akin, "Kanina po ay nakatayo roon sa harap ng tarpaulin ni Sir Malcolm, ngayon naman po ay papasok ng building." pagsusumbong nito.

I frowned at him. I clutched the hem of the shirt I was wearing. I'm feeling all sorts of emotions but embarrassment was supremely reigning.

"Let her in, Kuya." utos nito, mahinhin pang humagikhik. "She's an applicant, and I'm going to interview her."

Pareho pa kaming natigilin nang mga security personnel na naroon. Natigilan at natulala pa ang iba roon sa babae bago natauhan at agad tinignan ang aking bag. Inabutan ako ng lady guard ng visitor's ID ngunit hindi na nila nakuha ang aking ID. Sayang at maganda pa naman ako doon sa Alumni ID na iiwan ko sana.

Nang makapasok ay nakasunod lang ako roon sa babae. Medyo lumapit pa ako ng kaunti para alam ng lahat na magkasama kami. Ayoko na maulit ang nangyari doon sa entrance. 

Nakasunod ako sa kanya papunta sa elevator banks. Pagkarating namin doon ay may ilang mga empleyado roon na binati siya. Binabati naman niya pabalik ang mga ito. Tahimik lang ako sa gilid, pabalik balik ang tingin ko sa marble tiles at sa kanyang likod.

I cleared my throat, "Ano, Ma'am, Thank you po pala kanina." sabi ko at sinundan siya papasok nang elevator nang magbukas iyon.

Nagsara ang mga pinto ng elevator na walang sumabay na empleyado sa aming lift. The others stayed behind even there's still much space inside the elevator.

Nakita ko siyang ngumiti mula sa repleksiyon namin, "You're welcome, ugh?" binalingan niya ako at lukot ang kanyang mukha, "What's your name, by the way?" tanong niya.

"Ano po, Sophia po, Ma'am." I told her, "But you can also call me Phia for short."

Pagkatapos noon ay tahimik ang naging pag-akyat namin sa ika-dalawampu't isang palapag. Nilalaro ko lang ang mga daliri ko. Minsanan pa ay binabalingan ko siya ng tingin sa tuwing bubuntong hininga siya ng malakas.

Nahihiya akong magbukas ng usapan. Dahil baka may masabi akong 'di maganda at hindi pa ako matanggap sa trabaho. Lalo pa't siya pala ang boss dito. Bahala na kung matuyo ang lalamunan ko, basta magkaroon ako ng trabaho.

The elevator stopped and opened by the 21st floor. I followed her out the lift, and we made way to the double doors at the other end of the hallway. May mga framed pictures ng mga artista doon. Naroon nga rin ang litrato ni Malcolm. Hindi ko napigilang 'di mapangisi dahil ang guwapo niya roon.

She dramatically opened the double doors the way it is opened in the films. Isang mahabang mesa na may maraming upuan ang naroon. Conference room yata 'to.

Agad niyang inukupahan ang kabisera, at inilahad sa akin ang upuan sa kanyang kaliwa. Ipinuwesto niya ang aking brown envelope sa kanyang harap.

"Welcome, Sophia, may I ask what position did you applied for?" tanong niya. Ipinatong niya ang kanyang magkabilang siko sa mesa at sinalo ng kanyang magkasalikop na kamay ang baba.

Iniayos ko ang upo ko bago sumagot. "Creative designer po." 

"Unfortunately, the slots intended for creative designers are already filled."

The hopes I have melted.

I already feel sick knowing there's no room for me here.

Binuksan niya iyong envelope na naglalaman ng aking mga credentials, ilang kopya ng aking resume, mga diploma, at mga certificates.

My insides are in knots. I feel like throwing up.

Pero tinignan niya ang bawat papel na parang interesadong interesado siya roon. Parang nagba-back flip na ang mga organs ko sa nerbyos.

She cleared her throat, and stacked my credentials neatly. "So, Sophia your full name is, Sophia Kristalene Feliciano Grande."

I nodded, "Yes, Ma'am."

"You're born August 3, 1997, in Manila."

I nodded, "Yes, Ma'am."

"Hometown is in Marilao, Bulacan. Studied in the same province all the way to highschool, and took college in Manila." 

I nodded, "Yes, Ma'am"

A ghost of a smile is showing on her lips. She scoffed before looking at my resume once more. I didn't know why she's laughing. May mali ba roon sa resume ko?

"To be honest, your resume is rather qualified for creative designer, but the overflowing position available is personal assistant."

Nagsalubong ang kilay ko. Trabaho pa rin naman iyon diba? Anong masama doon?

"Kukunin ko po!" sabi ko

She was taken a back. Questions was obvious in her eyes. I don't feel like the need to say something.

Ang akin kasi ay trabaho pa rin naman ang pagiging personal assistant. Walang masama sa trabaho na 'yon. I can take any job.

"Why would you apply as an assistant if your credentials says otherwise," Maddison asked and clasped her hands like a bridge and rested her chin above it. "You could land to a much better position in this company, you can apply as a stage director with a good pay. You're so much better than just someone's assistant." She continued to grill me with questions.

"Ang sabi ninyo po ay personal assistant na lang ang may bakante at puwede naman po siguro akong umangat kung magkaroon ng puwesto?" 

Naiisip ko na ang sasabihin niya kung sakali. Baka sabihin niyang tatawagan na lang ako. That's an obvious scam. That just meant they won't call you back.

She sighed, "Can you perhaps be Malcolm's assistant muna for a while?" she told me.

I froze.

She definitely got me at Malcolm.

Walang pag-aalinlangang tumango ako, "Yes, Ma'am! Puwede po!" tutal ay sinabi ko naman na papatusin ko na kahit anong trabaho dahil hindi rin naman kalakihan ang nakukuha kong pay sa pagiging freelancer.

Kuripot at babaratin ka talaga ng ilan sa mga kliyente.

She broke into a smile, "Well then, Sophia, you're hired." sabi nito sa akin at inilahad ang kanyang kamay na tinanggap ko naman.

She reached for her phone, and dialled someone's number. "Bettina, please bring a contract here in the conference room," saying all this in her hush voice.

"Print the name, Sophia Kristalene Grande. Sophia with PH and Kristalene in K and not L-Y-N but L-E-N-E, Thank you Bettina." nang ibinaba niya ang tawag ay nginitian niya ako.

Iniabot niya sa akin ang kamay niya, "By the way, I'm Maddison Berkshire." I swallowed hard. I thought she's the boss but never did it crossed my mind that she's the President and CEO. I was interviewed by the head boss that early? Sana kahit pinadala na lang niya ako sa HR para less intimidating.

Malinis naman ang kamay ko. Ang kaso lang ay medyo pinagpawisan na ang palad ko sa kaba.

Hesitantly, I took her hand and shook hands with her. Siya naman ang nag-offer kaya tinanggap ko lang. Nginitian ko pa siya. Tapos ay nanahimik na ako.

15 minutes with utter silence, a woman strut her way to where Maddison was sitting. Eto na siguro 'yung Bettina na tinawagan niya. Inabot kasi nito kay Maddison ang dalawang folder na may logo nang Berkshire & Rockefeller Entertainment Media at lumabas na pagkatapos.

Nilapag ni Maddison sa harap ko ang isang folder at inabutan ng ballpen na tantiya ko ay mas mahal pa kaysa ang sapatos ko. Nasa loob ng folder ang kontrata na kailangan kong pirmahan.

Bago ako pumirma roon ay binabasa ko muna ang nakasaad sa bawat linya. Hindi maganda kung makasuhan ako for breach of contract for doing something I'm not aware of.

"Ilang taon po ang validity ng contract, Ma'am?" biglang tanong ko.

Maddison's forehead creased, "6 months lang ang validity ng contract but you can extend or renew the contract whenever you want." sagot ni Maddison sa tanong ko.

"Wala ka na bang gustong ipa-bago sa kontrata?" tanong ni Maddison sa akin habang pinipirmahan ko na ang company's copy ng kontrata.

Umiling ako, "Wala naman na po, Ma'am. I can do anything for the sake of getting the work done. I can live without social media, I'm not that kind of person to post anything online, unless it's my artwork. Kaya ko rin naman pong mag-overtime kahit po araw-araw pa at available po ako 24/7 kahit sabi po dito sa kontrata ay may apat na day-off ako pero dapat on-call pa rin ako sa mismong day-off ko kaya papasok na lang po ako." sagot ko habang pinipirmahan na ngayon ang employee's copy.

"Are you sure? What about your health?" tanong nito sa akin.

Napaanggat ang tingin ko sa kanya at ngumiti. Baka pilitin ko pang pumasok dahil gugustuhin kong makita si Malcolm kesa maratay sa kama.

"Hindi naman po ako sakitin, malakas naman po ang resistensya at immune system ko kaya hindi po ako a-absent." sabi ko dahil ayon sa Mama ko ay kompleto naman ako sa bakuna.

Pagkatapos kong pirmahan iyon ay sinarado ko na ang folder at saka inilagay ang ballpen sa tabi nito.

Inabot ni Maddison ang folder upang tignan ang pirma ko sa bawat pahina nang kontrata. Ibinigay niya sa akin ang employee's copy nang kontrata.

"Get a lawyer and get the contract notarized for your own peace of mind," bahagyang natawa ako sa huling sinabi niya, "And if you have no more questions. I'll see you next week, Monday." sabi ni Maddison at saka nilahad niyang muli ang kamay upang makipagkamay sa akin. 

"Thank you, Ma'am!" nangiti ako habang nakikipagkamay.

She insisted on leading me back to the lobby. Pero siyempre mahiyain ako kaya tumanggi ako. Kaya't inihatid na lang niya ako sa elevator, siya pa ang pumindot nang button.

"Bye, Sophia!" kinawayan niya ako bago magsara ang pinto nang elevator. Tumango lamang ako dahil nahihiya pa rin ako.

Ibinalik ko ang visitor's ID sa guard at nagmadaling akong lumabas nang building. Nang medyo nakalayo na ako ay nagmadali akong ilabas ang aking phone upang matawagan ang aking Mama. 

"Hello?" sagot ni Mama.

"Jollibee delivery..."

"Punyeta, Sophia, anong meron?"

Natawa ako sandali bago sumagot. Kinikilig ako at masyado akong nae-excite para sa susunod na Lunes. Hindi lang trabaho ang nakuha ko, may pagkakataon na rin akong makita ulit si Malcolm!

"Mama, may trabaho na ako!"

"Ay! Mabuti 'yan!"

"Personal Assistant ni Malcolm!"

"Okay lang 'yan 'nak, 'wag mo na pangarapin 'yon..."

"Totoo nga!"

Nag-asaran pa kami ni Mama roon bago niya sinabing ayos lang naman kahit anong trabaho ang makuha ko  basta may suweldo at marangal.

Gusto ko pang sabihin kay Mama na hindi lang naman suweldo ang gusto ko. Si Malcolm din ang gusto ko.

Muli kong nilingon ang building nang Berkshire & Rockefeller Entertainment Media na hindi kalayuan at nangiti roon.

I'll see you next Monday, Malcolm.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status