Share

CHAPTER 05

Linggo nang gabi ay hirap akong makatulog. Sobra akong nae-excite sa aking unang araw na makatrabaho si Malcolm. Ngunit nakatulog naman ako nang alas onse kaya't alas tres y media pa lang ay nagising na ako.

Nag-unahan pa kami ni Papa sa banyo. Pero sa huli ay pinauna ko na siya para matulungan si Mama sa paghahanda ng aming babaunin.

My mother cooked Adobo. Kinikilig ako dahil isa sa paborito ko iyon. Matagal pa ulit ako makakatikim nang lutong ulam ni Mama. My cousin who lives in QC offered to let me live with her. Makikihati lang ako sa bayarin. Which is fine with me.

Naipadala na ni Mama ang ilan sa mga gamit ko roon noong Biyernes pa. Ang sabi ni Mama sa akin ay may kuwarto na nakalaan sa akin doon at naiayos na raw ang gamit ko roon.

Kaunti na lang ang pagpipilian kong gamit dito dahil naipadala na roon ang matitinong damit ko roon. Ngunit 'di pa rin ako makapili mula roon sa iilang natira kong damit.

Nakahanap na ako ng dalawang matino na damit. Simple lang kaya puwede na. Para sigurado ako sa susuotin ay bumaba ako upang tanungin si Mama. Naabutan kong naghahain na siya ngayon para sa almusal namin.

"Ma!" tawag ko kay Mama.

"Oh?"

Lumapit ako, "Alin dito sa dalawa ang magandang suotin? Ito ba o ito?" tanong ko kay Mama, binaba niya ngayon ang kutsara at tinidor at saka hinarap ako.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa hawak kong mga t-shirt. Seryoso ang tingin niya roon animo'y seryosong desisyon ang gagawin.

"Parehong pink naman iyan..." komento niya, "Pero tingin ko iyong nasa kanan, maganda..."

"Salamat, Ma!" sabi ko bago pumanhik muli sa aking kuwarto upang makapag-ayos. Isa pa, unang araw ko ngayon at ayokong ma-late ngayon.

Pagbaba ko ay nagsimula na sila Mama na kumain. Sinaluhan ko sila, ito na muna kasi ang huling beses na magkasalu-salo kami sa hapag.

Matapos mag-agahan ay nagpaalam na kami ni Papa kay Mama. Naglalakad kami ni Papa palabas ng subdivision at naghintay kami ng jeep. Pero dahil madaling araw pa lang, kaunti pa lang ang bumabyaheng jeep. Nang nag-ayang mag-tricycle iyong dalawa pang naroon ay pumayag na si Papa.

Tumigil ang tricycle sa palengke tapos nilakad na lang namin ang distansya ng palengke at terminal. Sa terminal ay doon kami naghiwalay. Papuntang Sta. Cruz ang bus na sasakyan ni Papa, ako nama'y papuntang Cubao.

"Sophia," tawag sa akin ni Papa.

"Bakit po?" tanong ko, tinitignan ko na ang maluwag pang bus na may karatulang pa-Cubao.

Inabutan niya ako ng pera, "Ito lang mabibigay ko sa'yo, magpapadala na lang ako sa suweldo ko para may pang-gastos ka hanggang sa suweldo mo..."

Tinanggap ko 'yung pera, "Salamat dito, Pa, pero may kaunti pang natira sa pera ko, kasya na iyon hanggang suweldo..."

I've always saved up money even though I'm splurging on merchandise and collections. I saved 5%-10% of my commission's money because I don't want to burden my parents of money in any way after I've graduated.

"Mag-ingat ka Sophia. Susunduin ka nang pinsan mo mamaya pagkatapos ng trabaho mo, doon ka na muna titira sa kanya tuwing may pasok ka para malapit lang sa trabaho mo at 'di ka ma-hassle sa araw-araw na pasok mo..." bilin sa akin ni Papa habang nilalakad namin ang kaunting distansya papunta sa bus.

"Opo, Pa."

Iniabot niya sa akin ang kapirasong papel, "Eto ang number nang pinsan mo, tawagan mo na lang siya bago ka matapos sa trabaho mo." sabi sa akin ni Papa at saka niya ako inudyok na umakyat na ako ng bus.

"Papa, ingat ka po." sabi ko sa kanya bago tuluyang pumanhik at naghanap ng puwestong bintana ang katabi.

Kinawayan ko mula sa kinauupuan ko si Papa na nasa labas. Kinawayan ako pabalik ni Papa bago umalis at pumila sa katabing bus na ang ruta ay diretso sa terminal ng Sta. Cruz, Manila.

Ilang sandali pa lang akong nakaupo roon ay marami ng tao ang sumakay pero maluwag pa rin ang kabuuan ng bus. Sa tabi ko ay may umupong estudyante. Mula sa tabi ko'y kita ang kanilang pag-uusap sa Messenger, kaya umiwas na lang ako ng tingin bago ko tuluyang basahin ang kabuuan ng kanilang conversation.

Sadyang madilim pa ang labas dahil wala pa namang alas siyete. Wala pang araw, kaya siguradong mabilis lang ang biyahe kung aalis na 'to ngayon.

Maya-maya lang ay umakyat na ang konduktor at binilang niya ang mga bakanteng upuan at saka tumayo sa pinto, "Maluwag pa! May mauupuan pa po. Ma'am meron pa pong mauupuan. Boss! Meron pa." tawag ng konduktor sa mga pasahero sa labas pero walang umakyat para sumakay.

Ayon sa relo ko ay 4:45 pa lang naman. Hindi naman ako nagmamadali dahil ang sabi naman sa e-mail na natanggap ko nung Biyernes ay alas otso daw ako magre-report sa HR. Ang alam ko at sigurado akong wala pang gaanong traffic sa daan sa mga oras na ganito kaya panatag ang loob ko.

'Di rin naman nagtagal ay umalis na rin ang bus. Nasa tapat na kami ng public school ng Loma de Gato nang singilin ako ng konduktor ng bayad sa pamasahe, inabot ko ang pera na binigay ni Papa, "Mother Ignacia po." sabi ko at saka ko bumaling ng tingin sa TV na balita ang palabas.

"Estudyante?" tanong ni kuyang konduktor.

Umiling ako, "Hindi po." sagot ko, at muling binalik ang tingin sa balitang inuulat ni Tyang Amy.

"Estudyante?" ulit pa ni kuyang konduktor sa akin.

Nilingon ko pa ulit siya, "Hindi po, Kuya." sagot ko ulit sa kanya. Nakakunot ang noo niyang nagpi-pindot ang konduktor sa kanyang thermal ticketing machine at saka inabot na sa'kin ang ticket na sinulatan nniya

"Sandali lang sa sukli, Miss ah." sabi nang konduktor at lumipat na sa likod.

Nagkibit balikat na lang ako at itinago sa bulsa ang aking ticket. Hindi ko ma-gets kung bakit ilang ulit niyang tinanong kung estudyante ako. Ilang buwan na rin naman akong nakapag-tapos. Ilang buwan ring tambay.

Tama nga na medyo mabilis ang biyahe. Parte na barumbado pang magmaneho ang driver kaya 6:30 pa lang ay nakababa na ako ng bus. Sinigurado kong nasa loob ang mga valuables ko dahil mahirap na manakawan ngayong oras ng araw.

Binagalan ko ng kaunti ang aking lakad kaya siguro ay narating ko ang opisina ng alas siyete. Naghintay ako sandali sa receiving area ng building bago umakyat sa floor ng human resources.

Mabuti at maagang pumasok si Miss Dina, ang head ng HR department.

"Good morning, Sophia!" bati niya sa akin.

Tumungo ako ng kaunti, "Good morning rin po, Ma'am."

Itinuro niya ang upuan sa harap ng kanyang desk, "Upo ka rito, may kaunting ibibilin lang ako sa'yo..."

Ginawa ko naman ang sinabi niya. Umupo ako roon at tinitigan ang kayang buong cubicle. Maayos ang mga gamit ni Miss Dina, at marami siyang mga frame na may picture ng kanyang graduation picture at siguro'y mga magulang nito.

"Kay Sir Malcolm ka pala nagwo-work," biglang sabi nito, "My father works as Sir Malcolm's driver, wala na pala akong masasabi kung 'di medyo makalat ang condo ni Sir Malcolm ngayon..." humagikhik siya.

"Bakit po?" wala sa sariling natanong ko.

Natigil itong humagikhik, "Pasensiya na, 'yung huli kasing PA ni Sir Malcolm eh nagbebenta ng mga impormasyon sa media maging 'yung taga-linis sa condo niya kaya 'yon nga..."

Ang agang tsismis naman 'to. Pero kaya ko naman mag-all around. Wife material kaya ako! Sophia, best girl.

"Sasabihan ko si Papa na hintayin ka na sa lobby," sabi niya habang may kinukuha sa kanyang drawer. Iniabot niya iyon sa akin, "Iyang iPad nakalagay na ang mga schedule ni Sir Malcolm, at 'yung phone ay number mo para madali kang ma-contact at para na rin 'di mo gamitin ang personal number mo."

Tapos noon ay nagpaalam na ako. According his schedule, he has a photoshoot at 2 o'clock, a radio guesting by 5 o'clock, and lastly was an interview with Sir Boy Abunda at 7 o'clock.

Nabanggit ni Miss Dina na hindi naman kalayuan dito ang condominium ni Malcolm. 20 minute drive lang daw. Kung lalakarin ba? Mga ilang oras?

Bago pa ang pagtatangka kong gawin ay sinalubong ako ni Mang Ferdinand, ang driver ni Malcolm at ang tatay ni Miss Dina.

"Ikaw ba si Miss Sophia?" tanong niya sa akin.

Tumango ako bilang sagot, "Opo, at Sophia na lang po."

"Ah sige! Kunin ko lang ang kotse, diyan ka lang!" sabi nito, "'Wag kang aalis, sandali lang ako..." pahabol pa niya bago ito nawala sa paningin ko.

Nanatili ako roon tulad ng sabi sa akin ni Mang Ferdinand. Tinignan ko pa ang schedule ni Malcolm sa buong linggo. May ilang mga guesting siya sa umaga, shooting, at may mga taping pa.

Ilang sandali pa ay may humintong puting kotse sa harap ko, bumukas ang bintana at si Mang Ferdinand iyon. Sinabihan niya akong sumakay na sa likod na siyang ginawa ko.

"Sa penthouse si Sir Malcolm, hija..." sabi sa akin ni Mang Ferdinand nang ibinaba niya ako sa entrance.

It's true that Malcolm's residence isn't that far from the office. Its distance can pass for walking, if it was okay for you to walk for an hour. Don't get me wrong, it's environment friendly and cheap if you walk but time efficient if you waste gas - which is rather bad since the environment we have now is polluted.

Bago ako bumaba mula sa kotse ay kinuha ko ang iPad maging ang phone mula sa aking bag. Parang secretary ba ang trabaho ng isang personal assistant?

I'm not entirely knowledgeable in this field... But I guess, I just have to learn how.

I marched to the reception. A woman in a neat uniform welcomed me with a smile, "Good morning, Ma'am, what floor po?" tanong niya sa akin.

"Penthouse po," sagot ko at lumapit upang bumulong, "kay Malcolm Humphries po."

Tumango lamang ang babaeng receptionist at tinuro ang papuntang elevators. Nasabihan ba silang may bagong personnel si Malcolm? Maybe. Maybe she's just professional...

"Thank you." pasasalamat ko bago ako tumuloy papuntang elevators.

Mabagal akong naglakad patungung elevator, muli ko kasing tinignan ang schedule ni Malcolm para sa buong araw na 'to. Hindi siya gaanong busy ngayon dahil tatlo lamang ang appointments niya.

When the elevator doors opened, I immediately went inside while checking his schedule for tomorrow naman.

As the elevator doors are slowly closing, someone slips a hand on the door causing it to halt and opens once again. Napaanggat ang tingin ko, it was Hendricks Smythe in flesh this early morning!

"Good morning, Miss!" he greeted me.

I just nodded at him as my way of a reply. I can't freak out. I'd lose face if I make a mess of myself in here, at early morning too!

"Miss, what floor?" he asked nonchalantly as he pressed 22 and gave a side glance.

"Uhmm, penthouse." I whispered.

"Bago ka ba dito sa tower? This is the first time that I see you here but you are quite familiar." he asked while he was looking the LCD flashing red numbers by the upper side indicating the ascending floors.

"Hindi ako taga-rito," napakamot pa ako sa aking leeg, "Bet ko nga ay 'di ko kayang bayaran ang down payment sa condo na studio type nitong building na 'to eh." sabi ko na kinatawa naman niya.

He snapped his fingers, "You must be Malcolm's new assistant, right?" his stares found me and he smiled at me. "You said, penthouse. It took me a moment to realize that Malcolm owned the penthouse."

"Oo eh ako nga 'yung bagong assistant ni Malcolm." napaiwas ako sa kanya ng tingin.

"I'm Hendricks Smythe, nice to be your acquaintance..." he introduced himself, and offered his hand for a handshake.

Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay, "Sophia Grande, I'm a bit of a fan, at gusto ko nga pala 'yung role mo bilang Travis Deville sa Thy Fated at saka Renz Cortez Martinez sa Her Angels and His Demons! Tapos siyempre gusto ko rin 'yung bida kontrabida na role mo sa bagong teleserye mo ngayon na The Victims of Love!" nabitawan ko ang kamay niya at kinagat ang aking labi.

Eto na nga ba ang sinasabi ko! Nagkalat na ako. Gumana na naman ang matabil kong dila.

Pero agad akong natigilan nang napuno ng kanyang halakhak ang buong elevator. I'm confuse as to why he chuckled at my outburst...

Does he find me comical?

Maybe.

I get real crazy sometimes with my fangirling tendencies...

"Oh! So you're watching my telenovela?" tanong niya sa akin at ngumiti, "but thank you for watching it." pagpapasalamat niya sa akin.

I nodded, "You look exceptionally good wearing three piece suits while holding guns. Lol! Pero totoo 'yung guwapo ka! Idol ka nga nang mga teenager na kapitbahay namin! Pati 'yung college friend kong si Jessica!" sabi ko pa na may pagmamalaki.

"Jessica?" Hendricks asked and eyed me from head to foot. I awkwardly smiled at him. Naaalala niya kaya ako? Ako na muntik na malaglag sa stage last year?

The elevator stopped and opened at 22nd floor, his floor. "I'll go on ahead, Sophia." he said while holding the elevator doors, preventing it from closing.

I smiled, "But you know, you can call me Phia for short kung bet mo lang ng mas maikli." sabi ko sa kanya at kinindatan pa siya. He even chuckled and waited outside as the elevator doors closes.

Nakahinga ako ng maluwag nang maiwan akong mag-isa roon. Nagpatuloy sa pag-akyat ang elevator hanggang tumigil ito sa ikalawang palapag bago ang roof top.

I was welcomed by the empty foyer. Guilded mirrors are found at both side of the double doors, in front of the mirrors was well-established luscious green plants.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras para pagalain ang mga mata ko sa kabuuan nang palapag. Imbes ay dumiretso na ako sa pinto, ngunit agad ding natigilan nang mapansin ang keypad sa tabi ng door knob.

I scramble for the passcode. Ang bilin sa akin ni Miss Dina ay nasa memo raw ng iPad. I pressed the numbers and it clicked open.

Nang buksan ko ang pinto agad kong nabungaran ang isang painting. It was a landscape painting of the streets of New York. It was easily recognized as it was the bustling Time Square. Sandali akong natigilan doon at pinag-aralan ang painting.

It's a acrylic paint on canvas. I didn't know that he likes art?! Kung alam ko lang ay nagdala na sana ako ng ilan sa ginawa kong art para sa kanya.

I moved from the receiving area to the living room. Magulo roon, maraming nakapatong na damit sa couch.

I sighed.

What a way to start the day...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status