Share

MARUPOK GIRLS #2: Zimry Callueng
MARUPOK GIRLS #2: Zimry Callueng
Author: Sisa Pasicolan

SIMULA

The strong smell of coffee assaulted my nose as I entered the shop. Iginala ko ang paningin sa paligid. Different kinds of robots are doing their own purpose.

Wiping the tables, sweeping the area, assisting the customers, others are in the kitchen. Tanging isang tao lang yata ang empleyado rito, ang manager, na mukhang siya rin lang ang may ari ng coffee shop na ito.

And that's the saddest part nowadays. There's too much technology. Na wala ng gaanong trabaho para sa mga tao.

The relaxing and perfect ambiance made me forget that I'm going to meet my son's father here. Sobrang taliwas ng lugar sa kung ano ang nararamdaman ko. 

Nang namataan ko siya ay para akong nanigas sa aking kinatatayuan. He's staring at me intently, he looks ruthless! Nakahilig ito sa upuan at naka-krus ang mga braso.

It took me a few minutes of thinking before I finally decided to walk towards him.

"Morning," bati nito 'saka tumayo para bigyan ako ng upuan.

"Thanks!" I firmly said to hide my nervousness.

May pinindot siyang button na nasa gitna ng mesa. And in just a few seconds, may bumabang monitor sa harap namin.

"What's yours?" seryosong tanong niya sa akin ngunit ang tingin ay nakatoon sa menu.

"Caffe latte," sagot ko habang inililibot ang mga mata sa paligid.

"Don't you miss hot pandesal? Meron sila rito." My heart skipped a bit when he gave me a small smile. 

Bakit ba ako nagkakaganito? Ang tanda ko, galit ako sa kaniya. Ngayong nasa harap ko na siya, mukha akong natatameme. All my rational thoughts are nowhere to be found now. Ugh!

"No, thanks." Nagkibit-balikat siya at muling kinalikot ang monitor para sa order namin.

Nang matapos siya ay pinindot niyang muli ang button at dumeretso na sa itaas ang monitor.

Maya-maya ay nahiwa ang lamesa namin sa gitna at lumabas ang dalawang kamay na gawa sa bakal.

"Your order. Enjoy your stay!" kasabay ng paglapag ng mga order namin ay ang maligayang tinig mula sa isang robot ang narinig namin.

Nang okay na ang lahat ay kusang lumubog ang kamay at bumalik sa ayos ang lamesa. Ngunit kahit na ganoon ay wala pa ring kumikilos sa aming dalawa. Tanging nakakabinging katahimikan ang namayani sa amin.

I suddenly realized how chaotic our life is.  I shouldn't be here with him in the first place. But for my son, I can swallow my pride.

"He's my son." It was a statement not a question. His jaw moved aggressively as his eyes was filled with so much emotions.

I pursed my lips and stared at him blankly. Ang nawawalang galit ko kanina ay biglang bumalik sa akin.

Minahal ko si Harley nang sobra. I even gave him everything, 'yong tipong wala na akong itinira para sa sarili ko. Ilang beses kong sinubukang sabihin sa kaniyang buntis ako at siya ang ama. Kinain ko ang pride ko para lang ipaalam ang aking sitwasyon.

Ngunit puro pasakit lamang ang natanggap ko sa kaniya. I'm at fault, yes. Pinaghiwalay ko sila ng mahal niya.

Well, karma's a bitch, Zimry!

"Bakit hindi mo sinabi?" His brooding eyes bore into me like daggers.

"Are you kidding me?" I said with pure annoyance. I was trying to fight the sudden burst of extreme emotions that I had inside me.

Ilang minuto siyang natahimik, nakatitig lamang sa akin. Maya-maya'y umawang nang kaunti ang labi. He stared at me with fearful eyes now.

"Buntis ka noon..." nanlaki ang mga mata niya ngunit agad ding pumikit 'saka marahas na ginulo ang buhok.

Nakatingala siya sa itaas habang sapu-sapo ang mukha. Bumubulung-bulong din ito. 'Tila minumura ang sarili.

I smiled a bit while staring at him. He's bulkier now. I've never seen him for four years. He matured. Siguro kung marupok pa rin ako pagdating sa kaniya, kanina ko pa siya niyakap at hinalikan. But I'm not that Zimry anymore. 

Iniwan ko ang dating Zimry noong umalis ako ng Pilipinas. Now, I already moved on. Wala na sana akong balak umuwi rito pero kailangan dahil ikakasal ang isa sa mga kaibigan ko.

"I'm sorry, I'm really sorry." Tumitig siya sa akin. He looked problematic and frustrated. I knew he was on the verge of crying.

I blinked twice before looking away. I suddenly felt guilty. Pero kasalanan niya kung bakit ko inilayo ang anak namin sa kaniya!

Ninamnam ko ang galit at poot bago siya muling hinarap.

"Halos ikadurog ko, tapos sorry lang?" Tinaasan ko siya ng kilay, then folded my arms.

"I didn't know. Please, Zimry..." hinawakan niya ang kamay ko. Tears are falling from his eyes. Hindi ko tuloy napigilang paikutin ang mga mata ko.

"Stop your drama, Rye Harley. Tapos na. Kung gusto mong bumawi sa anak mo, go. Hindi naman kita pinipigilan." I gave him a disgusted look. At hinablot ang aking kamay kahit sobrang higpit ng pagkakahawak niya rito.

Humigop ako sa aking kape na ngayon ay lumamig na, but it's fine. Kaysa manuyo ang lalamunan ko.

I pressed the button on our table para tawagin ang robot waiter.

"Clean the mess," saad ko pagkarating nito. Tumango lamang siya bago itinapat ang kamay sa mesa. Umilaw ang kamay niya at sa isang iglap ay malinis na muli ang aming table.

Natapon kasi nang kaunti ang kape ni Harley kanina nang hinablot ko ang aking kamay.

"Done, enjoy your stay!" wika nito bago umalis.

"Buntis din si Angel noong panahong gusto mo akong makausap." Natigilan ako nang magsalita siyang muli. He fucked Angel while we're together, huh? 

"Really? Congrats!" I sarcastically said, almost rolling my eyes.

"Can we... start all over again?" he whispered, at hindi pinansin ang sinabi ko kanina.

"Nababaliw ka na ba talaga, Harley? Magsisimula akong muli pero hindi na ikaw ang gusto kong kasama. Hindi ako tanga para puluting muli ang itinapon ko na!" Natatawang sagot ko.

He stayed silent while I was laughing so hard. He looked so torn, angry, and problematic.

"Besides, hindi kita inoobliga sa anak ko. Kaya ko siyang palakihing mag-isa. Alam ni Rhy ang totoong estado natin. Na kahit kailan, hindi tayo mabubuo. And that's fine with him." Paglilinaw ko nang nanatili lang siyang tahimik at nakatingin sa akin. Baka iniisip niyang kaya kami umuwi ay para umeksena na naman sa buhay nila ni Angel.

No way! I will never do that again.

"Please. I can't live without you, Zimry." 'Tila nagmamakaawang saad niya. He let out a heavy sigh and looked away when his eyes shined with tears again.

"Then die." Natatawang sagot ko na 'tila nagbitiw siya ng isang joke. Bahagyang umawang ang kaniyang labi ngunit agad din niya itong itinikom.

"You've changed a lot..." komento niya habang pinupunasan ang mga luha.

"We're suppose to," kibit balikat kong sagot.

Mabigat ang paghinga niya at nakatitig na lamang sa mesa, malalim ang iniisip. Mukha siyang nakakaawa. But he can't get me with that trick. A dude can cry in front of you and still be lying.

"Zimryyyyy!" I smirked when I heard Lewisse's voice. Finally!

"Stop walking so fast, Ate! Kuya Zech will bugbog me if may mangyari sa 'yong masama!"

"Tumahimik ka! Nabuburyo ako sa'yo."

"Hi, Zim."

Ang tagal dumating ng mga bruhang 'to!

Pinapunta ko talaga sila rito para makatakas kay Harley. Honestly, hindi pa ako handang makita at makausap siya tungkol sa anak namin.

"Ah! Hello!" bati sa kaniya ni Lewisse. Ito lang ang nakangiti sa kanilang apat.

The others are just staring at him seriously. I even saw Natasha rolling her eyes.

Tinanguan lamang ito ni Harley, at agad ding ibinalik ang tingin sa akin. Tumayo na ako para magpaalam.

"Nice meeting you again, Harley. Mauna na kami." Agad kong itinago ang kamay ko nang akma niya itong hawakan. I packed my things and started leaving.

Rinig ko pang nagpaalam si Lewisse sa kaniya pero tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.

"Pwede mo kaming hintayin. Baka nakakalimutan mong may dalawa tayong kasamang buntis," malakas na saad ni Kiz nang makalabas kami sa coffee shop. Bumuntong hininga muna ako bago huminto.

"Okay ka lang, tol?" tanong ni Nowelle nang makalapit sila sa akin.

"Of course." Irap ko sa kaniya. Nagkibit-balikat na lang tuloy siya.

"Buti pinayagan ka pang gumala ng asawa mo?" balik tanong ko sa kaniya. Nakakapit siya sa braso ni Kiz habang naglalakad. Sobrang laki na kasi ng tiyan nito. Kambal ba naman ang dinadala.

"Umiyak 'yan kaya pinayagan." Tuwang-tuwang sabat naman ni Lewisse.

"Isa ka pa. Tigilan mo 'yang kakagalaw mo. Pagalitan ka na naman ng asawa mo." Pinanlakihan ko siya ng mata pero binelatan niya lang ako. Hindi pa rin nagbabago.

Si Kiz at Natasha lang talaga ang niyaya kong pumunta rito ngunit nagtampo ang dalawang buntis kaya sumama na rin sila.

Papunta kami ngayon kina Kiz para kunin ang gagamitin naming gown bukas sa kasal.

"Ouch! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Biglang sigaw ng isang babae kay Lewisse. Nagpapadyak pa ito sa inis.

"Halla! Sorry na!" Kinakabahang tugon ni Lewisse.

"What the f*ck!" mabilis kong tinabig ang kamay ng babae nang hinigit niya ang buhok ni Lewisse.

"Don't touch me. How dare you!" Pinalayo ko muna si Lewisse bago ko hinarap ang babae.

"Huwag mo akong duruin." Ngunit hindi niya ibinaba ang kamay niyang nakaduro. Nang-iinsulto pa itong tumingin sa akin.

Hinila ko ang kamay niya't pinilipit ito. Hindi ko ito binitawan hanggang sa nagsusumigaw na siya sa sakit.

"Bago ka magtaray, siguraduhin mo munang pantay 'yang kilay mo!" saad ko bago siya pinakawalan. Kita ko pang una niyang hinawakan ang kaniyang kilay kaysa sa braso.

Akala mo kung sinong umarte. Hindi niya yata alam na mukha siyang tipaklong!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status