Share

Fallen So Deep (La Castellion Series #1)
Fallen So Deep (La Castellion Series #1)
Author: heneralalcalde

Simula

"What the hell, Kiro?! Bakit ngayon ka lang?" salubong sa akin ng pinsan kong si Nathalia, nakahalukipkip at halos magkadikit na ang mga kilay.

Pumasok ako sa kusina at umupo sa harapan niya. Hinubad ko ang nakasukbit na guitar case sa akin, inilagay iyon sa may katabing upuan. Isang irap ang iginawad niya sa akin nang tingnan ko siya. 

Seriously? Pinapunta niya ba ako dito para irapan lang?

"Ano bang problema mo't nagmamadali kang papuntahin ako rito? May kailangan ka ba? May maitutulong ba ako?" sunod-sunod kong tanong. 

Kailangan kong bilisan kung ano man ito. Gusto ko nang umuwi dahil masyado akong pagod sa buong araw na pag-e-ensayo namin ng aming banda para sa nalalapit na pista dito sa La Castellion. Gusto ko nang mahiga at matulog nang mahimbing dahil panigurado bukas ay isang nakakapagod na araw na naman ang haharapin ko.

"Bakit ba kasi antagal mo? Dalawang oras na ang lumipas simula noong tawagan kita, ha!" She raised her perfect eyebrow.

I shrugged. "Alam mo naman na abala akong tao, Nathalia."

"Abala? Saan? Sa mga babae mo?" 

Sinamaan ko siya ng tingin. Here she goes again, reminding me how womanizer I am. Oo, babaero ako! Pero hindi naman ibig sabihin no'n ay nasa kanila lang ang atensyon ko. May banda rin ako!

"May sasabihin ka ba talaga? Kasi kung wala, uuwi na lang talaga ako." Umamba akong tatayo, pero agad niyang nahawakan ang aking braso at pinaupo ulit.

"Fine. I'm sorry, okay? Nagbibiro lang ako. Masyado kang pikon!" Humalakhak siya. "Manang, pakihapag na ang merienda na ipinahanda ko, please!" 

Mabilis na umaksyon ang dalawang katulong. Inihapag nila ang  dalawang baso sa lamesa, isang pitsel na naglalaman ng orange juice at isang kahon ng dark forest cake. Bago sila umalis ay isang matamis na ngiti ang iniwan nila, gano'n din ang ginawa ko. Sinalinan nila ang mga baso ng inumin.

Binalingan ko ulit ang pinsan ko na ngayon ay may ibig sabihin ang tingin sa akin. Hindi ko iyon pinansin. Humiwa ako ng isang pirasong cake at inilagay iyon sa platito saka sumimsim sa aking inumin.

"Naaalala mo pa ba ang biggest dream mo na sinabi mo sa akin noong mga bata pa tayo?" panimula niya na nagpakunot sa aking noo. "Na you want to have your own band, magkaroon ng milyon-milyong fans, at sumikat ang lahat ng gagawin niyong kanta? That's your biggest dream in life, isn't?"

Bumalik sa isipan ko ang araw na nagsabihan kami ng mga pangarap namin sa buhay. Maging isang dancer ang gusto niya, samantalang ako ay makabuo ng isang banda.  

And now, tulad ng pangarap niya dati ay naging isang magaling na mananayaw nga siya. Siya ang main dancer sa kanilang grupo. Samantalang ako, heto nakabuo na nga ng banda kasama ang mga kaibigan ko last year. Ako rin ang leader at gagawa ng aming mga kakantahin na kanta. Isa nalang ang goal ko para makamit ang akin, at iyon ang maging sikat kami. 

Alam ko naman na hindi importante iyon ngunit aminin man natin o hindi ay alam kong iyon din ang gusto nating lahat. Kapag kasi sikat ka, maraming susuporta sa'yo. Kapag maraming sumusuporta sa inyo ay mas lalo kayong gaganahan gawin ang trabaho.

Inilapag ko ang baso sa mesa. 

"So, what's with  my dream?" 

"Well," she smiled playfully, "I think I can help you with that now."

Tinaasan ko siya ng kilay. "And how would you do that?" 

"Well, may gusto lang naman sa akin ang CEO ng SSE. Kahit wala akong gusto sa kaniya ay sa tingin ko naman ay kaya kong pagsamantalahan ang feelings niya para sa akin at matulungan kayong makapasok doon na hindi dumadaan sa butas ng karayom."  

Parang nawala ang antok at pagod ko dahil sa narinig. Stepping Stone Entertainment. Isa iyon sa sikat na talent agency dito sa Pilipinas. Lahat ng hawak nilang talents ngayon ay sobrang sikat na, not just here but over the world. Isa na doon ang girl group nina Nathalia. 

Iyon din ang rason kung bakit nagpupursigi kami, lalo na ako, para makapasok doon. Maselan kasi kaya ayaw naming madaliin. Kailangan pa namin hasain ang mga sarili namin.

"Seryoso ka?" Halos abot tainga na ang ngiti ko. 

"Oo naman.  Alam ko naman na ito ang pangarap mo, and as your beautiful cousin, I'll help you to reach that dream of yours,"  tugon niya at sinimulan kainin ang hiniwa niyang cake.

Dang! I can't believe it! Matutupad na rin sa wakas ang pangarap ko!

"Thank you so much Nathal—"  Natigilan ako nang maarte niyang itaas ang kaniyang kamay. 

"Don't thank me yet because I will not help you for free." 

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko, unti-unting nawawala ang ngiti ko sa labi.

Sumimsim din siya sa kaniyang inumin,  nilapag iyon nang matapos. "Syempre, kung tutulungan kita, dapat tulungan mo rin ako. Wala ng libre ngayon, remember?"  

What the f*ck? 

Tulong naman saan?

"Anong klaseng tulong naman ang kailangan mo?" I asked, nakakunot ang noo. 

"Help me with my boyfriend,” tugon niya.

"May boyfriend ka?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Sumimangot siya na para bang na-offend sa sinabi ko.  What's wrong with that? Nagtatanong lang ako.

"Syempre! Hindi ka ba updated? Pinsan ba talaga kita?" she hissed and rolled her eyes again.

"Sino?"  

"Mayor Nikkolai Froy Servantes." 

Namilog ang bibig at mata ko sa sinabi niya. Nikkolai Servantes? Ang lalaking kinababaliwan niya? Ang lalaking kahit na anong gawin niya ay hindi siya nito pinapansin? Wow! Paano?

"Nakakagulat ba? Well, thanks to my Dad."

Tumango ako. Sabagay. Ayon sa pagkakaalam ko ay magkakilala si Tito Namiel at 'yung ama ng alkalde kaya siguro ang dating imposible para sa pinsan ko ay ngayo'y naging posible na.

Pero kung meron nga siyang boyfriend…

"Ano naman ang maitutulong ko?" 

Ngayon ay napalitan ng lungkot ang nakaukit kanina sa mukha niya. Bumuga muna siya ng hangin sa ilong bago nagsalita.

"Ganito kasi 'yan.” Pinagsalikop niya muna ang kaniyang mga daliri. "Eh, hindi ba nga boyfriend ko na siya? Ang problema ko ay kahit na may relasyon na kami ay hindi man lang niya ako hinalikan kahit isang beses sa tuwing may date kami. Ni hindi man nga lang niya mahawakan ang kamay ko! Hindi ko alam kung nandidiri ba siya sa akin or what!"

Pinunasan niya ang luhang pumatak mula sa kaniyang mga mata. Dang! Dapat pala ay naging artista na lang siya kaysa dancer, mas bagay sa kaniya iyon. 

"Naiintindihan ko naman kung he can't love me back yet. Naiintidihan ko. I can wait. Ang akin lang naman, sana ay hindi niya ginagawa iyon na para bang wala lang ako sa kaniya!"

"Oh, tapos?" I raised my right thick eyebrow. Wala naman kasi akong mahanap na puwede kong itulong. Sila ang dapat na umaayos no'n, right?

"At dahil sa ganoong pakikitungo niya sa akin, tingin ko tuloy ay isa siyang…" Pumikit siya at kunwaring binali ang kamay niya sa ere. 

Ilang segundo ko rin tinitigan iyon bago ko nakuha. 

Humagalpak ako ng tawa. What the f*ck, right? Seryoso ba siya doon? Ang alkalde na si Nikkolai Servantes ng La Castllion na siyang boyfriend niya ay isang…

"What the hell are you laughing at, huh?" she asked, maasim ang mukha. 

Kusa akong natigilan dahil sa reaksyon niya.

"Seryoso ka ba riyan sa hinala mo?" 

"I…I don't know. Kaya nga kailangan ko ang tulong mo." 

Mukang seryoso nga…

"Anong klaseng tulong nga? Just get straight to the point, Nathalia."

Muli akong uminom ng juice dahil sa pagod kakatawa. 

Muli siyang napapikit ng mariin at kinagat ang ibabang labi.

"I want you to make him fall in love with…you!" 

Naibuga ko lahat ng orange juice sa bibig ko, may naramdaman din akong umagos sa butas ng aking ilong dahil doon. Fall in love with who? With me?! I faced her again, still in shock. Siya naman ngayon ang humahalakhak na may kasama pang pandidiri sa kaniyang mata.

"Anong sabi mo?!" I exclaimed. "Tama ba ang narinig ko?" 

"Yes, you heard it right, Kiro. Kung kaya mong paikutin ang mga babae, for sure kaya mo rin sa mga gaya niya."

"No." Umiling ako. "Hindi ko gagawin 'yan"

She smirked. "Fine. You can now kiss your precious dream goodbye." 

Napamura ako. Kung hindi ko susundin ang gusto niya, mawawala na ang madaling daan para makapasok kami sa SSE at matupad ang pangarap ko. 

"Ano? Madali lang naman ang gagawin mo. Akitin mo lang siya ng akitin hanggang sa lumabas ang tunay niyang kulay," paliwanag niya. "And after that, ako naman ang kikilos for you." 

Hindi ko alam kung kaya ko ba iyon. Masyadong imposible lalo na't kung hindi sigurado itong pinsan ko sa hinala niya. 

"At ano naman ang gagawin mo sa oras na lumabas nga ang tunay niya na kulay?" seryosong tanong ko. 

Nagkibibt-balikat siya. "Hindi ko pa alam sa ngayon. I still love him. Bahala na kapag nagkaalaman na..." 

Katahimikan ang bumalot sa amin habang nag-iisip ako. This is a rare chance. Hindi ko alam kung tatanggapin ko iyon.

Grab it, Kiro! Ipagsawalang bahala mo na muna ang pride mo para sa pangarap mo! 

Huminga ako ng malalim. Tama! Hindi lang naman ako ang makikinabang sa gagawin ko. Paniguradong matutuwa ang mga kaibigan ko na makakapasok kami sa SSE na hindi dumadaan sa hirap. Bahala na. Kaya ko naman siguro 'to. 

"Okay. Basta kahit ano man ang kakalabasan ng plano mong 'to, tutulungan mo ako, ha?" paaalala ko. 

"Okay. So, ano? Deal?" Nilahad niya ang kamay niya. 

Tinanggap ko iyon. "Deal…"

Para sa pangarap!

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil nga sa aming ensayo ng aming banda. Pagdating sa studio ay malugod kong ibinalita sa kanila ang balitang may posibilisad na nga kaming makapasok sa SSE, tulad ng inaasahan ay grabe ang tuwa nila gaya ko. 

Nagsimula na kaming mag-rehearse pagkatapos no'n. Tinugtog namin ang mga kantang gagamitin namin para sa nalalapit na pista. Karamihan doon ay mga rock songs, OPM, at dalawang indie songs.  

Alas-singko na ng hapon nang matapos kami. Mabilis akong naligo sa banyo ng studio  bago umalis papuntang Municipal Hall. I'm just wearing a plain white v-neck shirt, black ripped jeans, and white shoes. Bitbit ko rin a balikat ko ang aking guitar case. 

Nagsimula na akong maglakad. Malapit lang naman kaya hindi na ako nag-abala pang sumakay ng tricycle, isa pa ay sayang din ang pamasahe na ibabayad ko.  

Matapos ang kinse minutos ay sa wakas, nakarating na rin ako. Tulad ng dati ay naabutan ko na naman ang iilang mga tao na nagwe-welga. May mga dala silang itlog at nabubulok na kamatis na mukhang ibabato na naman nila mamaya. Syempre ay hindi rin mawawala ang malalaking kariton kung saan nakasulat ang…

'Patalsikin ang mga Servantes sa luklukan ng bayan'  

'Magnanakaw ang mga Servantes, mga walang puso'

'Huwag gibain ang minahan, iyon na lang ang tangi naming pinagkakakitaan.'

Napailing nalang ako habang nakatutok ang mga mata doon. Hindi ko naman masisisi ang mga tao sa ginagawa nila. Mali nga naman kasi ang pamamalakad ng mga Servantes dito sa La Castellion.  They should have  do better for the sake of their constituents. Pero wala naman akong pakialam sa kanila, basta ba'y hindi rin nila ako pinapakialaman sa pambababae ko.  

Ilang sandali pa ay nakita ko ng isa-isang lumalabas ang mga guwardiyang suot ang kanilang itim na uniform at may tig-i-isang mga shield. Minuto ang nagdaan ay nasimulan ko ng maaninag ang  hinahanap ko.

I ready myself for the upcoming chaos.

"Nandiyan na ang mga magnanakaw!" sigaw ng isa at doon na nag-umpisang magsiliparan ang mga itlog at kamatis na tumatama sa mga shield. 

Kahit na ganoon ay parang hindi man lang iyon pansin ng alkalde na ngayon ay nakasuot ng long-sleeve polo na nakatupi hanggang braso na hapit sa magandang hubog ng kaniyang katawan, at parisukat na eye glasses. Diretso lang ang tingin niya, tila walang pakialam sa mga nagkakagulong mga tao. Pababa na sana sila nang  natigilan siya dahil may ibinulong ang kaniyang ama na nasa gilid niya saka ito muling pumasok.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at nagsimula ng makipagsiksikan at makipagtulakan sa mga tao. Sinubukan ko rin hawiin ang mga guwardiya at nagtagumpay naman akong makalapit kay Nikkolai Servantes. 

Madali kong hinawakan ang kaniyang kamay, ilalabas ko na sana siya pero pinigilan ako ng isa sa mga guard.

"Anong ginagawa mo? Bitaw!" sita niya. 

"Don't worry, I'm a good friend." I smiled to assured him. 

Mukhang nalito pa siya kung papayag ba siya o ano. Hindi ko na hinintay ang kaniyang tugon at mabilis na inilabas na doon ang alkalde. Halos lakad-takbo ang ginawa namin dahil hinabol pa kami ng mga nagwewelga. Hindi ko na rin inalintana ang mga malagkit na likido ng itlog na tumama sa akin hanggang sa makahanap kami ng isang eskinita at nakalayo sa kanila. 

We stopped running when he take off his hand on me and seriously looked T me. 

"Who are you?"  he asked using his cold and baritone voice that made him more manly. 

Bading ba talaga 'to?

Mapaglaro akong ngumisi at nilahad ang kamay ko.

"Kiro Amir Verona, your number one and hottest fan, Mr. Mayor." 

Hindi ko na siya hinintay  pa at ako na mismo ang kumuha sa kamay niya. Maghanda ka Mayor Nikkolai Froy Servantes dahil sisiguraduhin kong malulunod ka sa fake love ko at hindi ka na kailanman pa makakaahon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status