Kabanata 1.1
"Tuloy kayo, Mayor," I offered as soon as I opened the wooden door of our house. Nauna akong pumasok sa loob, dinampot ang mga nakakalat na balat ng sitsirya at papel sa sahig. Naramdaman ko ang pagsunod niya. "Pasensya ka na. Medyo makalat ngayon. Hindi siguro nakapaglinis ang mga kapatid ko."
"No,it's okay. Hindi rin naman ako magtatagal dito," aniya, nililibot ang kaniyang mata sa paligid ng aming bahay. "Ite-text ko na lang ang driver ko na sunduin ako rito as soon as possible."
Napamura ako sa isip ko. Hindi muna siya puwedeng makaalis ngayong may chance na akong mapaamin siya. May nabubuo akong plano sa isip ko na posibleng makapagpalabas ng tunay niyang kulay.
"Uh…I think, it's not a better idea kung aalis ka agad. Sigurado nasa labas pa ang mga naghahabol sa atin kanina at hinahanap ka pa rin. Hindi natin alam kung anong posibleng gawin nila sa'yo," palusot ko at nilapag na ang guitar case sa maliit at itim namin sa sofa.
His forehead creased while his hooded eyes seriously looking at me. "And why would I stay here?”
I bit my lower lip, nag-isip muli ng bagong palusot na sasabihin sa kaniya. Nang magkatinginan kami ay iniwas niya ang kaniyang mata, inilipat iyon sa mga litrato na nakasabit sa dingding namin na kulay krema ang pintura.
"Plano ko sanang makiag-inuman sa'yo," sabi ko at ngumisi. "Oo, tama! Mag-inuman muna tayo."
"I-inuman?" nauutal niyang sabi, napalunok, at 'di pa rin ako matitigan ng diretso.
"Inuman. Alak. Shot!"
"Hindi ako…" he gulped, "…umiinom."
I chuckled. "Imposible naman ata iyan, Mayor! Kahit sino naman hindi maniniwala diyan sa palusot mo. Huwag mong sabihin na hanggang ngayon gatas pa rin ang iniinom mo?"
Hindi siya sumagot doon, ibinababa ang tingin sa aming kulay putting tiles na sahig. Hmm…did I offend him? Huwag mong sabihin na totoo nga iyong biro ko? Lumapit ako sa kaniya at tinapik ang kaniyang balikat.
"Sige na, Mayor, pumayag ka na. Minsan lang naman. At saka bilang pasasalamat mo na rin sa akin sa pagligtas ko sa'yo sa mga nagwewelga," pilit ko pa. Naghintay ako ng ilang segundo bago ko matanggap ang kaniyang sagot na tango. "Ayos! Sige, maupo ka na muna. Kukuha na muna ako ng damit pampalit sa malagkit mong suot."
I tapped his shoulder three more times before I go upstairs. Sinindihan ko agad ang ilaw pagkapasok ko sa aking kwarto saka dumiretso sa luma kong aparador.
Hindi ko alam kung magugustuhan niya ba ang mga ito dahil hindi naman ito tulad ng mga isinusuot niya panigurado. Itim at puting mga shirts lang ang meron ako na ipapahiram sa kaniya na nabili ko lang sa ukay-ukay sa bayan, 'di ito tulad ng mga damit niyang libu-libo ang halaga. Iilan lang naman ang damit ko na branded, isinusuot ko iyon tuwing may gig kami. Hindi naman kasi afford iyon ng bulsa ko, at isa pa kailangan ko rin ipunin ang perang kinikita ko para sa pag-aaral ng dalawa kong kapatid na nasa kolehiyo na ngayon. Wala na naman ibang gagawa no'n dahil ako na ngayon ang nagsisilbing ama at ina nila.
Kailangan kong alagaan sila ng mabuti tulad ng sabi ng parents ko bago sila mabawian ng hininga dalawang taon na ang nakalilipas dahil sa isang aksidente. Nasagasaan sila habang pauwi sila.
Nahuli na rin naman ang suspek kaya nakuha ko na ang hustisya sa pagkamatay nila.Kinuha ko na ang isa sa mga puting damit na branded. Nagpalit na rin muna ako ng damit dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang lagkit ng itlog. Itim na boxer na lang din ang sinuot ko sa ibaba, tulad ng nakasanayan. Bumaba ako pagkatapos.
Pagbaba ay halos matapilok ako dahil sa patakbong paglapit sa akin ng kapatid kong babae na si Kylie. Naka-uniporme pa, mukhang kakauwi lang galing eskwelahan.
"Bakit nandito si Mayor Servantes? Anong ginagawa niya rito?" pabulong na aniya, parehas kaming nakatingin sa alkalde na nakatuon ang pansin sa kaniyang cellphone, nagtitipa.
"I saved him from his haters. Mag-iinuman kami," I whispered, too.
Her eyes widened. "Seryoso, Kuya?"
Tipid na tango ang isinagot ko sa kaniya bago ako lumapit sa abalang alkalde at ibinigay sa kaniya ang damit na aking ipapahiram.
"Pasensya ka na. 'Yan lang ang maayos sa mga damit ko. I hope it's okay to you." Iniabot ko sa kaniya na agad naman niyang tinanggap.
"Ayos lang. Thank…" Tumikhim siya. "Thank you." He smiled a bit.
"Welcome," sagot ko. "Uhm, ihanda ko lang 'yung alak natin. Feel at home." Lumakad ako papasok sa maliit naming kusina. Binuksan ko ang luma naming ref, kinuha ang dalawang bote ng gin at isang pakete ng strawberry powdered juice na tira namin noong nakaraang araw ni Kane, kapatid kong lalaki.
Nilagyan ko muna ng kalahating tubig ang aming kulay asul na pitsel bago ko simulan ang exciting part sa paggawa nito. I removed the bottle cap, and poured the powdered juice inside. Sinimulan ko na ang ganadong pagkusog sa bote para maghalo ang tamis at pait nito.
Sumulyap ako sa kung nasaan si Mayor Nikkolai nang marinig ko ang paghagikgik ni Kylie na ngayon ay nasa harap na nito, inaabot ang kaniyang cellphone sa alkalde.
"Puwede po pa-picture, Mayor? Fan niyo po ako." Umimpit siya ng kilig.
Napailing na lang ako sa inasal niya. Hindi na ako nagulat. She's been crushing him with her friends since he became a mayor of La Castellion. May time pa nga na nakita kong may hawak siyang printed picture ng alkalde.
"Picture?" kabadong tanong niya, hindi alam kung saan titingin— sa cellphone ba o sa kapatid ko.
"Opo, Mayor. Matagal na po akong may crush sa inyo, at ngayon lang ako nagkaroon ng chance na makita ko kayo sa malapitan, ayaw ko ng palagpasin pa 'tong moment syempre!"
Mayor Nikkolai bit his pinkish lips. Nasensyasan ko na ang nararamdaman niya kaya…
"Kylie, huwag mong kulitin si Mayor. Baka ayaw niya," suway ko, puno ang awtoridad bilang kuya.
He scoffed. "No, it's…okay. Picture lang naman, ayos lang sa akin. Give me your phone."
Abot-tainga ang ngiti niya nang iabot ang kaniyang cellphone. Hinanda ni Mayor Nikkolai ang camera, itinutok iyon sa kanila saka dahan-dahang ngumiti ng tipid.
Matapos ang isang shot, ibabalik na sana niya ang cellphone pero nag-request pa ang kapatid ko na damihan pa dahil once in a blue moon lang naman daw mangyayari ito.
Ibinalik ko ang aking pansin sa inumin na ginagawa ko. Naging kakulay na nito ang flavor ng juice. Ibinuhos ko sa pitsel ang kalahati ng laman nito, at ang natira sa bote ay inumpisahan ko ng sindihan gamit ang lighter. Kinusog ko ulit ang bote ng lumagablab ang apoy, ibinuhos ko rin ito pagkatapos.
Dang! For sure magiging masarap ito.
Gin plus juice is always the best!
"Thank you, Mayor! Guwapo niyo po talaga!"
Mabilis na iniwas niya ang kaniyang mukha nang amba siyang hahalikan ni Kylie sa pisngi. Natawa ako sa pamumutla ng kapatid ko dahil sa kahihiyan. Awkward niyang ngnitian ang alkalde bago siya kumaripas ng takbo patungo sa kaniyang kuwarto na katabi lang ng kusina at ibaba ng hagdanan.
"Pasensya ka na sa kapatid ko. Masyadong straight-forward talaga siya sa nararamdaman niya." Tinalikuran ko siya, kumuha ng pulutan sa cabinet. Chicharon at ilang sitsirya na lang ang nandito kaya kinuha ko na lahat at ikinabit sa isang tray pati ang mga iba pang gagamitin namin.
"Ayos lang. Nagulat lang ako sa balak niya." Tumunog ang notification niya kaya muli siyang humarap sa cellphone niya at nagtipa.
"Hayan, handa na!" Binuhat ko na ang tray. "Ano? Tara na?"
May pinindot muna siya bago niya tuluyang binulsa ang cellphone niya at tumayo.
Kabanata 1.2Maingat akong naglakad paakyat, iniingatan hindi mabawasan ang alak. Sayang kasi. Rinig ko ang bawat yapak niya mula sa aking likod dahil sa hagdan naming gawa lang sa isang matibay na kahoy.Una akong nakaakyat at nakapasok sa kuwarto, sumunod siya."Dito tayo...iinom?" tanong niya, muling pinapaikot ang mata sa bawat sulok ng kuwarto.Maliit lang naman ito. May isang double-deck bed kung saan kami natutulog ni Kane. Katabi no'n ang isang maliit na study table na siyang inuupuan ko kapag nagsusulat ako ng kanta. Sa bawat dingding naman ay nakapaskil ang iilang litrato namin ng mga kabanda ko at mga idolo kong banda."Hindi. Doon tayo sa beranda." Itinuro ko iyong nasa tabi ng study table ko na bintana, kung nasaan ang daan patungo doon.He nodded. "Uh...I'll change my clothes first, susunod na lang ako sa'yo.""Okay, sige." Nakabukas na naman ang bintana kaya hindi na ako n
Kabanata 2.1"Are you sure?" Iyan ang bungad sa akin ni Nathalia kinaumagahan paggising ko.Magkasalubong ang kilay ko habang nakatingin ako sa kaniya, hinahalo ang tinimpla kong kape para sa akin. Hindi ko alam kung anong problema niya ngayon at bakit ang aga-aga niyang nandito sa bahay. Ala-sais palang kanina, halos wasakin na niya ang pinto namin sa sobrang lakas ng pagkatok niya.Umupo ako sa harap niya, humihikab pa rin dahil sa antok."I'm sure of what?"Nilabas niya mula sa kaniyang sling bag ang cellphone niya saka iniharap ang isang text message na pinasa ko sa kaniya kagabi. Kaswal ko lang iyong tinitigan."Kanina ko lang nabasa 'yan kaya nagmadali akong pumunta dito," paliwanag niya. "Sigurado ka ba diyan sa nalaman mo?'"Tipid lang akong tumango. Iyon naman talaga ang totoo. Sa boyfriend na rin naman niya galing ang sagot na hinihingi niya."I also heard na dito
Kabanata 2.2Mamayang alas diez pa ang simula ng practice namin, alas nuebe palang ngayon kaya may oras pa akong pumunta sa Municipal Hall. Dahil hindi naman gano'n kalayo ang bahay sa pupuntahan ko, ilang minuto lang ang tinagal ko sa paglalakad bago nakarating.Alon ng mga tao ang nadatnan ko pagpasok ko sa loob. Abala ang lahat, may kaniya-kaniyang kailangan gawin o kunin kaya nandito.Nilibot ko ang aking mata sa paligid. Isang beses na akong nakapunta dito pero hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mamangha sa pagkakagawa nito. Dalawang palapag ito na malalawak. Kulay krema ang pintura ng bawat dingding kung saan nakasabit ang mga litratro ng mga nagtatrabaho na nakalagay sa malaking frame. Ang sahig naman ay gawa sa puting marmol. Sa mga gilid naman ay nakalagay ang mahahabang upuan na inuupuan ng iilan ngayon. Sa tabi nito ay ang mga halaman na nakalagay sa mga mamahaling vase."Good morning, Miss." bati ko sa dalawang re
Kabanata 3Pagdating sa studio namin ay agad namin sinimulan ang ensayo. Inis pa nga sa akin si Spencer at ang iba dahil doon. Pinalusot ko nalang na may dinaanan lang akong importante. Tuwing break time ay palagi akong sumusulyap sa aking cellphone, tinitingnan kung may natanggap na ba akong mensahe mula sa kaniya. Lumipas ang buong araw ng paghihintay ay wala akong napala kaya napaaga na rin ang tulog ko.Gano'n rin ang ganap sa sumunod na dalawang araw, maghapon akong naghintay ngunit wala pa rin siyang paramdam. Gusto ko na nga siyang puntahan ulit sa munisipyo pero ayaw ko siyang kulitin. Sinabi naman niya na siya mismo ang magsasabi kung nakabuo na siya ng desisyon.Napapanginaan na nga ako ng loob dahil aka sinabi niya lang iyon para mapaalis ako at ayaw naman talaga niya. Kaya nag-isip nalang ulit ako ng magiging back-up plan ko sa oras na hindi siya pumayag, pero wala akong maisip na iba. Lik
Kabanata 4"Seryoso, Kuya? Magkaibigan talaga kayo ni Mayor?" hindi makapaniwalang tanong ni Kylie habang hinahapag ang merienda namin sa glass table.Nakahiga ako ngayon sa sofa bed namin sa sala, nagpapahinga dahil sa tinapos kong gabundok na labahin namin. Tatlo na nga lang kami, pero ang mga nilahan ko parang pang-sampung tao na.Reklamo nga ng reklamo itong kapatid ko dahil doon. Bakit daw hindi nalang namin i-laundry sa may bayan para mas madali at hindi nasisira ang bagong manicure niyang kuko. Syempre ako gusto kong makatipid, sayang lang ang pera na ibabayad namin doon, e kaya ko naman labhan ang mga damit namin. Marunong naman ako dahil tinuruan ako ni Mama.Itinukod ko ang aking kamay sa ulo upang mas makakain ako ng maayos ng biscuit."Oo nga," pagod na sagot ko
Kabanata 5Sa mga sumunod na araw ay wala akong ginawa kundi ang asikasuhin ang schedule ko. Kailangan kong ibahin ito ngayon lalo na't nakikita ko na mas magiging busy pa ako sa susunod pa na araw kaya kailangan talagang i-manage ko ang oras ko.Kung dati ay apat na beses sa isang linggo kami kung mag-ensayo, ngayon ay ginawa kong isa nalang muna. Hindi na rin naman kasi namin kailangan ensayuhin pa iyon, kabisado na namin lahat ng kantang kakantahin namin sa pista ng La Castellion. Kaunting linis nalang naman ang gagawin at paunti-unting practice nalang sa audition piece na gagamitin namin sa oras na magtungo na kami sa SSE.Hindi naman kasi ibig sabihin na tutulungan nga kami ni Nathalia na makapasok doon ay petiks petiks nalang ng gagawin namin. Gusto kong ipakita na may ibubuga rin kami para hindi sila magsisi na pinapasok kami doon nang madalian.
Kabanata 6"A-aray!" daing niya habang dinadampian ko ng cotton bud na may antiseptic ang labi niya. "Dahan-dahanin mo naman, Kiro. Masakit na nga, mas lalo mo pang pinapasakit..."Tinanggal ko ang cotton bud at seryoso siyang tiningnan. Putok na putok ang gilid ng labi niya. Hindi tulad kanina ay hindi na ito masyadong a nagdurugo, pero halata pa rin ang malaking sugat doon.Naiinis pa rin ako hanggang ngayon habang iniisip kung paano siya bugbugin at halos patayin ni Lester.Kahit kailan talaga ay mayabang ang gagong iyon. Sa tuwing pupunta ako doon, palagi ko siyang nakikitang may mga sugat at pasa sa mukha. Halos lahat din ng mga tao sa baranggay nila ay pinanggigilan siya dahil sa ugali niya. Kung pwede ka nga lang na sapakin ko iyon kahit isang beses lang para mawala ang kayabangan ay ginawa ko na.
Kabanata 7"May tanong ako, Mayor," singit ko nang matapos silang mag-usap ng kaniyang sekretarya sa cellphone, pinag-uusapan ang magiging schedule niya ngayong araw.Wala naman siyang ibang gagawin ngayon kundi ang pumunta sa isang west wedding at siya ang magkakasal sa bride and groom doon. Well, it's part of his duties as a mayor of this town, kaya heto kami at on the way na sa venue sakay ang isang puting van.Hindi ko nga alam kung anong trip niya at sinama pa niya ako dito. Wala naman kaso sa akin iyon dahil tapos na naman ang dalawang araw naming ensayo. Basta para may kasama lang siyang kakilala niya doon, gano'n ang sabi niyang rason sa akin."Ano 'yon?" baling niya sa akin habang binubulsa ang kaniyang cellphone.Nilingon ko siya, he's right beside me. Iba ang porma niya ngay