Share

Kabanata 1.2

Kabanata 1.2

Maingat akong naglakad paakyat, iniingatan hindi mabawasan ang alak. Sayang kasi. Rinig ko ang bawat yapak niya mula sa aking likod dahil sa hagdan naming gawa lang sa isang matibay na kahoy. 

Una akong nakaakyat at nakapasok sa kuwarto, sumunod siya. 

"Dito tayo...iinom?" tanong niya, muling pinapaikot ang mata sa bawat sulok ng kuwarto. 

Maliit lang naman ito. May isang double-deck bed kung saan kami natutulog ni Kane. Katabi no'n ang isang maliit na study table  na siyang inuupuan ko kapag nagsusulat ako ng kanta. Sa bawat dingding naman ay nakapaskil ang iilang litrato namin ng mga kabanda ko at mga idolo kong banda. 

"Hindi. Doon tayo sa beranda." Itinuro ko iyong nasa tabi ng study table ko na bintana, kung nasaan ang daan patungo doon. 

He nodded. "Uh...I'll change my clothes first, susunod na lang ako sa'yo." 

"Okay, sige." Nakabukas na naman ang bintana kaya hindi na ako nahirapan sa paglipat. 

Habang hinihintay siya ay binuksan ko na ang balat ng chicharon at mga sitsiryang magiging pulutan namin. Pinuno ko rin ng inumin namin ang dalawang baso. Hindi tumagal ay naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. 

Katahimikan ang bumalot sa amin sa ilalim ng maliwanag na buwan at nakakalat na bituin sa langit. This is my favorite place of our house. Masarap ang hangin dito dahil sa saktong bugso nito. Dito ako pumupuwesto sa tuwing may problema kasama ang alak. 

Ininom ko ang alak sa isang lagukan lang. Gumihit agad sa lalamunan ko ang init ngunit hindi ko na ininda iyon dahil sa sarap ng flavor nito.

"Tikman mo na, 'di ka magsisisi. Promise!" alok ko, iniusog ang baso sa kaniya. 

Kinuha niya ang baso, ilang segundong pinagmasdan ito na para bang pinag-iisipan pa kung iinumin niya ito pero tinikman niya pa rin. Gaya ko ay nilagok niya rin ito, mukhang nasarapan tulad ko. Nang maubos niya ito ay muli kong binigyan ng laman ang bawat baso. 

Tinutok ko ang tingin ko sa baba. Mula dito ay tanaw  namin ang iilang maliwanag pa na bahay ng mga katabi namin.

"Hirap ng buhay, ano?" sabi ko.  

Tumawa siya ng bahagya. "You looks so fine. Mukhang hindi uso sa'yo ang problema."

Gano'n rin ang sinasabi ng iba sa akin. Mukhang wala naman daw akong ibang iniisip kundi ang mga babae ko lang. Well, kung akala nila iyon lang, nagkakamali sila. Tao lang din ako.

"Hindi lang halata, guwapo kasi ako." biro ko at tumawa. "E ikaw, Mayor?  Sigurado madali na lang ang buhay mo dahil sa yaman ng pamilya niyo."

He shook his head and smiled sadly. "My life seems so easy, but it's actually not. Para akong isang ibon na kinulong sa isang hawla. I didn't even know what freedom feels like." 

He drank again.

"Alam mo 'yon? Simula nung bata ako—no, simula noong ipinanganak ako pakiramdam ko lahat ng mangyayari sa buhay ko planado na ng parents ko," patuloy niya, hindi man lang ako ginagawaran ng tingin. "I'm just like a puppet to them. Walang buhay, walang sariling desisyon. Halos lahat kontrolado nila. Bawat kilos at galaw ko dapat alam rin nila. Even the friends and girlfriend I have now, sila rin ang pumili." 

Tahimik ko lang siyang minamasid. Sa tingin ko kasi hindi ko na kailangan magsalita. Ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay pakinggan siya. Ni hindi ko nga lubos akalain na mag-o-open siya ng ganito. 

Muli kong sinalinan ang baso niya na agad niyang tinungga.

Hindi pala umiinom, huh?

"They are always telling me what I need to do. Say this, say that. Do this, do that. Eat this, eat that. Lahat na lang ng utos nila sinusunod ko, and I'm so sick of it!" he hissed. "Kaya nga sinubukan ko na rin maging rebelde kahit minsan, but unluckily it did not turn out well. Pinagsisihan ko na ginawa ko pa iyon. Dahil doon ay mas lalong naging miserable ang buhay ko. Mas lalong humigpit. Mas lalo akong hindi makagalaw at makahinga ng panatag."

Given the moonlight I can clearly see how red his face now maybe because of the alcohol we are drinking. The sadness he felt was also evident in his hooded eyes. A tear dripped there that immediately flowed down the side of his sharp nose where I also noticed the small mole on its trunk.

Pinunasan niya iyon. 

"I…I'm sorry." He chuckled. "Nagiging dramatic na yata ako. Pasensya na talaga. Hindi ko lang talaga mapigilan."

"Ayos lang. Mas maganda nga 'yan, e. At least nalalabas mo ang sama ng loob mo sa akin. Mas gagaan ang pakiramdam mo." Ngumuya ako ng chicharon.

"Pasensya na talaga," ulit niya. "Alam mo kasi 'yon? Dahil doon sa nagawa ko, heto ako ngayon, napilitang umupo sa dating pwesto ni Dad na  hindi ko naman gusto. Nakakatawa nga, e. Ako nga itong tinanghal na alkalde pero hindi ako ang nagde-desisyon ng mga dapat kong gawin. Wala naman akong magawa because of my greedy father. Pinaupo niya lang ako dito para magawa pa niya 'yong mga hindi niya nagawa noong siya pa ang mayor. Sirang-sira na ang apelyido namin dahil sa kagagawan niya. Kinahihiya ko na naging Servantes pa ako."

Masasabi ko pa palang naging swerte ako sa mga parents ko at kung anong buhay ang mayroon ako ngayon. Akala ko no'n kapag mayaman ka, wala ka ng aalalahanin pa. Isang tapal lang ng pera sa problema mo, maayos na agad. Pero ngayon na naririnig ko ang kuwento ni Nikkolai ay nag-iba bigla ang pananaw ko sa buhay. May mga bagay talaga na hindi basta-basta mabibili ng salapi. 

Nagulat ako nang siya na mismo ang nagsalin sa baso niya at walang alinlangang ininom ito. Umulit ito ng dalawang beses, halos maubos na ang laman ng pitsel. 

"I hate my life. I just want to end it…" aniya at isinubsob ang kaniyang ulo sa tuhod niya.

Nakaramdam ako ng awa habang patuloy pa ring nakatingin sa kaniya. Gusto ko man siyang i-comfort ngayon pero hindi ko nga alam kung papaano kaya ang ginawa ko na lang ay hinagod ko ang likod niya. 

"Shh…" pagpapatahan ko nang maramdaman ang paggalaw ng kaniyang balikat at marinig ang pagsinghot. "Sige, iiyak mo lang 'yan hanggang sa mawala ang sakit. Darating din ’yong araw na makakangiti ka nang maluwag, ’yong araw na wala ka ng iisipin pa."

Gano'n ang ginawa ko sa halos kalahating oras na muling pagbalot sa amin ng katahimikan habang nakatingin sa mga bituin sa langit.  

Tama kaya itong ginagawa namin ng pinsan ko? Baka hindi naman talaga tulad ng iniisip ni Nathalia si Nikkolai? Wala nga akong makitang bakas na gano'n sa kaniya. Baka hindi lang talaga niya trip na hawakan ang kamay nito at halikan dahil hindi naman niya siya mahal talaga.

Pero kailangan ko pa rin subukan ang plano ko ngayon.

I need to do this for my dream. 

"Mayor?" mahinang tawag ko, pero hindi siya sumagot. Tumingin ako sa kaniya at tinawag siyang muli ngunit gano'n pa rin. Tulog na? Lasing agad? Niyugyog ko ang kaniyang balikat at doon ay iniangat niya ang kaniyang ulo. 

"Hmm?" sabi niya, nakapikit pa rin, malapit ng malaglag ang parisukat niyang salamin. 

Mukhang lasing na nga.

"May itatanong lang sana ako. No offense meant, okay?" Hindi siya tumugon. Tumikhim ako bago nagsalita. "Are you… g-gay?" Halos hindi ko pa masabi ang huling salita.

"Huh? I…I am what?" 

"Gay?”

He laughed. "Absolutely no!"

"Sigurado ka?" 

"Absolutely yes!" 

"Kahit gawin ko 'to?" 

"Do what?"

Mariin akong napapikit, iniisip kung gagawin ko pa ba o hindi, pero dahil nanaig pa rin ang pangarap ko kaya…

"This." Mabilis kong inilapit ang aking mukha sa kaniya at pinagtagpo ang aming mga labi.  

I can now taste the bitter-sweet flavor of his rosy pink lips. Mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba sa ginagawa ko. Sa paggalaw ng aking labi ay nasakop ko ang kaniya. Mabagal lang ang ginawa ko, hinihintay siya na pagalawin din ang kaniya.

Ito ang unang beses kong makahalik ng katulad kong lalaki!

It's so freaking different!

Freaking weird!

Freaking awkward! 

Oh, Nikkolai, please! Gantihan mo na ang halik ko nang matapos na 'to!

Trenta segundos ang itinagal no'n pero nabigo lang ako. Kahit bahagya lang ay wala akong naramdamang paggalaw kaya kumalas na ako. Uminom agad ako ng alak upang mahimasmasan sa ginawa. 

Ngayon nakuha ko na ang sagot. Talagang praning lang at OA ang pinsan ko kaya napag-isipan niya ng gano'n ang boyfriend niya. 

Nakapikit pa rin si Nikkolai nang sulyapan ko siya. Sana hindi niya na lang naramdaman iyon. Sana...

Tumayo ako at lumipat sa kuwarto ko.  Kinuha ko ang aking cellphone sa study table, umupo sa kama saka nagtipa ng mensahe para kay Nathalia.

“Confirmed! Your boyfriend is not a gay!” I messaged her. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status