Share

Kabanata 2.1

Kabanata 2.1

"Are you sure?" Iyan ang bungad sa akin ni Nathalia kinaumagahan paggising ko. 

Magkasalubong ang kilay ko habang nakatingin ako sa kaniya, hinahalo ang tinimpla kong kape para sa akin. Hindi ko alam kung anong problema niya ngayon at bakit ang aga-aga niyang nandito sa bahay. Ala-sais palang kanina, halos wasakin na niya ang pinto namin sa sobrang lakas ng pagkatok niya. 

Umupo ako sa harap niya, humihikab pa rin dahil sa antok. 

"I'm sure of what?" 

Nilabas niya mula sa kaniyang sling bag ang cellphone niya saka iniharap ang isang text message na pinasa ko sa kaniya kagabi. Kaswal ko lang iyong tinitigan.

"Kanina ko lang nabasa 'yan kaya nagmadali akong pumunta dito," paliwanag niya. "Sigurado ka ba diyan sa nalaman mo?'" 

Tipid lang akong tumango.  Iyon naman talaga ang totoo. Sa boyfriend na rin naman niya galing ang sagot na hinihingi niya. 

"I also heard na dito daw natagpuan si Nikkolai ng driver niya kagabi. Lasing daw. Anong nangyari? What is he doing here?" 

Naalala ko na naman tuloy ang nangyari. Halos gising ako buong gabi kagabi, hindi dahil sa ginawa ko sa kaniya para mapaamin siya, kundi lahat ng binunyag niya sa akin tungkol sa buhay at pamilya niya. Hindi ko alam pero naaawa ako sa kaniya sa totoo lang. 

Kaya kagabi ang tanging ginawa ko lang ay tumingala sa kisame habang nag-iisip ng paraan kung paano ko siya matutulungan. May naisip naman ako, ang kaso lang ay hindi ko alam kung paano ko gagawin iyon. Ni hindi ko nga din alam kung makakalapit pa ako sa kaniya. 

Humigop ako sa aking black coffee.

"Nag-inuman." I said in a matter of fact. Sinamaan niya ako ng tingin na tila ba may mali sa sinabi ko.  What? Magtatanong tapos kapag sinagot magagalit. I sighed. "Sinimulan ko na ang plano ko. Inilayo ko siya doon sa mga taong nagwewelga kahaponn at dinala dito sa bahay. Tapos inaya ko siyang mag-inuman." 

Her eyebrow shot up. "Tapos?" 

"When he is drunk, I asked him if he's gay then he said 'no'. Syempre para makumpirma ko kung totoo ba 'yong sinasabi niya kaya...hinalikan ko siya." 

Natawa ako nang makita ko kung paano nag-iba ang reaksyon niya. Her chinita eyes widened, and her jaw dropped.  Para siya ngayong nakakita ng tae sa stilletos na suot niya. 

"You...you did what?" 

"Kiss," ulit ko pa saka ngumisi. "I kissed your boyfriend's lips. Slowly and in a sexiest way." 

Mas lalong umasim ang mukha. Ilang segundo pa ay napatayo siya at para bang isang sumabog na bulkan sa sobrang lakas ng tili niya sa inis. 

Humagalpak ako sa tawa nang simulan niyang ipanghambalos sa akin ang suot niyang sling bag. 

"Ggao ka! Inunahan mo pa akong makahalik sa kaniya! Baboy ka! You jerk!" 

Ginawa kong sabat ang aking kamay upang hinddi matamaan sa mga atake niya. 

"Sandali, masakit!" I groaned. "Kumalma ka muna, puwede? Hindi ko rin naman gustong halikan ang boyfriend mo.  I have a reason kung bakit ko ginawa iyon!" 

Kumuha ako ng tiyempo hanggang sa mahawakan ko ang bag at marahas na hinablot ito mula sa kaniya. Mabigat ang kaniyang paghinga, masama pa rin ang tingin sa akin. Binilog pa niya ang kamao niya na para bang handa siyang ipatama sa akin iyon sa oras na hindi niya nagustuhan ang rason ko.

Tumikhim ako bago nagsalita.  "That's part of my plan, okay? Atsaka ikaw na rin mismo ang nagsabi na i-seduce ko siya kaya iyon ang ginawa ko. Akala ko nga gagantihan niya ang halik ko pero hindi." 

"But not in that way, Kiro!" she exclaimed. "Nikkolai is still my boyfriend, at pagmamay-ari ko lang naman ang labi na hinalikan mo!" 

Uminom muli ako ng kape dahil sa naramdamang uhaw ko sa pagtawa.

"Sorry na, okay? Hindi ko naman ginusto iyon. Atsaka hindi naman na big deal sa akin. Ang mahalaga sa akin ngayon ay sawakas nalaman na natin ang sagot sa tanong mo at matutulungan mo na kaming makapasok sa SSE." I smiled widely. 

Ilang segundo niya akong tiningnan ng seryoso bago siya umupo ulit sa puwesto niya kanina. 

Yes! My dream will finally come---

"No, not so fast," sabi niya na nakapabura sa nakaukit na ngiti ko. 

"What?" naguguluhan kong sabi, nakakunot ang noo. "Akala ko ba kapag nagawa ko ng paaminin si Mayor Nikkolai, tutulungan mo rin ako?" 

"Kiro, tanga lang?" She rolled her eyes while gently brushing her hair using her fingers. "Isang gabi mo palang siya nakasama. For sure wala ka pang masyadong napansin sa kaniya hindi tulad ko. Tapos yung...halik na 'yon, malay ba natin kung unconcious na siya nung ginawa mo iyon, hindi niya naramdaman. Atsaka kung umamin nga siya sa'yo, what if nagsisinungaling pala siya? He's a mayor, remember? Alangan naman sirain niya ang pangalan niya, e sira na nga ang apelyido nila" 

Sabagay. May posibilidad nga na mangyari iyon dahil siya ang halos  makaubos ng alak namin kagabi. At sana nga hindi nalang talaga niya naramdaman yung labi ko na nakadikit sa labi niya. 

Bakit hindi ko naisip iyon?

"So, what do you want me to do?" I asked, sipping my coffee. 

"Just seduce him until our engagement party comes, after the fiesta. Kapag dumating ang araw na 'yon, whatever the result is, tutulungan na talaga kitang makapasok sa SSE." 

Sa susunod na buwan pa ang pista dito sa La Castellion, ibig sabihin may isang  buwan pa ako para gawin ang plano. 

Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon sa gusto niya. Makakatanggi pa ba ako, e pangarap ko ang nakasalalay doon?

Ala siete y media na nang umalis si Nathalia sa bahay dahil kailangana pa niyang bumyahe patungong Manila para sa shooting nila sa kanilang bagong music video. Ako naman ay sinimulan ko ng linisin ang bahay at ipagluto ng almusal at baon ang dalawa kong kapatid. Maya-maya lang ay siguradong gising na ang mga 'yon.

Habang nagsasangag ng kanin hanggang sa pagligo ko ngayon ay bumubuo na ako ng paraan kung paano ako makakalapit ulit kay Mayor Nikkolai. May naiisip na akong gagawin kong excuse para mapadali iyon at ang plano kong mapalabas ang tunay niyang kulay sa lalong madaling panahon. Kapani-paniwala naman 'to at parehas lang kaming makikinabang.

"Kane, ang baon niyo nasa study table ko sa kwarto. Limang-daan 'yon, hatian mo si Kylie," paalala ko habang pababa, inaayos ang pagsukbit ng gitara ko sa aking balikat.

"Mas mataas ang akin, Kuya. May project pa kami," inaantok pa nitong sabi, nasa hapag na at umiinom na ng kape. 

"Project?" kontra ni Kylie sa kaniya. "Sinabi mo na dati 'yan, tapos nakita ko kayo ng girlfriend mo papunta doon sa may motel! Ibang project ba ang ginagawa mo doon ha?" 

"Alam mo? Ang epal mo!"

 Sinuway ko sila bago pa sila magsaksakan nang tumungo ako sa kusina upang ibigay pa ang isang daan kay Kylie. 

"Patas na kayo, huwag na kayong mag-away." sabi ko, puno ng awtoridad bilang nakakatandang kapatid nila. "Sige na. May practice pa kami."

Naglakad na ako palabas, bumubuntong hininga.

Mahirap mag-aral, pero mas mahirap ang magpa-aral.

"Ingat, Kuya!" pahabol pa nila. Kumaway nalang ako na hindi sila nililingon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status