Share

THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)
THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)
Author: The Samaritan

Chapter 1: Truth

"As the sun meets the moon,

horizon won't be alone.

Waves are raging to the shore,

seabirds fly as broken shells, sways along.

My love, hold my lips with yours

and find my tears in the sea.

You filled my void with the canvass of

night. I heard your joyful woes, as

I paint your core, with the light of

darkness.

My love, I yearned more and

more to touch and to love you,

in the coldness of the sun.

***

As the rising sun sets on the moon,

my heart won't be alone.

I see yearning in your eyes,

and passion in your lips.

My love, be mine as the

noon goes by.

As waves rages high,

my feet floats on nigh.

I'll be gone for a while.

Ooh my love, quickly

come or I'll die,

find me in your core.

And be with me,

forevermore."

***

Isang malalim na tula ang nabasa ni Liah, habang naglilinis ng silid-aklatan nila sa loob ng palasyo. Napaubo siya habang pinupunasan ang libro, itinabi niya ito at planong dalhin sa kanyang silid nang maipagpatuloy ang pagbabasa. Sobrang luma na ang silid-aklatan pero matibay, inalagaan itong mabuti at hindi nasisira ang mga libro na sa tingin niya ay puro antigo.

Base sa mga nabasa niya, napansin niyang malalalim ang mga salita, ‘yong ibang libro ay nakasulat pa sa Latin. Ang iba naman ay hindi niya pa gaanong maintindihan. Bawat librong pinupunasan ay binubuksan niya at sinisilip ang mga ito, hanggang sa dumako ang tingin niya sa isang librong kulay berde, makapal at halatang lumang-luma na ito. Kinuha niya ito at akmang pupunasan sana nang,

“Mahal na prinsesa?”

Nabitawan ni Liah ang hawak niyang lumang libro nang biglang may nagsalita sa kanyang likuran.

“Ikaw lang pala, Emma. Ginulat mo naman ako,” habol hiningang saad ng dalaga, habang pinupulot ang librong nahulog.

“Patawad, Mahal na Prinsesa. Bakit ho kayo naglilinis?” magalang na tanong ng tagasilbi.

"Parusa ito ni Mama, Emma," malungkot na tugon niya.

"Bakit naman po ano na naman 'yong ginawa niyo?" nakangiting tanong ni Emma na alam na alam ang ugali ng prinsesa.

"Dahil hindi niya sinunod ang utos ko, Emma," sagot ng isang malamyos ngunit may diin na boses.

"Mahal na Reyna Airah… magandang araw po," agad na tugon ni Emma sabay yuko.

"Magandang araw din, Emma. Iwan mo muna kami ng prinsesa," utos niya.

"Masusunod po," tugon niya at paatras na lumakad ang babae patungo sa bukana ng pintuan.

Samantala napansin ni Liah na hindi maganda ang araw ng kanyang ina, siguro dahil sa kasalanang ginawa niya. Kaya napadako na lang ang tingin niya sa librong hawak niya. Nang sinubukan niyang buksan ang libro ay napakunot ang kanyang noo, dahil hindi niya ito mabuksan.

“Ma?” tawag pansin niya sa kanyang ina na noong ay hinahawakan ang mga librong nalinisan na niya. Hinihimas ng reyna ang mga ito na tila ba, binubusisi nito kung may alikabok pa ba o wala na.

“Bakit, Amaliah?” tugon ng kanyang ina.

“Ah, e. Bakit hindi ko mabuksan ang librong ‘to?” pautal-utal niyang tanong. Halatang takot sa ina ang dalaga, mabait at mabuti ang kanyang Ina pero kapag may kasalanan sila ng kuya niya, siguradong ibibigay ng kanilang Ina ang nararapat na disiplina.

Tila ba nagulat ang reyna sa sinabi ng kanyang anak, kahit hindi niya pa tinitignan ang librong hawak nito ay para bang alam na alam ng reyna kung ano ito. Huminga ito nang malalim at direktang tumingin sa pwesto ng anak.

“Isa ‘yang libro anak,” sagot niya. Habang lumulunok ng laway. Tila nag-aalinlangan itong magpatuloy sa sasabihin. Halata sa mukha ng reyna ang pangangamba.

“Opo, Ma. Libro po ito. Pero hindi ko siya mabuksan, may susi ba ito?” tanong pa ni Liah habang binubisisi ang libro. Nakahinga naman siya nang mabuti, nang mapansin na kinakausap na siya ng kanyang Ina, nang normal.

Umupo ang kanyang Ina at inayos ang buhok at parang hinahanda ang sarili sa gagawin, huminga ito bago magsalita.

"Pantentibus!" 

Pagkabigkas na pagkabigkas ng Reyna ay siyang pag-angat ng libro sa kamay ni Liah at unti-unti itong bumukas. Napatingala naman ang dalaga, habang nakabuka ang mga labi. Hindi ito makapagsalita habang nakaturo ang hintuturo sa taas, kung saan lumulutang ang librong kanina lang ay nasa kamay niya.

“A-ano ba 'to? Ma? Paki-explain nga?” utal-utal niyang tanong.

Tumayo ang reyna, inayos ang mga libro at isa-isa niyang nilagay sa bookshelves, “Siguro… oras na para malaman mo ang totoo, Amaliah,” sambit niya. Habang iniiwasan ang tingin ng anak.

“Anong dapat kong malaman, Ma?” nagtataka man ay hindi nagpahalata na nabigla ang dalaga sa nalaman. Bakas din dito ang pagkamangha sa nakita.

“Mga kulto ba tayo, Ma?” dagdag niya pa. Pero hindi ito tinutugon ng Ina niya.

Huminga nang malalim ang Mahal na Reyna at humarap nang diretso sa kanyang anak. Napalunok ng laway at parang natatakot ito sa magiging reaksyon ni Liah.

“Ma? Ayos ka lang ba?” tawag pansin pa ng anak niya.

“Isa akong mangkukulam, Amaliah.”

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ng reyna, matapos na sabihin ‘yon. Habang si Liah ay nagulat pero ilang sandali pa ay bumakas sa kanyang mga labi ang isang nakakalokong ngiti.

“Ma? Kailan ka pa po marunong… magbiro? Ikaw? Mangkukulam?” sunod-sunod nitong tanong habang pigil ang tawa.

Tinignan naman siya ng kanyang Ina nang napakatalim na tingin. Habang kinukumpas ang kamay pataas at nagsalita muli ng ibang lenggwahe. Nagsiliparan ang mga libro mula sa kanilang lagayan at pinalipad ng reyna sa kanyang harapan.

“Oh-Ooh!” ang tanging salitang lumabas sa labi ni Liah.

“Naniniwala ka na?” tanong ng reyna.

Hindi makapagsalita ang dalaga sa nakikita niya, tila ba hindi rumehistro sa kanya ang mga pangyayari. Muling nagsalita ang reyna at binalik ang mga libro sa lagayan. Tumayo ito nang tuwid at naglakad sa gitna, umupo sa isang malaking upuan, sa harap nito may isang antigong mesa na natatambakan ng mga libro.

“Pa’no nangyari ‘to, Ma?”

Tanong ni Liah nang mahimasmasan ito. Sumenyas ang kanyang Ina na umupo siya sa isang upuan na gawa sa Narra. Agad naman sumunod ang prinsesa at naupo sa harap ng Ina.

“Ano, Ma?” atat nitong tanong.

“Sabi ko nga kanina isa akong mangkukulam.”

“So, ibig sabihin nito ay mangkukulam din ako?” hindi makapaniwalang tanong ni Liah.

Huminga nang malalim ang reyna at tumingin ito sa bintana na malapit sa kanila. Tumayo ito at tinungo ang salamin na bintana, sinipat-sipat nito kung may tao ba sa labas, sabay hawak sa kurtina at hinawi ito pasara. Muli siyang bumalik at naupo, binaling ang tingin sa anak at nagsalita.

“Nasa dugo natin ang pagiging mangkukulam, anak.”

“So paano nga ito nangyari, Ma? Saan galing ang pagiging mangkukulam natin?”

Mahinahon ngunit bakas sa mukha ni Liah na nais nitong malaman ang katotohanan. Nakatitig ito sa kanyang Ina at naghihintay ng sagot mula sa reyna.

“Mahabang kwento anak, ang importante ay nalaman mo na at nais ko sanang sabihin sa ’yo na may kailangan tayong gawin” saad pa ng kanyang Ina.

“Ano ‘yon, Ma?” taka niyang tanong.

Muli ay huminga nang malalim ang reyna sabay abot sa dalawa niyang kamay  at pinisil ito nang mahigpit.

“Kailangan kong maipasa sa ‘yo nang pormal ang pagiging mangkukulam sa lalong madaling panahon.”

Mahinahong saad ng Ina niya. Nalilito man ang dalaga pero kailangan niyang buksan ang isip at intindihin ang mga sinasabi ng Ina.

“Ibig bang sabihin, Ma―” putol nitong saad.

“Ano anak?”

“Masasama tayong nilalang?” alinlangan nitong tanong.

Napangiti naman ang reyna sa tanong ng anak. Tumayo siya mula sa kinauupuan at dinaluhan ang dalaga. Hinimas nito ang buhok ng dalaga, sabay yakap.

“Hindi anak, mabubuti tayong tao.”

Napakunot naman ang noo ng dalaga sa sagot ng ina, nalilito ito bakit mabubuting tao ang sagot niya.

“Akala ko ba? Mangkukulam kami?” tanong niya sa isip.

Napansin naman ito ng reyna kaya muli itong humarap sa anak.

“Tao tayo anak,” saad ng Ina niya, habang hawak-hawak nito ang dalawang pisingi ng dalaga.

“Nasa dugo lang natin ang pagiging mangkukulam.”

“Hindi ko maintindihan, Ma?”

“Malalaman mo rin pagdating ng tamang panahon, sa ngayon nais kong malaman kung tatanggapin mo ba ang tradisyonal na pagpasa?” nakangiting tanong niya sa anak.

“Pa’no kung hindi ko tatanggapin?”

Tumawa nang mahina ang reyna at nagsalita. “Magiging estatwang asin ako at matutunaw na lamang sa init ng araw,” seryosong tugon ng Ina nito.

Hindi makapagsalita ang prinsesa at parang hindi pa nito tanggap ang katotohanan na isa siyang mangkukulam. Napansin ito ng kanyang Ina kaya minabuti n’yang wag na munang pilitin ang anak.

“Sige, hindi muna kita pipilitin pag-isipan mong mabuti, anak. Pero pinapaalalahanan kita na totoo ang sinabi ko.”

Napahinga nang malamin ang dalaga at tumango ito sa Ina. Nagpaalam na rin siyang magpapahinga na. Bitbit ang librong hawak niya ay nagtungo na ito sa pinto at lumabas na.

Amaliah's POV

Kinabukasan ay nagising na lamang ako sa awit ng mga ibon na nasa balkonahe ko. Nakita ko sila na parang may tinutuka, habang hinahawi ng hangin ang mataas na kurtina. Parang sumasayaw ito habang nag-aawitan ang mga ibon. Bumangon ako at tinungo ang balkonahe.

Agad na sumalubong sa akin ang masarap na simoy ng hangin. Pumikit ako at huminga nang malalim, dinama ang lamig nito. Naamoy ko rin ang mga bulaklak ng puno na nasa gitna ng gubat ng Verona. Makikita mo ito dahil siya lang naman ang may bukod tanging mataas at may mapupulang dahon sa lahat. Nagmulat ako ng mga mata at nasilayan ko ang ganda nito.

Mas lalo itong nagliliwanag dahil nasisikatan ito ng araw. Napangiti ako sa ganda ng umaga, napansin ko rin na isa-isa nang lumilipad ang mga ibon mula sa likuran ko, kaya minabuti ko nang pumasok.

Nahagip ko naman ang librong kinuha ko sa aming aklatan. Dinampot ko ito at binuksan at nagsimulang magbasa.

I saw rays of the sun, peeking on the mountain's peak. Trees are shaking slowly, as leaves falls on the shores of the river. I'm walking along with these woes. Filling the voidness beyond fullness. Still, I am nothing.

Napakamot ako ng ulo dahil ang lalim ng mga linya ng tula, bagama’t naintindihan ko ang bawat salita pero ang kahulugan nito ay hindi ko mawari. Bumalik ako sa unang pahina nito, nais kong makita kung sino ang may akda ng tula. Pero nang sinipat ko ito ay walang nakalagay na pangalan.

Binalik ko na lamang ito kung saan ko ito kinuha kanina at napagpasiyahan kong maligo at bumababa na. Marami pa akong tanong sa aking ina. Hindi ako makapaniwala sa mga rebelasyon na nalaman ko tungkol sa aming pamilya.

“Pa’no nila natago sa akin nang gano’n katagal?” sambit ko sa sarili.

Witch in the Palace

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Paolo Cerna
this is amazing! parang nasa old pero modern magical world!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status