Share

Chapter 2: The Visitors

Nang matapos ko ang paglilinis ng katawan ay agad na akong bumaba at tinahak ang lanai kung saan kami nag-aalmusal palagi, maliwalas kasi do’n at masarap ang simoy ng hangin na pumapasok. Ilan sandali pa ay nakarating din ako sa hapag at nakita ko si Mama, nagbabasa ng libro at umiinom ng kape. Nakahanda na rin ang almusal namin.

"Good morning, Ma!" masayang bati ko. Tumigin ito sa akin at ngumiti.

"Umupo ka na at kumain."

"Ma?" tawag pansin ko sa kanya.

"Hmm?" tugon niya.

“Saan galing ang pagiging mangkukulam natin, Ma?” umpisang tanong ko.

"Innate by a curse, your Grandmother is the Queen of Verona, which is also the witches kingdom. And she also needs to marry a human but royal to remain the bloodline of royalties… at mapalaya tayo sa sumpa ng kahapon.”

“Sumpa ng kahapon?” takang tanong ko.

“Mahabang kwento anak,” tugon ni Mama. Parang iniiwasan niya ang parting ‘yon. At pinipili niya lang ang mga sasabihin, hindi buong kwento ang sinasabi ni Mama. There are missing pieces.

“So, Grandma did marry a king?” pinagpatuloy ko na lang ang pagtatanong.

"Yeah, pero kailangan mapa-ibig niya ang isang maharlika na hindi nalalaman na siya ay isang mangkukulam. At bawal gumamit ng spell, para ma-inlove ito sa ’yo, dapat puro ang pag-ibig. At kailangan may mabuting puso ang lalaki dahil do’n, mananatili ang kabutihan sa dugo natin.”

"And?" panghihikayat ko pa sa kanya.

"She became Queen of Avalon, she was married to your Grandpa, King Arnold Green I."

"And our Father?" tanong ko pa.

"Yeah, I was married to your father, Joshua Ford Prince of Ashville. But let me tell you that Verona is the mother kingdom."

"Alam ko na anak ako ng isang maharlika pero hindi ko alam na anak pala ako ng isang mangkukulam," tugon ko.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o mawiwindang sa nalaman ko. Nasa puso ko ang pagtanggi sa pamana ni Mama. Tumawa lang si Mama, na parang pinagtritripan niya 'ko.

“But Ma, why innate by a curse?” tanong ko pa. Pero hindi sumagot si Mama.

"You're turning eighteen this month, full moon that's where your gifts

unfolds," saad pa nito.

"Gifts?" nagtataka kong tanong.

“Mga regalo,” tugon nito na parang trip lang talaga kay Mama ang lahat.

"Tulad ng ano, Ma?" tanong ko pa.

“Tulad na lang nito,” saad niya sabay lapag ng libro niya sa mesa at tumayo, laking gulat ko nang makita kong biglang nawala si Mama sa harap ko. Nawala ito na parang bula.

“Ma?” takot kong tawag sa kanya, nagulat pa ‘ko nang magsalita ito.

“Sa bawat henerasyon ay may iba’t-ibang salamangka, bawat anak ay may natural na mahikang taglay. Kailangan mo lang itong malaman at madiskubre, kailangan mo rin malaman kung paano ito gamitin nang maayos at sa mabuti.”  

“Mama naman eh,” takot kong tugon sa kanya. Hindi ko siya nakikita pero naririnig ko ang boses niya.

“’Yan ba ang sinasabi mong regalo?” tanong ko sa kawalan. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Sinundan ko na lamang ang kanyang tinig.

“Oo, isa ito sa mga regalo. At ang pagiging invisible ay ang paborito ko sa lahat,” aniya.

“Pwede bang magpakita na kayo, Ma?”

“Kailangan mong maging handa anak, dahil kung may mabubuting mangkukulam, meron ding masasama. At pwede nilang pigilan ang pagiging ganap mong mangkukulam, para sila ang pumalit sa trono.” 

Nagulat ako nang marinig ko ang tinig ni Mama na nasa likuran ko. Tumingin ako sa likod. Nakita ko na siya, nakangisi.

“Sinong nagsabi na tatanggapin ko ang mana mo, Ma?” inis kong sabi sa kanya. Pero natawa na lamang ito.

“Alam ko papayag ka. Hindi mo naman siguro hahayaan na maging asin ako, ‘di ba?” tatawa-tawang sambit niya.

Napayuko ako dahil totoo naman ang sinabi ni Mama. Wala naman akong magagawa, kaya inayos ko ang aking pagkakaupo at niyaya si Mama na kumain na kami. Naupo naman ito at nagsimulang kumain.

Habang kumakain ay nakita ko ang repleksyon ng palasyo sa lawa na nasa harap namin, pinagmasdan ko ang laki nito at ang kanyang makalumang disenyo. Pero sa maraming henerasyong dumating, naging matibay at naging saksing pipi ito sa lahat ng panahong nagdaan. At ngayon masasaksihan nito ang pagiging mangkukulam ko.

“Malalim yata ang iniisip mo?” pukaw ni Mama.

“Wala po, Ma―” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang tumayo si Mama at sumigaw sa isang guwardiya na nakatayo sa bukana ng pintuan namin.

“Isara lahat ng pintuan at lagusan!” napatayo na rin ako at tinanong si Mama kung anong problema.

“May paparating!” galit na sambit niya.

“Po? Sino? Takang tanong ko sa aking Ina. Umalis siya sa kanyang pwesto at mabilis na naglakad. Nakita ko naman ang mga guwardiya na nagmamadaling sundin ang utos ni Mama. Tumayo na ‘ko ang sinundan siya, sa bilis ni Mama maglakad ay muntik pa akong madapa.

“Ma, hintay!” sigaw ko dahil nasa bukana na siya ng kaharian, parang hindi niya ako naririnig. Nang makarating ako sa bukas na trangkahan ay nabangga ako, napasapo ako sa aking noo at napapikit sa tindi ng sakit.

“Diyan ka lang, Amaliah!” rinig kong sigaw ni Mama.

Sinubukan kong buksan ang aking mga mata para makita kung saan ba ako nakabangga, dahan-dahan akong nagmulat. Ganoon na lamang aking gulat nang makita ko na walang ano mang bagay na nasa harap ko. Lumapit ako sa bukana at sinubukan kong lumabas pero nabangga ulit ako at napaatras na lamang.

“A-ano ‘to?” takang tanong ko.

Nakita ko si Mama nasa labas at parang may hinihintay lamang. Sa ikatlong pagkakataon ay lumapit ako sa trangkahan. Hinawakan ko ito at sa aking pagkamangha ay parang may harang sa daraanan. Tumingin ako sa buong kaharian, sa mga gilid at taas, lumaki agad ang mga mata ko nang makita ko na ang buong paligid ay may transparent barrier. Parang isang malaking bula, may malabong bahaghari pa akong naaaninag.

Nang makabalik mula sa pagkabigla, tinuon ko na ang aking paningin sa labas ng palasyo. Nakita ko si Mama, para itong mandirigma sa kanyang tindig. Ngayon ko lang nakita ang pana na hawak niya. Ilan sandali pa ay natanaw ako ngang may paparating.

Ito malamang ang sinasabi ni Mama. Habang papalapit nang papalapit ang mga ito ay mas lalong lumilinaw ang mga mukha nila. Isang babae at tatlong mga lalaki, seryoso ang mga mukha nito at parang sa akin sila tumitingin. Teka si Mama, nag-iisa lamang.

“Ma!” sigaw ko. Lumingon naman ito sa gawi ko at ngumisi, parang sinasabi nito sa akin na, ‘chill ka lang’. Ang ewan ni Mama, minsan ang strict, minsan naman parang barkada ko lang.

“Ma, anong nangyayari?” tanong ko sa nag-aalalang tinig.

Hindi na nakasagot si Mama dahil nasa harap na niya ang mga taong nakita kong naglalakad. At parang naghahamon ito ng away. Pero ‘yong babaeng nakasuot ng kayumangging damit at mahaba ang buhok ay tila ba walang pakialam kay Mama. Dahil sa akin ito nakatingin na parang nakakita ito ng banta. Akma itong lalapit sa akin nang pigilan siya ni Mama.

“Wag ang anak ko Lusiana!” pagbabanta ni Mama.

Hindi nito pinansin si Mama at diretso na itong lumakad patungo sa akin. Pero bago pa maihakbang ng babae ang kanyang mga paa ay nasa harap na niya si Mama.

“Airah? Oh! Airah…” sambit niya sa pangalan ni Mama na para bang nang-iinis.

“Mukhang nagmamadali ka nang ipasa ang iyong trono sa anak mo?” mainsultong saad niya.

“Hindi mo makukuha ang hindi sa ‘yo!” matigas na saad ni Mama.

Tumawa naman ang babae. Napansin kong medyo magkahawig sila ni Mama. Humakbang ito pabalik at kinukumpas-kumpas nito ang kamay na parang pamaypay.

“Ang bango ng dugo ng anak mo, Airah. Umaalingawngaw ang amoy niya, nakakatakam,” pang-iinis niya pa kay Mama.

Lumaki naman ang mga mata ni Mama sa galit, halata lang na pinipigilan niya ito. Tangkang magsasalita pa sana si Mama nang biglang may dumating.

“Aalis kayo? O gusto mong magdanak pa ang dugo sa lupa!?” isang maawtoridad na boses ang narinig ko. Pero hindi ko siya nakikita, pero ang sigurado ako, isa itong lalaki.

Nag-aangil naman ang mga kasama ng babae at biglang nagpalit ng anyo ang mga ito. Humaba ang mga kuko nila at mga nguso, nagkaroon din ng makakapal na balahibo. Laking gulat ko nang masaksihan ko ang pagiging lobo nila. Hindi ko mapigilan kumurap ng mga mata tila ba nananaginip ako.

Ilan sandali pa ay napansin kong handa na sana nilang lapain si Mama. Pero sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang sumirit ang dugo ng isang lobo, natumba’t nawalan ito ng buhay.

Sumugod naman ang isa at sa ganoon sitwasyon ay natumba rin ito habang masaganang tumutulo ang dugo mula sa leeg. Susugod na sana ang huling lobo nang iangat ni Mama ang kanyang kamay at braso at pinana ito. Naggagalaiti naman sa galit ang babae kaya napilitan itong umatras.

“Hindi pa tayo tapos, Airah! Papatayin ko anak mo! Uubusin ko ang dugo niya! Tandaan mo ‘yan!” sigaw nito habang naglalaho sa gitna ng makapal na alikabok.

Bigla naman nawala ang malaking harang sa paligid, agad akong napatingin sa kinatatayuan ni Mama. Ang mga lobong napatay ay bigla na lang nagliyab at naging abo. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nakikita ko at sa mga nalalaman ko, napalunok ako ng laway at pinagpapawiasan kahit malamig naman. Ang normal kong buhay ay naging katakot-takot at mapanganib.

Ilan sandali pa ay suminyas si Mama na pumasok na ‘ko sa loob. Hindi naman ako nag-atubili at sinunod ko ang utos niya. Nang nakapasok na ‘ko ay hinintay ko si Mama na makarating sa bulwagan. Hindi naman nagtagal ay agad ko naman siyang nakita sa pintuan. Nakangiti ito pero bakas sa kanyang mga mata ang takot at pangamba.

“Ma?” sambit ko, habang papalapit ito sa akin. Nang makarating siya sa gawi ko ay agad niya akong niyakap nang mahigpit.

“Sino sila, Ma?” agad na tanong ko sa kanya.

“Bukas ko na ipapaliwanag, magpahinga ka na marami ka pang gagawing paghahanda,” aniya. Hindi na ako nagpumilit pa, sapat na sa ngayon ang mga nangyari. Mukhang kailangan din ni Mama ang magpahinga.

Ilan oras ang lumipas ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari, nagkataon pang wala si Kuya at Papa. Nasa kwarto lang ako at walang magawa, hindi rin ako makatulog sa sobrang pag-iisip. Lahat na ng pwesto sa higaan ay nagawa ko na pero gulong-gulo ang isip ko sa mga katanungan walang sagot.

Bumangon ako nang marinig ko ang patak ng ulan na nagmumula sa labas ng balkonahe ko. Napatayo tuloy ako at dali-daling sinara ang pinto, mukhang may bagyo pang darating. Nang masara ko na ang pinto ay sumilip ako sa bintanang salamin, malakas ang ulan at malamig din ang dampi ng hangin kaya minabuti kong isara ang maliit na siwang ng bintana.

Nang may napansin akong anino sa likod ng puno, na nasa unahan lang ng hardin. Sinipat ko ito pero parang usok ito na bigla na lamang nawala. Pero hindi ako maaring magkamali, anino iyong ng tao.

Witch in the Palace

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Paolo Cerna
woooow. this is really gone through my bone. unang chapter ay nakaka intriga na!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status