Share

Chapter 7: Lusiana's Attack

Patuloy ang kasiyahan sa bulwagan ng palasyo habang kami ni Elle ay nasa hardin pa rin. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Naging maalinsangan ang hangin at hindi ako mapakali. May na aamoy din kaming hindi maganda sa ilong.

Ang mga dahon sa mga puno ay naglagasan, napatayo na rin si Elle dahil sa lakas ng hangin na parang may bagyong parating, mas lalong dumilim ang paligid. Patay sindi rin ng mga ilaw. At ang buwan ay nagkukulay dugo na.

“L-liah, ano ang bagay na―‘yan?” utal na tinuro ni Elle ang nakikita niya sa taas.

“H-hindi ko rin alam, Elle.”

Naestatwa kami sa amin kinatatayuan nang mapansin namin na ang mga dahon at mga bulaklak ay biglang nalanta na walang dahilan. Kahit na ang damo ay nawalan ng kulay. Pero ang pinagtataka ko, tanging ang gintong carnation ang natirang sariwa.

“A-ano ‘yan, Liah?” takot na sambit ni Elle.

Kasabay ng kulog at kidlat ay tumingala ako at naaninag ko ang isang babaeng nakasakay sa walis tingting. Hindi pa siya nakakalapit ay rinig na rinig ko ang kanyang tawa na nakaririndi sa tainga.

“Mangkukulam ‘yan!” napasigaw ako dahil sa takot.

Tuluyan nang napako ang aming mga paa. Nag-aalinlangan akong gumamit ng mahika kasi hindi pa rin alam ni Elle na mangkukulam ako at baka mahimatay akong muli.

Pinikit ko ang aking mga mata at tinawag ko si mama gamit ang aking isip. Naramdaman kong humawak si Elle sa braso ko. Mas lalong lumakas ang hangin at palakas nang palakas ang tawang naririnig ko.

“Mama! Tulong!”sigaw ng isip ko.

***

"Oh! Goodness, Liah where are you?" hanap ni mama sa akin. Naramdaman niya ang pagtawag ko sa kanya. Palinga-linga siya at hinahanap si Miss Tara sa mga bisitang nagkukumpulan.

Si Miss Tara lang ang tanging Gabay na mangkukulam ang pinagkakatiwalan ng pamilya namin, lalo na si Mama. Ito rin ang punong mangkukulam, tagapayo at katulong sa pagpapatakbo ng kaharian.

 I was shocked when I learned that she’s a legendary witch. A master of her gifts. Ayon pa kay mama, she’s able to know everything, but not all knowing. May kahinaan din siya. Patuloy na naghahanap si mama kay Miss Tara nang may tumawag sa kanya mula sa likod.

“Mahal na Reyna?”

Nagulat pa si mama sa pagtawag sa kanya ni Miss Tara. Humarap siya sa likod at sinalubong ang Punong Gabay na naglalakad sa gawi niya.

“Nasa hardin sila, Mahal na Reyna.”

Hindi pa nagsasalita si mama ay alam na nito na hinahanap kami ng Ina kong Reyna.

“You’re such a great help, Tara. Let’s go get her, safe!” bulalas ni mama na hindi na mapakali.

"It's Lusiana, your dear wicked cousin," sambit niya kay mama. Hindi nga   nagkamali si mama. Alam na alam ni Miss Tara kung sino ang dahilan ng pakiramdam na 'to namin.

"Yeah, she's into Liah and for the wand," saad ni mama.

It is our intuition. A feeling that there's something will happen. At si Lusiana ay ang pinsan ni mama, na hindi ko pa nakikita o nakilala. Kwinento lang ito ni mama sa akin.

“She’s with Elle, You’re highness.”

“Wait? What?” alalang tanong niya.

“Hindi natin maiiwasan ang ganitong pangyayari, Mahal na Reyna at isa pa malalaman at malalaman din ni Elle ang tungkol sa matalik niyang kaibigan.”

“Sabagay, tama ka.”

“You must aware now with your limitations, My Highness.”

Saad ni Miss Tara. Kapag ang sumpa ay napasa na― mababawasan ang abilidad nito at magiging limitado na lamang ang magagawa ni mama. Kaya kailangan niya ang gabay ng Punong Mangkukulam.

“Yeah, I know, Tara.”

“Kailangan na natin pumunta sa hardin, Mahal na Reyna.”

“Yeah, Liah is calling me.”

Habang pinipilit kong pakalmahin si Elle dahil nagpa-panic na ito sa takot. Sinubukan kong gumalaw dahil parang pinako ang aming mga paa para hindi makaalis. Pilit kong tinatawag si mama sa isip ko nang paulit-ulit.

Nang magawa na namin ang makagalaw ay agad kong hinawakan ang mga braso ni Elle at niyugyog.

“Calm down, Elle! Calm down!”

Ang akala ko ay kalmado na si Elle dahil bigla itong natahimik pero ang pinagtataka ko parang wala siya sa tamang wisyo. Takot itong nakatitig sa likod ko.

Nang lumingon ako ay gano’n na lang ang paglaki ng mga mata ko dahil sa nakita ko. Nakababa na ang babaeng nakasakay sa walis tingting. Hinahawi nito ang nakakalat niyang buhok.

Nang napadako ang tingin niya sa amin ay ngumisi ito nang nakakaloko. Napaatras kami nang nagsimula itong maglakad patungo sa amin. Si Elle ay hindi makapagsalita.

“Well! Well! Well…” saad nito na nakakaloko.

Habang ang hintuturo nito ay nasa natitirang bulaklak. At sa kanyang pagtapik ay sumabay sa hangin ang abo ng gintong carnation. Napakuyom ako ng kamao dahil sa galit.

“Sino ka?!” matapang na tanong ko.

"Liah! My dear niece?" malambing niyang sabi.

"Who are you?" ulit kong tanong.

"Ooh? Let me introduce myself," aniya.

"I'm Lusiana, your mother's first cousin― 2nd Princess of Verona," pakilala nito sa sarili niya.

"Ha?" takang tanong ko.

"Why in the world I didn't know you?" tanong ko sa kanya. Pero alam kong siya ang kinukwento ni mama.

"She was exiled from our kingdom. At hindi siya welcome sa kahit saang kaharian."

Napalingon kami ni Elle sa likod nang marinig namin ang boses ni mama. Parang nahihingal ito. Kasunod nito si Miss Tara na umiihip ng hangin patungo kay Elle. Napakalma nito ang kaibigan ko.

"Ma? Siya ba si―?" 

"Yes anak,” sagot ni mama sa pinutol kong tanong.

“She tried to kill me and your lola and tried to steal Joshua from me. And  worse she tried to steal the throne from me, for being the heir of the wand. And she's trying again now.”

"If she is exiled? Pa’no siya nakapasok sa palasyo?" I asked.

"Because it's the last full moon―portals are open to any witches. And we became stronger than usual. Pero dahil mabubuti tayong witch, we are not allow to use dark spell. We don't practice that, since your lola became Queen of Verona and being normal again, our innate race." 

Ayon na naman, nagbibigay si mama ng clue sa mga katanungan ko tungkol sa pagiging mangkukulam namin. Pero malabo pa rin ang lahat.

"And she is allowed to use dark spell?"mariing tanong ko.

"You nailed it! Smart, Liah! Huh?" saad ng masama kong tiya. Naggagalaiti na ito sa galit at kagustuhan na makuha ang wand.

“Wala ka nang magagawa, Lusiana!" singal ni mama.

“Oh? Really?” saad nito.

"You try?! or I'll kill you!" singal ni Mama.

"Kill me? How pathetic you are, Airah!" tumawa ito nang malakas.

"I want all! If I got Verona, masasakop ko lahat," dagdag niya.

Lumipad ito pataas, sabay tawa na parang makukuha niya ang puso ng Verona.

“Ma!”

Sigaw ko.

Nakita ko kasi na magca-cast ng spell ang masamang bruha, kaya nag-isip ako ng paraan, pero biglang may sumulpot.

And before she took a move and finish casting a spell, pumulupot na sa kanya ang mga ugat ng puno, at dinala siya pataas nang pataas.

"Who's spell is this?!" sigaw ni Lusiana.

"Mine!" sigaw ng maawtoridad na boses. Gulat kaming lahat nang sumulpot si lola Amanda.  

"Akala ko ba, Ma, normal na si lola?" nagtatanong pa ko sa gitna nang labanan.

“I’ll tell you later honey,” saad ni mama.

“I wont let you spoil the party of my granddaughter!” sigaw naman lola. Tumawa nang malakas ang bruha. Determinado na makuha ang puso ng Verona.

“Well…well! Tiya Amanda, still on track? I thought your tradition of marrying a mortal makes you mortal?” saad niya sabay tawa nang malakas.

“Lusiana! Baka nakakalimutan mo na ang kinakausap mo ay Reyna ng mga reyna?” saad naman mama.

“And the heart is the main reason why you are eager to steal the throne from my daughter!” dagdag pa ni mama.

Tumawa lang ang babae habang pilit na kumakawala sa mahika ni lola. Mahigpit ang pagkakahawak ng mga ugat sa braso ni Lusiana. But she murmured at biglang nagliyab ang mga ugat at naging abo. Tumawa ito nang malakas. Nakatakas siya spell ni lola.

"Tara cover this place," utos ni mama kay Miss Tara.

At bigla nagkaroon ng malaking bola na parang bubble ang garden. Malayo ang hardin sa bulwagan ng palasyo. Kung saan nagaganap ang pagdiriwang ng kaarawan ko. 

"Liah?" tawag sa akin ni mama, nag-aalala na ito.

"Ma?" tugon ko.

"Think about to be invisible and keep the wand and Elle with you, bilis!" utos ni mama sa 'kin. Nataranta naman ako pumikit ako at nag-isip na maglaho.

"Jezz! This is making me crazy!" sigaw ko na parang natutuwa ako kasi nagawa kong maging invisible.

"Liah where are you?" tanong ni mama. Meaning hindi niya ko nakikita.

"Perfect!"

"Beside you, Ma!" anunsyo ko pa sa kanya.

"You did it! Hide, Elle, go to your room and keep the wand safe,” utos ni mama.

Nakita kong nanghihina na si lola. Pero she tried to push every strength she got matalo lang si Lousia.

At Miss Tara ay nagpapanatiling nakaselyado ang hardin para hindi na mabulabog ang lahat sa loob. At maprotekhan ang lahi namin mga mangkukulam. Dahil hindi lahat ng nasa loob ay mga witch, ang iba mga normal lang na mga royals.

"Let's go, Elle," anyaya ko kay Elle.

"Teka, Ma!" napatigil ako sa paghila kay Elle.

"Bakit, anak?"

Halata na sa mukha ni mama na nahihirapan na siya. Madilim na ang paligid at malamig ang panahon. Parang may bagyo sa gitna nang malaking transparent na bola. 

"Pa'no kayo?" nag-aalala kong tanong kay mama.

"Leave this to us, don't worry."

Pagbibigay assurance ni mama sa 'kin.

-Witch in the Palace-

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Paolo Cerna
ang ganda talaga nito. this recommendable! kudos sayo author!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status