Kabanata 7

Kabanata 7

KAKAIN lang si Celes sa labas kasama si Joseph. Walang label. Higit sa lahat hindi sila nagde-date, masyado lang talagang exaggerated ang kaibigan niyang si Sabel kaya kung ano-ano na ang mga ideyang pumasok sa isip niyon. Gusto na rin niyang linawin ang anomang namumuo sa pagitan nila ng binata dahil imposibleng may gusto ito sa kanya at siya rin para rito. Kaya habang sikat pa ang araw maputol na ang kung ano mang malabong ugnayan na mayroon sila.

Nakaayos na siya. Pinahiram na naman siya ng maayos na dress ng pobreng kaibigan na kahit inis siya roon ay nagawa niyang isantabi para lang tulungan siyang makapamili ng maayos na maisusuot. Ayaw naman niyang magmukhang katulong kapag kasama siya ng binata.

Napag-isip-isip niyang bumili na rin ng mga damit lalo na sa mga ganoong lakad. Hindi kasi 'yon kahit kailan sumagi sa isip niya noon, para kasi sa kanya luho na kung maituturing na makapagsuot siya ng mga magagarang damit. Ngunit sa huli mahalaga pa rin palang may mga panlakad siya. 

Sumakay siya ng jeep at nag-text sa binata na mauuna na siya sa lugar na napag-usapan nilang puntahan. Wala naman masyadong pasahero ang nasakyan niya ngunit nahuli pa rin niyang panaka-nakang sinusulyapan siya ng mga taong naroon.

Agad din niya 'yon na pinagsawalang-bahala. Nang humimpil ang sinasakyan sa harap ng diners na tinutukoy ng binata sa kanya noong nakaraan. 

Labis na humanga siya sa lugar pati sa nakapagandang ambiance niyon. Nakangiting sinalubong siya ng waiter na nakakita sa kanyang sumisilip mula sa labas. 

"Magandang hapon po. May reservation po ba sila?" tanong niyon sa kanya.

Nakangiti na rin siya. Mukhang mabait naman ito. Tamang-tama rin palang nagsuot siya ng maayos na damit, kung nagkataon baka napag-isipan pa siya ng masama o nagiging paranoid lang talaga siya. "Hi, magandang hapon din," ganting bati niya.

Inilabas niya mula sa dalang bag ang cell phone na dala at ipinakita rito ang natanggap niyang mensahe kay Joseph na kung sakali raw na mauuna siya ay ipakita lang daw niya 'yon sa kahit na sino'ng staff ng lugar.

Halatang bahagyang nagulat ang waiter. Akmang magtatanong na sana siya nang igaya siya papasok nito sa loob ng restaurant. Dinala siya nito sa marahil nakareserved na table para sa kanila ni Joseph. Nagsimula na rin siyang magduda kung diners lang ba talaga ang lugar na 'yon, para kasing mamahalin ang mga pagkaing inihahain doon bukod kasi siya ang nagsabi noong nakaraan na siya naman ang magbabayad para sa kanilang dalawa. 

Nakaramdam tuloy siya ng kaba. Sinilip pa muna niya ang wallet sa loob ng bag. Para yatang napasubo siyang hindi dapat na hinayaan na ang binata ang mamili ng kakainan nilang lugar. 

"Iced tea, ma'am," wika ng waiter nang bumalik na may dalang drinks. "Kapag po gusto n'yo ng um-order kahit wala pa po ang kasama n'yo ay tawagin ninyo lang po ako," aniya.

Pilit ang ngiting bumakas sa labi niya. "Sige, thank you."

Napangalumbaba siyang ibinaling ang atensyon sa ibang direksyon ng diner kung nasaan siya. Mayamaya'y tiningnan niya ang oras sa cell phone. Napaaga siya ng dating ng higit kinse minutos. Kaya sinubukan niyang itext muna si Joseph para tanungin kung nasaan na ito. Hindi naman sa pinagmamadali niya ang binata.

Karaniwan kasing nauuna ito palagi sa tuwing magkikita sila. Minsan pa nga ay maaga pa ito ng isang oras kaya't naninibago siya.

Tingnan nga naman ang pagkakataon. Tumatawag si Joseph sa kanya.

"Sinabi sa 'kin ng staff nasa restaurant ka na?" bungad ng binata sa kabilang linya. Bakas sa tono ng boses nitong tila ginagahol ng hininga. 

Nasa gym ba ito ngayon? Kung kaya naman nito 'yon na pagkatapos sa gym ay puntahan siya ay ayos lang. Wala naman sa kanya saka para makabawi-bawi rin ito sa ilang beses niyang pinaghintay ang binata dati. 

Ngunit agad ding nagbago ang isip niya nang makarinig ng mga busina ng sasakyan. Mukhang wala naman ito sa gym. 

Hindi kaya tumatakbo ito? Teka, baka naman nagmamadali na ang binatang makarating sa lugar kung saan sila magkikita. Saka naman may kung ano'ng kakaibang emosyon na bumangon sa dibdib niya na animo'y bigla siyang na-excite na makita agad ito.

"Malapit na 'ko," wika pa nito na labis na ikinagulat ng buong sistema niya.

"S—sige mag-iingat ka," pumiyok pa siya nang magpaalam dito.

In-off na niya ang tawag at napasandal sa kanyang kinauupuan.

Mayamaya'y napasapo na lamang siya ng mukha. Bigla na lamang kasing nag-init ang magkabilang pisngi niya. Tiningnan niya ang sariling repleksyon sa harap ng screen ng cellphone niya. Nang agad kumunot ang noo niya nang makitang may natanggap siyang message mula sa nakababatang kapatid. 

Ngunit pinangunahan na agad siya ng kaba dahil hinding-hindi siya tinetext ng kapatid ng ganoong oras. Balak na sana niyang tawagan ito kaya lang sunod-sunod ang pagpasok ng mga customer ng diner. Kaya naman 'di maiwasang makalikha ng ingay. Nagmamadali na lamang siyang tumayo at nagtungo sa restroom. 

Idinial niya ang number nang kapatid subalit hindi pa man nasasagot ng tinatawagan ang cell phone ay gulat na gulat siyang makitang may grupo ng mga lalaking pumasok na lamang basta ng restroom.

"Excuse me but this is a female restroom," agad niyang sabi.

"We have confirmed the person. We will now take her," biglang usal ng lalaki sa marahil kausap sa earpiece na suot.

Agad niyang inilibot ang paningin sa loob ng restroom. Siya lamang ang mag-isang naroon. Napatras siyang hindi malaman ang gagawin. Mukhang nagkamali ang mga ito sa taong pakay at hindi siya 'yon.

Nang inihanda na niya ang sariling pumalag at sumigaw. Ngunit imbes na makapaghanda siya ay naalerto pa ang mga ito at nagulat na lamang din siyang tinutukan ng baril.

"I'm sorry but you might have mistaken me from someone. Mayroon akong i-memeet na tao ngayon. Please, oras na mapansin niyang wala ako siguradong hahanapin niya ako," pilit na paliwanag niya nagbabakasaling nagkamali lamang talaga ang mga ito. Wala rin naman siyang natatandaang nakaalitang mga tao.

Habang palapit nang palapit ang mga ito sa kanya ay paatras naman siya nang paatras. Pigil ang sariling hininga nang pilit na siyang lumaban at itulak ang isa sa mga ito.

Ngunit sa isang iglap may kung ano na lamang na bagay ang dumampi sa leeg niya na agad nagdulot sa buong sistema niya na tila manghina. Bumulagta siya sa sahig. Kahit hirap na maikilos kahit ang isang daliri sa kamay ay dilat pa rin ang mga mata niya at malinaw na pinapanood ang mga itong buhatin siya na animo'y isa lamang sako ng bigas.

"Nakuha na namin si Miss Celestine Sorella, dadalhin na namin siya ngayon sa main house," narinig niyang wika ng may buhat sa kanya.

Dahil sa matinding sakit na dulot ng ginamit sa kanyang taser, mayamaya din ay tuluyang nawalan siya ng malay. 

Unti-unti na nagdilat siya ng mga mata nang matagpuan ang sariling nakagapos ang mga kamay sa ibabaw ng mess sa harap ng isang computer.

"Play it," wika ng isang baritonong boses sa gilid niya.

Agad niyang nilingon ang pinanggalingan niyon at nahagip lamang ng paningin ang katawan ng isang lalaki. Napakadilim ng bahaging 'yon ng silid kung nasaan siya kaya't hirap niyang maaninag ang mukha ng taong dumukot sa kanya.

"I said play the game," muling wika nito na nagdala sa buong sistema niya ng kakaibang takot na walang ibang nakapaghatid sa kanya bukod sa iisang pangyayaring na nangyari ilang taon na ang nakararaan.

May kung ano'ng sinenyasan ito at tinanggal ang kung ano mang bakal na nakakabit sa kanang pulsuhan niya.

"Kapag hindi mo pa ginalaw ang keyboard at mouse. Mamatay ang kapatid mo, kaya laruin mo na ang game dahil kanina pa nag-start," anito.

Ano'ng sinasabi nito? Mamatay ang kapatid niya? Hindi niya magawang magsalita dahil may nakatakip sa bibig niya ngunit may takot ang lumukob sa puso niya matapos na marinig na may hindi magandang mangyayari sa kapatid niya.

Tahimik na ginawa na lamang niya ang inuutos nito. Nilaro niya ang laro na nasa computer. Wala rin naman siyang magagawa kung 'di magawang maikilos ang parehong mga kamay dahil sa bakal na pumipigil sa mga 'yon.

Sanay na sanay siya sa klase ng laro na 'yon. Natapos niya agad 'yon na hindi man lang nahihirapan kahit ilang taon na rin ang nakalilipas noong huli niyang ginawa 'yon.

"Good," rinig niyang sabi ng lalaki sa tabi niya nang marahil makitang naipanalo niya 'yon. "You're really her sister. Maglalaro ka ulit mamaya, at pagkatapos n'yon pwede ka ng umuwi."

Kahit naroon pa rin ang matinding takot sa dibdib niya. Mas natatakot siya para sa kapatid niyang tinutukoy nito. Kaya sinunod na lamang niya ang gusto nito. Hanggang sa sunod-sunod pang nanalo siya. Unti-unti niyang naiintindihan ang tila pamilyar na pakiramdam habang naroon siya at nagtitipa sa keyboard ng bawat skill, at paglalaro ng mga character sa game.

Kasunod din kasi ng bawat panalo niya ay ang paglitaw sa screen ng katumbas na pera. Ganitong-ganito noon kapag isinasalang siya ina sa online gaming na may nakatayang pera.

Walang ano-ano'y binalingan niya ang lalaking kanina pang nanonood sa paglalaro niya. Sa tagal niyang pilit na inaalis ang harang na nasa bibig.

"Nasaan ang kapatid ko?!" galit na sigaw niya.

Mukhang naipit na naman siya sa masamang gawain ng ina kaya siya naroon at nadamay din ang isa sa mga kapatid niya.

***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status