Share

Chapter 75

Andrello

Dan Antonio. 'Yan ang pangalan ng g*gong sumira ng break ng sasakyan nila mama kaya naaksidente sila at namatay si lola.

Sa t'wing naiisip ko si lola ay lalong umiinit ang dugo ko sa lalaking 'yon at nadagdagan ang galit ko.

Sa isang warehouse daw naglalagi ang g*gong 'yon ngayon dahil napalayas siya sa bahay nila.

Wala daw kasing ibang inatupag kung 'di ang maglakwatcha. Isang lumang warehouse na 'tong pinaglalagian niya. Kaunting panahon nalang siguro ay sira na 'to.

As expected ay nandito siya ngayon at naninigarilyo. May alak din sa mesa niya pero walang baso. Tinutungga lang niya ang alak mula sa bote nito.

"Kamusta, kaibigan?" Saad niya ng mapansin ang presensya ko. "Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?"

Tumungga muna siya ng alak at humithit ng sigarilyo bago tumayo at nakangising tumingin sa akin.

"Bibigyan kita ng pamimilian. Kikitlin mo ang sarili mong buhay o ako ang papatay sa 'yo? You choose." Seryosong sabi ko.

Walang nagbago sa ekspresyon ng mukha niya at nanatili siyang nakangisi sa akin.

"Bakit pa ako mamimili kung pwede namang ikaw nalang ang patayin ko? Ano Smith?" Nakangisi niyang tanong. "Magkapatid nga kayo ni Lethal. Masyado kayong mayabang pareho. Wala naman kayong binatbat sa amin. HAHAHAHAHA."

"Masyado na siyang naging mabait at hindi na siya nananakit kaya naman hindi na kami nagdalawang isip na saktan ang pamilya niya. Ang utos sa 'min ay lahat kayo. Isusunod na nga namin kayong mga kapatid niya, eh. Para doon na kayo sa kabilang buhay magsama-sama." Sabi niya pa saka naglakad papunta sa mesa at tumungga na naman.

Utos?

"Sinong nag-utos sa inyo?" Tanong ko.

Hindi sila ang may gawa, may nag-utos lang sa kanila. Sino namang g*go 'yon?

"Bakit ko naman sasabihin sa 'yo? Our client's identity is confidential." Nag-english pa ang king ina saka sila sabay sabay na tumawa.

"Sabihin mo sa 'kin kung sino kung ayaw mong mawalan ng buhay ora mismo." Mariing banta ko sa kaniya saka siya sinamaan ng tingin.

"Tinatakot mo ba ako? Pasensyahan tayo kaibigan pero hindi ako natakot. Dapat kasi ay hindi nagpakita ng kahinaan si Lethal sa amin. Eh, 'di sana natatakot pa rin kami sa kaniya. Siya ang sisihin mo 'wag ako."

"Bakit ko naman sisisihin ang kapatid ko? Siya ba ang sumira ng break ng sasakyan ng mga magulang ko? Siya ba ang dahilan kung bakit sila naaksidente? Hindi. Kayo ang may kasalanan, kaya kayo ang magbabayad."

Kapatid ko pa daw ang sisihin ko. Sinong g*go ang g*nago mo?

"Siya ang dapat sisihin dahil nagpakita siya ng kahinaan." Sabi niya pa. "Hindi na siya nananakit kaya nawala ang takot namin sa kaniya."

"Ahh, talaga? Hindi mo ba nabalitaan kung ano ang nangyari sa miyembro ng Arsanel? Nung binugbog nila ang bunso naming kapatid ay sinugod sila ni Lethal at muntikan ng mamatay lahat. Hindi mo alam?" Saad ko saka naglakad paikot sa pwesto ko. "May hindi ka rin alam sa kaniya. Alam mo ba kung ano 'yon?"

Huminto ako sa kalalakad paikot sa pwesto ko saka siya tinignan sa mata at nginisian.

Siya naman ay biglang naging seryoso na animong kinakabahan na ewan.

"Kapag sinaktan mo ang pamilya niya, pamilya mo din ang pagbabayarin niya." Wika ko.

Nabakasan ng kaba ang mukha niya na kahit pilit niyang tinatago ay hindi niya magawa kaya lalo akong ngumisi sa harap niya.

"Hindi niyo siya kilala. Oo, naging mabait siya. Pero hindi ibig sabihin nun ay pwede niyo na siyang saktan." Sabi ko pa.

"Sabihin mo kung anong kailangan mo." Seryosong usal niya na masama na ang tingin sa akin ngayon.

Tumingala ako saka suminghap ng hangin at saka naglakad papalapit sa kaniya habang nakalagay sa likod ko ang mga kamay ko.

Huminto ako ng ilang metro nalang ang kayo ko sa kaniya.

"Mamili ka sa dalawang choices kanina at sabihin mo sa 'kin kung sinong nag-utos sa inyo. Kapag hindi mo sinabi sa 'kin kung sinong nag-utos sa 'yo ay uutusan ko ang kapatid kong si Lethal na unahin ang pamilya mo." Mariing banta ko sa kaniya.

Nanatili kaming nakatingin sa isa't isa. Hinihintay ko siyang makapag desisyon at mamili sa choices na binigay ko kanina.

Magbabayad na siya sa ginawa niya sa lola at mga magulang ko. Pasalamat nga siya at may choices pa siya.

"Tumatakbo ang oras." Sambit ko saka tinignan ang relo ko.

Ng ibalik ko ang tingin ko sa kaniya ay inabutan na siya ng punyal ng kasama niya.

Mukhang lalaban pa ang g*go. Tsk, tsk, tsk.

Naglakad ako paatras ng kaunti dahil malapit ako sa kaniya. Madali niya ako masasaksak kung hindi ako lalayo.

Ng ayus na ang layo ko sa kaniya ay saka ko hinanda ang sarili ko sa gagawin niyang pag-atake.

Umatake siya sa akin pasugod habang hawak ang punyal kaya inilagan ko ito at saka ko hinawakan ang braso niyang may punyal. I twisted it, kaya sumigaw siya sa sakit at nabitawan niya ang punyal na hawak niya.

Ng mabitawan niya 'yon ay saka ko siya tinuhod sa tiyan at tinadyakan sa likod.

Ng matumba siya ay saka lang isa isang sumugod ang mga kasama niya kaya ilag, sapak, suntok, sipa, tadyak ang ginawa ko sa mga 'yon.

Matapos ko silang patumbahin ay saka ako lumapit sa g*go. Hinawakan ko siya sa buhok niya at inangat ang ulo niya pasabunot.

"Sinong nag-utos sa inyo. Sabihin mo." Utos ko sa kaniya.

"Asa ka!" Sigaw niya saka ako sinapak at tumayo siya.

Siraulo, may lakas pa.

Tumayo din ako saka hinawakan ang mukha ko na sinapak niya. Hindi naman ganoong kalakas ang sapak niya dahil nakadapa siya sa sahig kaya hindi pumutok ang labi ko.

"Talaga bang magpapagod ka muna bago mo sabihin sa 'kin kung sino ang may gawa nito? Kung sino ang nag-utos sa inyo? Ha?" Tanong ko sa kaniya.

"Kahit patayin mo 'ko ay hindi ko sasabihin sa 'yo kung sino ang nag-utos sa 'min!" Sigaw niya.

"Kung ganun, sige. Pagbibigyan kita. G*go!" Sigaw ko saka siya sinugod ng sapak at suntok sa tiyan.

Hindi na siya nakaporma pa dahil matapos ko siyang suntukin sa tiyan ay sinapak ko siya sa panga at tinadyakan.

Umuubo na siya ng dugo matapos niyang matumba. Ako naman ay naghabol muna ng hininga bago siya lapitan muli.

Hinugot ko na din ang baril ko saka itinutok sa kaniya. Hinang hina naman siyang tumingin sa akin habang hinihingal pa.

"Sabihin mo sa 'kin kung sinong nag-utos sa 'yo. Bilisan mo at mainipin ako." Saad ko.

Ngumisi naman siya sa akin saka biglang sinamaan ako ng tingin. Bipolar ang king ina.

"Kahit patayin mo ako. Wala kang makukuha sa akin na kahit ano." Hirap na hirap na sabi niya kaya pinaputukan ko siya sa binti.

"AHHHH!" Daing niya ng sakit dahil sa tama ng bala.

Gusto mo 'yan tapos dadaing daing ka. Tss.

Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ko saka nag-dial ng number. Ilang ring lang ay sinagot na din niya ang tawag.

"Yow, boss." Saad niya matapos sagutin ang telepono.

"Hawak niyo na ba?" Tanong ko.

"Yes, boss."

"Ipadinig natin ang boses dito sa g*gong 'to." Utos ko saka pinindot ang loud speaker buttons.

Lumapit ako sa pwesto ng g*go saka yumuko at itinapat sa tenga niya ang telepono.

"Pakinggan mo ang boses ng nanay at tatay mo na naghihirap." Bulong ko sa kaniya.

"Maawa kayo! Tama na!" Sigaw ng isang babae habang umiiyak.

May naririnig din kaming daing ng isang lalaking nasasaktan dahil pinahihirapan.

"Hayop kang g*go ka!" Sigaw niya sa akin.

Tumayo ako at pinatay na ang tawag. Kita ko na ang galit sa mga mata niya. May gana pa siyang magalit, ah.

"Wala silang kasalanan kaya 'wag mo silang idamay!" Sigaw niya pa.

"Ang lola ko ba ay may kasalanan kaya mo pinatay?" Galit na tanong ko sa kaniya. Hindi naman siya nakasagot at pinanatili lang niya ang masamang tingin sa 'kin.

"'Wag na 'wag mong gagalawin ang pamilya kong g*go ka!"

"Kung g*go ako mas g*go ka! Pinatay niyo ang lola ko. Pinatay niyo!"

"Si Lethal ang may kasalanan kaya 'wag kami ang sisihin mo!"

"Sinong sisisihin ko? Ang kapatid ko na kasama ko nang mangyari ang aksidente? Sinong g*go naman ang mangsisisi sa kapatid niya na kasama niya ng mga oras na mangyari ang aksidente, ha?! G*go!"

Lalo lang niyang pinaiinit ang ulo ko dahil sa mga sinasabi niya. Gusto niyang ang kapatid ko ang sisihin ko. Anong akala niya sa 'kin? G*gong katulad niya?

Anong isip kaya ang meron 'tong g*gong 'to?

Kanina ko pa siya gustong patayin pero pilit kong pinakakalma ang sarili ko dahil gusto kong malaman kung sino ang nag-utos sa kanila.

Gusto kong malaman kung sinong g*go 'yon kaya pinahahaba ko pa ang buhay ng g*gong 'to.

"Sabihin mo sa 'kin kung sinong nag-utos sa inyo kung ayaw mong marinig ang boses ng mga magulang mo habang naghihingalo." Utos ko sa kaniya.

Nag-isip pa siya kung sasabihin ba niya sa akin kung hindi pero ng huli ay sinabi din niya.

Hindi ko kilala ang taong 'yon na nag-utos sa kanila. Ngayon ko lang narinig ang pangalan niya. Sino naman kaya 'yon?

"Good dahil sinabi mo." Saad ko saka itinutok ng maigi sa kaniya ang baril na hawak ko. "Any last wishes?"

"Pakawalan mo ang pamilya ko." Nangungusap na sabi niya.

"I'm sorry, but don't worry. You'll meet your parents in hell." Sabi ko saka kinalabit ang gatilyo ng baril.

Kahit na napatay ko na ang g*gong 'to ay hindi pa rin nawawala ang galit na nararamdaman ko.

~ RING! RING! ~

May narinig akong telepono na nag-ring mula sa mesa kaya nilapitan ko 'yon.

Jao calling...

Sino naman kaya 'to? Kahit na hindi ko alam kung sino 'to at sino ang may ari ng telepono na 'to ay sinagot ko 'yon.

Pagkasagot ko ay narinig ko mula sa kabilang linya ang boses ni Andrea. Siya siguro ang isa pang g*go na may gawa no'n kela lola.

"Andrea." Usal ko sa pangalan ng kapatid ko.

"Sino kang g*go ka?" Dinig kong tanong nung isang lalaki.

"Apo ako ng pinatay niyo." Sagot ko. "Tapos na ako sa g*go dito baka gusto mong ako na din ang tumapos sa 'yo?"

"G*go!" Sigaw niya saka ibinaba ang linya.

Mas g*go ka ulul!

Matapos ng tawag na 'yon ay umuwi na ako sa bahay namin. Nakapagbayad na ang isa, tatlo pa.

Andrew

"G*go ka!" Sigaw sa akin ng g*gong kaharap ko.

Nakatali sa upuan ang katawan niya. Sa likod naman nito ay and kamay at paa niya.

Ayokong mapagod ako kaya itinali ko na siya. Magsasayang pa ba ako ng lakas kung pwede namang hindi?

Nandito siya sa pugad nila. Medyo nahirapan akong makapasok dahil nasa labas lahat ng bata niya.

Ewan ko ba kung bakit nandun 'yung mga 'yon kung pwede naman sila dito sa loob. Kakaiba din talaga ang trip ng mga 'to, eh.

Pinatumba ko muna lahat bago ko pasukin ang loob ng pugad nila saka ko pinukpok sa ulo 'tong g*go kaya nakatulog. Nung makatulog siya ay saka ko siya itinali.

Medyo nahirapan din ako sa pagbuhat sa kaniya papaupo dahil ang bigat niya. Pesteng 'yan, anim na beses yatang kumain sa isang araw.

"Kapag ako nakawala dito, papatayin kitang g*go ka!" Sigaw niya pa.

Nakakarindi ang isang 'to, panay ang sigaw. Kelalaking tao, eh. Busalan ko kaya bibig nito?

"Masyado kang madada." Medyo inis na sabi ko sa kaniya habang hinahawakan ko ang tenga ko na animong naririndi.

Hindi naman kasi maganda ang boses niya para dumada ng dumada. Ang sakit kaya sa tenga.

"Pakawalan mo 'ko dito at titigil ako sa pagsigaw!"

Medyo natawa ako sa sinabi niya. Sinong g*go naman kaya ang gagawa nung utos niya? Anong tingin niya sa 'kin? Bobo gaya nila?

"Hoy, 'di ako sing bobo gaya niyo." Sabi ko saka umupo sa mono block sa tabi ko.

"Ano bang kailangan mo? Sabihin mo na at pakawalan mo 'ko dito at ibibigay ko sa 'yo."

"HAHAHAHAHA." Natawa talaga ako sa sinabi niya. Hanep din pala sa yabang ang isang 'to. "'Wag ka ng magtanong dahil hindi mo kayang ibigay ang gusto ko."

"Baket? Anong gusto mo? Ang buhay ng lola mo?" Mayabang na tanong niya.

Nagpantig naman ang tenga ko dahil bigla niyang binanggit ang lola ko sa usapan namin.

"Hindi, ang buhay mo ang gusto ko." Matalim ang tinging sagot ko sa kaniya. "Kaya mo bang ibigay ang buhay mo?"

"Bakit ko ibibigay ang buhay ko sa 'yo? Anong tingin mo sa 'kin? Bobo? G*go!"

"Mas g*go ka, tarantado!" Sigaw ko. "Kinuha mo nga buhay ng lola ko, eh. Kaya kukunin ko din ang buhay mo."

"Ba't ako ang sinisisi mo at hindi ang kapatid mo? Naging bobo kasi ang kapatid mo at nagpakita ng kahinaan sa taong gaya ko kaya naman nung utusan kami ay sinunod ko."

Sandali akong natigilan sa sinabi niya. Inutusan?

"Anong sinasabi mo?"

"Alam mo bang may isang tao na galit sa kaniya at inutusan kami para pahirapan siya. Ang sabi nung taong 'yon ay mas mahihirapan si Lethal kung ang pamilya niya ang pupuntiryahin namin kaya 'yon ang ginawa namin." Sagot niya.

"Sinong nag-utos sa inyo?"

"Secret. Pakawalan mo muna ako saka ko sasabihin sa 'yo. Give and take tayo."

"Gusto mong makawala? Sige, pakakawalan kita pero kasabay nun ay ang pagkawala ng kaluluwa ng nanay mo sa katawan niya. Ano, payag ka?" Tanong ko kaya natigilan siya.

"'Wag mong sasaktan ang pamilya ko."

"Sabihin mo sa 'kin kung sino ang nag-utos sa inyo saka ko pag-iisipan kung papayag ba ako sa gusto mo o hindi."

"G*go ka. Kapag nasaktan ang pamilya ko papatayin kita."

"Hindi mo 'ko matatakot. Hindi mo muna kasi kinikilala ang mga babanggain mo bago ka kumilos, eh. 'Yan tuloy."

"Kilala ko kayong pamilya! Kilalang kilala." Sabi niya.

"Talaga? Bakit hindi mo alam kung paanong gumanti si Lethal? Gusto mo bang malaman kung ano ang ginagawa niya sa mga taong nananakit sa pamilya niya?" Tanong ko sa kaniya.

Hindi niya ako sinagot at masama akong tinignan.

"Kapag sinaktan mo ang pamilya niya, pamilya mo din ang pagbabayarin niya. Para quits." Sabi ko pa.

"Quits mo mukha mo, g*go! 'Wag kang mandamay ng iba."

"'Wag mandamay? Bakit pamilya ko dinamay niyo?" Galit na tanong ko.

Ang lakas ng loob ng g*gong 'to na magsalita ng ganun. Patayin ko pa siya ngayon na, eh.

"'Wag ka kasing sugod ng sugod at alamin mo muna kung sino ang kinakalaban mo. May hindi ka pa nalalaman tungkol sa pamilyang kinalaban mo."

"Ano naman 'yon?"

"Alam mo ba kung sino ako?" Tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin lang sa 'kin. "Ako si AD, ang leader ng Lorsen Gang."

Natigilan siya at nabakasan ang takot sa mukha niya. Nagsimula na ding manginig ang tuhod niya.

"Sabi ko naman sa 'yo, hindi mo kami kilala. Gusto mo pa bang malaman ang isa pang sikreto?" Tanong ko pa. "Kaming magkakapatid ang leader na kinatatakutan niyong lahat." Sabi ko na lalong nagpatigil sa kaniya.

"Ngayon, sumagot ka. Sinong nag-utos sa inyo?" Tanong ko.

"Si-******** ********"

Sino naman 'yon? Ngayon ko lang narinig ang pangalan niya. At anong kasalanan ni Andrea sa kaniya?

"Salamat sa impormasyon." Saad ko saka itinutok sa kaniya ang baril na hawak ko. "Any last wishes?"

"'Wag mong gagalawin ang pamilya ko."

"Sorry, si Lethal lang ang maaaring mag-decide kung ano ang gagawin sa pamilya niyo." Saad ko saka kinalabit ang gatilyo ng baril.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status