Share

Chapter 76

Andrea

Nakapagbayad na sila sa ginawa nila sa pamilya ko. Pero hindi pa rin nawawala ang galit sa puso ko.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nagigising ang papa ko. Comatose pa rin siya at walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa siya.

Walang kasiguraduhan kung magigising pa ba siya. Walang kasiguraduhan ang lahat.

Maaga akong umalis ng bahay namin. Hindi na ako kumain at dumeretso ako sa ospital para bantayan si papa.

Nakalabas na din sila mama ng ospital kahapon at pinagpahinga muna namin siya sa bahay.

Pagdating ko sa ospital ay dumeretso agad ako sa ICU kung nasa'n si papa.

"'Pa, gising na. Haba na ng tulog mo, eh. Baka naman gusto mo ng gumising. Uso 'yon pa." Saad ko. Hindi ko na naman tuloy napigilan ang mga luha ko na tumulo.

Naaawa ako kay papa dahil hindi na siya humihinga sa sarili niya. Hindi na niya kayang huminga sa sarili niya. Nakakahinga nalang siya dahil sa oxygen na nakakabit sa kaniya.

"Papa..." Tawag ko sa kaniya habang lumuluha. "'Wag ka naman sanang sumunod agad kay lola. Papa, gising na. Huhuhuhu."

Bakit kasi pati si papa dinamay nila? Kung ako ang kailangan nila, dapat ako nalang at hindi na sila nandamay.

Kapag talaga si papa ay hindi na nagising, ipinapangako ko na uubusin ko ang angkan nilang lahat.

Pinunasan ko ang mga luha ko saka ko inayos ang sarili ko. Papasok na ako, baka ma-late pa ako.

"Babalik ako, 'pa. Sana pagbalik ko mamaya gising ka na." Sabi ko saka siya hinalikan sa noo.

Lumabas ako sa ospital at saka nagpunta sa eskwelahan. Kailangan ko pa rin namang mag-aral dahil panigurado na ayaw ni papa na hindi kami pumapasok.

Kapag nagising siya at nalaman niyang hindi kami pumapasok ay tiyak na magagalit siya. Kaya kahit na ayaw kong pumasok at bantayan nalang siya ay pumapasok pa din ako.

~ School ~

Madami na din ang estudyante dito sa eskwelahan pagdating ko. Ang iba ay naglalandian, ang iba ay lumalandi ang iba ay puro arte ang ginagawa. Meron din namang nagbabasa ng libro. Ang mga nerd nga lang.

Dumeretso ako sa room namin at hindi na pinansin pa ang mga tao sa paligid. Wala naman kasing magandang tignan sa paligid ng eskwelahan.

Sa bawat sulok ay may mga estudyante na kung hindi naghaharutan ay puro kaartehan naman, tss.

Pagdating ko sa tapat ng room ay nagtaka ako dahil nakasarado ang pinto sa harap at likod. Maging ang mga bintana ay sarado at nakaladlad ang kurtina.

Masyado ba 'kong late? Tinignan ko ang wrist watch ko para tignan ang oras. 6:48 AM palang. 7:00 AM pa ang klase namen, eh.

Hindi pa ako late pero bakit sarado na 'to? Nabago ba ang oras ng klase? Bakit hindi ako inform?

Lumapit ako sa pinto saka kumatok. Naghintay ako mg Ilang saglit nagbabakasakali na may sumagot pero wala kaya binuksan ko na ang pinto.

Pagkabukas ko ng pinto ay walang tao sa loob at isang malaking tarpaulin lang ang nakita ko na may nakasulat na

"CHEER UP, ANDREA! WE'RE ALL HERE FOR YOU. WE KNOW THAT YOU CAN DO IT! DON'T LOOSE HOPE AND TRUST GOD!"

Napangiti ako sa nakita ko. Mayroon ding dalawang picture sa baba nito. Ang isa ay class picture namin at ang isa ay ang picture naming buong klase kasama si sir Lee.

Maya maya lang ay isa isang lumabas mula sa ilalim ng desk ang mga kaklase ko at nakangiting tinignan ako kaya nginitian ko din sila.

Kasama din si sir Lee sa mga gumawa nito. "Cheer up!" Sabay sabay nilang sabi.

Lumapit naman isa isa sa 'kin ang mga kaibigan ko saka ako niyakap. Nauna si Alexa na nakangiti ng malawak sa akin habang naglalakad.

"Cheer up, Andrea. Nandito kami para sa 'yo." Aniya habang nakayakap sa akin.

"Thank you." Sabi ko saka kami naghiwalay sa yakap.

Sumunod naman si Tristan at sumunod sa kaniya si Blake. Niyakap nila ako at sinabi din nilang 'cheer up'. Ang sumunod naman sa kanila si Raia.

"'Wag kang panghinaan ng loob, ah? 'Wag mo ding kalilimutan na nandito kami for you." Sabi niya.

I just smiled at her and mouthed thank you.

Sumunod sa kaniya si Jake. "Hindi ko masasabi na hindi ka nag-iisa dahil isa ka lang naman, eh." Pauna niya.

"Siraulo." Sambit ko kaya natawa siya.

Kahit kailan ay siraulo ang isang 'to. Akala ko pa naman ay matino ang sasabihin niya. Kahit kailan talaga, tsk.

"Nag-iisa ka lang naman talaga, ah? Dalawa ka ba? Marami ka ba?" Natatawang tanong niya kaya inismiran ko siya.

"Puro ka kalokohan, alam mo 'yon?" Kunwaring inis na sabi ko sa kaniya saka kami sabay na natawa.

"Tss. Pero, 'eto. Hindi ko man masasabi na nag-iisa ka, gusto ko namang sabihin sa 'yo na hindi ka mag-iisa sa laban mo. Sasama ako kahit saan pa 'yan, kahit ano pang laban 'yan. Sasamahan kita. Nandito lang ako para sa 'yo. Kahit na minsan eh, amazona ka at pikon. Madalas pala 'yung pikon, HAHA. Pero kahit ganun, sasamahan kita. Isang tawag mo lang nandyan na ako. Okay? Don't forget that you have a handsome childhood bestfreind named Jake Amilton who will stay by your side even in pain and sorrow. I won't leave your side even you're in a battle, I'll fight with you. Okay? Arraseo?"

"Parang ikaw 'yung boyfriend ko, ah?" Natatawang sabi ko.

"Tss, ganun ba ang dating?" Natatawa din niyang tanong.

"Thank you." sabi ko saka kami nagyakap.

Natuwa ako sa sinabi niya. Pero talagang hindi nawala 'yung pang-aasar at pagpuri niya sa sarili, eh.

Sunod naman na nagpunta si Alistair sa harap ko.

"Andrea." Tawag niya sa pangalan ko.

"Hmm?"

"I'm sorry."

"Saan?"

"For everything."

"Ano 'yung everything na 'yon? Gusto ko isa-isahin mo." Sabi ko.

Gusto ko namang matawa dahil na naging reaksyon niya dahil mukhang nagulat siya, HAHA. Pero syempre pinigilan ko 'yung tawa ko, kunwari serious mode ako.

Napabuntong hininga pa siya saka tumingin sa mga mata ko. Saglit pa siyang nakipagtitigan saka nagsimulang magsalita.

"Sorry for—"

"Sandale." Pigil ko sa kaniya saka natawa.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA." Tawa ko.

Iisa-isahin niya talaga, HAHAHA. Masunuring bata pala si Hagdan, HAHAHA. Takte, hindi ko akalain na gagawin nga niya. Lt din 'tong Hagdan na 'to, eh.

"Why are you laughing?" Takang tanong niya pero nakangiti siya.

Ngiting ngayon ko lang ulit nakita. Na miss ko rin ang ngiti niyang 'yan, promise.

Tumigil ako sa pagtawa saka tumingin din sa kaniya habang nakangiti.

"Iisa-isahin mo kasi talaga, eh. HAHAHA." Sabi ko saka saglit na natawa.

"That's what you want me to do."

"Binibiro lang, eh. 'Di ka na ba mabiro ngayon?" Nakangiting tanong ko sa kaniya.

"You're so serious when you said that, that's why I thought that you really want me to do that."

"Tss. Ako ang magso-sorry sa 'yo."

"Why?"

"Sorry kasi sinisi kita sa mga nangyari noong nakaraan. Alam ko naman na hindi ikaw ang may kasalanan pero sinisi pa rin kita. Sorry dahil sa 'yo ko nabunton ang galit ko nun. Sorry." Sinserong sabi ko.

Niyakap naman niya ako ng mahigpit pagkasabi ko nun kaya yumakap din ako sa kaniya.

"Don't be. Ayus lang kahit na sisihin mo 'ko dahil naiintindihan kita."

"Thank you." Sambit ko habang nakayakap pa din sa kaniya.

Buti nalang at mabait ang Hagdan na 'to. Medyo medyo lang pala, parang si Jake. Medyo siraulo na medyo mabait. Si Jake naman ay medyo animal na medyo mabait.

Pero kahit na medyo medyo ang ugali nila ay laking pasasalamat ko sa kanila dahil gumaan kahit papaano ang nararamdaman ko dahil sa mga sinabi nila.

Dahil sa mga yakap na ibinigay nila sa akin. Bakit ko nga ba nakalimutan na may mga kaibigan ako na nandito para sa akin?

"PDA na 'yan, sir. 'Di ba?" Dinig kong sabi ni Jake kaya humiwalay na ako sa yakap ni Al.

"Oo nga, sir. PDA na sila." Pang-aasar pa ni Jane isa sa mga kaklase ko.

"Tss." Singhal ko sa kanila.

"Kiss naman d'yan!" Sigaw ni Hermie na sinundan pa ng iba.

"Oo nga! Kiss!"

"Kiss!"

"Kiss! Kiss! Kiss!" Hiyaw pa ng iba.

"Kiss daw." Bulong ni Hagdan.

"Sapak, you want?" Tanong ko sa kaniya kaya nginusuan niya ako.

"Kiss na 'yan, oh!"

"Kiss! Kiss! Kiss!"

"Mga siraulo!" Sabi ko sa kanila saka naglakad papalapit kay sem.

Niyakap ko siya ng mahigpit dahil alam ko na pakana niya ang lahat ng 'to. Mahilig si sem na palakasin ang loob ng estudyante niya kapag alam niyang down na down 'to.

Ayaw niya na nakakakita ng isa sa mga estudyante niya na malungkot. Para na siyang isang magulang sa estudyante niya kaya laking pasasalamat ko na nandito siya sa amin.

"Kamsahamnida, seonsengnim. Jeongmal kamsahamnida." Usal ko.

[Translation: Thank you, sir. Thank you so much.]

Niyakap niya din ako saka hinaplos ang buhok ko.

"You're always welcome, Andrea. Alam mo naman na parang anak ko na kayo ni Jake. Pagpasensyahan mo na din kung nagalit ako sa inyo noong nakaraang araw." Sabi niya pagkahiwalay ng yakap.

"Ayus lang 'yun, sem. Alam ko namang nag-aalala ka lang hehe. Sorry nga pala dahil hindi namin natupad 'yung pangako namin sa 'yo."

"It's okay, just be safe always. Arraseo?"

Tumango ako sa kaniya ng nakangiti saka yumakap ulit.

"Sali naman d'yan, ba't kayo lang?" Sabi ni Jake na kunwaring nagtatampo saka lumapit sa amin.

Natawa naman kami sa kaniya dahil sa itsura niya. Parang bata siya na inagawan ng candy, HAHAHA.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status