Share

Chapter 77

Alistair

"They're here." Blake said looking at the entrance of the gymnasium.

Napangiti ako ng makita ang tinutukoy niya. Sila Andrea kasama sila Lexa at Raia.

"Hi, girsl!" Bati ng teammates ko sa kanila.

Kumaway sila Raia at Lexa samantalang si Andrea naman ay ngumiti lang ng bahagya sa kanila.

"How are you feeling?" I asked.

"Ayus lang." She replied and smiled at me.

"Pwedeng akin nalang 'yung isa?" Pabirong sabi ng isa sa mga teammates ko habang nakatingin kay Andrea ng nakangiti.

Mabilis kong inilagay si Andrea sa gilid ko saka siya sinamaan ng tingin.

"Who are you smiling at?" Tanong ko sa kaniya.

"Syota mo ba 'yan?"

"Yeah. So get off your from her if you don't want me to take it out from you."

"Brutal mo, dre."

Nagtawanan lang kami dahil umakto pa siyang nandidiri. Bakla pa yata ang isang 'to.

Tinignan ko si Andrea at nakangiti nga lang siya sa akin kaya nginitian ko rin siya pabalik.

I miss her smiles. I haven't seen it for days. I'm glad that she's okay now. Not fully okay but I can say that she's starting to heal from what happened.

In just few days, ang daming nangyari sa kaniya. Her grandmother, her father, her mother, her tita, and her cousin.

I don't know how she handle things like that. Kasi kung ako 'yon, baka nabaliw na ako.

Hindi biro ang lahat ng 'yon.

Wala pa naman si coach kaya nandito lang muna kami sa bench at naghihintay sa pagdating niya.

Ang sabi niya kasi sa amin ay agahan ang punta namin siya naman pala ang malelate.

"Are you free later?" Tanong ko sa kaniya.

Sasagutin na sana niya ako ng biglang mag ring ang phone niya.

"Excuse me." She said before answering the phone.

"Hmm?" "Sige, pupunta na 'ko." "Sige, ingat."

Ibinaba niya ang call at ibinalik ang phone niya sa bag niya saka tumingin sa amin.

"Sorry guys, kailangan ko ng umalis."

"Why? We just got here." Lexa asked.

"Kailangan kasi ng tao sa restaurant. Hindi pa naman pwede si mama kaya kami muna ni Andrei."

"Is that so? By the way, where's kuya Andrew and kuya Andrello?" I asked.

I haven't seen them for weeks now.

"Nasa Sagada kasama si tita Beth. Sila muna ang bahala kay Tita Beth dahil ayaw pang umalis ni tita sa bahay nila ni lola. Ayaw naman nilang iwan mag-isa do'n kaya doon muna sila hanggang sa may papalit na sa kanila na titira doon."

Napatango ako bago siya yakapin. Ngayon ko nalang siya nakita ulit aalis pa siya. Sa klase kasi hindi ko naman siya makausap kasi may klase kami.

"I'll miss you." I said.

"Me too." She replied.

Hinalikan ko siya sa noo pagkahiwalay namin sa yakap.

"Take care."

Ngumiti lang siya sa akin bago tuluyang tumalikod at maglakad paalis.

Sumama sa kaniya sila Raia at Lexa. Ayaw daw kasi nilang iwan ito mag-isa.

"Bakit ang lungkot ng jowa mo, dre? Pati mga ngiti niya pilit lang." Tanong ng isa sa mga teammates ko.

"Something just happened to her." I replied.

Sakto namang dumating na si coach kaya nagsimula na rin ang practice namin.

Wala naman akong ibang naiisip kung 'di si Andrea lang habang nag pa-practice kami.

Pati teammates ko napansin na pilit ang ngiti niya. I don't know if she's really okay or she's just pretending to be okay.

I want to be with her but I have to practice if I want my team to win the upcoming game this weekend.

Buti nga at na-move ang schedule dahil hindi daw makakasipot ang kalaban namin at may naging emergency sila kaya may time pa kami.

"Hey, hon!" A girl greeted me smiling from ear to ear while walking from the entrance.

"What the hell are you doing here?" I asked almost shouting at her.

"'Wag ka namang ganiyan kay Samantha babe." Sabi ng isang teammates ko saka ito binati.

Nginitian naman siya nito ng pagkatamis-tamis saka muling humarap sa akin.

Kinuha niya ang towel ko at pinunasan ang pawis ko nakuha ko mula sa practice namin.

Inagaw ko ang towel ko mula sa kaniya saka siya sinamaan ng tingin.

"Why are you looking at me like that?" Waring takot na aniya.

"What the hell are you doing here?"

"Ayaw mo bang nandito ako?"

"Yes. So, will you please leave?"

"Hi, babe! Hi, Tristan and Alistair!" Bati naman ng isang babae mula sa entrance ng gymnasium.

"Another chika babes." Nakangising ani ng isa kong teammates.

"Ang dami niyo namang babae." Sabi pa ng isa saka tumawa.

Hindi ko sila pinansin at tinignan nalang ang babaeng bagong dating. Sinusuri niya ang babaeng nauna sa kaniya gayun din ang ginawa ng isa.

Pareho nilang sinuri ang isa't isa hanggang sa biglang ngumiti si Cassandra kay Samantha.

"Hi, there. Ms. EX GIRLFRIEND." May diing sabi ni Cassandra kay Samantha.

Nangunot ang noo nito saka ngumisi kay Cassandra.

"Remove the word 'ex'. I'm his girlfriend." Nakangising sabi naman ni Samantha.

"Ohh." Ani ng mga teammates ko na nakikinig sa dalawa.

"Oh, really?" Animong hindi makapaniwalang sabi ni Cassandra saka humarap sa akin. "Is she your girlfriend?"

"No, just a person I know before." I said shifting my gaze from Cassandra to Samantha.

Nakita ko kung paanong nagbago ang ekspresyon niya mula sa pagngisi hanggang sa pagiging inis.

"Oh, now. Tell me. Are you his girlfriend or his EX GIRLFRIEND?" Dinidiinan talaga ni Cassandra ang huling salitang sinasabi niya.

"I'm his girlfriend. Why are you denying it?"

"What are you saying? You're not my girlfriend. Andrea is my girlfriend and not you."

"Damn that Andrea!"

Hindi ko napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya dahil sa sinabi niya.

"Don't you dare curse her." Galit na usal ko sa kaniya.

Nanlalaki ang mga mata niya na nakatingin sa akin habang hawak hawak ang pisngi niya na dinapuan ng palad ko.

"Dis you just slap me?"

"Yes. Why?"

"How can you..."

Lumapit si Cassandra sa kaniya saka siya sinamaan ng tingin.

"Be thankful na si Alistair Crimson ang nakasampal sa iyo. Dahil kung ako 'yon, baka luhaan ka niya diyan dahil sa sakit na dadanasin mo."

Nakipaglaban ito ng sama ng tingin sa kaniya habang nanggigilid ang mga luha nito.

Kahit na gano'n ay hindi ako makaramdam ng awa sa kaniya. Minura si Andrea at wala siyang karapatan na gawin 'yon.

Kung ako at ang pamilya niya at hindi ginagawa 'yon jat Andrea tapos siya ay gagawin niya? How dare she?

Pasalamat siya at babae siya kaya hindi ko siya sinapak at hininaan ko lang ang sampal sa kaniya.

Pero kapag inulit niya 'yon, wala ng babae babae. I'll punch her.

May ibinulong siya na hindi ko naintindihan ngunit parang narinig ni Cassandra kaya ang akma nitong pag-alis na naudlot pa.

Nag-aapoy sa galit ang kaniyang mga mata ng harapin niya ang babaeng kanina ay kasagutan niya.

"What did you say?" Nagpipigil sa galit na tanong nito dito.

"What are you talking about?" Nagmamaang-maangan na sabi ni Samantha.

Hinawakan ni Cassandra ang braso ni Samantha at halos bumaon na ang matutulis niyang kuko dito.

"Ouch! Let go of me!"

"Ms. Tarmina." Tawag ni coach kay Cassandra pero hindi niya ito pinansin.

"Repeat what you said." Utos niya dito habang masama ang mga tingin kay Samantha.

"Cass." Pag-awat ni Blake dito na hinawakan pa siya sa braso.

Hindi niya rin ito pinansin at binawi ang braso niya mula dito.

"Ano ba kasing sinasabi mo? Masakit! Bitawan mo 'ko!"

Pilit kumakawala si Samantha sa mga kamay ni Cassandra ngunit hindi niya magawa. Lalo pang hinigpitan ni Cassandra ang pagkakahawak niya sa braso nito saka ito bahagyang inilapit sa kaniya.

"Kapag nalaman ko na may kinalaman ka sa nangyari, itutumba kita." Banta niya dito saka pabatong binitawan ang braso ni Samantha at umalis.

Raia

"Are you okay?" I asked Andrea while we're sitting on one of the tables here at their restaurant.

Kanina pa kasi siya walang pahinga. Sila ng bunso niyang kapatid. Marami rami din kasi ang customers kanina kaya tuloy tuloy sila sa pagse-serve ng pagkain.

Gusto nga sana naming tumulong kaso ayaw niya kaming patulungin. Sila nalang daw. Buti nga at dumating 'yung dalawang lalaki na tumulong sa akin no'n sa warehouse at tinulungan sila dito.

"Hmm. Ayus lang ako."

"Are you sure?" Tanong ni Lexa.

"Hmm, 'wag kayong mag-alala."

"You're necklace look stunning." I said to change the mood.

Masyado kasing malungkot.

"Ahh, galing kay lola 'to. Bigay niya sa 'kin bago sila umalis." Malungkot na aniya.

"I'm sorry." I said.

Instead of changing the mood, mas lalo pa yatang lumungkot dahil sa pagtatanong ko.

Huminga siya ng malalim saka ngumiti ng pilit habang nakatingin sa necklace na suot niya.

"Ayus lang."

I hope may magagawa ako para pagaanin ang loob niya. Sobrang dami kasing naganap this past few days.

Wala pa sila kuya Andrew ngayon dito. Ang mother naman niya nagpapagaling pa. Ang father niya, comatose pa rin.

Hayss.

Siya at ang bunsong kapatid nalang niya ang maaasahan nila. Kaya siguro pilit niyang pinalalakas ang loob niya.

I hope I can take even one her burdens. Para naman gumaan gaan ang pakiramdam niya.

Alexa

"How is she?" Alistair asked us.

Pinauwi na kasi kami ni Andrea at magga-gabi na daw. Ayaw pa sana namin siyang iwan kaso sabi niya ay magsasara na din daw sila at pupunta siyang ospital.

"She's not fine." I said.

"Hindi naman kasi madali ang maka move on agad sa nangyari lalo na at pamilya niya ang mga 'yon. Hayaan muna natin siya, malalampasan niya rin ang mga 'to." Blake said.

Pilit ang mga ngiti ang naiganti namin sa kaniya dahil talagang naaawa kami ay Andrea.

A lot of burdens are in her shoulder.

Sinosolo niya ang lahat at ayaw niya kaming patulungin.

The investigation is still on going at hindi pa alam ng mga pulis kung aksidente ba ang nangyari o hindi.

Ewan ko ba at ang bagal ng mga pulis.

"Where's Andrea?" Ate Sandra asked habang naglalakad siya pababa ng hagdan.

Wala namang sumagot sa kaniya kaya naupo siya sa isa sa mga sofa sa bahay nila at tinignan kami isa-isa.

"You know what guys, she needs you right now." Panimula niya kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. "She needs a shoulder to cry, an arms to hug her, a person who can make her feel that she's not alone. And that's you, guys. She needs you the most today. Maybe, she's pushing you away, but do you know what she really want? For you to say NO and stay by her side."

"She's smiling, she's laughing, but it doesn't mean that she's happy. She's just doing that to tell you that she's fine even when she's not. She needs you guys. Specially you." Pagpapatuloy niya pa saka tumingin kay Alistair pagkasabi niya ng huling salita.

Andrea

Hindi ko alam kung kaya ko pa ba o hindi na. Parang gusto ko ng sumuko. Quota na 'ko sa mga nangyayari sa 'kin.

Hanggang ngayon wala pa ring malay si papa. Miss ko na lola. Si mama nagpapagaling pa sa bahay.

Hindi ko na alam kung sino ang uunahin ko sa dalawa.

Hindi ko alam kung kay mama ba ako pupunta o kay papa.

Kung pwede ko lang hatiin ang katawan ko ginawa ko na.

Sobrang hirap. Hindi ko na kaya.

"Hey, dear." Sabi ng isang boses ng babae kaya pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko bago humarap sa kaniya.

Pinilit kong ngumiti habang papalapit siya sa akin.

"Hmm?"

Bigla niya akong niyakap at hinaplos ang buhok ko. Hindi ko tuloy mapigilan ang maiyak muli.

"Just cry. I'm here, I won't leave you." Aniya habang hinahaplos ang likod ko.

"Hindi ko na kaya, Cass. Suko na 'ko." Lumuluhang sabi ko.

"Shh... Kaya mo pa. Hindi ka susuko. I'm here. You're friends are here for you. Don't push them away. Stop pushing them away."

"Nagiging pabigat na ako masyado sa kanila. Ayoko ng mandamay pa ng ibang tao."

"Hindi ka pabigat. We are your friends and we're always here for you."

"Pinipilit ko na lang ang sarili ko na magpakatatag. Ang totoo ay sukong suko na ako. Kaso pa'no sila mama? Kanino sila kakapit kapag pati ako sumuko? Hindi ko na alam ang gagawin ko, Cass."

"Shh... You should sleep now. It's late. Mawawala ang mga iniisip mo kapag natulog ka na." Aniya saka ako inalalayan pahiga sa kama. "Sleep, my dear. I promise that I won't leave you."

Tinanguan ko siya saka ipinikit ang mga mata ko at pinilit ang sarili ko na matulog.

Ang totoo talaga ay ayoko ng lumaban. Kung hindi ko lang naiisip sila mama ay baka matagal na akong sumuko.

Hindi ko na kaya. Sobrang hirap.

Kinabukasan ay maaga akong bumangon para sana magluto ng agahan. Pagdating ko sa kusina ay nando'n na si mama at nagluluto na para sa amin.

"O, 'ma. Bakit ang aga mo naman?" Tanong ko.

"Ahh, ipagluluto ko kayo ni Andrei. Ang tagal ko na ring hindi nagluluto." Nakangiting aniya.

"Pero, 'ma. 'Di ba dapat nagpapahinga ka pa ngayon? Kaya ko namang magluto ng agahan natin."

"Nako anak, ako na. Magaling na din ako 'wag kang mag-alala. Kaya ko na sarili ko. Masyado mo na ding pinapagod ang sarili mo eh pumapasok ka pa."

"Kahit na 'ma. 'Wag naman sanang matigas ang ulo mo."

"Alam mo, anak. Kaya ko na talaga. Matagal na akong galing kayo lang naman ang mapilit."

"Isusumbong kita kay kuya."

"Kahit magsumbong ka. Nako itong batang 'to talaga."

"'Ma naman kasi."

"Ayus na talaga ako."

Wala na akong nagawa kung 'di ang bumalik nalang sa kwarto ko at mag-ayus na para papasok nalang ako pagkakain ko.

Kahit kailan talaga ay sobrang tigas ng ulo ni mama. Hindi marunong makinig, eh.

Sabi ng doktor ay magpahinga muna daw siya at 'wag kilos ng kilos hindi nakikinig.

"We won't be having a quiz for the whole week." Sabi ng math teacher namin kaya nagdiwang ang kaklase ko.

Puro lesson nalang daw at activity ang gagawin namin sa loob ng isang linggo at walang quiz kaya tuwang tuwa silang lahat.

"Bakit po, ma'am?" Tanong ng isa sa mga kaklase ko.

"Ayaw kong bumagsak ang isa sa pinakamatalino sa inyo." Aniya saka tumingin sa akin. "Alam ko na hindi pa siya okay hanggang ngayon kaya bibigyan ko siya ng isang linggo para paghilumin ang sakit na nararamdaman niya. Hindi man sapat ang isang linggo, pero alam ko na kahit papaano ay maiibsan ang sakit na nararamdaman niya matapos iyon. Wala man siyang galang ay mabait din 'yan."

Nginisian ko lang siya saka yumuko ng bahagya bilang pasasalamat.

"Class dismiss."

Nagpunta kaming magkakaibigan sa rooftop gaya ng dating gawi.

Dito pa rin kami lagi nagpupunta kapag break time gaya ng dati naming ginagawa.

"Bukas na ang laban namin, ah. 'Wag kayong mawawala." Paalala sa amin ni Tristan.

"Make sure to take home the trophie." Nakangiting sabi naman ni Lexa.

"Yeah, make sure. You have to." Sabi naman ni Raia.

"Syempre naman. Kami pa ba?"

"Sisiw lang 'yan." Mayabang na sabi ni Blake.

"Baka naman ma bored ako d'yan, ah?" Pabirong sabi ni Jake.

"Hindi 'yan, bro. Bibigyan namin kayo ng intense na laban na hindi din magtatagal." Saad ni Tristan.

"Really, huh? Baka naman mainip kami dahil sa tagal niyong tapusin ang laban? Tapos sa huli pala ay talo." Pang-aasar naman ni Cassandra kaya natawa ako bahagya.

Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to ay may ipang-aasar sa mga kasama namin.

"Hindi ka maiinip, sigurado ako d'yan."

"Siguraduhin mo lang dahil aalis talaga kami kapag matagal 'yan." Nakangising sabi ni Cass.

"Tahimik niyo namang dalawa?" Puna sa amin ni Jake kaya napatingin sa amin ang iba pa naming kaibigan.

"Si Al nakatingin lang kay Andrea, eh." Sabi ni Lexa kaya tinignan ko si Al at nakatingin nga siya sa akin.

"Baka they need privacy. Let's go." Saad ni Raia saka sila sabay sabay na tumayo at umalis ng rooftop.

Ang mga loko iniwan nga kami. Hindi lang kami nagsalita, kailangan na agad ng privacy? Tss.

"Hey." Tawag sa akin ni Alistair kaya nilingon ko siya.

Bigla naman niya akong hinalikan sa labi na aking ikinabigla.

Hindi ko inaasahan na tinawag niya ako para halikan.

"What?" Natatawang tanong niya pagkahiwalay ng mga labi namin.

"Baliw." Sabi ko saka siya inirapan.

Tawanan daw ba ako pagkatapos niyang halikan? Isubsob ko kaya mukha nito sa sahig?

Niyakap niya ako ng hindi ko na siya nilingon ulit saka ako hinalikan sa buhok.

Feeling ko kapag yakap niya ako ay nawawala lahat ng problema ko. Gumagaan ang pakiramdam ko.

Kapag nasa mga bisig niya ako, hindi ko maramdaman 'yung sakit, lungkot, at mga problema ko.

Lahat 'yun nawawala basta yakap yakap niya ako. Iba talaga ang epekto niya sa akin.

"'Wag mong solohin lahat. I'm here. Hindi kita iiwan ano mang mangyari. Kaya please, share your problems with me. I would be happy if you do that." Aniya sa mahinahong boses.

"Hmm. Kapag kailangan ko ng tulong ikaw ang una kong tatawagan."

Lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin kaya niyakap ko rin siya ng mahigpit. Ang sarap sa pakiramdam.

"Date tayo mamaya." He said. "Don't worry, sa restaurant niyo."

Hindi na tuloy ako nakaangal dahil sa restaurant naman daw namin. Siguro after na ng shift ko o kapag kaunti nalang ang tao saka kami kakain.

Syempre kailangan ko munang tumulong sa restaurant bago kami mag date.

Alam ko naman na maiintindihan niya iyon kaya ayus lang. Hindi naman siya gaya ng iba na magagalit kapag gano'n.

Sanay naman siyang umunawa basta 'wag lang siyang aatakihin ng kaartehan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status