Share

Chapter 80

Andrea

Binabantayan ko si papa habang si mama ay naghahanap daw ng pagkakakitaan. Kailanman ay hindi ko naisip na aabot kami sa puntong 'to na maging si mama ay maghahanap ng trabaho.

Masyado na kaming nagigipit. Hindi ko na alam kung pa'no pa kami aahon. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng lakas ngayon.

Halos wala na ngang pahinga si mama. Naaawa na ako sa kaniya. Wala akong magawa kung 'di ang maawa nalang.

Bakit kasi ganito? Bakit kailangan na umabot sa ganito?

Ano bang ginawa ko at pati pamilya ko dinamay nila? Laban ay laban. Bakit kapag natalo sila ay pamilya ko ang pinuntirya nila?

"'Pa?" Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil bigla nalang nag seizure si papa. "'Pa!"

"Nurse!" Pagtawag ko sa nurse.

"Anong nangyayari?" Tanong ng isang bantay.

"Tumawag kayo ng doctor! Bilis!" Utos ko.

Nagsimula na ding maging abnormal ang tunog ng mga machine na nakakabit kay papa.

Dumating ang mga doctor at pinalabas muna ako para asikasuhin si papa.

"Papa, please. Lumaban ka." Sambit ko.

Kapag nawala ka pa ay hindi ko na alam ang gagawin ko. 'Wag naman sana kayong lahat ay iwan ako.

Dumating si mama habang inaasikaso pa rin si papa. May dala siyang pagkain habang naglalakad papalapit sa akin.

"Bakit nasa labas ka? Sinong nagbabantay sa papa mo?" Tanong niya. "'Eto at iuwi mo. Kainin niyo ni Andrei bago kayo pumasok."

Inabot niya sa akin ang plastic bag ng pagkain kaya kinuha ko ito.

"'Ma, si papa."

"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong niya saka sinilip ang ginagawa ng mga doctor.

"Nag seizure siya." Sambit ko.

"Jusko po." Nasapo ni mama ang noo niya at naluluhang tumingin sa glass door ng ICU.

Niyakap ko siya at sinabing magiging ayus din ang lahat kahit na hindi na rin ako sigurado kung mangyayari nga ba iyon.

Maging ako ay nawawalan na ng pag-asa.

Nandito ako sa soccer field mag-isa ngayong lunch break. Gusto kong mapag-isa at makapag-isip isip kaya sinabi ko sa mga kasama ko na hayaan na muna nila ako.

Dapat pa bang lumaban ako? Kahit na alam ko naman na matatalo ako. Ayoko sanang sabihin na wala ng pag-asa si papa kaso parang wala na kasi talaga.

Gusto ko siyang magising at makasama pa kaso parang malabo na 'yon ngayon. Hindi lang ngayon ang unang beses na nag seizure siya. Marami ng beses. Ang sabi pa ng doktor niya ay kapag nagpaulit-ulit iyon ay lalong bumababa ang tiyansa na magising siya.

"Andeng." Tawag ng isang lalaki sa akin.

"Sem."

Pinunasan ko ang luhang nabuo sa mga mata ko bago siya tignan at ngitian ng pilit.

"Stop smiling. Alam kong hindi naman 'yan totoo." Aniya.

Napayuko ako. Nahahalata na pati ni sem ang pekeng ngiti na ibinibigay ko sa kanila. Gano'n na ba ako kahalata? Pakiramdam ko tuloy ang sobrang hina ko na.

Niyakap niya ako kaya ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay bumuhos na na parang isang nagraragasang tubig sa dagat.

Nagpatuloy tuloy ang luha sa mga mata ko na gusto ko mang pigilan ay hindi ko magawa.

"Just cry. Iiyak mo lang lahat 'yan para hindi ka sumabog. Hindi bawal ang umiyak, Andeng."

Hinaplos niya ang buhok ko at pilit na pinagagaan ang loob ko.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, sem. Ano ng gagawin ko? Parang gusto ko ng sumuko."

"'Wag kang susuko. Kaya mo pa, 'di ba?"

"Hindi ko na kayang lumaban pa. Sukong suko na 'ko. Sobrang bigat na ng nararamdaman ko."

"Pagsubok lang 'yan, Andeng. Walang pagsubok na ibinibigay ang Diyos sa atin na hindi natin kaya. Malalampasan mo rin ito."

"Pa'no, sem? Pa'no? Sobrang sakit na. Sobrang hirap. Pa'no pa 'ko lalaban nito? Nanghihina na ako."

"Kaya nga nandito kami. Ang mga kaibigan mo para damayan at tulungan ka. Hayaan mo kasi kami."

"Ayokong mang-abala ng ibang tao."

"Ibang tao ba kami? Isang pamilya na tayo, Andeng. At ano ang ginagawa ng isang pamilya? Nagtutulungan."

Pamilya.

Tulungan.

Ayoko sila na idamay pa sa problema ko kaya kahit na sabihin nila iyon ay hindi ko pa rin magawa na hingan sila ng tulong.

Ewan ko ba. Hindi ako sanay na humihingi ng tulong sa iba. Gusto ko lang na tumulong ako sa kanila pero ayoko na gawin din 'yon.

Dave

"Hey, baby." Azalea called me.

"Yes?"

"Why don't we help Andrea? You know, she's our friend."

"I want to but she refused."

Gusto ko siyang tulungan kaso ayaw niyang tanggapin ang tulong na binibigay ko.

Kaya pa daw niya. 'Yan ang lagi niyang sinasabi pero mukhang hindi naman na. Nakikita ko sa mga mata niya na gusto na niyang sumuko.

Na pagod na siya. Kaso ayaw niya pa rin tanggapin ang tulong ko. Gano'n din ang ginagawa niya sa iba pa niyang mga kaibigan. Tinatanggihan niya maging ang boyfriend niya.

"She's finding a job. Why don't you recommend her to your mother?"

Napa-isip ako. My mother knows what happened to their family so I know that she'll understand.

"Great idea." Nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Let's go?" Aya niya kaya kinuha ko ang mga kamay niya at umalis na ng bahay nila.

Sana ay tanggapin niya ang offer ko sa kaniya. 'Wag na sanang maging matigas ang ulo niya.

"Andrea!" Tawag ko sa kaniya.

Sakto at nandito silang lahat sa parking lot ng school. Hindi naman kasi kami pumasok ni Lea dahil may family matters sila.

Nagpaalam naman kami sa teacher kaya walang problema.

"O, Dave." Aniya.

"Dre." Sambit naman ni Ash.

Nag apir lang kami ng mga boys bago ako tuluyang lumapit kay Andrea.

"Need help?" I asked.

"Ayus lang ako Dave. 'Wag kayo mag-alala." Pilit ang ngiting sabi niya.

Namumula pa ang mga mata niya. Galing siguro siya sa pag-iyak.

"Alam mo, Andrea. Hindi masama ang manghingi ng tulong kapag kailangan mo na. Saka don't worry. It's not free. Trabaho ang ibibigay ko sa 'yo. 'Di ba naghahanap ka ng trabaho?"

"Anong trabaho?" Tanong niya.

"May karanasan ka naman na sa isang restaurant so ipapasok kita sa isa sa mga branch namin. What do you think?"

Sana naman ay pumayag na siya dahil 'eto lang ang tulong na pwede kong maibigay sa kaniya lalo na at tinatanggihan niya ang pera.

Matagal muna niya akong tinitigan saka tumango sa akin.

"Kailan ako pwedeng magsimula?" Tanong niya saka inayos ang motor niya.

"Kung gusto mong ngayon, pwede na." Nakangiting sabi ko.

"Salamat, Dave." Nakangiting aniya.

"No worries, babe." I said.

I give her a hug. I know that she need this. Para naman hindi niya malaman na nag-iisa siya.

Nandito namab kami lagi para sa kaniya, eh.

"Let's go?" Tanong ko.

Tumango lang siya sa akin saka sinundan ang sasakyan ko.

Salamat at pumayag siya. Ngayon at may naitulong na ako sa kaniya. Mababawasan na ang iniisip niya.

Andrea

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni mama sa akin pagkauwi ko.

Nandito sila ni Andrei sa sala at hinihintay ang pagdating ko. 8 pm na nandito na sila.

"Galing ako sa trabaho." Sabi ko. "Sino nagbabantay kay papa?"

"'Yung mga bodyguards lang. Nag-aalala kasi ako sa 'yo dahil anong oras na ay wala ka pa kaya umuwi muna ako." Sagot ni mama.

Naupo ako sa tabi ni mama at yumakap sa kaniya.

"Walang mangyayaring masama sa akin, 'ma. 'Wag kang mag-alala." Ani ko.

"Anong trabaho mo ate?" Tanong ni Andrei.

"Waitress. Sa restaurant nila Dave."

Hindi naman naging mahirap ang unang araw ko sa trabaho. Mabait naman ang mga katrabaho ko pati ang manager. Mabait din ang mommy ni Dave at sinabi pa na ten thousand ang magiging sweldo ko araw-araw.

Sinabi ko nga na malaki sobra iyon para sa isang araw. Ang sabi naman niya ay tulong niya na daw iyon sa pamilya namin.

Hindi na ako nakipagtalo pa dahil sabi ni Dave ay hindi daw ako mananalo sa mommy niya dahil makikipagtalo iyon sa akin hanggang sa sumuko ako.

"Pasensya na kayo mga anak, ha? Pati kayo ay nagtatrabaho pa dahil sa amin." Sambit ni mama saka pinunasan ang luha niyang tumulo.

"'Ma naman. 'Wag mong sabihin 'yan." Anj Andrei.

"Para sa pamilya natin 'to, 'ma. Kahit pa ilang trabaho ang kunin ko ay ayus lang. 'Wag kang mag-isip ng ganiyan." Sabi ko.

Kung kanina ay gusto ko ng sumuko. Ngayon ay bigla muling lumakas ang loob ko.

Dahil sa mga sinabi ni sem at ng mga kaibigan ko ay lumakas muli ang loob ko. Salamat sa kanila dahil hindi nila ako iniiwan at lagi silang nand'yan para sa akin.

"O, siya. Magpahinga na kayo at may pasok pa kayo bukas. Kumain ka na ba, Andeng?" Sambit ni mama.

"Kumain na 'ko, 'ma."

"Magpahinga na kayo at pupuntahan ko na ang papa niyo."

Umakyat na kaming pareho ni Andrei papunta sa mga kwarto namin upang magpahinga.

Sana ay magkaroon ng isang himala sa aming pamilya. Gusto ko ng bumalik kami sa dati.

Kinabukasan ay maaga akong gumising para magluto ng kakainin namin. Dinalhan ko na rin si mama ng makakain sa ospital at dinalaw na din si papa.

"Okay class. Listen. Malapit na ang exam niyo kaya magsipaghanda na kayo. After ng exam ay prom night na alam kong inaabangan nito. Kaya kung gusto niyong makasama sa prom night ay galingan niyo sa exam, okay?" Anunsyo ng adviser namin. "Class dismiss."

"Prom night na. Yehey!" Parang batang sabi ni Lexa.

Prom night. Hindi naman espesyal ito para sa akin. Hindi din ako aattend dahil may trabaho ako.

Bahala na muna sila.

"Hey, hon!" Masiglang bati ng isang babae kay Al.

Samantha na naman.

Lumapit siya dito at hinalikan ito sa pisnge.

"What the hell?! Pwede bang umalis ka na?!" Iritang sabi ni Al saka pinunasan ang pisnge niya na hinalikan ng babae.

Umarte naman na parang nasasaktan si Delmitor saka pumulupot kay Al.

Ang lakas din ng amats ng babaeng 'to. Tumingin sa akin ang may kaibigan namin at bakas ang pag-aalala sa mga mukha nila.

Nginitian ko lang sila at nagpatuloy na sa paglalakad kaya sumunod sila sa akin. Bahala na sila d'yan. Maglampungan sila hanggang gusto nila.

"You'll be my partner on the upcoming prom, right?" Malambing na tanong nito.

Hindi pala malambing. Malandi. Tss.

"No. My girlfriend is my partner." Sagot ni Al at naramdaman ko ang mga tingin niya sa akin.

"You can have him. Hindi naman ako dadalo." Sabi ko saka nginitian sila pareho.

Nakita ko ang pagkadismaya ni Al dahil sa naging sagot ko. Anong gagawin ko eh sa hindi nga ako dadalo?

Mas mahalaga ang kikitain ko sa araw na 'yon kesa sa prom night na 'to.

"Andrea, last year na natin this year." Nanghihinayang na sabi ni Lexa.

"Mas mahalaga ang pera kesa sa prom." Sabi ko.

"But, love."

"Napag-usapan na natin 'to, Al. 'Wag ka sanang mamilit ngayon dahil alam mong kailangan kong kumita."

"But, dear. Like what Lexa did. This year is our last year. Don't worry about money, I'll give it to you." Cass said.

"Ayoko ng libre."

"Pay me back after the prom."

"Sa tingin mo sa'n ako kukuha ng pambayad sa 'yo?"

"'Wag niyo ng pilitin 'yan dahil hindi naman makikinig 'yan." Saad ni Jake saka ako inismiran.

Buo naman na kasi ang desisyon ko na hindi ako pupunta sa prom na 'yan. Sila kuya lang naman ang pumipilit sa akin noon pero ngayon na nasa Sagada sila, walang pipilit sa akin.

Alam ko rin naman na maiintindihan nila ako.

"Hindi na rin ako pupunta sa prom." Sabi ni Al kaya napatingin ako sa kaniya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala naman. Who will be my partner if you're not there?"

"Si Delmitor." Sagot ko.

"Yeah. Who will be my partner kapag wala ka do'n?" Sambit ni Delmitor.

"Maraming lalaki, Sam. At pwede ba? Take your hand off me." Sagot ni hagdan saka inalis ang kamay ni Delmitor sa kaniya.

Lumapit sa akin si hagdan at inakbayan ako kaya hindi na maipinta ang mukha ni Delmitor.

"I'm sorry." Bulong ni hagdan sa akin kaya nginitian ko nalang siya.

"Okay, let's go." Nakangising sabi ni Cass saka inasar si Delmitor.

Ang kalukahan ng babaeng ito ay hindi nawawala.

Andrew

"Saan na kumukuha ng panggastos ang pamilya mo kung sinarado na nila ang restaurant?" Nag-aalalang tanong ni tita Beth.

"Nagtatrabaho daw si Andeng at Andrei. Si mama ay naghahanap din daw ng pagkakakitaan kaya 'wag kang mag-alala tita. Kilala ko naman ang mga kapatid ko at si mama. Magsasabi sila kapag kailangan na nila ng tulong." Sagot ko.

Ang sabi ni Andeng ay kaya pa daw niya. Ayus naman daw ang kita niya at kita ni Andrei panggastos at pandagdag pambayad sa bills ni papa sa ospital.

"Si ate ay hindi nagsasabi 'yon kahit hindi na niya kaya. Nako, mag-empake na kayo at babalik tayong Maynila. Baka kung napapano na sila." Nag-aalalang sabi ni tita Beth saka tumayo.

"Tita, sampung libo ang kita ni Andeng sa loob ng isang araw. Kaya 'wag kang mag-alala. Okay?" Saad ni Andrello kaya umupo nalang muli si tita sa sofa.

Tulong na daw ng pamilya nila Dave sa amin ang sweldo na binibigay nila kay Andeng. Mabuti nga at tinanggap iyon ni Andeng, because knowing my sister, she won't accept that big amount of money.

"Ano bang trabaho ni Andeng?" Tanong ni tita Beth.

"Waitress sa restaurant ng kaibigan niya." Sagot ko.

"Malapit na exam niyo, ah. Baka bumagsak ang kapatid mo."

"Hindi 'yan. Kaya niya 'yan." Sambit ni Andrello. "Si Andrea Smith 'yon, tita. Baka nakakalimutan mo."

"Hindi rin uso ang salitang pagsuko sa pamilya Ortega." Nakangiting sabi ko.

Alistair

Pumunta ako sa work place ni Andrea to pick her up. I waited for almost 20 minutes before she come out.

"Are you okay?" I asked.

"Hmm."

Pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse at inalalayan siya papasok. Pumunta ako sa driver's seat after ko siyang maisakay.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya.

"Park."

"Wala ng bata do'n."

"I know. Kasama mo naman ako." Sabi ko saka siya sinulyapan at nginitian.

Nginitian niya rin ako paballik.

She needs fresh air kaya naisipan ko na dalhin siya sa park. Doon din ang lagi niyang destinasyon kapag bad mood siya so I think  makakatulong ang pagpunta niya doon ngayon para mabawasan ang iniisip niya.

Naupo kami sa isang bench dito pagkarating namin sa park. Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko kaya inakbayan ko siya.

"Love." Tawag ko sa kaniya.

"Hmm?"

"I love you."

"Ulit ulit ka, Al." Natatawang aniya.

Kanina ko pa ito sinasabi sa kaniya habang nasa byahe palang kami. I just want to tell her that I love her, that's all.

I want to show her my love and tell he at the same time.

"Bakit nga pala ayaw pumunta sa prom?" She asked.

"Because you're not coming." I replied.

"Nando'n naman si Delmitor." Sagot niya.

"I don't care. I only care about you."

"Pwede naman kasi na si Delmitor nalang ang partner mo. Pumunta ka na."

"Oh, c'mon. Ayoko."

"Bakit?"

"Dahil wala ka naman do'n."

"Dati namang hindi ako ang kasama mo sa prom."

"Kahit na. You're my girlfriend and I don't want any other girls to be my partner than you."

"Last year na natin ngayon gaya ng sabi nila. Pumunta ka na." Pamimilit pa niya.

"Pumunta ka at pupunta ako."

"Hindi nga ako pwede."

"Then I won't  go."

Hindi ko alam kung bakit pinipilit niya ako na pumunta sa prom gayong hindi naan siya pupunta.

Wala akong gusto na maka-partner sa gabing iyon kung hindi siya lang. And besides, prom night is not that special.

"Al?"

"Why?"

"Maghiwalay na tayo."

Natigilan ako sa sinabi niya.

'Maghiwalay na tayo''

'Maghiwalay na tayo'

'Maghiwalay na tayo'

'Maghiwalay na tayo'

'Maghiwalay na tayo'

'Maghiwalay na tayo'

Parang isang sirang plaka na nagpaullit ulit ang sinabi niyang iyon sa akin. I felt the pain on my chest.

Parang may mga karayom na tumutusok dito.

"What do you mean?" I asked.

"Wala na akong oras para sa 'tin. Ayoko na rin na isabay pa 'to sa mga problema ko." Sagot niya.

"It's okay. I'm fine with this. Kahit isang minuto lang ang maibigay mo sa akin ayus lang. Hindi din ako dadagdag sa problema mo, promise."

Hindi ko na namalayan ang mga luha na pumatak sa mga mata ko. Nasasaktan ako. Ayokong maramdaman ulit ito.

"Al—"

"Please, love. Don't leave me. I can't. I'm fine with this, don't worry. Hindi ako hihingi ng oras sa 'yo."

Ayus lang sa akin na wala siyang oras para sa 'kin dahil busy siya sa trabaho pero 'yung iiwan niya pa ako. Hindi ko kaya.

Mahal na mahal ko siya.

Tinanggal niya ang ulo niya sa balikat ko saka ako hinarap. Nanlaki ng bahagya ang mga mata niya ng makita na lumuluha ang mga mata ko.

"Joke lang 'yon, Al. 'Wag ka ng umiyak." Aniya saka pinunasan ang mga luha ko. "Biro lang."

"Not a good one." I said.

Akala ko ay gusto na talaga niyang makipaghiwalay. She got me there.

"Sorry, I love you." She said.

"I love you too."

Hinalikan ko siya sa mga labi na kaniya namang tinugunan.

Kaya kong mawala ang ibang tao sa akin 'wag lang siya. For me, she's the most important person.

I can't afford to lose her. I think that I can't live without her.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status