Natigilan si Shaun at tinitigan nito ang kanyang kasama sa hindi kaaya-ayang ekspresyon.“Shaunny, pasensya na. Kahit mahirap pakinggan ang sinabi ko, kailangan kong gawin para sa mga bata,” Napakagat ng kanyang labi si Catherine at mahina ang kanyang boses.“Hindi, nalulungkot ako kasi parang sinabihan mo na rin akong wala akong kwenta. Sinuman ang mastermind nito, hindi ako basta-basta napapabagsak.” Marahang niyakap ni Shaun si Catherine. “Kung darating talaga ang araw na hindi ko na kayo mapoprotektahan ng mga bata, hindi mo na kailangang sabihin pa. Hahayaan na kita.”Hindi umimik si Catherine, ngunit nanunuot ang kanyang mga mata.Mahal niya ang lalaki, at mahal din siya nito.Gayumpaman, malupit ang katotohanan. Kailangan nilang maging responsable para sa kanilang mga anak....Pagkarating sa tahanan ng mga Snow. Nang hinatid sila ng butler papasok, tumambad sa kanilang pagpasok sa pinto ang boses ni Rodney.“Tito, parang kapatid ko si Shaun at maganda ang relasyon niy
“Ako?”Bahagyang natigilan si Freya. "Sigurado ka ba?""Sa totoo lang, pinaghihinalaan ko na ang mga taong nagligtas kay Patrick mula sa bilangguan at ang mga taong nagta-target sa Hill Corporation ay iisa lamang," Kumplikado ang tono ni Catherine. "Masyado namang nagkataon kung sakali. Sabay silang nangyari at parehos silang utos ng executive council.”"Ibig mong sabihin... dahil nasaktan ko si Patrick, pinupuntirya ng mga taong iyon ang Hill Corporation bilang kaibigan kita at boyfriend mo si Shaun?""Hindi, hinala ko na si Linda iyon."Nanghula si Catherine. "Alam na alam natin ang kakayahan ng mga Jackson, lalo na noong nakita natin ang hitsura sa mga mukha ng mga magulang ni Patrick. Sinukuan na nila ang kaso ni Patrick, ngunit bigla itong pinalaya. Sigurado akong gawa iyon ng isang malapit sa kanya na gusto siyang iligtas, kaya’t ang hinala ko’y si Linda.”“Linda?” Nagulat si Freya. “Gano’n ba siyang kalakas? Sa pagkakaalam ko, overwhelmed pa rin siya nitong mga nakaraang a
"Actually, sa tingin ko si Linda ang nag-udyok sa kanya."Sabi ni Catherine, “Matagal na naming kilala si Patrick. Medyo kamukha niya talaga si Ethan, ngunit hindi siya kasuklam-suklam gaya ni Ethan pagdating sa pagnenegosyo. Tunay ang bawat hakbang niya, at hindi niya kailanman naisip na mag-shortcut. Sa madaling salita, magulo lamang siya kausap pagdating sa pakikipagrelasyon. Siya ay walang muwang at madaling lokohin ng mga inosenteng mukhang babae ngunit mapanghusga."Natahimik si Freya. Sumang-ayon siya kay Catherine sa puntong iyon."Tingnan mo, hindi ba natauhan din si Ethan?" Nagpatuloy si Catherine.“Iyon ay dahil ang minahal ni Rebecca ay hindi si Ethan mismo. Ang mahal niya ay ang kanyang maliwanag na mga ideya. Nang nawala ang lahat kay Ethan, wala na siyang ibang hinangad kundi ang palayasin siya. Pero si Linda... totoong mahal si Patrick.” Biglang hininaan ni Freya ang boses. "Kung hindi niya ito mahal, sumuko na siya sa kanya. Sa tingin ko... ngayong nakalaya na si P
Agad na nandilim ang guwapong mukha ni Rodney."Siya nga pala," biglang lumingon si Freya habang may kakaibang tingin sa maganda nitong mukha. "Well... Baka madalas ko nang makita si Patrick sa mga susunod na araw."Natigilan si Rodney. “Freya Lynch, baliw ka ba? Pupunta ka pa rin ba sa kanya sa kabila ng mga ginawa niya sa’yo? Ganun ka ba ka-ayaw mag move on sa kanya? Ganyan ka ba katanga?"“Hindi ako sing-tanga mo.”Noong una ay gustong makipag-usap sa kanya ni Freya, ngunit ikinagalit niya ang mga hindi kasiya-siyang mga salita ng lalaki.“Nagbago na ako, ngunit ikaw ang gustong makipagkita sa kanya habang dinadala ang anak ko. Huwag mo nang isipin iyon," Galit na sabi ni Rodney, "Mas mabuting alamin mo ang iyong lugar at huwag mong ipahiya ang mga Snow. Nakalimutan mo na ba kung paano ka sinampal noon? Gising na."“Alam ko lahat yan. ‘Wag kang magsalita na parang ganu’n akong tao. Iba ako sa’yo. Gusto ko siyang makilala dahil gusto kong malaman kung sino ang nagligtas sa kany
Pagkatapos, nagmamadaling umalis si Rodney. Ang kanyang pigura ay tila tumatakas.Dumilat si Freya at tuluyang nag-react.Sinusitis?Akala ba nito’y tatanga-tanga siya?Dumugo ba ang ilong nito dahil masyado itong nasabik noong nakita siya nito?Nahiya pa siya noong una, ngunit may napagtantuan siya ‘di kinalaunan.Kailangan ba ang ganoong labis na reaksyon? Parang hindi pa siya nakakita ng babae. Ginawa niyang tila hindi pa siya nakakita ng hubad na laman ng isang babae sa kanyang buhay. Tsk, medyo malakas ang apoy niya.Pagkatapos magpalit ng maluwag na loungewear, si Freya ay nagsuot ng nakasisiglang mukha.Kumatok siya sa pinto ng katabing kwarto. "Hoy, Rodney, namatay ka ba sa pagkawala ng dugo?"Bam!Biglang bumukas ang pinto, at lumitaw si Rodney pagkatapos magpalit ng mint-green shirt. Ang nakakapreskong kulay ay ginawa siyang mas maganda at kaakit-akit.Bagama't naisip ni Freya na ang mga kulay na isinuot ng lalaking ito ay masyadong over-the-top, hindi niya maipagk
Ngumisi si Rodney.Hindi siya nito kinukutya? Malinaw na personal na atake iyon.“Freya Lynch, kinukutya mo ang pagkalalaki ko. Papatunayan ko sa iyo ngayon din." Idiniin ni Rodney ang isang kamay sa kanyang balikat at ang isa naman ay isinandal sa dingding.Mas matangkad kay Freya ang katawan ng lalaki.Bagama't hindi siya makapal na lalaki, nate-tense pa rin siya at medyo nahirapan siyang huminga nang dumiin sa kanya ang aura nito. Isa pa, katatapos lang niyang maligo, kaya may amoy-amoy pa sa kanyang balat.Gayunpaman, tumanggi si Freya na aminin ang pagkatalo. Tumingala siya habang nakakurba ang mga mata sa isang ngiti. "Sigurado ka bang gusto mong patunayan ang iyong sarili sa isang babaeng buntis ng limang buwan? Kung lalaban ako, hindi ba ito magdudulot ng dalawang kamatayan sa halip na isa?"Si Rodney, na naglabas ng lakas ng loob pagkatapos ng maraming paghihirap, ay agad na tumalsik na parang lobo.“Freya, ang brutal mo talaga. Maghintay ka. Babalikan talaga kita" Napa
Natigilan si Freya.Nakatitig siya sa lalaking nasa harapan niya. Medyo namula ang maganda niyang mukha at medyo nahihiya. Parang medyo… cute siya...?Ngumisi si Rodney at nagpanggap na kung sino pa rin siyang mataas at makapangyarihan na tao. “Ngunit dahil kasal na ako ngayon, hindi ako kukuha ng ibang babae upang malutas ang aking mga pangangailangan. Kahit pumayag ka, hindi ko magagawa."“Oh.”Biglang hindi alam ni Freya ang sasabihin. Marahil ay dahil hindi niya inaasahan na ganoon pala ang kamalayan nito. "Hindi mo naman sinasabi 'yan para lang magpakitang-tao, 'di ba?"Sinamaan siya ng tingin ni Rodney na muling tinanong. "Seryoso ako. Seryoso din ako sa relasyong ito. Freya, hindi ko naisip na hiwalayan ka pagkatapos nating ikasal.""Ano?" Natigilan si Freya. "Hindi ba tayo pumayag na maghintay hanggang sa maging prime minister lamang ang iyong tiyuhin..."“Sasabihin ko sa iyo ang totoo. Dahil kasal na tayo, handa akong bigyan ng kumpletong pamilya ang anak ko. Kahit na p
“Nawa’y umayon ang lahat sa iyong plano.” Napabuntong-hininga si Freya.“Freya, pagdating sa mga katulad ni Patrick, kaysa sermunan siya, mas mabuting lumuha na lang. Ito ang dahilan kung bakit natalo ka kay Linda at kung bakit hindi ka pa nakakabawi sa kanya.“...”Labis na nanlumo si Freya.Bagama't tama si Catherine, nahihirapan pa rin siyang tanggapin ang katotohanan.Tila’y hindi maihahambing sa ilang taon ng pagsusumikap at pagsisikap sa iilang luha....Hindi nagtagal, lumitaw si Patrick sa kanyang paningin.Kitang-kita na ang dati niyang pagkakakulong ay nagdulot ng isang dagok sa kanya. Siya ay pumayat nang husto kaya napakaluwag ng kanyang damit. Ang noo’y kaaya-aya at marahang pigura ngayo’y nanlulumo at malungkot nang tignan.Hindi iyon ang matikas na binata na minsang minahal ni Freya.Bumuntong-hininga siya sa kanyang puso at pinaandar ang sasakyan. Binaba niya ang bintana. "Pumasok ka. Humanap tayo ng mapag-usapan."Umupo si Patrick sa kotse at malamig na tumi