Share

Kabanata 2

Panandaliang natulala si Freya. Saka siya nagpakita ng thumbs up kaagad kay Catherine.

“Matangkad siya, napakatangkad. Kakampi mo ‘ko! Ang itsura ng tito niya ay perpekto. Kahit si Ethan ay walang binatbat sa tito niya. Ang yaman at kapangyarihan nito ay maikukumpara rin sa pamilya ng Lowe.”

“Papaalala ko lang sa’yo na kailangan mong humanap ng katapat mo o ng posisyon mo sa Jones Corporation para mas angat ka kay Rebecca. Kaya sa tingin ko bagay sa’yo ang tito niya!”

Natigilan sandali si Catherine. Prangka man si Freya pero totoo ang sinabi niya.

Kung sasaluhin ng pamilyang Lowe si Rebecca, manganganib ang posisyon ni Catherine sa Jones Corporation.

“Okay, aakitin ko siya ngayon!”

Kinuha ni Catherine ang purse ni Freya at nagmamadling maghanap ng lipstick at foundation.

Kaagad nagliwanag ang inosenteng mukha niya.

Pumukit-pikit si Freya. “Uh, sigurado ka bang kaya mo siya?”

“Lalaki lang naman siya, ‘di ba? Hah!”

Inipon niya ang buhok niya at inalagay sa isang balikat nito aka hinawakan ang kalahating baso ng red wine. Maganda pero tipsy siyang nagtungo sa lalaki ng may kumpyansa..

Habang papalapit siya sa lalaki, mas lumilinaw kung gaano ka gwapo ang mukha nito. Ang malinis ngunit malungkot na kilay nito saka ang matangos na nose bridge nito ay wala lang sa kabuuang akit nito.

“Hi. Sorry sa abala pero pwede ko bang malaman kung anong oras na?”

Dalawang beses tinapik ni Catherine ang daliri niya sa balikat nito.

Nang buksan ng lalaki ang lasing niyang mata sa madilim na ilaw, ang salitang ‘demonyo’ ay nag-flash sa utak ni Catherine.

Napahinto ang utak niya sandali. Pagkatapos niya bumalik sa wisyo, sinuot niya ang pinakamagandang ngiti niya at sinabing, “Sa tingin ko ang unang pagtatagpo dito ay umpisa ng kasiyahan natin.”

Nang nakakunot ang noon, malamig na sinabi ni Shaun Hill, “Hindi ako doktor, hindi ako nagpapagaling ng tao.”

“Ano?”

“Baliw ka, ‘di ba?” Marahang gumalaw ang nakakaakit na labi ng lalaki. Gayunpaman, ang salitang lumabas dito ay napaka sakit.

“...”

Sa puntong iyon, gustong-gustong kumuha ni Catherine ng salamin para tignang maigi ang sarili niya.

Hindi ba siya maganda? Talaga ba?

Kahit na, imposibleng mabasa ang iniisip ng lalaking ito. Sa kabila n’un, hindi siya pagtataksilan ni Ethan.

“May sakit nga ako. Hindi baliw pero tuliro sa pag-ibig.”

Mabilis na kumalma si Catherine at nagbigay ng nahihiyang ngiti. “Nagsimula akong matuliro nang makita kita ng unang beses.”

Nang itaas ni Shaun ang kilay niya ng kaunti, kaagad na kinuha ni Catherine ang oportunidad para sabihing, “Sabi nila hindi mapipigilang mapangiti ang isang tao kapag nakilala nila ang nakatakda para sa kanila, at ‘yun mismo ang nararamdaman ko ngayon.”

“Okay, nakuha ko na. Pwede ka na umalis.”

Iniwas ng lalaki ang mata niya dito nang basta-basta. Sa kanyang ekspresyon. Para bang wala siyang pakialam dito.

Sobrang nasaktan si Catherine. Maganda siya at ipinagmamalaki ng Sydney. Sa puntong iyon, gusto na niyang tumalikod. Pero nang maisip niyang magiging tita siya ni Ethan, nilakasan niya ang loob niya para kausapin siya ulit.

“Pogi, pwede ba kitang ilagay sa contacts ko sa WhatsApp?”

Walang pakialam na nakahiga sa couch ng nakapikit ang mga mata, mukhang elegante si Shaun.

“Pogi, pwede mo bang ibigay number mo?”

“Pogi, anong pangalan mo?”

“Pogi, ang itsura mo ay kaakit-akit kahit nakapikit ka hindi ito matiis ng babaeng iyon .”

“...”

Tuluyan nang nainis sa hindi nahihiyang may-ari ng boses, binuksan ni Shaun ang mata niya at tinanong ng naiinis, “Ano bang gusto mo?”

“Gusto kitang pakasalan,” Sabi ni Catherine.

Kumibot ang dulo ng bibig ni Shaun.

Habang naka ngiti, dinagdag ni Catherine, “Kung wala akong planong pakasalanan ka, magmumukha lang akong gago dahil sa mga sinabi ko. Sa totoo lang, hindi ako basta-basta. 22 na ako ngayong taon at nagtapos ako sa University of New South Wales. May kakayanan akong babae na pwede sa bahay at sa publiko. Isa pa, kaya kong ibigay lahat sa asawa ko. Kaya ko ring kumita ng pera. Malusog ako at walang kahit anong bisyo. Isa pa, hindi ako pabago-bago ng isip bilang asawa.

Hindi makapagsalita si Shaun.

Kinusot niya ang mata niya saka tinignan ito ng kakaiba.

Tinaas ni Catherine ang kamay niya. “Kaya kong mangako na simula ngayon, tatratuhin kitang mabuti at ipapangako ko lahat ng sinabi ko ay…”

“Manahimik ka.”

Bwisit na si Shaun sa kanya kaya tumayo na ito.

Saka lang napagtanto ni Catherine kung gaano ito katangkad ng tumingala ito. Halos 6’2 ito at isa pa meron siyang magandang katawan.

“Kung gusto mo akong pakasalan, dalhin mo ang birth certificate mo at kitain ako sa registry office bukas ng 10 a.m..”

Bumababa ang tingin ng lalaki sa kanya habang nasa bulsa ang isang kamay.

Natulala si Catherine. Nautal siyang, “Nagbibiro ka ba?”

“Makikita mo bukas.” Sa paglingon nito, tumalikod na si Shaun at nagumpisang umalis.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status