Share

Kabanata 4

Pumara si Catherine ng taxi diretso papunta sa bahay ng mga Jones. Sa oras na ‘yun, ang mga Jones ay nasa trabaho na.

Tumakbo siya papunta sa taas para kunin ang birth certificate niya. Nung naglalakad siya sa sala, nakita niya si Rebecca na lumabas galing study na may dala-dalang patong-patong na dokumento.

Mukhang inosente si Rebecca sa itim na bob cut at malinis na mukha.

“Nakabalik ka na, Sis. nag alala nga ako tungkol sa nangyari kahapon.”Ang mukha ni Rebecca ay parang may kasalanan ito. “Hindi ka lang talaga gusto ni Ethan. Hindi mo naman mapipilit ang tao na mahalin ka.”

Tinignan ito ni Catherine ng may malamig na tingin. “Tama na. Tigilan mo na pagpapanggap, tayo lang naman nandito. Minaliit kita noon.”

“Huwag mo akong tratuhin ng ganito.” Kinagat ni Rebecca ang labi niya saka bumagsak ang luha nito. “Ibibigay ko sa’yo lahat ng kailangan mo sa hinaharap, okay? Hindi ako mangingialam sa mga bagay tungkol sa kumpanya. Ibibigay ko sa’yo ang mga dokumentong ito.”

Habang nagsasalita, ipinasa niya kay Catherine ang mga dokumento sa kamay niya.

Hindi ito pinaniniwalaan ni Catherine at walang malay niyang inunat ang kamay niya para itulak yung mga dokumento. Bumagsak ang mga dokumento dahil dito.

“Anong ginagawa niyo?”

Biglang naglakad pababa sa hagdan si Sally Lennon at nakita ang paiyak na mukha ni Rebecca pati ang mga nakakalat na dokumento.

“Hindi ba ito ang mga dokumento ng kumpanya na inutos ng tatay mong pag-aralan mo?”

“‘Wag kang magalit sa kanya, Mom. Kasalanan ko.” Nang may maputlang mukha, nagpaliwanag kaagad si Rebecca. “Sinabihan ako ni Cathy na itigil ang pangingialam sa kumpanya at ibigay ito sa kanya. Iniisip kong ibigay ang mga dokumento sa kanya pero hindi siguro siya masaya sa isyu tungkol kay Ethan kaya—”

“Kalokohan—”

“Manahimik ka!” Tinitigan ni Sally si Catherine. “Sinong nagbigay ng karapatan sayong hawakan ang kahit anong tungkol sa kumpanya? Ako at ang ama mo ang nag-utos kay Rebecca na pag-aralan ang mga dokumento. Si Rebecca na ang magiging manager ng kumpanya sa susunod na linggo. Dapat kang magpakabait.”

Natulala si Catherine. “Kung pag-uusapan ang tungkol sa edukasyon at karanasan, mas kwalipikado naman ako sa kanya. Kahit na mas nauna ako na pumasok sa kumpanya ng isang taon, hindi pa ako nagiging manager. Anong karapatan niyang laktawan ang ibang posisyon ng ganun-ganun na lang.”

“Mom, hindi ako dapat maging manager. Ayokong masira ang relasyon ko kay Cathy,” Kaagad na sinabi ni Rebecca habang umiiyak.

Kumirot ng sobra ang puso ni Sally. “Tignan mo kung paano isipin ni Rebecca ang pagiging magkapatid niyo. Eh ikaw? Makitid ang utak mo at mapagkumpara. Hindi ka nga kwalipikado sa pagiging manager. Hindi kataka-taka na pinili ni Ethan si Rebecca.

Para siyang pinapalo ng tungkod sa sakit ng salita ng ina niya.

Parehas nilang anak si Rebecca at Catherine. Pero bias si Sally kay Rebecca at pinapaniwalaan lahat ng sinasabi nito.

Kasama ni Catherine ang nanay niya simula pagkabata. Hindi ba alam ni Sally ang katangian nito?

Walang kumausap kay Catherine simula kahapon. Ang lahat ng nangyari ay trinato nilang parang wala lang.

Tao lang siya.

Nang kumalat ang galit sa buong katawan niya sa parang hindi pa nangyayari noon, umatras si Catherine ng dalawang hakbang. “Sige. Dahil masama ako, aalis ako, okay?”

Pumasok siya sa kwarto niya pagkatapos niyang magsalita. Kinuha niya ang maleta niya at kaagad na nilagyan ito ng damit.

Ang boses ni Rebecca na galing sa pinto. “Mom, galit si Cathy. Dapat natin siyang pigilan.”

“Hayaan mo siya. Ganun siya kumilos. Masyado siyang nagpapasarap sa buhay. Babalik din yan pagkatapos ng dalawang araw. Tara na at bumili ng bagong damit mo dahil malapit ka na maengage.”

“...”

Sa madaling panahon, nawala ang mga boses.

Nang may malalaking luha na bumabagsak sa likod ng kamay niya, binitbit ni Catherine ang maleta pababa. Pagkatapos nun, nagmaneho na siya at umalis.

Agad-agad, niya napagtanto kung paano niya nawala ang lahat ng meron siya.

Bakit ganito siya tratuhin ng lahat kung wala naman siyang ginagawang mali?

Hinawakan niya ang steering wheel nang may magflash na lumalawak na hindi siya nasisiyahan.

Pagkatapos ng 40 na minuto, nakita ni Catherine ang katawan ng lalaki sa entrance ng registry office. Ang lalaki ay naka smart dress na may lubos na plinantsang T-shirt at pares ng itim na pantalon. Matangkad siya at matikas, nagbibigay ng makinang na aura.

Nagmadali siya papunta sa kanya pagkatapos magparada ng sasakyan. “Dumating ka.”

Ang boses ng babae ay puno ng gulat at saya.

Nang tumalikod si Shuan, naamoy niya ang alak na umaalingasaw sa katawan ng babae galing pa kagabi. “Hindi ka man lang naligo?”

Nahiya kaagad si Catherine. “Masyado akong maraming nainom kagabi kaya wala na kong malay nang makauwi sa bahay. Nagmamadali ako kinanang umaga kaya…”

Nang mapagtanto niyang tumaas ang mapahamak na tingin sa kanya ng lalaki, kaagad siyang nangako. “Aksidente lang ang nangyari ngayon. Naliligo ako araw-araw at gustong-gusto kong nililinis ang sarili ko.”

Inobserbahan niya ang katangian nito habang nagsasalita siya.

Normal na makahanap ng lalaking gwapo sa ilalim ng madilim na ilaw sa pub. Gayunpaman, mapapansin agad ng kahit sino kung hindi ito gwapo tuwing may araw.

Ibig-sabihin, ang lalaking ito ay bukod tangi.

Hindi lang ang hindi pagbaba ng kagwapuhan niya pero mas nakakamangha ang elegante at astig niyang katangian. Mayroon siyang gwapong mukha at higit pa roon, wala ring kitang pores sa kanyang balat.

Alam ni Catherine na may kaunting babae na papuntang registry office para maikasal na tumitingin dito.

“Napakagwapong lalaki.”

Ang lalaki sa tabi ng babae ay sinabing, “Maganda rin ang babae.”

“Tama. Bagay talaga sila. Ang magiging anak nila ay magiging gwapo o maganda rin, ‘di tulad ng atin. Nakakakaba…”

“...”

Nang umabot ang usapan sa tenga ni Shaun, diretso niyang sinabi, “Hindi kami magkakaanak.”

Hindi makapagsalita si Catherine.

Sabi ni Shaun. “Magdidivorce kami pagkatapos ng tatlong taon. Bibigyan kita ng sapat na pera para mabuhay sa natitira mong buhay. Isa pa, hindi ko kikitain ang magulang mo. pag-isipan mong mabuti. Kung hindi mo kaya ang kondisyon ko, pwede ka nang umalis.”

Pakiramdam ni Catherine may kung anong naipit sa puso niya.

Akala niya nainlove ito sa kanya kagabi sa unang tingin.

Wala siyang pakialam kung hindi niya ito gusto sa unang tingin.

Sa kanyang karisma, naniniwala siyang kaya niyang makuha ang puso ng kahit sinong lalaki sa tatlong taon.

Kailangan niyang patatagin ang kanyang identidad bilang tiyahin ni Ethan.

“Sige.”

Nang pumasok na ang dalawa sa registry office, nagpalitrato muna ang dalawa.

Ang cameraman na matagal ang ginugol para kuhaan sila ng litrato at hindi natututuwa sa resulta. “Hindi ba kayo pwedeng lumapit sa isa’t-isa at maging sweet? Isa pa, sir, ngumiti ka naman.”

Ang mukha ni Shaun ay mukha ng nawawalan na ng pasensya. Kaagad na binalibot ni Catherine ang braso niya sa braso ni Shaun at sinabi ng may ngiti, “May mali sa facial nerves niya at may facial paralysis ito. ‘Wag mo na siya pilitin. Hayaan mo na.”

“...”

Nainsulto ito ng sobta, malamig na tinitigan ni Shaun ang babae na nakasuot ng malaking ngiti.

“Manahimik ka kung gusto mong matapos tong pagpapalitrato,” matapang na bumulong si Catherine sa tenga nito nang nakatingkayad. Ang amoy nito at umalingawngaw sa tenga niya at kiniliti ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status