Share

Kabanata 5

Natatigil si Shaun at nanatiling tahimik.

Sa loob-loob ng cameraman naawa ito sa kanya. Nakakaawa na ang napaka gwapong lalaking tulad niya ay may dinaramdam na facial paralysis.

Pagkatapos magpalitrato ng dalawa, nagtungo sila sa first floor para iparehistro ang kasal nila.

Saka lang nalaman ni Catherine na ang totoong pangalan nito ay Shaun Hill nang ilabas niya ang kanyang citizenship certificate

Ngunit ang apelyido ng nanay ni Ethan ay Lyons. Kung ganoon, ang apelyido ng tiyuhin niya ay dapat Lyons din.

Sa gulat, nagtanong si Catherine, “Bakit Hill ang apelyido mo?”

“Uh-huh.”

Nang ibaba ni Shaun ang ulo niya para pirmahan ang dokumento, hindi na siya nagpaliwanag pa. Kaswal siyang sumagot, “Apelyido ng nanay ko ang gamit ko.”

“Oh.” Sa wakas ay naintindihan na ni Catherine. Napuno siya ng takot kanina, naisip niya na baka mali tao ang nilapitan niya.

Kaya niya nilandi ang lalaki dahil tiyuhin ito ni Ethan.

Ngunit, naramdaman niyang parang may mali.

Pagkatapos ng sampung minuto, inisyu na ang marriage certificate nila.

Nakaramdam ng lungkot at tuwa si Catherine ng sabay.

Simula pagkabata, inakala niyang si Ethan ang papakasalan nila. Labag sa kanyang inaasahan, siya ay kinasal sa lalaking isang beses niya pa lang nakikilala.

“Ito ang contact number ko. May pupuntahan pa ako kaya mauuna na ako.” Sinulat ni Shaun ang number niya sa maliit na blankong papel bago umalis.

“Saglit…” Pinigilan siya ni Catherine sandali nang bumalik ang wisyo nito. “Ngayong kasal na tayo, dapat tayong tumira sa iisang bahay.”

Nang walang ekspresyon, sumagot siya, “Hindi ako masaya nang may kasama sa bahay.”

“Legal mo akong asawa, at hindi kung sino lang. Kahit na mag didivorce tayo pagtapos ng tatlong taon, dapat pa rin tayong tumira sa iisang bahay.

Winagayway ang marriage certificate sa kanyang kamay. Ngumuso si Catherine para makuha ang simpatya nito. “Masyado na akong miserable. Simula nang bumalik ang nawawala kong kapatid, wala nang pakialam ang mga magulang ko sa akin. Ngayong pinalayas ako sa bahay, wala na akong pwedeng matuluyan.”

“Pwede kang humanap ng mauupahang lugar.”

Walang pakialam na naglakad palayo si Shaun.

“‘Wag mo kong iwan, hubby!” Biglang sumigaw si Catherine saka sinabit ang braso niya sa braso nito. “Hindi ako aalis nang hindi ka kasama ngayon.”

Ang malakas niyang boses ay nakakuha ng maraming atensyon sa mga nasa gilid ng registry office.

Nang may malungkot na mukha, nagsisisi si Shaun na sapalaran siyang kinasal sa kanya.

“Sige. nakatira ako sa Jadeite Bay. Pumunta ka roon mag-isa.”

Walang magawa si Shaun kundi humakbang palabas ng registry office. Saka niya nagbigay ng maharang babala dito, “Sa guest room ka matutulog. Hindi ka pwedeng pumasok sa kwarto ko.

Lihim na natuwa si Catherine at naniwalang si Shaun ang magmamakaawang pumasok siya sa kwarto nito sa susunod.

“Isa pa, ‘wag mong istorbohin si Fudge.”

“Fudge?” suminghap si Catherine. “May anak ka na?”

Tinaas ni Shaun ang kilay niya. “Alagaan mo siya.”

Pagkatapos niyang sabihin ito, umalis siya kaagad.

Sa sibrang gulat ni Catherine nakalimutan niyang sundan si Shaun. Kahit na hinanda na niya ang sarili niyang ikasal sa taong hindi niya mahal, hindi pa siya handa para maging stepmother.

Nanatili siyang nakatayo sa gilid ng kalsada ng halahating oras, iniisip ang pwedeng komplikasyon sa hinaharap—bilang ina at tita.

Sa wakas, nagtungo siya sa mall para bumili ng laruan pang bata pagkatapos tignan ang nakakasukang litrato ni Ethan.

Ang pangalang Fudge siguro ay lalaki. Pagkatapos mamili ng iba’t-ibang klase ng laruang kotse at lego, nagmaneho na siya patungo Jadeite Bay.

Bitbit ang iba’t-ibang bagay, huminga siya ng malalim sa harap ng pinto. Pinidot niya ang password at bumukas ang pinto.

Isang magiliw na ngiti ang makikita sa kanyang mukha. “Hi, Fudge—”

“Meow!”

“Meow!”

Isang matabang puso na may puting katawan at medyo dilaw na tenga ang makikitang tamad na nakahiga sa couch. Gumawa ito ng nakakatuwang tunog sa tahimik na sala.

“...”

Pumikit si Catherine. “Fudge?”

“Meowww!”

Pagkatapos mag-unat ng katawan ng puso, tumalon ito pababa ng couch at naglakad patungo sa binti nito para amuyin ang mga laruang bitbit niya. Hindi interesado, bumalik ang puso sa couch at humiga ito ng mayabang.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status