“Ang sabi ko ay hindi lang siya ang pwedeng magbigay sa iyo ng anak. Mayroong napakaraming babae ang pwedeng magsilang ng anak para sa iyo.”“Siya lang ang gusto kong magdala ng anak ko. Wala akong kinalaman sa ibang tao. Wala silang karapatan na ipagdalang-tao ang mga anak ko!” Katakot-takot ang aura ni Dayton.Nararamdaman ni Hayley ang galit ni Dayton. Dinagdag niya, “Paano kung hindi niya mabubuhay ang bata?”“Itikom mo ang masama mong bibig! Isisilang niya nang ligtas ang bata!” Malamig na sigaw ni Dayton.Nakita ni Hayley ang madilim at galit na galit na ekspresyon sa mukha ni Dayton. Mapanghamak siyang tumawa at sinabing, “Sige, ipagdadasal ko na ligtas niyang maisilang ang bata.”Pagkatapos magsalita, tumayo siya at sinabing, “Malalim na ang gabi. Magpapahinga na ako. Bantayan mo siyang mabuti para maiwasan ang anumang kumplikasyon sa pagbubuntis niya.”Hindi siya pinansin ni Dayton. Pagkatapos umalis ni Hayley, patuloy siyang naupo sa sofa at hindi gumalaw.Dapat maisil
“Shar, bumalik ka pagkatapos ng kasal, ha?” Sabi ni Quincy habang nakahawak sa kamay ni Sharon. Ayaw niyang umalis ito kaagad.“Oo, babalik ako kapag mayroon akong oras para samahan ka.” Nakikita niyang unti-unti ng bumubuti ang kondisyon ngayon ni Quincy. At saka, malapit na ang kasal ni Eugene. Makakauwi na siya nang walang inaalala.Nakatayo si Quincy sa gilid ng kotse habang nakikipag-usap sa kaniya. Nakatingin si Dayton sa kanila mula sa malayo.Wala ng iba pa ang nasa tabi nila. Hininaan ni Quincy ang boses at sinabi sa kaniya, “Huwag mong kalimutan ang pinangako mo sa akin. Mas madali para sa iyo na imbestigahan ang nangyaring aksidente kapag nakauwi ka na.”Alam ni Sharon na tinutukoy ni Quincy ang hiling nito na tulungan niya itong alamin ang katotohanan sa likod ng aksidente ng mga magulang ni Quincy.Bumugso ang kumplikadong emosyon sa kaniyang mga mata. Ang totoo, hindi niya na kailangang imbestigahan iyon. Alam niyang si Dayton ang nasa likod ng lahat.Gayunpaman…Hin
“Hindi ba’t mayroon silang anak? Malaki na ang anak nila. Sa tingin ko ay hindi lang sila basta nagkabalikan lang.”“Baka nga. Kung hindi, bakit siya pakakasalan ni President Eugene pagkatapos makipag-divorce?”“Naku, ang first love talaga ng mga lalaki ang tangi nilang hahanapin.”Hindi tumitigil ang mga bisita sa pag-uusap tungkol sa kanilang dalawa.Tumutulong si Sharon sa makeup room. Pagkatapos asikasuhin ang makeup ni Fern nang halos kalahating araw, natapos na rin sila. Nakapagbihis na rin ng wedding gown si Fern.“Sister-in-law, kailangan kong aminin na napakaganda mo ngayon. Kung lalaki ako, kikiligin ako dahil sa iyo,” Puri ni Sharon.“Nambobola ka.” Tumawa si Fern.“Hindi ako nambobola. Nagsasabi ako ng totoo. Matalas ang mata ng kapatid ko. Napakaganda ng gown na dinisenyo niya para sa iyo.”Kung sinabi ni Sharon ni maganda ito, siguradong kamangha-mangha ito.“Ang laki ng ginastos niya rito.” Para kay Fern ay sapat na ang isang simpleng gown. Hindi niya gusto ang
Nakalimutang huminga ni Fern nang halikan siya ni Eugene. Malakas niya itong tinulak at sinabing, “Sinisira mo ang lipstick ko.”Tinitigan ni Eugene ang mga labi niya. Talaga ngang kumalat ang lipstick sa mga labi niya. Mahina ang boses niyang sinabi, “Tutulungan kitang ire-apply.”Nagdududa siyang tiningnan ni Fern. “Alam mo kung paano gawin iyon?”Umiling si Eugene at tapat na sinabi, “Hindi, pero hindi naman iyon dapat mahirap gawin.”Pagkatapos magsalita, kinuha niya ang lipstick sa vanity table at naghanda ng tulungan si Fern na ayusin ang makeup.Naniwala si Fern sa kaniya at tumayo roon nang hindi gumagalaw upang hayaan si Eugene na i-apply ang lipstick sa kaniya.Mariin na tinitigan ni Eugene ang mga labi ni Fern na para bang pipirma siya ng isang kontrata na nagkakahalaga ng isang daang milyong dolyar. Ginamit niya ang lipstick upang lagyan ng outline ang hugis ng mga labi ni Fern. Saka niya maingat na inapply ang lipstick.“Tapos ka na ba?” Gusto niyang tingnan ang sar
Si Fiona ang sumigaw. Tulak-tulak nito ang old master na nakaupo sa wheelchair.Alam ni Fern na hindi siya gusto ng old master. Tutol ito sa pagbabalikan nila ni Eugene.Narito ba ito para pigilan ang kasal nila?Kumunot ang noo ni Eugene nang makita ang pagdating ng kaniyang lolo.Bago ang kasal, inimbita niya ang kaniyang lolo na dumalo ngunit hindi siya sinagot ng old master. Akala niya ay hindi dadalo sa seremonya ang old master.Pumunta ba ito rito nang biglaan para pigilan siya na pakasalan si Fern?Hinawakan ni Eugene ang kamay ni Fern para bigyan ito ng lakas at ipaalam na sisiguraduhin niyang makukumpleto ang seremonya anuman ang sabihin ng matanda.“Narito ang Old Master Newton.”“Narinig kong hindi sang-ayon ang old master sa kasal na ito. Si President Eugene ang siyang nagpumilit na pakasalan ang babaeng ito na hindi niya makalimutan.”“Ibig sabihin ba ay narito ang old master para pigilan ang kasal nila?”Yumuko ang mga bisita at muling nagsimulang magbulungan…
Sa sandaling ito, ang atensyon ng lahat ay nasa old master.Iritable at seryoso pa rin ang ekspresyon sa mukha ng old master. Tila hindi ito masaya.“Tinawag ka ng lolo ni Fern. Kailangan mo siyang pakitaan ng respeto bilang granddaughter-in-law mo sa harap ng maraming tao,” Bumulong si Eugene sa old master habang nakatayo sa tabi nito.Inirapan siya ng old master at suminghal, “Pinayagan ko ba siyang tawagin akong ganoon?”“Narito ka na para dumalo sa kasal namin. Ibig sabihin ay tinanggap niyo na siya. Hindi niya ba dapat kayo tawagain ng ganoon?”Tiningnan ng old master si Eugene na banayad at magalang sa kaniya. Suminghal siya. Alam niyang kinakausap lang siya nang madignidad ng batang ito para hindi siya umalis.Lumapit si Rue at hinawakan ang kamay ng old master. “Lolo, malulungkot ako nang sobra kung hindi kayo mananatili.” Saka siya sumimangot at nagpakita ng malungkot na ekspresyon.Pinagmasdan sila ng old master. Alam niyang babastusin niya si Eugene kung aalis siya ng
Dinala ang old master sa emergency room.Naghihintay ang lahat sa kaniya sa corridor.Nakasuot pa rin ng wedding gown si Fern. Pumunta silang dalawa ni Eugene. Nahimatay ang old master habang nasa seremonya ng kasal nila. Natural lang na kailangan niyang sumama kay Eugene papunta rito.Ilan din sa mga tiyuhin at tiyahin mula sa pamilya Newton ang pumunta.Tiningnan nila ang nakasaradong pinto ng emergency room, pagkatapos ay si Fern na nakasuot pa rin ng magarbong wedding gown. Isa sa kanila ang hindi napigilang magsalita, “Hindi nakapagtataka kung bakit ayaw sa kaniya ng old master noon. Ito ang dahilan. Mayroon siyang dalang malas.”“Narinig ko rin iyon. Sa tingin ng old master ay hindi siya mabuting babae. Hindi siya bagay kay Eugene, pero hindi nakinig sa kaniya si Eugene at pinilit na pakasalan siya.”“Mukhang isa siyang mang-aakit. Kung hindi, hindi niya magagawang mapa-ibig si Fern nang ganito kalala.”“Sa tingin ko ay hindi talaga siya tinanggap ng old master. Natatakot
Nakita ni Eugene ang old master na nakahiga sa kama matapos pumasok sa emergency room. Mayroong ventilator na nakatakip sa ilong at bibig nito, pero hinihingal pa rin ito. Mukhang kritikal nga ang kondisyon nito.“Lolo!” Lumapit si Eugene at mahigpit na hinawakan ang kamay ng matanda. Bumigat bigla ang kaniyang dibdib.Tinuon ni Old Master Newton ang nanlalabong paningin sa apo. Buong lakas niyang hinawakan ang kamay nito. Nanginginig ang kaniyang mga labi habang nagsasalita, “Eugene…” Kanina niya pa ito hinihintay.“Lolo, ako ito. Ginagamot ka ng mga doktor. Magiging ayos ka rin.”Naiintindihan ng old master ang sariling sitwasyon. “Mas naiintindihan ko ang katawan ko kaysa sa kanila. Makinig ka sa akin…Pagkatapos kong pumanaw, kailangan mong alagaan ang pamilya Newton…” Habang mas lalo siyang nagsasalita, mas lalo siyang hinihingal.Kumikirot ang puso ni Eugene. “Anong sinasabi niyo? Walang mangyayari sa inyo!”“Narinig mo ba ang sinabi ko?” Mahigpit na hinawakan ng old master