“Doctor Leif, hali kayo at tingnan niyo ang Young Master. Nagsuka siya ulit ng dugo,” Sabi sa kaniya ng isa sa mga tauhan ni Dayton nang makita nila si Yvonne.Lumapit si Yvonne sa harapan ni Dayton. Nakita niya ang dugong sinuka nito sa sahig. Hindi na siya nagulat pa.“Masanay na dapat kayo sa ganito. Lalo na’t madalas na itong mangyayari sa susunod.”Natulala ang mga tauhan ni Dayton. Anong ibig sabihin nito? Dadalas ang pagsusuka ng dugo ng Young Master?Sumandal si Dayton sa sofa na nasa likuran niya at pinikit ang mga mata. Wala na siyang lakas para magsalita pa.Hindi na siya gustong pagalitan ni Yvonne matapos makita ang kasalukuyan niyang kondisyon. Alam niyang matagal nang sumuko si Dayton sa sarili. Hinihintay na lang nito ang kamatayan.Kaya naman, hindi siya nagmamadaling bigyan ito ng acupuncture treatment.Mayroon biglang dumagundong…Umalingawngaw ang ingay sa labas. Kaagad na dumilat ang mga mata ni Dayton. Parang mayroong eroplanong dumating?Kaagad niyang si
Malamig na pinagmasdan ni Quincy ang direksyon na iyon. Matapos ang ilang sandali, sinabi niyang, “Tara na.”Hindi alam ni Terry kung anong tinitingnan kanina ni Quincy. Napansin niya lang ang masamang ekspresyon sa mukha nito.Sinundan niya ito at tinanong, “Miss, nasaan ang gagong si Dayton Night? Dapat ko ba siyang personal na hulihin?” Hindi niya inisip na pakakawalan ni Quincy si Dayton.Hindi huminto si Quincy sa paglalakad. “Ayos lang. Alam ko kung anong gagawin sa kaniya.”Mayroong bahid ng karahasan sa malamig niyang boses. Bahagyang natigilan si Terry. Tila mayroon siyang naintindihan. Hindi na niya kinausap pa si Quincy pagkatapos nito.Hinihintay sila ng helicopter sa labas. Sumakay sina Quincy at Terry sa helicopter.Sa baba nila, napakagulo ng isla. Wala nang makakapigil sa kaniya na umalis ngayon.“Miss, babalik na ba tayo?” Tanong ni Terry.Sinulyapan ni Quincy ang sitwasyon sa baba at tiningnan si Terry. Mayroong napakahinahong ekspresyon sa kaniyang mukha. “Na
Madilim ang ekspresyon sa mukha ni Dayton habang nakatulala sa direksyon ng isla. Nakatikom ang kaniyang mga labi. Wala siyang balak na magsalita.Ayaw niyang umalis sa isla. Pinwersa siyang umalis ni Yvonne at mga tauhan niya.“Mas gusto kong manatili sa isla,” Sabi niya.Gulat siyang tiningnan ni Yvonne. Matapos ang ilang segundo, mapanghamak siyang tumawa. “Gusto mong bagsakan ka niya ng bomba at mamatay, tama? Mas maganda iyon kaysa tiisin ang hirap ng sakit mo, tama?”Matapos ang sandaling katahimikan, sumagot si Dayton, “Utang ko iyon sa kaniya.”Hindi rin naman magtatagal ang buhay niya. Tutuparin na lang niya ang hiling ni Quincy at hayaan itong personal siyang patayin.Hindi siya magkakaroon ng pagsisisi kung mamamatay siya sa mga kamay nito.Hindi mapigilan ni Yvonne na sampalin ang sarili. Saka niya malakas na pinagalitan ang sarili, “Bakit ako nagiging pakialamera?! Bakit ko pinipilit na iligtas ka ngayong gustong-gusto mong mamatay?! Napakatanga ko!”Pinagsisisihan
Malalim pa rin ang iniisip ni Quincy nang tumawag ang secretary niya sa internal phone line. Sinabi sa kaniya ng secretary niya na isang babaeng nagngangalang Yvonne Leif ang narito para makita siya.Kumunot ang noo niya. Yvonne Leif?Matapos mag-isip nang ilang sandali, naalala na rin niya. Si Yvonne Leif ba ang kasamang babae ni Dayton?Bakit siya hinahanap nito?Kung hindi ito namatay, ibig sabihin ay si Dayton Night…Lumukso ang puso ni Quincy. Sinabi niya sa secretary niya na papasukin kaagad si Yvonne.Nang dumating si Yvonne sa opisina niya, nakatitig lang si Quincy sa kaniya. Mayroon itong anino. Hindi ito multo o espiritu…Maayos ang kondisyon ni Yvonne mula ulo hanggang paa. Wala rin itong injury.Nagawa ba nitong iwasan ang pagpapasabog sa isla?Nakasuot si Yvonne ng isang pares ng sunglasses at mayroong hawak na kahon. Mayroon nakasabit na handbag sa kaniyang kamay. Matapos ang maikling sandali, tumayo siya sa harapan ng office desk ni Quincy.Saka niya hinubad an
“Nakumpleto ko na lahat ng huli niyang mga hiling. Iyon lang.” Sinulyapan sa huling pagkakataon ni Yvonne si Quincy na balot pa rin ng gulat. Saka siya umalis sa opisina.Walang sinabi si Quincy para panatilihin si Yvonne. Tinitigan niya lang ang kahon ng abo.Matagal niyang tinitigan ang kahon ng abo. Tinanong siya ni Terry, “Miss, naniniwala ba kayo na abo ito ni Dayton Night?”Lumingon siya kay Terry. Ang totoo, hindi talaga siya naniniwala.“Bakit hindi niyo muna tingnan ang mga assets na nilipat niya sa inyo para makita kung totoo iyon?” Mungkahi ni Terry.“Tulungan mo akong asikasuhin ito.” Inabot niya ang makapal na pile ng dokumento kay Terry upang ma-verify niya ito.“Aalis na ako ngayon.” Kaagad na umalis si Terry sa opisina.Tinitigan ni Quincy ang kahon ng abo at mahinang bumulong, “Dayton Night, anong sinusubukan mong gawin ngayon?”Nagulat siya nang sabihin ni Terry sa kaniya na talagang nilipat ni Dayton ang lahat ng assets at finances nito sa kaniya matapos ma-v
“Sobrang nakakahiya at nakapandidiri.”Ang dapat sana’y romantikong kasalan ay naging isang delubyo.Kasabay ng bulung-bulungan ng lahat, itinaas ni Sharon ang kaniyang ulo upang tumingin sa malaking screen kung saan ipinapakita ang ilang litrato.Siya ang bidang babae sa litrato, at ang lalaking kasama niya sa kama ay hindi ang kaniyang papakasalan na si Howard Zachary!Sa sandaling iyon, nabigla si Sharon. “Ano ang nangyayari? Bakit mayroong ganyang litrato?”Dahil sa paraan ng pagkakuha ng litrato kasama ang lalaki sa kama, nakikita ang lahat ng anggulo ng kaniyang mukha samantalang likod at gilid lang ang makikita sa lalaki.Sigurado siyang hindi niya kilala kung sino man ang lalaking iyon!Hindi niya namalayang napatingin siya kay Howard. Tinitigan siya ni Howard. Dagdag pa rito, dumilim ang mukha nito at nagsimulang mapuno ng galit ang mga mata.“Ikaw na babae ka, paano mo nagawang lokohin ako!”Hindi na nito hinintay ang kaniyang sagot, binigyan siya ni Howard ng isang ma
Lumipas ang limang taon.Kakaanunsyo pa lamang ng airport terminal ang pagdating ng eroplano. Hindi nagtagal, isang grupo ng mga pasahero ang lumabas mula sa security checkpoint."Mummy, mainit. Gusto ko ng ice cream." Narinig ang inosenteng tinig ng isang bata habang hawak-hawak ni Sebastian Jeans ang kamay ng kaniyang ina. Pakurap-kurap ang kaniyang bahagyang basang mga mata.Tiningnan ni Sharon ang kaniyang anak. Bumigay siya sa nakakaawang ekspresyon nito kahit alam niyang hindi ito totoo."Isa lamang ang pwede mong bilhin." Kumuha siya ng perang papel sa kaniyang pitaka at sinabi sa bata, "Bumalik ka pagkatapos mong bumili. Hihintayin kita rito." Hila-hila ni Sharon ang bagahe."Roger! My honorable mother" Binigyan ni Sebastian ng halik sa hangin ang kaniyang ina bago magsimulang tumakbo habang hawak-hawak nang mahigpit ang pera sa kaniyang kamay.Hindi na siya nasabihan ni Sharon na hindi niya kailangan magmadali. Sa sandaling iyon, tumunog ang kaniyang telepono."Hello? R
Madilim ang ekspresyon ni Simon Zachary. "Huwag ka nang mag-abala. Bilang magulang dapat palagi mong binabantayan ang anak mo.""Tama iyon, ang mga damit na isinusuot ni President Zachary ay custom-made, sa tingin mo kaya mong bayaran iyon?" ang assistant ng lalaki na si Franky Zimmer ay nakatayo sa likod nito habang mahina siyang pinagagalitan. Siya kanina ang sumigaw sa kaniyang anak.Tiningnan niya nang masama si Sharon. "Wala siyang takot! wala pang nakalalapit na babae kay President Zachary kahit kailan!""Hindi ba't pantalon lang naman iyon? kaya kong bayaran iyon!" Nagsalita si Sebastian na hawak-hawak ng kaniyang ina. Hindi niya kayang hayaan na lamang na makita ang kaniyang ina na tiisin ang kahihiyan ngayong siya naman ang dahilan ng problema.Tiningnan ni Simon ang batang lalaki. Kumunot ang kaniyang noo dahil pamilyar sa kaniya ang bata.Umismid si Franky. "Sige bata ka, paano mo babayaran ito?"Kinuha ni Sebastian ang kaniyang piggy bank na nasa kaniyang dilaw na bag