Share

Kabanata 5

Pumasok si Simon sa opisina ng presidente habang nakasunod sa likuran niya si Franky.

"President Zachary, nakuha ko na ang impormasyon tungkol sa babaeng pinapahanap niyo," sabi ni Franky.

Umupo lamang si Simon. Kumunot kaunti ang kaniyang noo nang marinig ito. "Sabihin mo."

Mayroong inilabas na investigation report si Franky. "Ang pangalan ng babae ay Sharon. Limang taon na ang nakalilipas, umalis siya sa Northern City at nagpunta sa M Country upang ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.. Noong nakaraang taon, pinarangalan siya para sa mga international interior design. Ang nakakabigla ay... nag-apply siya rito sa kumpanya natin bilang isang designer."

Sinara ni Simon ang kaniyang mga labi at hindi nagsalita. "Ibig sabihin ako na ngayon ang superior niya?"

Limang taon na ang nakalilipas, umalis siya sa Northern City.

Naalala niya ang gabing iyon limang taon na ang nakalilipas. Kababalik lamang niya mula sa ibang bansa at handa ng pamunuan ang pamilya Zachary. Sa hand-over ceremony, nakainom siya ng baso ng wine na mayroong gamot. Hindi nagtagal, isang babae ang dumating.

Ngunit pagkagising niya kinabukasan, hindi niya na nakita ang babae. Ganonpaman, napansin niyang mayroong mantsa ng dugo at isang pares ng hikaw na pagmamay-ari ng babae ang nasa bed sheet.

Hindi niya nagawang makita nang malinaw ang mukha ng babae, ngunit naalala niya ang amoy nito.

Naputol ang kaniyang iniisip sa sumunod na sinabi ni Franky, "Isa pang coincidence, ex-girlfriend siya ng pamangkin niyo."

Kumunot ang noo ni Simon. "Howard?"

"Tama po. Nalaman kong magpapakasal na dapat sila limang taon na ang nakalilipas, ngunit nagtaksil si Sharon sa pamangkin niyo. Kaya hindi natuloy ang kasal. Sa tingin ko ay hindi na siya naglakas loob manatili sa Northern City pagkatapos at nagdesisyong tumakas papunta sa M Country." bumuntong-hininga si Franky.

Bahagyang naalala ni SImon na nag-organize nga ng kasal ang pamangkin niya noon., ngunit hindi inimbitahan ng kaniyang sister-in-law ang sinumang miyembro ng pamilya Zachary sa kasalan.

"President Zachary, sa tingin niyo kaya siya nag-apply sa kumpanyang ito ay dahil sa pamangkin ninyo?"

Nanatiling tahimik si Simon, "Kung ganoon nga, mali siya ng pinuntahan."

Nagpakita si Sharon pagkatapos mag-report sa personnel department. Kararating lamang niya sa designing department at nakilala ang kaniyang mga bagong superiors at katrabaho. Ngunit, uupo pa lamang siya sa kaniyang upuan nang sabihan siya ng secretary mula sa opisina ng presidente na pinapatawag siya ni President Zachary.

Nabigla si Sharon. "President Zachary? siya ba yung lalaking nakilala ko sa airport?"

Bago pumunta sa kumpanya, wala siyang oras upang alamin kung sino ang boss nito. Ang alam lamang niya tungkol dito ay ito ang pinakamalaking kumpanya sa Northern City.

Tumango siya at sumunod sa secretary papunta sa opisina ng presidente.

Kumatok si Sharon sa pinto. Kasunod nito, narinig niya ang malalim na tinig ng isang lalaki mula sa loob.

"Pumasok ka."

Hindi niya alam kung bakit, ngunit kinakabahan siya. Mayroong nabubuong tensyon sa loob niya kapag iniisip ang lalaki.

Huminga siya nang malalim bago itulak pabukas ang pinto upang makapasok.

Isang lalaking nakayuko ang makikita sa malaking office desk, tinitingnan ang mga dokumento. Ang kaniyang gwapo at metikulosong mukha ay nakamamangha kahit na nagtatrabaho siya.

"Hinahanap niyo raw ako, Mr. President?"

Umangat ang tingin ng lalaki at tiningnan siya bago kalmadong nagsalita. "Maupo ka."

Naramdaman ni Sharon ang talim ng tingin nito, para bang sinusuri nito ang bawat niyang detalye. Umupo siya nang may ngiti sa labi, sinusubukang magmukhang natural.

"Sharon Jeans?" Gumalaw ang maninipis na labi ng lalaki at binigkas ang kaniyang pangalan.

"Ako nga." Doon lamang niya napagtantong hawak nito ang kaniyang resume.

"Bakit ka nag-apply sa Central Corporation?" Walang pakundangan niyang tanong.

Nabigla si Sharon. "Hindi ba't ganito ang mga tanong sa interview? balak ba ng boss niyang personal siyang i-interview?"

"Kailangan ko ng mas malaking platform para mailabas ko ang talent ko, at kaya akong bigyan ng pagkakataon ng Central Corporation." Binigyan niya ito ng textbook answer na walang problema.

Ngunit, tinitingnan lamang siya nang masinsin ng lalaking nakaupo sa harapan niya at hindi nagmamadaling sabihin kung anuman ang kaniyang naiisip.

Malipas ang ilang sandali, diretsa siyang tiningnan nito at tinanong, "Nandito ka ba para sa personal na dahilan?"

Kumunot ang noo ni Sharon. "Mayroon ka bang problema sa akin? o dahil ba ito sa insidente sa airport..." naputol ang kaniyang sinasabi nang biglang tumunog ang isang telepono.

Sinagot ni Simon ang tawag at pinakinggan kung anuman ang sinasabi ng secretary habang tinitingnan si Sharon. Hindi nagtagal, nagsimulang kuminang ang kaniyang mga mata..

"Papasukin mo siya." Ibinaba niya ang tawag pagkatapos itong sabihin.

Nagdadalawang-isip pa rin si Sharon kung itutuloy pa ba niya ang usapan kanina nang biglang mayroong nagbukas ng pinto ng opisina. Narinig niyang nagsalita ang taong pumasok, "Tito, nakuha ko lahat ng litrato na hinahanap mo."

Nanigas ang katawan ni Sharon sa boses na iyon. Si Howard Zachary!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status