Share

Kabanata 7

Natapos din ang abalang araw sa trabaho, umuwi na si Sharon. Nakaramdam siya ng kaunting pagod.

Mas maagang natapos si Riley sa trabaho kaysa kay Sharon, kaya't tumulong siya at sinundo si Sebastian mula sa kindergarten.

"Nakauwi kana? ayos ba ang unang araw mo sa trabaho?" tanong ni Riley.

Tiningnan siya ni Sharon. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na ang pamilya Zachary ang may-ari ng Central Corporation?"

"Ibig sabihin nakita mo si Simon? kumusta? gwapo siya diba?"

Masama siyang tiningnan ni Sharon. "Ano naman ang kinalaman ng pagiging gwapo niya sa akin? tito siya ni Howard!"

"Eh ano naman! hindi lahat nakakapasok sa Central Corporation. Dapat maging masaya ka ngayong natanggap ka at huwag na intindihan kung kaninong tito siya. Natatakot ka bang tutulungan niya si Howard at guluhin ka?"

Kumunot ang noo ni Sharon. Hindi siya natatakot dahil doon. Hindi lamang talaga nita gusto na magkaroon ng relasyon sa kahit sino mula sa pamilya Zachary.

Sa sandaling iyon, lumabas si Sebastian sa kaniyang kwarto, hawak-hawak ang kaniyang tiyan. "Mommy, masakit ang tiyan ko?"

Narinig siya ni Sharon at mabilis na hinila ito paharap sa kaniya. Hinawakan niya ang tiyan nito. "Anong problema? mayroon ka bang maling nakain sa kindergarten?"

Umiling si Sebastian. "Hindi ko alam."

Namumutla ang maliit na mukha nito, at basa ng pawis ang kaniyang noo. Kilalang-kilala ni Sharon ang kaniyang anak. Hindi ito iimik kung hindi ito sobrang sakit.

"Dadalhin kita sa hospital ngayon."

Nag-alala na rin si Riley at mabilis na kinuha ang susi ng kotse. "Start ko na ang kotse."

Dinala ng dalawa si Sebastian sa hospital. Tiningnan muna ng doktor si Sebastian bago hanapin si Sharon at tanungin, "Sinabi niyo bang kababalik niyo lang dalawa mula sa M Country kahapon?"

"Opo." Tumango si Sharon.

"Kung ganoon ay wala ng iba pang dahilan. Walang malubhang problema ang bata. May nakain lamang siyang sira na naging dahilan ng kaniyang diarrhea at pananakit ng tiyan. Magpeprescribe ako ng gamot niya."

Nakahinga nang maluwag si Sharon. "Salamat, doktor."

Kinuha ni Sharon ang reseta at kaagad na nagtungo sa parmasya dahil kailangan niya kaagad pakainin at painumin ng gamot ang anak niya. Nanatili naman si Riley sa ward upang bantayan ang bata.

Hindi nagtagal, narating ni Sharon ang parmasya. Ngunit nang pabalik na siya, nakita niya ang isang pamilyar na imahe nang lumiko siya.

Tumalikod siya at tumingin sa pasilyong katapat niya. Nakita niya si Sally na may kalayuan sa kaniya!

Kahit na hindi sila nagkita ng limang taon, nakilala niya pa rin ito sa isang tingin lang!

Si Sally na minsang naging matalik na kaibigan ni Sharon ay inagaw ang araw ng kaniyang kasal at ang kaniyang mapapangasawa. Paano siya makakalimutan ni Sharon?

Nakikipag-usap si Sally sa isang lalaking doktor na nakasuot ng mali at puting coat.

Hindi marinig ni Sharon ang kanilang usapan, ngunit ang kanilang mga galaw ay intimate. Ang mga hindi nakakakilala sa kanila ay pagkakamalan silang magkasintahan.

"Niloloko ba ni Sally si Howard?"

Tiningnan nang mabuti ni Sharon ang lalaking doktor at matalim itong tinitigan. "Bakit ang side profile ng lalaking iyon ay kapareho ng... lalaking nasa litrato noong kasal niya!"

Nanlambot ang katawan ni Sharon. Sa isip niya, gusto niyang lapitan ang lalaking iyon at tingnan nang malapitan. Sa isang iglap, isang malaking tao ang humarang sa harapan niya.

Isang malalim na tinig ng lalaki ang narinig, "Sharon?"

Tumingala siya at nakita ang mukha ni Simon. Kamukha talaga nito ang kaniyang anak. Muli, nawala na naman siya sa sarili ngunit determinado pa rin na makita ang lalaking doktor.

Itinulak niya si Simon at dumiretso. Ngunit ang mga tao sa katapat na pasiilyo ay wala na. 'Wala na si Sally at yung lalaking doktor!"

"Sino ang hinahanap mp?" Tanong ni Simon nang makita nitong hindi siya mapakali.

Nakaramdam ng inis si Sharon. "Nakaalis na sila!'

Bumalik siya sa kaniyang sarili at doon lamang napagtantong tinitingnan siya ni Simon. Ang kaniyang superior, at hindi dapat siya maging bastos.

Kaya ibinaba niya ang kaniyang tingin upang itago ang emosyong namumuo sa kaniyang mga mata. "Baka nagkakamali lang ako."

"Mayroon ka bang sakit?" nakita ni Simon na mayroon siyang hawak na gamot.

Nanatiling nakababa ang kaniyang tingin. "Hindi masiyadong maganda ang pakiramdam ng anak ko kaya dinala ko siya rito para magpa check-up," sabi niya bago itinaas ang ulo upang tingnan ito. Pagkatapos ay nagtanong din siya, "Ano pong ginagawa niyo rito, President Zachary?"

Nang banggitin niya ang kaniyang anak, naalala ni Simon ang insidente sa airport. 'Ang batang iyon na inosente pero matigas ang ulo. Hindi na babanggitin na mapagmalaki rin siya. Habang tinitingnan ko siya mayroon akong pamilyar na nararamdaman.'

Nanliit ang kaniyang mga mata at tiningnan nang matalim ang babae sa harapan niya. Mayroong bumalot na paghihinala sa kaniya.

"Anong problema sa kaniya?" Hindi niya namamalayang naitanong ang kondisyon ng bata.

Hindi na ito masiyadong pinag-isipan ni Sharon, "Nanakit ang tiyan niya dahil mayroon siyang nakaing sira. Niresetahan na siya ng doktor ng gamot."

Narinig ito ni Simon, at nagkainteres na asarin ang ina. "Magiging ayos din siya kung babawasan niya ang pagkain ng ice cream."

Itinaas ni Sharon ang kaniyang paningin upang tingnan ang maninipis na labi ng lalaki na parang nagkaroon ng maliit na ngiti. 'Anong problema? Yung mukha niyang parang nakangiti pero hindi. Mas lalo niyang nagiging kamukha ang anak ko!"

Nagsimula siyang titigan ang lalaki nang hindi niya namamalayan nang hindi kumukurap.

Lumapit ang gwapong mukha ng lalaki sa kaniyang tainga, at bumulong gamit ang kaniyang malalim, at nakakaakit na boses, "Alam mo bang delikadong tumingin sa lalaki nang ganiyan?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status