Share

Kabanata 8

Bumalik sa sarili si Sharon. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya, at namumula ang mga tainga. Mabilis siyang yumuko at kinagat ang kaniyang mga labi. Naiinis siya.

Nakaramdam ng kirot sa kaniyang puso si Simon nang makita ang reaksyon nito. Muli, naamoy niya ang bagong nagmumula sa katawan nito na matagal na niyang gustong maamoy ulit.

Nag-iba ang pagtitig niya rito at naging mapanuri.

Hindi na katulad ng dati ang eksena nilang dalawa. Sa isang iglap, mayroong mga yabag na papalapit sa kanila.

"Shar, nakuha mo na ba ang mga gamot?" Si Riley at Sebastian ay kanina pa naghihintay sa ward, kaya nagdesisyon si Riley na hanapin si Sharon nang mapansin na natatagalan ito.

Pinigilan ni Sharon ang emosyong namumuo sa kaloob-looban niya. 'Masama ito, paano ko nakalimutan ang anak ko?"

"Oo, nakuha ko na. Kumusta si Sebastian?"

"Medyo mabuti na siya, pero sabi ng dokto ay kailangan niya pa ring uminom ng gamot." Tiningnan ni Riley ang matangkad at seryosong lalaki sa tabi niya. Kuminang ang kaniyang mga mata sa tuwa," Hindi ba't siya ang boss mo, Shar? bakit nandito rin siya?"

'Hindi ko inaasahang mas gwapo pa si Simon kaysa sa nakikita ko sa telebisyon. Pero, mahirap para sa sinuman ang lapitan siya dahil sa aura na binibigay niya.'

Wala sa posisyon si Sharon na patuloy na makipag-usap kay Simon. Kaya, magalang niyang sinabi, "President Zachary, babalikan ko na po ang anak ko." Kaagad siyang umalis kasama si Riley.

Bigla namang nagsalita ang lalaki, "Sasama ako at titingnan din siya."

Nagulat si Sharon. "Hindi.. hindi na po kailangan." Malinaw na mawiwirduhan siya.

'Hindi ba't masiyado naman siyang nagpapakabait?"

Para bang hindi nito narinig ang kaniyang pagtanggi at kaagad na naglakad gamit ang kaniyang mahahabang hita. "Saang ward?" tanong niya habang mayroong tindig na animo'y hindi tatanggap ng pagtanggi.

Kinagat ni Sharon ang kaniyang mga labi. "President Zachary, wala po ba kayong ibang gagawin?"

"Tinitingnan pa ng doktor ang tatay ko, kaya mayroon akong oras," kaswal niyang sabi.

Doon lamang nalaman ni Sharon ang dahilan ng pagbisita niya sa hospital. Habang nagdadalawang-isip siya, si Riley naman ay kaagad na naging magiliw at pinangunahan ang daan. "Lumiko lang po kayo. Sundan niyo na lang po kami."

Sabi ni Riley bago hilain si Sharon at naglakad.

Sinulyapan siya ni Sharon at bumulong, "Huwag kang gumawa ng kalokohan, Riley."

Hindi ito pinansin ni Riley. "Bakit ka sobrang kinakabahan? isipin mo na lang na isa siyang superior na concern sa kaniyang mga nasasakupan."

Hindi siya matanggihan si Sharon. Sa huli, sinama niya si Simon sa ward.

Nakasimangot si Sebastian habang nakahiga sa hospital bed. Nang makita niyang nakabalik na ang kaniyang ina, nagkaroon agad ng buhay ang kaniyang mga mata. "Hmm? bakit nandito rin yung bad na tito?"

Nabangga niya si Simon sa airport nang araw na iyon. Noong araw na iyon, mayroong seryoso at walang ekspresyong mukha si Simon. Kaya tinawag siya ng bata na bad na tito.

Awkward ang ekspresyon ni Sharon. Tiningnan niya ang lalaki, na hindi malaman kung ano ang nararamdaman, at sinabi sa kaniyang anak, "Sebastian, ang titong ito ay boss ko. Tawagin mo siya dapat na tito Zachary."

Tiningnan ni Sebastian ang bad na tito na wala pa rin ekspresyon ang mukha, ‘Nagkataon lang? anong ginagawa niya rito kung ganoon?"

Naglakad palapit si Simon sa hospital bed at malumanay na nagsalita, "Nalaman kong hindi maganda ang pakiramdam mo. Kaya. nandito ako para bisitahin ka" Tiningnan niya nang mabuti ang batang nasa harapan niya. Habang mas lalo niya itong tinititigan, mas lalong nagiging pamilyar ang kaniyang pakiramdam. Mas lalo din lamang lumalaki ang hinalang nasa loob niya.

Tiningnan siya ni Sebastian, hindi naniniwalang mabait ito. 'Siguro dahil namantsahan ko ang pantalon niya ng ice cream nang araw na iyon kaya siya nagalit. Kaya, sinadya niyang magpunta rito para asarin ako.'

"Ayos lang po ako. Hindi ko kailangan ng bisita." Sinadya ng batang maging yamot ang itsura niya. Umupo pa siya nang tuwid na para bang pinapatunayan niyang tama siya.

Ngunit, sa sumunod na sandali ay tumunog ang tiyan ng bata. Pagkatapos ay hindi na nakayanan ng mukha niyang pigilin ang kaniyang nararamdaman.

Gayunpaman, upang hindi mapagtawanan, nagpatuloy siya sa pagiging seryoso.

Kumurba paitaas ang mga labi ni Simon nang makita niya ang ekspresyon nito."Sabihin mo lang kung hindi maganda ang pakiramdam mo. Hindi kita aasarin." Nababasa niya ang isipan ng batang ito. Pagkatapos niyang magsalita, sinadya niyang tapikin ang balikat ni Sebastian.

"Hindi.. hindi masama ang pakiramdam ko!" Naging pulang-pula ang mukha ni Sebastian. Determinado siyang hindi umamin. Hindi niya hahayaan ang sinuman na asarin siya!

Kinausap ni Sharon ang sarili nang makita ang anak niyang ganoon umakto. 'Kanino niya kaya nakuha ang pasensya niya?'

"Sa ngayon, inumin mo na ang gamot." Inabot ni Sharon ang ilang gamot at isang baso ng tubig sa harapan ng bata.

Kaagad na kinuha ni Sebastian ang gamot at nilunok bago ito paagusan ng isang basong tubig.

"Dahan-dahan lang." Marahang tinapik ni Sharon ang likuran nito.

Tumayo si Simon sa tabi nila, ngnumiti at hindi nagsalita.

Tiningnan ni Riley ang tatlo at bumuo ng isang ilusyon. "Pamilya silang tatlo!"

Hindi na babanggitin na magkamukha talaga si Sebastian at Simon!

Matapos inumin ng bata ang gamot niya, pinahiga siya ni Sharon para makapagpahinga ito.

Tumalikod siya at nakitang nakatitig si Simon sa kaniyang anak. Hindi siya sigurado sa kaniyang ekspresyon, at dahil dito ay parang pinipiga ang kaniyang puso.

Sa sandaling iyon, mayroong taong nagmamadaling pumasok. "Tito, kumusta ang lolo ko?"

Kumunot ang noo ni Sharon.' Si Howard ba iyon?'

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status