Share

Kabanata 13

Kanina ay kaswal lamang na niyaya ni Sharon na sumayaw si Simon. Hindi niya inaasahang papayag ito.

Sinong mag-aakala na siya, na nagkusang imbitahin siya, ay ang siyang sumusunod ngayon, pinapangunahan siya ng mga galaw ni Simon sa dance floor.

Hindi niya namamalayang tanging ang lalaki lamang sa harapan niya ang kaniyang nakikita. Sa ilalim ng makinang na crystal lights, ang perpektong mukha ng lalaki ay mas lalo pang gumwapo.

Para bang ang malalalim nitong mga mata ay mayroong mahika na dahilan ng pagka-akit niya rito.

Kasama ng huling nota ng musika, natapos nila ang huling step. Ang mga braso nito ay nakapalibot sa kaniya, at nauwi siya sa yakap nito. Tumingala siya at tiningnan ang mga mata nito. Sa segundong iyon, nakalimutan niya ang lahat.

Nang marinig ni Sharon ang palakpakan sa paligid ay doon lamang siya bumalik sa sarili. Hindi niya namamalayang umalis siya sa yakap nito.

Yumuko siya. "Kukuha ako ng maiinom." Mabilis niyang nilisan ang dance floor.

Tiningnan ni Simon ang babae na para bang tumatakas, pagkatapos ay kumurba paitaas ang kaniyang mga labi. 'nahihiya ba.. ang babaeng iyon?'

Sa wakas ay nakita ni Sharon ang lugar kung nasaan ang mga inumin. Pero nang makakahinga na sana siya nang maluwag, mayroong humila sa kaniyang kamay.

Sa sumunod na sandali, sapilitan siyang hinila ng taong iyon.

"Howard? ano ang ginagawa mo?" Hindi makapaniwala si Sharon sa biglaan nitong pagpapakita. 'Ano ang pinaplano niyang gawin sa akin at napaka agresibo ng tindig niya?'

Hindi umimik si Howard. HInawakan nito ang kaniyang braso at hinila siya palabas ng ballroom. Sa huli ay nakarating sila sa isang pasilya sa labas.

Ginamit ni Sharon ang bawat hibla ng lakas na natitira sa kaniya upang makawala. Galit niyang sinabi, "Saan mo ako balak dalhin?"

Tumalikod si Howard at seryosong tiningnan siya nito. Sumigaw ito, "Sharon, umalis kana kaagad! huwag mo ng isipin na guluhin ang banquet namin ni Sally!"

Ngumiti ng maliit si Sharon nang makita niya kung paano ito naiirita, "Anong problema? natatakot ka ba?"

Malamig niyang tiningnan si Howard. Limang taon na ang nakalipas, parehong araw, siya ang pinakamahinang tao. Pinakasalan niya si Sally habang kinailangan niyang magdusa!

Hindi siya sigurado kung minahal nga siya ni Howard.

'Paano niya nagawang maging sobrang lupit sa akin?'

Tumaas ang kilay ni Howard at sumagot, "Natatakot? ako? oh tama, takot akong malaman ng lahat na ex-girlfriend kita. Mapapahiya mo ako!"

Kahit na wala na siyang nararamdaman dito, nalungkot pa rin siya sa narinig.

Ngumisi siya at madiing sinabi, "Oo, hindi sinasabi ng ibang lalaki sa iba na naloko sila."

Naalala ni Howard ang mga litrato noong kasal nila. Nagsimulang mag-apoy sa galit ang kaniyang mga mata.Bigla itong lumapit sa kaniya at hinawakan ang kaniyang mga balikat. "Sharon, sinasadya mong gawin ito, tama?"

Nakaramdam ng sakit si Sharon sa pwersang binibigay nito sa kaniyang balikat. Ngunit kahit ganoon, tiniis niya ito at itinaas pa ang kaniyang mukha upang harapin siya. Ngumiti lamang siya nang malamig. "Kung gusto mong paniwalaan iyan, ikaw ang bahala. Mas makarisma at gwapo si Simon kaysa sa iyo. Ang pinakaimportante, siya ang head ng pamilya Zachary habang wala ka namang kwenta."

"Ikaw!" Sobra ang galit ni Howard sa kaniya na halos balutin na nito ang kaniyang mukha. Itinaas nito ang kamay at akmang sasampalin siya.

Ngunit mabilis na nahawakan ni Sharon ang kamay nito at tiningnan niya ito nang seryoso. Ngumisi siya. "Iniisip mo bang saktan ako ulit? Howard Zachary, kailangan mong itatak ito sa utak mo, hindi na ako ang Sharon five years ago na patay na patay sa iyo!" Itinulak niya ang kamay nito matapos sabihin iyon.

Lumiit ang itim ng mga mata ni Howard at ngumiti kahit na naiinis siya. "Patay na patay? Ha, kalokohan. Sharon, niloko mo ako five years ago. Kung hindi, paano ka nanganak sa isang bastos na bata?"

Naalala niya pa rin ang pagkakita niya sa bata sa hospital. 'Malaki na ang anak niya. Halatang niloko niya ako!"

Naging matigas ang ekspresyon ng mukha ni Sharon. "Anong sinabi mo? sabihin mo ulit ang sinabi mo!"

"Mayroon ba akong sinabing malo? hindi ba't ikaw naman ang lumandi sa ibang lalaki at nanganak sa isang bastos na bata?"

Pak!

Katatapos pa lamang magsalita ni Howard nang tamaan siya ng malakas na sampal ni Sharon.

Magulo ang itsura ni Sharon habang tinititigan niya ito.. "Pwede mo akong pagsalitaan ng masama, pero hindi ang anak ko!"

Bahagyang nanlambot ang kaniyang katawan. Walang nakakaalam kung paano siya nagdusa sa nakalipas na mga taon. Kinailangan niyang palakihin ang anak niya mag-isa, at dahil iyon sa kanilang dalawa ni Sally.

Paano niya hahayaang hiyain ni Howard ang kaniyang anak?

Napatulala si Howard sa sampal ni Sharon, at tiningnan siya nang masama habang puno ng inis ang ekspresyon. Hindi siya makapaniwala.

Hindi na gusto pang makipagtalo ni Sharon. Kaya tumalikod siya at nagsimulang maglakad nang mayroong malalaking hakbang pabalik.

Sumigaw si Howard, "Huwag mong subukang tumapak sa ballroom!"

Huminto ang mga yapak ni Sharon. Inayos niya ang sarili, tumalikod, at ngumiti. "Ako ang partner ng tito mo, kapag mawala ako, mag-aalala siya." Pagkatapos sabihin iyon, hindi na niya tiningnan ulit si Howard. Bagkus ay nagpatuloy sa paglalakad nang walang pag-aalala.

Nasaksihan ni Sally ang buong insidente mula sa isang sulok. Niyukom niya ang kamao dahil hindi niya inaasahan ang pagiging arogante ng bagong Sharon.

'Iniisip niyang maging tagasuporta niya si Simon? Mangarap ka lang!"

Bumalik si Sharon sa ballroom, ngunit hindi niya makita si Simon. Hinanap niya ito kung saan-saan ngunit bigong makita. 'Baka mayroong nangyari at kinailangan niyang umalis muna?'

Kumuha siya ng isang baso ng fruit juice at uminom dahil uhaw na uhaw talaga siya.

Bigla namang umakyat sa stage si Sally. Pagkatapos, gamit ang mikropono, binati niya ang mga taong naroroon, "Everyone, sobrang saya ko na nakadala kayong lahat para ipakita ang suporta niyo sa amin. Gusto kong maglaro ng isang game, pero kailangan ko ng kooperasyon ng lahat."

Nilibot ni Sally ng tingin ang karamihan ng tao at tumigil kay Sharon. Isang malamig na ngiti ang makikita sa kaniyang mga mata, "This lady, pwede ka bang umakyat sa stage?"

Sa sandaling iyon, nakatingin ang lahat kay Sharon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status