Share

Kabanata 14

Tumayo si Sharon sa harap ni Sally, ang lahat, kasama na si Howard ay nakatingin sa kanilang dalawa. Hindi nalalayo ang kinakatayuan ni Howard.

Kumunot ang kaniyang noo at nagtaka kung ano ang plano ni Sally.

Para bang nakangiti lamang si Sally habang tinitingnan si Sharon. Sinabi nito, "Pwede mo bang sagutin muna ang tanong ko. Kapag mali ka ng sagot, makakatanggap ka ng penalty."

"Spit it out." Tiningnan siya ni Sharon sa mga mata. 'Napaka peke pa rin ng Sally na ito. Wala siyang lakas na loob na aminin sa publiko na magkakilala kami.'

Kuminang ang mga mata ni Sally. "Pwede ko bang malaman kung ano ang pinag-uusapan niyo ng asawa ko sa pasilyo sa labas kanina lang?"

Bahagyang nagsalubong ang magagandang kilay ni Sharon dahil alam niya ang pinaplano ni Sally.

"Sa tanong na iyan, si Howard dapat ang tanungin mo. Siya ang humila sa akin palabas."

"Tinanong ko na siya, at sinabi niyang sinubukan mo siyang ligawan. Ganoon ba?!" Sigaw ni Sally, pinagmumukha siyang guilty.

Mayroong kaguluhan ang nangyari sa paligid sa baba ng stage nang magsimulang magbulungan ang mga tao.

Bahagyang kuminang ang mga mata ni Sharon. Hindi siya binigyan nito ng pagkakataong magsalita. Tinuro siyang muli ni Sally at sinabi sa lahat, "Everyone, ang pangalan ng babaeng ito ay Sharon jeans. Siya ang babaeng nanloko kay Howard five years ago sa kasal nila!"

Ang lahat ay nagulantang nang marinig ito, at nagsimula nilang ituro si Sharon.

Bahagyang nag-iba ang ekspresyon ni Sharon. Mukhang sinusubukang ilabas ni Sally kung sino siya gamit ang mga tanim na sama ng loob at pinagmumukha siyang masama ulit sa harapan ng lahat.

"Asawa ko na si Howard ngayon, at ngayon ay hindi ka pa rin nagbabago. Sinubukan mo pa siyang landiin!" Muling sigaw ni Sally.

Ngayon ay nagsimula ng laitin ng lahat si Sharon; kinakampihan nila si Sally.

Mayroon pang narinig si Sharon na nagsabing umalis na siya.

Niyukom niya ang kaniyang mga kamao. "Well, Sally, ibang klaseng baraha ang nilaro mo!"

"Hindi ko siya nilandi. Papuntahin mo siya sa stage at klaruhin ito sa lahat!" Nais malaman ni Sharon kung hindi rin magagawang malaman ni Howard ang totoo sa hindi.

Pagkatapos niyang magsalita, kumuha ng isang baso ng wine si Sally at walang habas na binuhos ito sa kaniyang mukha.

Hindi nagawang umiwas ni Sharon. Kaya ipinikit na lamang niya ang kaniyang mata, at tumulo sa kaniyang buhok ang malamig na likido.

Natulala ang mga bisita habang pinapanood sila, nakalimutan nilang gumawa ng anumang ingay.

Si Simon na nakatayo sa isang sulok ay nakahawak sa kaniyang baba. Nakatingin lamang siya kay Sharon na napapahiya, "Ito ba ang motibo niya sa pagpunta rito?'

Hindi siya gumalaw kahit kaunti. Naghihintay siya kung paano nito lalabanan ang sitwasyon.

Bahagyang nanlambot ang katawan ni Sharon na para bang bumalik siya sa kasal na iyon five years ago. Noon, ipinahiya rin siya ni Sally sa harap ng publiko sa parehong paraan.

Sa sandaling iyon, lahat ng galit sa loob niya ay umakyat sa kaniyang ulo. Idinilat niya ang kaniyang mga mata na ngayo'y nag-aapoy sa galit.

Nagulat si Sally na makitang ganoon si Sharon.

Lumapit si Sharon sa mga tainga nito at bumulong, "Balita ko ay buntis ka, pero alam kong ang bata sa sinapupunan mo ay hindi kay Howard."

Biglang nanliit ang mga itim ng mata ni Sally. Pakiramdam niya biglang bumagsak ang mataaas na pader sa loob niya. Para bang mayroong nakaalam ng sikretong pinakatago-tago niya. Labis ang kaniyang pagkabigla, hindi niya na nakontrol ang sarili niyang emosyon. Kasunod nito, itinulak niya si Sharon.

"Umalis ka na!" Natataranta niyang sigaw.

Kinabahan si Sharon matapos itulak nang malakas ni Sally. Napaatras ang buong katawan niya at nabangga ang cake na ilang layer ang taas.

Sa madaling salita, nakakahiyang nabangga niya ang cake habang bumabagsak. Ang mukha at gown niya ay namantsahan ng maraming butter.

Sumigaw ang mga tao nang makita nila ang eksena.

Sa kabilang banda, nawalan ng kontrol si Sally at nagsimulang tumili nang kabado,

"Someone, bilis, ilabas nyo ang malandi na iyan dito!"

Halatang malaki ang epekto ng sinabi ni Sharon sa kaniya.

Hindi na nakayanang patuloy na panoorin lamang ang eksena ni Howard. Malamig niyang tiningnan si Sharon kahit na nasa sahig ito. Pagkatapos, humakbang nang malaki at umakyat sa stage para protektahan si Sally.

Kasunod nito, pinatawag ang mga security guards. Pero, nang huhulihin na nila si Sharon, narinig ang isang seryoso at malinaw na tinig ng isang lalaki, "Hold it right there."

Tumalikod ang mga tao upang tingnan ang matangkad na lalaking mukhang dominante. Papalapit siya nang papalapit, at walang malay na nagbibigay daan ang lahat.

Hindi naglakas loob ang mga security guards na gumawa ng anumang aksyon nang makita siya ng mga ito. Bawat isa sa kanila ay walang maisip na gagawin.

Hindi nagtagal, ang mahaba at diretsong mga hita ng lalaki ay nasa harapan na ni Sharon. Tumingala si Sharon at nakita ang cool ngunit seryosong mukha ng lalaki.

Hindi alam ni Sharon ngunit nakaramdam siya ng lungkot nang makita si Simon.

Nagbigay siya ng ngiti kay Simon na bahagyang mas mabuti kaysa sa iyak niya. "President Zachary, pasensya na sa pagpapahiya ko sa inyo."

Tiningnan siya mula sa itaas ni Simon. Hindi siya nito sinagot. Ang kaniyang malamig at matalim na mga mata ay tinitigan lamang si Sally na nasa state, kalmadong nagsalita si Simon, "Ako ang nagsama sa kaniya, hindi ba't kailangan mo munang humingi ng permiso sa akin bago siya galawin?"

Walang emosyon ang kaniyang tono, ngunit ang malamig na aura na nilalabas ng kaniyang katawan ay sapat na upang manlamig ang likod ng sinuman.

Sabi nga sa kasabihan, kailangan munang humingi ng permiso sa may-ari ng aso bago ito paluin. Partner si Sharon ni Simon. Hindi man lamang ba binigyan ni Sally ng kahihiyan si Simon sa pagpapahiya niya kay Sharon sa harap ng publiko?

Nagsimulang manginig si Sally sa takot habang patuloy na malamig na tinititigan ni Simon. Doon lamang niya napagtanto na mali siya ng ginawa.

"Tito..." tila mayroon siyang gustong sabihin.

Pinutol agad ito ni Simon, "Huwag mo ako tawaging tito, wala akong karapatan sa titulong iyan."

Namutla ang mukha ni Sally, at hindi na naglakas loob na magsalita.

Mabilis siyang dinepensahan ni Howard, "Tito, hindi ito sinasadya ni Sally."

Sinulyapan sila ng malalamig na mata ni Simon. Tinikom niya nang mahigpit ang kaniyang mga labi at hindi na nagsalita. Bagkus, yumuko siya at binuhat si Sharon. Pagkatapos ay umalis siya eksena habang buhat-buhat si Sharon.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Scarlet Heart
ano b nmn to c sharon..ndi marunong lumaban...
goodnovel comment avatar
Drusilla Dru
kailangan mp pang ibulong eh dapat binulgar mo na
goodnovel comment avatar
Drusilla Dru
tanga mo kasi sharon kaya ka ba pumunta jan para ipahiya ang sarili mo..............
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status