Share

Kabanata 18

Ang hindi inaasahang insidente na nangyari kaninang umaga ay muntik ng maging dahilan ng pagkahuli ni Sharon sa trabaho. Nang makarating siya sa kumpanya, sinabihan siyang pinapatawag siya ng presidente.

Ginawa siyang in charge ni Simon sa Mountain Linguistic City project ng kumpanya. Baka gusto nitong tanungin ang progress ng kanyang trabaho.

Dumating si Sharon sa opisina ng presidente. Nakaupo si Simon isang leather swivel chair, abalang nag-aasikaso ng mga dokumento. Nakasuot ito ng pinasadyang suit. Mas gumwapo siya dahil dito.

"President Zachary." Tumayo si Sharon sa harapan ng office desk.

Umangat ang ulo ni Simon para tingnan siya at naningkit ang mga itim nitong mata, "Anong nangyari sa mukha mo?"

Bahagyang napatulala si Sharon. Naglagay na siya ng ointment, ngunit halata pa rin ang pamamaga.

Hindi niya gustong malaman nito na pinuntahan siya ni Fiona akanina. Sinabi na nitong hindi niya gustong madamay sa alitan nilang dalawa ni Howard.

Kaya wala siyang ibang pagpipilian kung hindi magsinungaling, "Nadapa ako papunta rito."

Nagdilim bahagya ang mga mata ni Simon. Wala itong intensyon na bukingin siya dahil sa halata nitong pagsisinungaling. Kung gusto man niyang sabihin o hindi ang totoo nasa kaniya na iyon.

"Kumusta ang paghahanda mo para sa Mountain Linguistic City project?" tanong ni Simon.

"Nabasa ko na ang introduction ng project, at plano kong pumunta sa site ngayong araw para tingnan ito,"sabi ni Sharon.

"Tamang-tama lang din dahil pupunta rin ako doon ngayon. Sasama ka sa akin," sinabi niya bago ibaba ang pen na nasa kanyang kamay, ito ang pen na ginamit niya sa pagpirma sa mga dokumento. Tumayo si Simon at akmang kikilos na.

Sa kabilang banda, bahagyang nataranta si Sharon pero kaagad na kumalma. Kaagad siyang sumagot, "Sige."

Sumabay siya kay Simon at umalis sa kumpanya papunta sa project site para sa Mountain Linguistic City.

Ang business site ay binubuo ng isang hotel, entertainment complex, at shopping complex.

Si Sharon ang in charge sa interior design ng hotel.

Nang makarating silang dalawa, sinalubong sila ng site manager. Nireport ng manager kay Simon ang progress ng project.

Samantala, nasa tabi nila si Sharon at sinususulat ang mga importanteng bagay habang inoobserbahan ang paligid at nakikinig sa report.

Habang nasa kalagitnaan na ng pagpapaliwanag ang manager, isang trabahador ang pumutol sa usapan nila; kailangan ng tulong ng trabahador sa isang problema. Pinayagan ni Simon ang manager na umalis at ayusin ito.

Hindi nagtagal, pumunta sina Sharon at Simon sa shopping complex na katatapos pa lamang. Mayroong mga trabahador sa main hall ng first floor na naglalagay ng mga chandelier.

Abala ang lahat sa pagtatrabaho kaya't hindi napansin ang presensya nilang dalawa. Bigla namang tumunog ang telepono ni Simon. Kasunod nito ay sinabihan niya si Sharon na hintayin siya at naglakad patungo sa isang sulok para sagutin ang tawag.

Tumayo si simon sa isang pasilyong hindi malayo kay Sharon habang nakikipag-usap sa taong nasa kabilang linya. Sa kabilang banda, naintindihan na ni Sharon ang itsura ng lugar, at nagsimulang mag-isip ng kaniyang design proposal.

Nakita naman niya ang isang chandelier na kalalagay pa lamang sa itaas ni SImon. Yumuyugyog ito nang malakas habang hinahangin.

'Delikado iyan.' Sa loob niya ay gusto niyang sabihin si Simon na umalis sa pwesto nito. Pero, bago siya makapagsalita, nahulog na ang chandelier.

'Ingat!'' Mabilis siyang lumapit at tinulak si Simon palayo.

Bang!

"Argh!" Nasaktan si Sharon at tumili.

"Sharon!" Hinawakan siya ni Simon. Nakita nitong mayroong sugat ang hita niya, at umaagos ang dugo mula rito. Natamaan ito ng chandelier nang bumagsak ito.

"Sinong nagsabi sayong lumapit ka?" Kunot ang noo nito habang pinapagalitan si Sharon.

Inosente siyang tiningnan ni Sharon. "Kung hindi ako lumapit, tatama ang chandelier sa ulo niyo mismo." Masiyadong galit si Simon ngayong iniligtas niya ito.

"Sa tingin mo ba ay ganoon ako katanga?" naiinis na saad ng lalaki.

Sa sandaling iyon, dumating ang manager. Kaaayos pa lamang niya ng problema kanina. Nagtipun-tipon naman ang mga tao sa eksena ng marinig ang kaguluhan.

Tiningnan ni Simon ang manager nang seryoso. "Sino ang in charge sa paglalagay ng ilaw dito?"

Takot na takot ang manager sa tono ni Simon at nagsimulang mautal, "A.. aalamin ko kaagad kung sino."

"Tanggalin mo ang taong iyon. At saka, tanggalin mo kung sino man ang in charge sa area na ito!" Hindi niya kailangan ng mga trabahador na hindi sineseryoso ang trabaho nila.

Lahat ng nakarinig nito ay huminga nang malalim. Kumunot ang noo ni Sharon. 'Masiyado naman ata siyang istrikto?'

"Opo, President Zachary," sabi ng manager habang nakayuko. Basa ng pawis ang noo nito.

Hindi na nagsalita pa si Simon. Binuhat na lamang niya si Sharon palayo, malalaki ang kanyang hakbang. Madilim ang kanyang mukha.

Dinala ni SImon si Sharon sa pinakamalapit na hospital.

Isang doktor ang umasikaso sa sugat niya. Mabuti na lamang ay hindi ito malala. Gayunpaman, maaaring ma-impeksyon ang sugat kung hindi ito naasikaso.

Umupo si Sharon sa kama ng hospital. Ang sugat niya ay nakabalot sa puting gasa, nakakatawa itong tingnan.

Umalis ang doktor at nurse. Sila na lamang ni Simpn ang naiwan sa ward.

Napupuno ng iba't-ibang emosyon ang mga mata ng lalaki habang tinitingnan siya. Hindi niya inasahang hindi nito pinansin ang maaring mangyari sa kanya sa pagliligtas niya rito. 'Hindi ba siya takot na mabagsakan?

'Kung ulo ang nabagsakan sa kanya at hindi hita...'

Sumama ang pakiramdam ni Simon. Hindi na niya gustong isipin pa yun.

Tumayo ang mga balahibo ni Sharon sa patuloy na pagtitig sa kanya ni Simon. Binasa niya ang kanyang bahagyang tuyong mga labi. "Hindi naman malala ang sugat ko, hindi mo kailangan..."

"Sa susunod, huwag ka ng gumawa ng mga walang kwentang bagay."

Hindi na siya nito pinatapos magsalita. Natulala siya habang tinitingnan niya ito. Akala niya'y nagsisisi ito sa nangyaring insidente, kaya gusto niyang sabihing huwag itong damdamin.

Hindi niya inaasahang walang kwenta para dito ang ginawa nya.

'Walang utang na loob!"

"Tatandaan ko 'yan. Sa susunod, hindi na ako gagawa ng mga desisyon base lamang sa opinyon ko." Kahit na niligtas niya ito, hindi naman ito nagpasalamat!

Napansin ni Simon ang malungkot nitong eskpresyon. Pero, nang magsasalita na sana siya, tumunog ang telepono nito.

Sinagot ni Sharon ang tawag at biglang kinabahan. Hindi alam ni Simon kung ano ang nalaman nito nang magsalita ulit ang huli, "Ano? sige, pupunta na ako dyan ngayon."

Pinatay niya ang tawag at nagmamadaling bumaba sa kama nang pigilan siya ni Simon. "Saan ka pupunta?"

Natataranta siyang sumagot, 'Mayroong nangyari sa anak ko sa school. Kailangan kong pumunta roon!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status