Marry Me, Skyler Perez. [ BL | Tagalog ]
Marry Me, Skyler Perez. [ BL | Tagalog ]
Author: NetsNoona
1. Revelation.

Dinadama ni Scott ang init ng araw natumatama mula sakanyang mukha. 

"Hey, Scott."-napaangat ang tingin ni Scott sa tumawag ng pangalan nya. Binaba ni Scott ang suot nyang shades at agad na umupo sa kinahihigaan nyang sunbathing chair nung nakilala nya agad kung sino ang tumawag sa pangalan nya.

"Yo, PJ."-ngiting balik na bati ni Scott sakanyang bestfriend na si Paul John Augustin o PJ. Nakipag fist bump naman si PJ sakanya pero nakasimangot ang mukha nitong nakatingin kay Scott.

"Really, Scott? Tinawagan mo ko kay tanghaling tapat para dito? Cinancel ko pa meeting ko kay Dad. Akala ko kung ano na nangyari."-di makapaniwalang tanong ni PJ kay Scott. Ngumisi naman si Scott dahil natutuwa sya sa itsura ngayon ng bestfriend nya. Mukhang nagmadali pa kasi itong si PJ para lang makapunta agad sakanya.

"Okay, umuwi ka na."-sumeryoso ang mukha ni Scott at pina lamig ang kanyang boses na sagot kay PJ.

Biglang nag clap si Scott ng dalawang beses. Kumunot lalo ang noo ni PJ dahil sa ginawa ni Scott. At literal na napanganga itong si PJ ng may dalawang sexy na babaeng naka suot na two piece bikini na sumulpot sakanilang harapan.

"Hello there boys."- malambing na bati ng dalawang babae kila Scott at sa naka nganga paring PJ.

Tumingin si Scott saka ngumisi sa bestfriend nya na parang asong naglalaway sa dalawang babae.

"Ano uuwi ka pa?"-Hindi parin maalis ang ngisi sa mga labi na tanong ni Scott kay PJ.

"Alam mo Bro... Dapat kanina mo pa ko tinawagan. You're the best!"-sobrang ngiting sabi ni PJ na nag thumbs up pa kay Scott. Samantalang kanina sobrang busangot ng mukha ni PJ ngayon naman ay nag bago na ang mood nito dahil sa dalawang babae. Alam na alam ni Scott kung ano ang weakness ni PJ lalo na kapag ayaw nito sumama sakanya.

"Hey, sexy and beautiful ladies~"-lumapit na si PJ sa dalawang babae at inakbayan ang mga eto.

Tinawagan lang naman ni Scott si PJ dahil wala syang kasama ngayon dito sa kakabili lang nya na yacht. Oo, kakabili lang dahil bored sya at gusto nya munang lumayo sa 'Toxic Environment' na araw-araw nyang nararanasan.

Sya lang naman si Scott Dela Vega, 20 years old at ang kaisa-isang anak ng mga Dela Vega.

Ang mga Dela Vega ay isa sa mga pinaka mayaman na pamilya sa buong Pilipinas. Lahat ata ng Hotels, Supermarkets, o kahit ang mga salon at spa ay pag mamay-ari nila.

Kaya naman lahat ng tao ay nakasubay-bay sa galaw ng pamilyang Dela Vega. Lalo na sa kaisa-isang tigapagmana ng mga ito na walang iba kundi si Scott.

Dahil hindi lang sobrang mayaman si Scott kundi sobrang gwapo din eto, matangkad, matalino at malakas ang appeal sa mga kababaehan. May sariling Fans club pa nga si Scott kahit na hindi naman sya artista.

Nagiging model lang si Scott sa kanilang kompanya kaya lalong dumadami ang nag kakagusto sakanya. Yun nga lang ay napapagod din si Scott sa atensyon na binibigay sakanya ng mga tao.

Kaya minsan iniiwasan nya eto. At gusto nya lang mapag isa o kaya mag party kasama ang kanyang bestfriend na si PJ.

Mayaman din si PJ pero hindi eto kasing yaman ni Scott. At mag bestfriend sila simula bata pa lang. Kaya naman kung nasaan si Scott ay nandyaan din si PJ at sumasama sakanyang bestfriend kahit anong trip nito sa buhay.

"Gusto nyo bang pumunta sa cabin ladies?"-malambing na aya ni PJ sa dalawang babae na bumungisngis kay PJ at sabay na tumango ang mga ito.

"See you later bro."-taas baba ang kilay na paalam ni PJ kay Scott.

Napailing-iling na lang si Scott nung umalis na sa harapan nya yung tatlo at pumunta sa may cabin ng yacht.

*Ring... Ring... Ring...*

Napakunot ang noo ni Scott ng maramdaman nya ang pag vibrate ng kanyang Cellphone sa bulsa ng suot nyang board shorts.

Huminga ng malalim si Scott nakalimutan nya palang i-off ang cellphone nya kanina bago sya sumakay sa yacht. Di sana ay walang mang iistorbo sa pag sasaya nya ngayon.

Hindi binasa ni Scott yung pangalan ng caller. Basta asar na inaccept nya na lang yung tawag.

"Hello?"-hindi tinago ni Scott ang pag-kaasar sa boses nya ng sagutin nya yung tumatawag.

"Scott. Nasaan ka ngayon?"-nawala ang kunot sa noo ni Scott ng mabosesan nya kung sino ang tumawag sakanya.

"Grandma, Why?"-pabalik na tanong ni Scott sakanyang Grandma. Ang grandma lang ang kasama nya noong bata sya hanggang sa paglaki ni Scott.

Dahil busy ang kanyang Ama sa pag takbo ng kanilang kompanya. Hindi na sya naalagaan ng nito. Samantalang wala na syang Ina dahil namatay eto ng pagka panganak sakanya.

kaya minsan kapag nagkikita sila ng kanyang ama puro kamustahan lang ang kanilang usapan o kaya ay itatanong lang nito kung anong plano ni Scott sa future nya.

kung gusto ba ni Scott mag patakbo ng bagong business o kaya sya ang papalit sakanyang Ama kapag nag retire na eto sa pagiging CEO.

"Umuwi ka muna dito sa mansion. May dapat kang malaman."-sagot ng kanyang Grandma sa kabilang linya. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ng kaba si Scott. Dahil na rin siguro sa uri ng boses ng Grandma nya. Ngayon nya na lang kasi ulit narinig ang seryoso sa pananalita nito.

Lumunok muna ng mariin si Scott bago sagutin ang Grandma nya.

"O..Okay I'll be there."-hindi pinahalata ni Scott sa boses nya na kabado syang sumagot at binaba na ang tawag.

Agad naman pumunta si Scott sa cabin para hanapin si PJ. Pero hindi nya eto makita.

Napailing na lang si Scott at nag sulat sa sticky note na nakita nya sa lamesa. Sinulat nya na uuwi na muna sya sa mansion dahil pinapatawag sya ng kanyang Grandma.

saka nilagay ni Scott yung sticky note sa ref para makita agad ni PJ.

Lumabas na si Scott sa cabin para paandarin yung yacht at pinunta sa may pangpang. 

"Young Master!"-sumalubong sakanya si Brian na kanyang Personal butler. 

"Mansion."-ayun lang ang sabi ni Scott agad naman na binuksan ni Butler Brian ang backseat at sumakay na si Scott.

20 minutes bago sila makapunta sa Dela Vega Mansion. Tinigil ni Butler Brian ang kotse sa mismong engrandeng pintuan ng mansion.

May guard na lumapit sa kotse at binuksan ang pintuan ng backseat para kay Scott. Mabilis na bumaba si Scott sa kotse at pumasok sa mansion..

Lahat naman ng mga maids at ibang butlers ay nag bo-bow kay Scott. Na nagmamadaling mag lakad sa napakalaking entrance ng mansion.

"Where's Grandma?"-tanong ni Scott sa isa sa mga maids.

"Nasa office po Young Master."-yukong sagot ng maid. Ni hindi man lang nag thank you si Scott sa maid basta tuloy lang si Scott sa paglalakad papuntang office room.

Nakita ni Scott  na may butler sa labas na agad naman syang pinagbuksan ng pintuan ng makita sya nito.

"Scott!"-masayang bati sakanya ng kanyang Grandma nang makita sya nito. At mukhang kanina pa sya nito hinihintay.

Lumapit sakanya ang kanyang Grandma at saka hinalikan sya sa pisnge.

"What is it Grandma? Ano yung kailangan nyong sabihin saakin?"- bungad na tanong agad ni Scott. Dahil ayaw nya ng patagalin etong kabang nararamdaman nya.

"Let's sit muna okay?"-aya sakanya ng Grandma nya. Umupo naman sila sa sofa.

Hinawakan ng kanyang Grandma na si Donya Stephina ang kamay ni Scott na ipinagtaka naman nito.

Lalo tuloy syang nakadama ng kaba. 

"Actually, Last month pa eto. May nag sabi saakin na isang tao na...

Hindi ikaw ang totoong anak ng Mom and Dad mo."-nanigas sa pag kakaupo si Scott ng marinig nya yung sinabi ni Donya Stephina.

'Huh?! Anong kalokohan pinagsasabi ni Grandma?'-takang tanong ni Scott sakanyang isipan.

"Syempre hindi ako naniwala dahil nakita kitang lumaki Scott. Ni isang hinala wala akong naramdaman sayo. Pero... Etong taong nag sabi saakin... Basta na lang syang sumulpot sa harapan ko at sinabi na hindi ikaw ang totoong anak ng mga magulang mo."-nakikinig lang ng mabuti si Scott sa sinasabi ng Grandma nya.

"Para mapanatag ang loob ko ay... Pina DNA test ko kayo ng Dad mo. "-hinigpitan ni Donya Stephina ang hawak nito sa kamay ni Scott.

Napalunok ng mariin si Scott. Alam naman nya na totoong anak sya. Pero bakit kinakabahan parin si Scott?

Saka sino yung taong nagsabi sa Grandma nya na hindi sya Dela Vega? Bakit hindi eto humarap mismo sakanya para may ipakita etong proweba na nagsasabi eto ng totoo?

Pero paano kung... Totoo nga ang sinasabi nung kung sino man ang kumausap sa Grandma nya?

"Dumating na ang resulta Scott..."-kinuha ni Donya Stephina ang isang brown envelope sa tabi nito.

"Tignan mo."-inabot ni  Donya Stephina ang envelope. Nanginginig ang mga kamay na tinanggap ni Scott ang envelope.

"Hindi ko pa nabubuksan iyan. Dahil tiwala ako. Na ikaw ang totoong Scott Dela Vega. Ikaw ang kaisa-isang anak ng mga Dela Vega. At kaisa-isa kong Apo."-binigyan ng ngiti ni Donya Stephina ang kanyang Apo na hindi naman maitago ang kaba sa seryosong mukha nito. Huminga ng malalim si Scott at tinignan ang envelope na hawak nya.

Bakit sya matatakot?

Tama ang kanyang Grandma.

Lumaki sya sa mansion na eto at kahit kailan walang duda na isa syang Dela Vega dahil nakuha nya ang mga traits ng kanyang Ina. At ang kanyang kagwapuhan naman ay sakanya Ama.

Kaya hindi sya maniniwalang hindi sya totoong anak.

Huminga ulit ng malalim si Scott bago nya binuksan ng tuluyan ang envelope.

Naglalaman eto ng isang bond paper.

Binasa ni Scott ang naka sulat sa papel...

'Hindi maari...'- napatingin si Scott sa percentage na nakalagay sakanyang DNA.

"Ano ang resulta Scott?"-kalmadong tanong ni Donya Stephina. Dahil alam ni Donya Stephina na nagsisinungaling ang nag sabi dito na hindi daw nito totoong Apo si Scott.

"It's...

0%." - parang mawawalan ng boses na sagot ni Scott. Nalukot nya na din yung papel na hawak nya dahil sa pagkabigla.

Napalaki ang mga mata ni Donya Stephina ng marinig nya ang sagot ni Scott.

"What?!"-gulat na tumingin si Donya Stephina kay Scott saka mabilis na kinuha ang papel na hawak ng kanyang Apo at binasa ang nakasulat duon.

Combined Paternity Index: 0%

Probability of Paternity: 0%

At simulang gumuho ang mundo ni Scott Dela Vega.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status