"Date him!"
"Date him!"
Tuloy pa rin ang sigawan ng mga estudyante sakanilang paligid. Hindi makabuo ng sasabihin si Skyler. Sa totoo lang ay sobrang nahihiya na sya nakikita nya pa na maraming kumukuha ng litrato at videos sakanila ni Scott.
"Please, Skyler?"-bumalik ang atensyon ni Skyler kay Scott na kanina pa naghihintay ng kanyang sagot.
"Sorry pero ayoko."-sa wakas ay nakakuha ng nang lakas si Skyler para makasagot. Nakita naman ni Skyler ang paglungkot sa mga mata ni Scott.
Sa hindi naman malamang dahilan bigla syang nakaramdam ng awa dito.
Teka...
Sya makakaramdam ng awa kay Scott?!
Impossible.
Pero hindi pwedeng mag padala si Skyler sa paawa effect nito ni Scott.
"Sorry."-madaling paghingi ulit ni Skyler ng sorry
"Bakit nyo sya sinuntok ha? Inutos ko ba sainyo na saktan nyo sya? Diba hindi?" "Kinagat nya kasi ako Boss kaya hindi ko sinasadyang masuntok sya." "Paguntugin ko kaya ang mga ulo nyo ano?" "Sorry Boss, Di na po mauulit." Nagising si Skyler sa ingay na naririnig nya. Unti-unting dumilat ang kanyang mga mata. Agad din syang napapikit ng masilaw sya sa liwanag na nanggaling sa kisame. Nasa langit na ba sya? Napadaing si Skyler ng maramdaman nya ang kirot sa sikmura nya. Bigla nyang naalala yung dalawang malalaking lalaki na humabol sakanya kanina tapos bigla syang sinuntok sa tyan nung isa sa mga lalaki.
"Nasaan na ba yung Skyler na yun?"-takang tanong ni Kurt sakanyang sarili. Anong oras na kasi at wala pa ito. Lalong nagtataka si Kurt dahil ni minsan hindi naman nale-late si Skyler. Ngayon lang kung sakaling pumasok ito ngayon.Minsan nga nauuna pa si Skyler pumasok sakanya sa trabaho.Tinext at tinawagan nya na rin si Skyler pero hindi naman ito sumasagot. Medyo nakaramdam na ng kaba si Kurt para kay Skyler baka kung ano na kasi mangyari dun ng di nya alam."Hi."Umangat ang tingin ni Kurt ng may magsalita sa harapan nya."Hindi pa po kami bukas Sir. Pwede po muna kayo mag hintay sa waiting area."-ngiting sabi ni Kurt sa lalaking dumating."Sorry. Pero di ako costumer."-sabi nung lalaki na ikinakunot ng noo ni Kurt. Bigla tuloy may sumulpot na tanong sa isip ni Kurt. Ang alam ni Kurt wala pang buk
*CRASH!* Asar na binato ni Scott ang glass ng wine na hawak nya kaya nabasag ito. Kakaalis lang ni Skyler na nagmamadali at galit na galit sakanya. Bakit daw ginawa nya yun para lang sa walang kwentang date daw. Ilang beses nya na itong pinigilang umalis at kung ano-ano ng dahilang ang pinagsasabi nya para lang hindi ito umalis. Pero hindi nakinig si Skyler sakanya umalis parin ito na may masama pang tinging binibigay sakanya. Akala ni Scott ay umaayon na sakanya ang lahat. Ang plano nya pa naman nya ay dapat habang kumakain sila ng dessert ay tatanungin nya si Skyler tungkol sa buhay nito. Para bang kikilalanin nya ito ng lubusan at iparating kay Skyler na interesado talaga sya dito. Pero epic failed lang ang nangyari. *Bzzttt~ Bzzttt~* Galit na huminga ng malalim si Scott saka kinuha ang cellphone nya. "
| KINABUKASAN. | Maganda ang mood ni Skyler ngayong umaga. Pakeramdam kasi ni Skyler na wala ng siraulo ang gugulo sakanya. Tatahimik na rin ulit sa wakas ang normal nyang buhay. "Good morning, Kuya Skyler!"-lumingon si Skyler sa bumati sakanya. Malapit na kasi sya sa building ng Fine Arts Department at mga freshman pala sakanilang course ang bumati sakanya. "Good morning!"-malawak na ngiting balik na bati nya sa mga ito. Yung ibang mga babaeng freshman naman ay kinilig sa magandang ngiti ni Skyler. Pagkatapos nyang batiin ang mga freshman ay bumalik na sya sa paglalakad papasok sa building. "Ang ganda ng ngiti nating ngayon ha?"-bungad sakanya ni Lester pagkapasok ni Skyler sa room sakanilang subject ngayong araw na to. "Bakit anong masama sa ngiti ko?"-balik na tanong nya kay Lester sabay na umupo sya sa tabi nito. "Hmmm... Alam ko yang ganyan
Hello. Una sa lahat... Salamat sa lahat ng mga nagbabasa at sumusuporta ng story ko. Super saya ko talaga na madaming nakakabasa nitong book na to. And gusto ko lang pong mag sorry kung nababagalan po kayo sa pag update. Meron po kasi akong full time job. Bali hobby ko lang po talaga ang pag susulat kaya minsan hindi na po ako nakakapag update sa sobrang busy sa work. But don't worry po. Mag uupdate din po ako kapag maluwag na ulit yung schedule ko. Ayun lang... Thank you ulit sa pagbasa at pag support nitong Marry Me, Skyler Perez! - NetsNoona.
Huminga ng malalim si Skyler. Ano na ang gagawin nya sa mga Appliances na to? Sigurado naman si Skyler na hindi magkakasya sa loob ng dorm nya yung mga gamit na ito. Eh kung iiwan nya naman lang ito sa labas ng dorm nya sa malamang wala na to kinabukasan. "Scott Dela Vega..."- gigil na sabi ni Skyler sakanyang sarili. Kailangan nyang maalis ang mga Appliances na ito bago pa makita ng may-ari ng building ng tinutulyan nya. At baka pati sya mawalan ng matutuluyan. Bahala na! Ayun na lang ang nasabi ni Skyler sakanyang sarili. Binaba nya muna ang bag nya. "Skyler?"- lumingon agad si Skyler ng may tumawag sa pangalan nya. Handa nya ng itulak yung mamahaling ref. "Wow. Madami kang binili na bagong gamit?"- manghang dutong pang tanong ng tumawag kay Skyler na walang iba
"Good Morning everyone!"Lahat ng maid at butlers na nakarinig ng masayang bati ni Scott ay napalingon dito. Malaking mga ngiting bumaba si Scott sa napakalaki at napakahabang hagdan ng kanilang mansion."Good morning, Young master."- yukong bati ni Butler Brian."Good morning, Butler Brian."- di parin nawawalang ngiting bati ni Scott. Kumunot tuloy ang noo ni Butler Brian na ngayon nya lang nakita na sobrang ganda ng ngiti ni Scott. At himalang bumati din sakanya eto. Hindi naman kasi ganito ang kanilang Young master lalo na kapag umaga.Kung hindi kasi seryoso ito ay laging naka busangot ang mukha. Pero ngayon ay ibang-iba ito.At sa malamang ang ganda ng gising nito o kaya may nangyaring maganda sakanilang Young master."Ano ang almusal?"- tanong ni Scott sakanyang Butler Brian."Egg, ba--""What the hell?!"- biglang bulaslas ni Scott. Nagulat si Butler Brian kung bakit biglang sumigaw si Scott.Malayo ang tingin ni Scott kaya lumingon si Butler Brian para tignan din kung ano ba ang
Hindi alam ni Skyler kung bakit dinala sya ng kanyang mga paa sa harapan ng mansion ng mga Dela Vega.Basta nung narinig nya yung pangalan na binanggit nung Tatay ni Joseph ang dahilan kung bakit nawalan eto ng bahay ay dali-dali syang umalis at gusto nyang harapin si Scott.Nagpaalam naman sya kay Joseph nung hinabol sya nito. Bigla kasi na lang syang tumakbo paalis. Sinabi nya kay Joseph na sya ang kakausap kay Scott Dela Vega.Eto ba yung sinasabi nito sakanya kanina? Kung paano magalit si Scott? At talaga idadamay nya yung mga nanahimik na tao.*Ding Dong Ding Dong*Paulit-ulit na pinindot ni Skyler ang doorbell ng napakalaking gate na nasa harapan nya.Nagulat si Skyler nung biglang bumukas automatic yung gate.Huminga ng malalim si Skyler saka pumasok na sa loob. Hindi na nagulat si Skyler sa nakita nyang mansion sa harapan nya.Nakita nya na eto sa picture. Di ba nga sumali sya sa private group ng mga fans ni Scott. Eh di nakita nya yung mga litrato ni Scott at kasama etong man