Share

2. Skyler Perez.

"Yo, Sky."-bungad na bati ni Kurt kay Skyler nung dumating eto sa samgyupsal store na pinag part-time job nito ngayon.

"Hi, Bihis lang ako."-balik na bati at saglit na paalam ni Skyler kay Kurt saka dali-daling pumunta sa staff room para mag bihis ng uniform nito. Kakasimula lang ni Skyler last month sa samgyupsal shop na malapit sakanilang University. Dahil kailangan ni Skyler ng dagdag income para sa renta ng dorm at sa baon nya sa pang araw-araw.

Nag kataon kasing nawalan ng parehong trabaho ang kanyang Tatay at Nanay dahil nag tanggalan sa factory na parehas nitong pinag tatrabahuan. Sa kasamaang palad ay nasama ang mga magulang ni Skyler sa na tanggal.

Kaya nag presenta na mag trabaho si Skyler para sa mga gastusin nya. Nung sinabi ito ni Skyler sa kanyang mga magulang ay ayaw ng mga etong pumayag dahil mas mahalaga daw ang pag-aaral ni Skyler kaya ayun daw ang atupagin nito.

Pero ayaw ni Skyler na maging pabigat sya sa mga magulang nya at gusto nya rin naman mag karoon ng experience sa pagtatrabaho kahit part-time lang muna.

Sa huli, pumayag na ang mga magulang ni Skyler dahil kailangan na rin mag bayad ni Skyler sa renta ng dorm na tinutuluyan nito ngayon. Masyado kasing malayo ang bahay nila Skyler sa university kung saan ito nag-aaral.

Buti na lang nandyan ang Schoolmate/ Bestfriend ni Skyler na si Kurt Carpio na nirekomenda nito si Skyler sa boss ng Samgyupsal shop na si Boss Kim na Half Korean at Half Filipino. Na hired si Skyler at nag simula na mag trabaho. Saka nakapag advanced ng sahod din agad si Skyler kay Boss Kim.

Sobrang bait nga ng boss nila at pinayagan nito mag advance si Skyler kahit kakasimula lang nito sa trabaho at dahil dun ay nakabayad na si Skyler ng rent nito sa dorm.

"Kamusta naman ang school works mo?"-bungad na tanong ni Kurt pag kalabas ni Skyler ng staff room. Phsychology ang kinukuhang course ni Kurt samantalang Fine Arts major in Fashion Designing naman ang kinukuha ni Skyler. Parehas silang nasa 3rd year na.

Hilig talagang mag drawing ni Skyler simula bata palang ito at pangarap ni Skyler maging Fashion Designer kaya nga ayun ang kinuha nyang course. Kahit medyo may kamahalan yung mga materials na kailangan nya sa klase.

Nagbibigay naman ng scholarship ang University na pinapasukan ni Skyler at nakapasok sya sa Dean's List. Wala nang problema sa tuition fee si Skyler at ang iisipin na lang ni Skyler ay rent nya sa dorm, baon na lang sa pang araw-araw, at mga materials nya na gagamitin sa mga projects sa school.

Supportado naman si Skyler ng kanyang mga magulang sa naging desisyon nito at sinabi ng kanyang mga magulang na gawin lang ni Skyler kung ano ang ikakasaya nya. Kaya mahal na mahal ni Skyler ang kanyang mga magulang.

At gagawin lahat ni Skyler ang makakaya nya para makatapos agad-agad at makahanap ng magandang trabaho.

"Okay lang naman. Medyo mahirap ngayon kasi malapit nanaman mag finals. Pero kaya pa naman."-ngiting sagot ni Skyler kay Kurt at kinuha ni Skyler yung kalan na malinis para ilagay sa isang mesa na wala pang kalan.

Madali lang ang trabaho sa samgyupsal shop. Mag luluto lang ng samgyupsal sa mga costumers tapos mag huhugas ng mga kalan at mga pinggan.

Mataas din ang sahod kahit part-time. Kaya laking pasasalamat talaga ni Skyler dito kay Kurt. Kung di baka umuwi sya sa hometown nya sa Bulacan at mas malaking pamasahe ang gagastusin ni Skyler Kung araw-araw itong papasok sa university tapos uuwi sa napaka malayong bahay.

At nag simula na ang pagtatrabaho ni Kurt at Skyler sa gabing eto.

Mga ilang oras din ang lumipas...

"Ahhh~ Sa wakas tapos na rin!"-nag inat-inat na daing ni Skyler pag katapos nitong iligpit ang huling pinggan sa lababo.

"Good work! Bukas ulit."-paalam ni Kurt kay Skyler pagkatapos nito ilock ang shop. Ngumiting tumango si Skyler at nag paalam kay Kurt.

Sobrang gabi na kasi at kailangan na nilang mag madaling umuwi dahil ilang oras na lang ang itutulog nila at papasok nanaman sila sa university.

Ganito talaga siguro ang buhay working student na katulad ni Skyler. Nakakapagod pero kakayanin ni Skyler ang lahat. Dahil nararamdaman nya na may magandang mangyayari sa kanya sa future...

"Kaunting tiis na lang Skyler."- determinadong sabi ni Skyler sakanyang  sarili at huminga ng malalim.

Nag lakad lang pauwi si Skyler. Malapit lang naman din yung dorm nya kaya naglalakad lang sya pauwi.

Tatawid na sana si Skyler ng makita nito yung Advertisement sa malaking screen ng  isang building.

Yung lalaking nasa ads ngayon ay yung pinagkakaguluhan at pinag uusapan ng mga babae sa University nila.

Walang araw na naririnig ni Skyler ang pangalan nung nasa Ads.

"Scott...Dela Vega..."- mahinang basa ni Skyler dun sa pangalan na lumabas sa screen habang nag poposing yung Scott sa pabangong ini-endorse nito.

Inaamin naman ni Skyler na... May itsura talaga yung Scott na yan balita pa nga ni Skyler ay sobrang yaman pa nito.

Pero syempre para kay Skyler mas pogi parin sya kaysa kay Scott.

Biglang napatigil si Skyler at nag isip.

Ano kaya feeling ng mayaman?

Masaya kaya? 

Ayun ang tanong ni Skyler sakanyang isipan.

Pero alam naman na ni Skyler ang sagot. Sigurado si Skyler na masayang maging mayaman dahil nakukuha mo lahat-lahat ng gusto mo.  Tapos hindi pa makakaranas ng kahit anong hirap... Hindi katulad nya..

Napailing-iling tuloy si Skyler dahil sa kung ano-ano ang pinag iisip nya.

Agad din naman naisip ni Skyler na masaya rin naman maging mahirap... Saka kahit na kapos sila sa pera mabait at mapag mahal ang mga magulang nya

Saka sure naman si Skyler na dadating din ang panahon na yayaman sya at matutulungan ni Skyler ang magulang nito.

'Tama! Fighting lang Skyler.' - puno ng determinadong sabi ni Skyler sakanyang sarili. At saka hinawakan ng mahigpit ang magkabilaang strap ng kanyang backpack.

Umuwi si Skyler sa dorm na may ngiti sa mga labi at may determinadong matutupad ang mga pangarap nya.

-♡♡♡♡♡-

"Scott, Where are you going?!"-Hindi pinansin ni Scott ang tawag sakanya ni Donya Stephina. Basta na lang tumayo si Scott sa sofa at mabilis na lumabas ng office ni Donya Stephina.

Wala sa sariling naglakad si Scott sa napakahabang hallway ng kanilang mansion.

Sana ay isang masamang panaginip na lang ito kay Scott.

Dahil hindi nya matanggap. Na sya? Na si Scott Dela Vega ang kaisa-isang tigapag mana ay hindi totoong Dela Vega?

Na realize ni Scott na nasa sariling kwarto nya na pala sya. At dahil sa galit at bigat ng pakeramdam ni Scott ngayon ay pinag babasag nya lahat ng makita nyang pwedeng basagin.

"F*ck. I hate this life!"-galit na sigaw ni Scott at saka hinawakan yung family picture na nakita nito sa bed side table.

Silang tatlo ni Donya Stephina at ang kanyang Ama na si Shawn Dela Vega ang nasa picture. Naalala ni Scott na 7 years old pa lang sya dito sa family picture na ito.

Nilagay pa nga ni Scott sa frame ang litrato ng kanyang nayumaong Ina na sobrang ganda pa ng mga ngiti nito sa litrato.

Eto lang ang picture ng kanyang Ina na mayroon si Scott kaya mahalaga sakanya ito.

"Kung... Kung nandito ka lang..." -hinawakan ni Scott ang picture ng kanyang Ina. Akala ni Scott ay buong buhay nya ay nasa ibabaw lang sya ng ulap at pinagmamasdan ang mga taong tumitingala sakanya.

Pero ayun pala di nya akalain na dadating sa ganito.

Na pwede pala syang bumagsak galing sa ulap na iyon papuntang lupa.

"Scott!"-bumukas ang pintuan ng kwarto ni Scott at si Donya Stephina ang dumating at nag mamadaling lumapit sakanya.

"Alam ba eto ni Dad?"-agad na tanong ni Scott kay Donya Stephina.  Lumingon si Scott kay Donya Stephina habang hawak nya parin ang family picture nila.

Deretsyong tinignan din ni Donya Stephina si Scott sa mga mata at nakita ni Scott na parang naawa ang kanyang Grandma sakanya. At ayaw ni Scott ng ganung tingin.

Ayaw nyang may naawa sakanya

Ayaw nyang maranasan ulit yung nakaraan...

"So, He knows..."-si Scott na ang sumagot sa sarili nyang tanong. Wala man lang sinabi ang kanyang Ama tungkol sa information na eto?

Ni hindi man lang mag pakita sakanya ang kanyang Ama at ito ang mag balita na hindi sya ang totoong anak nito. Ano to? Parang biro lang? Na hindi big issue to para kay Scott? Paano kung malaman ng media at ng mga ibang tao ito?

Wala bang pake ang kanyang Ama kung anak nya ba talaga si Scott o hindi? Hindi ba ito concern sa mararamdaman ni Scott?

Lalong namuo ang galit sa puso ni Scott sakanyang Ama. 

"Scott, Sorry hindi ko kayang itago sa Dad mo ang tungkol dito. Binigyan ko sya ng kopya ng DNA nyo. At sa malamang alam nya na ang resulta."-hinawakan ni Donya Stephina ang braso ni Scott. At dun na nanghina ang mga tuhod ni Scott kaya napaluhod sya sa lapag.

"I...I can't believe this... Sana panaginip lang to."- nag simulang tumulo ang mga luha ni Scott. 20 years... Sa 20 years na pag tira nya dito sa mansion itinuring syang parang isang Prinsipe.

Na parang sya lang ang pinaka mahalagang tao sa mansion na eto. Pero ayun pala...

ay hindi sya totoong Prinsipe ng mga Dela Vega. Na peke sya.

"Ako din Apo. Sana panaginip lang eto. I'm sorry..."-naiiyak na rin na sabi ni Donya Stephina at niyakap nito si Scott na nakaluhod parin.

"What now, Grandma? Papalayasin nyo na ba ko dito? Da...Dahil hindi ako yung totoong nyong Apo?" - Puno ng takot sa mga mata na tanong ni Scott sakanyang  Grandma.

Ayaw umalis ni Scott sa mansion. Ayaw nyang makaranas ng hirap at hindi nakukuha lahat ng gusto nya.

Sobrang natatakot ngayon si Scott.

At ang malaking tanong ngayon sakanyang isipan.

Sino sya?

Sino ang totoong mga magulang nya at saan sya nanggaling? Bakit sya nandito ngayon sa napakalaking mansion na eto?

"No... Never namin gagawin sa iyo na palayasin ka. You are Scott Dela Vega my one and only grandson!"-niyakap ng mahigpit ni Donya Stephina si Scott. 

Tama ang kanyang Grandma.

Sya si Scott Dela Vega.

The only son and heir of Dela Vega Family.

At kahit dumating pa ang totoong anak ng kanyang kinalakihang pamilya...

Hinding-hindi papayag si Scott na agawin na lang basta ng kung sino ang trono nya.

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status