Share

5. Proposal

Kinabukasan. Kurt's House. 6:00 AM

Buong gabi hindi makatulog si Skyler kaka isip dun sa lalaking nakatambay sa harap ng samgyupsal shop kung saan ito nag pa-part-time.

Tuwing pipikit kasi si Skyler nakikita nya yung mga ngisi nung lalaki sakanya. At sobrang na creepy-han talaga itong si Skyler saka nararamdaman nya pang tumatayo ang kanyang balahibo. Pagulong-gulong nga lang sya sa tabi ni Kurt.

At di namalayan ni Skyler na sumikat na ang araw.

"Hoy. Bakit ang likot mo kagabi? Ayos ka lang ba?"-bumangon si Kurt at humarap kay Skyler. Samantalang nakahiga parin si Skyler sa malaking kama ni Kurt.

"Ah... Ewan ko. Baka insomnia lang to."-inaantok na sagot ni Skyler kay Kurt kinusot pa ni Skyler ang dalawang mata nya sabay na humikab at bumangon na rin. Ayaw nyang sabihin kay Kurt yung napansin nyang lalaki kagabi. Ayaw din kasi nyang mag panic itong si Kurt at baka pilitin syang mag resign silang dalawa sa part-time job nila.

Kailangan pa ni Skyler ng pera pang gastos sa pag-aaral nya. At mahirap makahanap ng trabaho ngayon.

"Hmm... Sabihin mo may girlfriend ka na noh?! "-nawala ang antok ni Skyler nung narinig nya ang nakakagulat na tanong ni Kurt.

Hindi sigurado si Skyler kung ano ba ang pinagsasabi ng bestfriend nya.

"Baliw ka ba? Wala kaya!"-agad na tangging sagot ni Skyler kay Kurt na di parin mawala yung ngisi sa mga labi nito at may mapang-asar na tingin kay Skyler.

"Sus. Ako pa niloko nito. Bestfriend mo ko Sky bakit ayaw mo saakin sabihin yung totoo?"-binigyan ng tingin ni Skyler si Kurt na nababaliw-ka-na-talaga-look. Kay aga-aga kasi ay kinukulit na sya nito.

"Ewan ko sayo. Kapag napuyat may syota na agad?! Di ba pwedeng di lang talaga makatulog?!"-sigaw na balik na tanong din ni Skyler kay Kurt. Inaasar talaga sya ni Kurt. Umirap naman si Kurt kay Skyler tapos biglang ngumiti ng nakakatakot.

"Basta kapag meron na. Dapat ako unang makakaalam huh?"-lumapit si Kurt kay Skyler tapos sinundot yung tagiliran nito kaya napalayo si Skyler dito.

Di talaga sya titigilan ni Kurt.

Kahit kailan wala sa isip ni Skyler ang magkaroon ng Girlfriend. Mas iniintindi nya kasi ang kanyang pag-aaral para maging proud ang mga magulang nya sakanya. At hanggang ngayon ayun parin ang Goal ni Skyler at kapag nakatapos na sya ay tutulungan nya na ang kanyang mga magulang.

"Argh! Kurt Carpio manahimi---"-babatuhin na sana ni Skyler ng unan si Kurt ng bumukas yung pintuan ng kwarto ni Kurt.

"Oh, Gising na pala kayo. Tara na sa baba at luto na ang almusal."-nakangiting sabi ng Mama ni Kurt na si Mrs. Katrina Carpio.

"Sige po Tita. Baba na po kami."-balik na ngiti sagot ni Skyler at agad na masamang tinignan nya si Kurt na tumawa lang sakanya dahil hindi tinuloy ni Skyler ang pag bato ng unan kay Kurt.

May araw din yang si Kurt kay Skyler.

Sabay silang bumaba ni Kurt at pumunta sa dining table. May kaya sila Kurt pero dahil sa gusto nitong maging independent ay nag part-time eto.

Nagkakilala sila ni Skyler noong 1st year college. Nag katabi lang sila sa first orientation ng University noon. Tapos ayun nag usap lang sila. At di nila aakalain lalo na ni Skyler na magiging close at magiging mag bestfriend sila ni Kurt.

Kapag holiday at wala perang si Skyler pang-uwi sa Bulacan ay dito sya nag o-overnight sa bahay nila Kurt. Kaya naman kilala na sya ng Mama at Papa ni Kurt. May bunsong kapatid si Kurt na si Kate Carpio at nasa Elementary pa lang eto.

"Kain na."-aya sakanila ni Mrs. Katrina.

"Salamat sa pagkain!"-sabay na sabi ni Skyler at Kurt at nagsimula na silang kumain.

"Nga pala Sky. May klase ka ba ngayon?"-lumingon si Skyler kay Kurt habang kinakagat yung tinapay na kinakain nya.

Inisip naman ni Skyler kung may klase ba sya ngayon.

"Wala. Tuesday ngayon bukas pa ko may klase. Bakit?"-tanong ni Skyler. Balak pala ngayon ni Skyler mag research ngayon para sa project nya sa finals. 

"Eto kasing si Hana nag makaawa saakin nung isang araw na ako muna pumalit sa shift nya ngayon sa shop. Kaso may 8 am class ako. Ikaw baka gusto mo? Para di ka na mag night shift mamaya."-kwento ni Kurt habang busy eto sa paglagay ng strawberry jam sa tinapay na hawak nito.

Napaisip naman ulit si Skyler... mukhang maganda nga iyon. Kung ngayon sya mag tatrabaho mas mahaba ang oras nya mamaya para gumawa ng project.

"Okay. Uuwi muna ko sa dorm para magpalit."-payag ni Skyler at nag simula na ulit silang kumain.

Pagkatapos nilang kumain umakyat ulit si Skyler sa kwarto ni Kurt para mag palit ng damit. Nang hiram lang ng pajama si Skyler kay Kurt kagabi. Biglaan lang talaga kasi ang overnight ni Skyler sa bahay nila Kurt kaya wala syang dala na extrang damit.

"Tsk. Kasalanan to nung creepy guy."-asar na sabi ni Skyler sakanyang sarili. Naalala nanaman nya yung creepy na lalaki kagabi. Mabilis na sinuot ni Skyler yung jacket na kahapon nya pa suot.

"Bye po! Thank you po Tita sa almusal at dito po."-ngumiti si Skyler kay Mrs. Katrina. Binigyan kasi sya ni Mrs. Katrina ng lutong ulam at ilang gulay na luto nito. Sobrang bait ng pamilya ni Kurt kay Skyler kaya blessing para kay Skyler na maging kaibigan nya si Kurt. Parang nagkaroon sya ng instant kapatid.

"Wala iyon Skyler. Alam mo naman na parang anak na rin ang turing ko sayo."-naka ngiting sabi ni Mrs. Katrina kay Skyler. Lumawak ang ngiti ni Skyler at nag pasalamat ulit dito.

Nagpaalam na si Skyler at di nya na inabala pa si Kurt na naliligo na. May klase pa daw eto.

Umalis na si Skyler sa bahay nila Kurt tapos nag bus ito pauwing dorm.

Nakauwi naman agad si Skyler. Maliit lang ang dorm nya kung saan sya ngayon tumutuloy. Sa isang dorm kasya ang isang tao lang. May single bed tapos sa right side may study table. May maliit na cabinet din dun nakalagay yung mga damit ni Skyler. Tapos yung c.r at kitchen ay nasa labas ng dorm.

Hindi kasi kakasya yung c.r at kitchen sa loob mismo nung kwarto. Kaya kapag may morning class si Skyler ay maaga itong nagigising para maligo. Kasi paunahan sila nung mga students na naka dorm din dito.

Kung di maagang maliligo si Skyler ay malamang pipila sya. Baka bukas pa sya makaligo sa sobrang dami nila dito. Eto lang din kasi yung pinaka murang dorm na nahanap nya.

Pumasok na si Skyler sa dorm nya at nag palit ng damit. Naligo naman na sya kagabi kila Kurt kaya di nya na kailangan maligo ulit. Mabango pa naman sya. Bumaba na si Skyler pagka bihis nya saka nilagay yung mga pagkain na binigay sakanya ni Mrs. Katrina sa ref sa may kitchen.

May iilang students dito na kumakain ng almusal o kaya nanunuod lang sa T.V. Nilagyan ni Skyler ng pangalan yung mga tupperware para walang kumuha.

 Sa awa naman ng diyos, Hindi pa naman sya nanakawan ng pagkain dito.

Saka dali-dali ulit umalis si Skyler para pumunta sa shop.

"Good Morning!"-masayang bati ni Skyler kay Boss Kim na nasa counter at nagbibilang eto ng pera. Sa umaga pala nandito ang boss nila at kapag night shift naman ay yung assistant lang nito kasama nila ni Kurt ang nagbabantay. Maaga lang umuuwi yung assistant ni Boss Kim kaya sila ni Kurt yung nag sasara ng shop.

"Oh, Skyler! Ang aga mo ah?"-nakangiting tanong ni Boss Kim kay Skyler. Mukhang di pa nito alam na si Skyler muna papalit sa shift ni Hana.

"Ako po muna papalit sa shift ni Hana boss."-sagot ni Skyler. Tumango-tango naman si Boss Kim.

"Ay ganun ba? Sige mag bihis ka muna."-sabi nito kay Skyler. Ngumiting tumango si Skyler at pumunta na sa staff room para mag bihis ng uniform nya.

10 am ang bukas ng shop at hanggang 3 pm ang shift ngayon ni Skyler.

Tinignan ni Skyler sa wrist watch na suot nya kung anong oras na. 9:15 am palang. Kaya kumuha sya ng mop at nag simulang mag linis.

"Good morning!"-napatingin si Skyler sa pintuan ng dumating na yung ka-shift nya ngayon na si Susan. College Student din eto at nag-aaral din sa T.U.

"Skyler! Good Morning~"-bati ni Susan kay Skyler ng makita sya nito. Balik na ngumiti naman si Skyler.

Nag lilinis lang sila at nag-ayos ng kaunti tapos binuksan na nila ang shop.

Busy si Skyler sa pag punas ng table nung kaalis lang na costumer ng tapikin sya ni Susan sa balikat. Kaya lumingon si Skyler dito.

"Bakit?"-takang tanong ni Skyler. Sumenyas si Susan kay Skyler na lumapit pa lalo sya dito at hula ni Skyler ay parang may gusto ibulong sakanya si Susan.

Kaya lumapit saka tinapat ni Skyler yung tenga nya.

"Napapansin mo ba yung lalaking yun?"-bulong ni Susan kay Skyler tapos ngumuso pa ito sa may labas ng shop. Kaya sinundan naman ni Skyler yung tingin ni Susan..

Nanlaki ang mga mata ni Skyler ng makita nya yung lalaking sinasabi ni Susan...

Hindi makapaniwala si Skyler.

Dahil yung lalaking nakatayo sa kabilang kalsada ay yung lalaki din kagabi!

Bakit sya nandito ulit?! - Tarantang tanong ni Skyler sakanyang isipan. Saka ganun parin yung pwesto nung Creepy guy kagabi. Nakasandal parin eto sa pulang kotse nito. May shades parin etong suot-suot. Tapos nakatingin lang ito mismo sa shop.

Ang naiba lang ang suot ngayon nung Creepy guy. Naka black ripped jeans eto at leather jacket sa loob ay naka white shirt. Tapos naka pasok lang yung dalawang kamay nito sa bulsa ng jeans na suot nito. At dahil sa matangkad eto mukha lang itong nag mo-model ng kotse.

Pakiramdam ni Skyler ay nanigas sya sa kinatatayuan nya. At lumakas ulit ang tibok ng puso ni Skyler sa kaba.

"Kanina ko pa napapansin nandyan lang yan nakatayo. Sino kaya hinihintay nyan?"-nagising naman si Skyler sa pagkakagulat ng marinig nya mag salita si Susan sakanyang tabi.

"E-Eh hindi ko alam. Baka trip nya lang tumayo dyan?"-alangan na tanong din ni Skyler. At tumingin ulit ito sa labas.

Baka nga.

Alam nyo naman sa panahon ngayon. Kung ano-anong trip ang naiisip ng mga tao. Baka nga gusto lang nung Creepy guy na tumayo araw-araw sa kabilang kalsada. Nagkataon lang na nakita sya ni Skyler kagabi.

Umiling si Skyler at tinuloy na lang ang pag punas ng lamesa.

Dahil sa lalaking yan di sya nakatulog kagabi.

Siguro ay wag nya na lang pansinin. Ang dami pang problema ni Skyler sa buhay at ayaw nya nang dagdagan pa.

"Hindi eh. May something talaga kong nararamdaman sa lalaking yan eh. Hindi ako maniniwalang trip lang nyang tumayo dyan. Feeling ko may hinihintay to."-hula pa ni Susan. Tumigil si Skyler sa pag punas at kumunot ang noo tumingin dito.

Minsan talaga ay chismosa din ang babaeng to.

"Ano naman sayo? Bakit ikaw ba hinihintay nyan?"-lumabas tuloy yung pagka taray ni Skyler na minsan nya lang magawa. Dahil nakukulitan na talaga sya kay Susan. Mahuli pa sila ng kanilang Boss na nagdadal-dalan lang. Mabawasan pa sahod ni Skyler ng dahil sa chismosa nyang ka trabaho.

"Malay natin~"-makahulugan na sagot ni Susan kay Skyler. Naisip naman ni Skyler na sa malamang ay type ni Susan yung creepy guy na yan kaya curious na curious eto.

"Ewan. Bat di mo itanong."-sukong sabi ni Skyler at  tinuloy ulit ang pag punas ng mesa.

"Syempre naman. At sasamahan mo ko."-sagot ni Susan at nagulat si Skyler ng hilahin sya nito palabas ng shop.

"Hoy! Susan nababaliw ka na ba?!"-gulat na sigaw na tanong ni Skyler habang hila-hila pa rin sya ni Susan.

"Matagal na kong baliw Sky."-sagot ulit ni Susan tapos kinindatan pa sya nito.

At na confirmed nga ni Skyler na baliw nga ang babaeng to.

"Bumalik na tayo baka malaman pa to ni Boss Kim ayokong mawalan ng trabaho!"-pilit na inaalis ni Skyler ang kanyang wrist na hawak ni Susan. Pero hindi nyang magawang alisin dahil sa higpit ng hawak sakanya ni Susan.

"Ako bahala sayo."-may paniniguradong sagot naman ni Susan kay Skyler.

Tumawid sila sa kabilang kalsada kung nasaan yung nakatayo yung creepy guy.

At tumigil si Skyler at Susan sa harapan nung creepy guy. Napatingala si Skyler sa creepy guy dahil hanggang baba lang sya nung lalaki.

Napamura si Skyler sakanya isipan. At ang nasa isip nya ay bakit kasi hindi sya natutulog ng hapon nung bata pa sya eh di sana kasing tangkad nya yung creepy guy.

"Hi! May itatanong lang sana kami sayo. Kanina ka pa namin napapansin na nakatayo lang dito sa gilid ng kalsada. May hinihintay po ba kayo, Mister?"-tuloy-tuloy na tanong ni Susan sa Creepy guy. Tahimik lang si Skyler na nakatayo sa tabi ni Susan.

"Yeah. I'm looking for someone."-sagot nung Creepy guy. Hindi naman maiwasan ni Skyler na mapalunok ng mariin ng marinig nya kung gaano kalalim ang boses nung Creepy guy.

"Baka makatulong kami. Sino ba iyon?"- papungay-pungay pa yung mata ni Susan na halatang nag papacute ito sa lalaki. Sabi na nga ba ni Skyler na type lang ni Susan etong Creepy guy kaya nag lakas loob na lumapit. Sinama pa sya sa kalandian nito.

Huminga na lang ng malalim si Skyler...

"I'm looking for...

Skyler Perez."

Kumot ang noo ni Skyler.

Tama ba yung rinig nya?

Pangalan nya ang binanggit nung creepy guy!

"A-Ako?!"-nanlalaking matang tanong ni Skyler at tinuro nya pa ang kanyang sarili.

Bigla naman kinabahan si Skyler.

Bakit sya hinahanap ng lalaking ito? May atraso ba si sya dito? Wala namang naalala si Skyler na may naging kaaway syang kasing tangkad nito...

Nag simulang mag panic ang kaloob-looban sa sistema ni Skyler.

Nag smirk ang Creepy guy kay Skyler at tinanggal yung shades na suot-suot nito.

Biglang narinig ni Skyler ang pag singhap ni Susan sa tabi nya.

"Yes,Skyler Perez." - Di parin mawala ang ngisi nito sa mga labi. Habang si Skyler ay takang-taka kung sino ba tong lalaking to.

Sandali...

Parang pamilyar eto sakanya...

Hindi lang matandaan ni Skyler kung saan nya ba ito nakita.

"Eh... Sino ka ba?"-takang tanong ni Skyler. Bigla namang nyang naisip na hindi kaya nakaaway ito ni Kurt at ngayon ay sya ang tinatarget ng lalaking ito para mag higante sa bestfriend nya?

Pero hindi makapaniwala si Skyler sa susunod na sasabihin ng lalaki sakanya...

"Skyler Perez..

Marry Me." 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status