Dela Vega's Mansion 6:00 AM.
Bumaba si Detective Theo sa taxi na sinakyan nito papuntang mansion ng mga Dela Vega. Huminga ng malalim si Detective Theo at ngumiti sa napakalaking mansion na nasa harapan nya ngayon.
"This is it."-sabi ni Detective Theo sa sarili nya at naglakad papuntang gate. May guard na nakatambay dun at mukhang napansin si Detective Theo na papalapit dito.
"Morning Sir. Anong kailangan nyo?"-bati nung guard kay Detective Theo ng lumapit sya dito.
"Morning. Ako po yung bagong butler ng mga Dela Vega. First day ko po ngayon."-sagot ni Detective Theo saka ngumiti ng kaunti. Tumango-tango naman ang guard at may parang remote na hawak eto saka pinindot. Automatic naman na bumukas ang malaking gate.
Napanga-nga si Detective Theo dahil first time nya lang makakita ng ganun.
"Sige, Pasok ka lang."-sabi nung guard kay Detective Theo. Ngumiti naman si Dete
Hindi alam ni Skyler kung anong magiging reaksyon o ano bang sasabihin nya.Dahil hindi nya akalain na may mang aalok sakanya ng kasal. At ang nakakagulat pa dito ay hindi babae kundi...Isang lalaki."A-Ano?!"- at sa wakas ay nagka kuha na ng sasabihin si Skyler. Litong-lito sya kung ano ba ang nangyayari at biglaang may nag propose sakanyang harapan."I said... Marry Me, Skyler Perez."-ulit na sabi nung lalaki sakanya seryosong nakatingin lang eto sa mga mata ni Skyler.Naparang sinasabi nito kay Skyler na maniwala sya dito.Madaming tanong ngayon ang nasa isipan ni Skyler.Paano nito alam ang pangalan nya?Prank ba ito? Di ba uso yung mga prank ngayon sa internet? Yung may mag paprank sila sa isang strangers. Baka si Skyler na yung sunod na biktima nito?"Yes! Yes! I will marry
Hindi makagalaw si Skyler sakanyang kinatatayuan at nanlalaking mga matang nakatingin sya sa naka ngising Scott. Bakit nasundan sya ni Scott Dela Vega? Hindi kaya... Nakita nito yung plate number ng bus na sinakyan nya at sinundan iyon? Parang gustong tumakbo ulit ni Skyler paalis. Nagsisimula na rin syang kabahan dahil sa lalaking to. Inaamin nyang duwag sya saka ayaw nya ng ganitong feeling na parang nasa isang silang thriller movie. Si Skyler yung hinahabol samantalang si Scott naman yung parang multo o ang mas malala serial killer. At hindi kayang lumaban ni Skyler dito sa tangkad ba naman ni Scott. "Pa..paano mo ko nasundan?!"-hindi pinapahalata ni Skyler na takot sya dito. "I have my ways, Darling."-ngising sagot sakanya ni Scott at kinindatan pa sya nito. Lalo tuloy kinabahan si Skyler.
| KINABUKASAN | Pagkatapos maligo ni Skyler ay napatingin na lang sya sa harapan ng salamin. Kitang-kita nya kung gaano kalaki ang kanyang eyebags. At isa lang ang may kasalanan ng lahat ng ito... Walang iba kundi si Scott Dela Vega. Ni hindi na nga sya nakapag isip ng matino para sa project nya kagabi. Dahil hindi mawala-wala sa isipan nya ang ngisi ni Scott. Tuwing ipipikit nya ang kanyang mga mata ay parang halimaw ito na humahabol sakanya. Kung wala lang sya maiistorbong ibang tao kagabi ay sa malamang naiuntog na ni Skyler ang kanyang ulo sa pader para makatulog lang. Siguro ay kinukulam na sya ng lalaking yun? *Tok. Tok. * "Matagal ka pa ba dyan?"-agad na napabalikwas si Skyler ng marinig nya yung katok mula sa pintuan ng c.r. Oo nga pala. Bigla nyang naalala na marami papalang nakapilang ibang estudyante rin
| 3 Hours Ago bago pumasok si Scott sa T University |Bumaba si Scott sa engrandeng hagdan ng kanilang mansion. Pagkababa nya ay agad nyang nakita si Detective Theo na hindi mapakali sa kinatatayuan nito. Tumingin muna sa paligid si Scott kung may ibang tao ba bukod sakanila bago sya lumapit ng tuluyan kay Detective Theo."Anong balita?"-seryosong tinignan ni Scott si Detective Theo. May kinuhang brown envelope si Detective Theo mula sa likuran nito at ibinigay kay Scott. Tinanggap naman agad nya iyon at kinuha ang laman ng envelope."Nandyan lahat ng schedules ni Skyler Perez mula umaga hanggang gabi."-bulong ni Detective Theo kay Scott habang binabasa ang nakasulat sa papel. Lumaki ang ngisi sa mga labi ni Scott.Kahapon ay sobra syang nag enjoy sa hide and seek na laro nila ni Skyler. Pinagbigyan nya ito.Kahit na nabadtrip sya dahil nireject ni Skyler ang proposal nya dito.P
Pero dun nagkakamali si Skyler. "Welcome Ma'am and Sir!"-ngiting bati ni Skyler sa mga bagong dating na costumers pero nawala din ang ngiti nya sa mga labi at nanigas sa kinatatayuan ng makita nya kung sino yung isa sa mga pumasok sa Samgyupsal shop na pinag pa-part time job nya. Walang iba kundi si Scott at may mga kasama pa ito na hula nya ay mga kaklase nito. "Teka... Tama ba yung nakikita ko o malabo na ang mga mata ko? Si Scott Dela Vega yung kakapasok lang na costumer diba?"-rinig ni Skyler sa katabi nya sa counter na si Kurt. Hindi makapaniwala na isang sikat na model at sobrang mayaman na tao ang magiging costumer nila ngayong gabi. Naalala bigla ni Skyler na hindi pa alam ni Kurt ang nangyari sakanya kaninang umaga dahil wala itong klase. Sa malamang kapag nalaman na ni Kurt ang pagkalat ni Scott na fiance daw sya nito ay baka asarin din sya ng bestfriend nya. Mas malakas pa naman mang-asar si Kurt kaysa kay Lester.
Pabalibag na sinara ni Scott ang pintuan ng condo na pagmamay-ari nya at kung saan eto ang hangout place nila ni PJ. Ang dahilan kung bakit sya bumili ng condo ay para kapag gusto nya mapag-isa ay pupunta lang sya dito o kaya kapag napag tripan nila mag party sila ng kanyang Bestfriend ay dito ginaganap."Ano ba yun Scott? Ginulat mo ko!"-gulat na gulat na sabi ni PJ na nakaupo sa sofa at may babae pa itong kasama. Walang emosyon na tumingin si Scott sa babaeng kasama ni PJ."Get out."-utos ni Scott sa babaeng kasama ni PJ. Nagulat naman yung babae sa biglaang pagpapaalis nya dito."Hey, Scott she's my visitor. Hindi naman pwede na paalisin mo lang basta kung sino man ang bisita ko."-kunot noong saway sakanya ni PJ. Napahimas na lang si Scott sakanyang mukha at mataman na tumingin sa bestfriend nya."Really? Then get out here too. Hindi mo ba natatandaan na ako ang may-ari ng condo na to?"
Hello guys! I'm NetsNoona~ Gusto ko lang mag pasalamat sa pag support nyo sa story ko. ^_^ And I just wanna know kung anong masasabi nyo about sa flow ng kwento? Hindi ako sure kung nagandahan ba kayo o panget ba? Help me please~ T_T Lol. I'm really new sa pag sulat ng BoyLove story kaya naman nangangapa pa ako. Btw, Sana mahalin nyo pa lalo si Skyler and Scott. Hindi pa tayo nakakalayo sa story nila pero nag iisip na ako kung ano pwede nilang couple name. Hahaha! I hope one day makaisip ako. Again thank you! Stay safe lagi everyone~ -NetsNoona.
Humihikab na lumabas si Skyler sa building ng tinitirahan nyang dorm. Napuyat kasi kagabi si Skyler dahil inumpisahan nya ng gawin ang final project nya. Ang ginawa lang naman nya ay plinano kung anong mga tela ang kakailanganin nya. Saka wala pa syang makinang pantahi para mag umpisa sakanyang project. Ang plano din ni Skyler baka sa bahay nila Kurt nya gawin ang project nya dahil may sariling makina ang Nanay ni Kurt na si Mrs.Katrina. Kung bibili kasi sya ng sariling makina ay hindi kakasya sa dorm at sa malamang makakaistorbo pa sya ng mga ka dormmate nya kapag dun sya gumawa. Nung nakaraang araw naman ay nag paalam sya kay Mrs. Katrina na kung pwede makigamit ng makina nito. Pumayag naman si Mrs. Katrina at sinabi pa nito sakanya na gamitin nya lang kahit kailan nya gusto. Na sobrang pinasasalamatan ni Skyler swerte talaga sya sa kaibigan. At ngayon ay papasok sya dahil may morning class sya sa T University. Kahit minsan ay sumusuko