EPISODE 9
Umalis si Stephen sa silong ng payong ni Zoelle. Ikinabigla ito ng huli, pero wala siyang magawa kundi ang humabol lang sa mga yapak nito.
"Stephen," tawag pa niya. "Sandali lang naman."
Palayo sila nang palayo sa mansion. Palakas nang palakas ang ulan. Patuloy ito sa paghakbang. Wala silang isang metrong pagitan, pero parang ang layo-layo na ng kanyang kapatid sa kanya.
Hanggang sa mapagod si Zoelle. Tumigil siya sa kanyang pwesto at inipon ang lahat ng lakas ng loob para itanong ang katanungang gusto-gusto niyang malaman ang kasagutan.
"Ano ba'ng nangyari sa'yo at kaya ka nagkaganyan?"
Napahinto si Stephen. Isang kulog ang tanong na 'yon sa pandinig nito. Hindi nito alam kung
EPISODE 10Nagkasabay bumaba sina Stephen at Zoelle papunta sa dinner table ngayong gabi. Nabigla ang dalawa nang magkasalubong. Dahan-dahan silang humakbang sa hagdanan.Si Zoelle ay napangiti. Masaya lang naman siya na ang kapatid niya na madalas kumakain mag-isa sa loob ng kwarto, unang beses na sasabay na ulit sa kanyang mga kapatid sa hapunan.Nagsimula lang naman si Zoelle sa hindi pag-iwan sa kapatid nang malaman niya ang sitwasyon at sa pagpaparamdam na may naghihintay pa sa labas ng mga pader na pinalibot nito sa sarili. Sunod ay ang pagkatok sa pinto at sa pagpapaalam na may handang makinig sa mga pasanin. 'Yon lang naman ang ginawa niya para sa kapatid. Ang ibang bagay ay kay Stephen na nanggaling.
EPISODE 11“Paano natin bubuhayin ang entertainment room?” takhang tanong ni Zoelle habang inililibot ang tingin sa silid kung saan sila dinala agad ni Timothy pagkatapos ng umagahan.Bumaling sa kanila si Timothy. “Naaalala mo the last time that I brought you here? ‘Di ba sabi ko noon, matagal na ‘tong hindi nagagamit?”“That was when Mama is still with us,” mahinang wika ni Stephen.“Right. We used to watch movies with her every weekend. Marami ring nabuong alaala dito-- at nabuong lego at building blocks.” Matamis na napangiti si Timothy. “After she died giving birth to Terrence, no one wanted to spend time here anymore.”Panandaliang namagitan ang katahimikan.Kung gaanon, nabaon sa limot ang silid na ito kasab
EPISODE 12Angat na ang araw. Nakapag-umagahan na sa breakfast table ang ibang kapatid ni Zoelle, habang inaya naman siya ni Five sa kitchenette ng mansion pagkatapos nilang mag-jogging.Pinagmasdan niya ito na abala sa harapan ng blender. Nang matapos, isinalin nito ang inumin sa babasaging baso at ipinatong sa countertop katapat ni Zoelle.Ngumiti siya. Inilapit niya sa labi ang medyo malamig na inumin at tinikman na ang ginawang protein shake ni Five.Lumawak ang kaniyang ngiti, napa-thumbs up pa. "Hmm. Masarap siya.""It's my usual breakfast. My favorite combo,” nakangiti ring banggit ni Five.“Peanut butter and banana. Healthy na, masarap pa. Sa’n mo nakuha ‘yong recipe?” tanong niya.Umupo na rin ito sa harapan
EPISODE 13 “Miss Zoelle, nakahanda na po ang hapunan sa baba.” Nilingon ni Zoelle ang pintuan ng kwarto nang marinig ang pagkatok at sinabi na ‘yon ng isa sa kanilang kasambahay. Madilim na sa labas ng kaniyang bintana, nakapaligo na siya at nakapagpahinga nang halos isang oras sa kwarto niya magmula noong muntikan na siyang malunod sa pool. “Hahatiran ko na lang po ba kayo ng pagkain?” tanong pa nito. “Hindi po, bababa na rin ho ako.” Napahinga siya nang malalim at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kama. Kanina pa siya nakatulala. Hindi man siya nakararamdam ng gutom, ayaw naman na niyang magpaasikaso pa at huwag na lang mag-isip pa ng sobra.
Malinaw pa sa alaala ng lahat ang araw na 'yon. Kung kailan ang bawat sulok ng Mori's Residence, mula labas hanggang loob, ay puno ng dekorasyon na mga magagarbong pailaw, kandila at bulaklak. Hindi mabilang ang dami ng lamesa at upuang nakaayos sa malawak na bakuran. May higanteng screen, speaker at sound system pa ang naka-set-up. Kayang bumusog ng daan-daang katao ang handang pagkain. Magmula sa matatamis na desserts hanggang sa sari-saring putahe at inumin. Ni hindi nakitang nagpahinga noong araw na 'yon ang mga kasambahay ng mansion sa sobrang pagkaabala. Imbitado rin ang bawat kamag-anak at kaibigan ng pamilyang Mori. Napuno ang garahe ng makikintab na kotse. Suot nilang sampung magkakapatid ang sukat na dark brown suit na p
EPISODE 1 Ang pangalan niya ay Zoelle Erika Rose. 18 years old. Unica hija ng pamilyang Mori. Si Ezekiel Romano Mori ang kanyang ama, at si Amanda Mori naman ang tumatayo niyang ina. Siya ang ate sa sampung lalaking kapatid. O at least, 'yon ang sabinila. Hindi niya alam.Walasiyang alam. Nagising siyang nakahiga sa isang kama. Unang bumungad sa mga mata niya ang puting kisame. Ilang segundo pa bago niya maramdaman at mapansin ang mga swero at kableng nakakabit sa kanya. Panay ang pag-beep ng makina sa kanyang tabi-- tanging tunog na maririnig sa apat na sulok ng silid na amoy disinfectant alcohol. Sinubukan niyang igala
EPISODE 2 "Narinig mo ba 'yon, Ma'am Zoelle? Makakalabas na raw tayo!" masayang wika ni Manang Herminia. Biglang napawi ang ngiti nito sa labi nang lingunin si Zoelle. "Hindi ka ba na-e-excite? Mas komportable ang kwarto mo sa mansion. Mas masarap din ang lutong pagkain. At higit sa lahat, makikita mo na ulit ang mga kapatid mo." "A-Ah..." Tumango-tango siya at kahit papaano ay nagawang makangiti. Hindi alam ni Zoelle kung gaano siya pwedeng magtiwala na magiging maayos din ang lahat, ngunit sa positibong mukha ni Manang Herminia, umasa siya sa maliwanag na bukas.
EPISODE 3 Nakakapanlamig ang boses ng kanilang Papa. Balewala lang ito kay Forrester. Mas lalong lumawak pa ang ngisi nito habang tumatango-tango. "Oh, she lost her memories. I almostforgot. Thanks for the reminder, Papa." "Why not instead of showcasing your attitude, you just introduce yourself to your sister?" sabad ulit ni Amanda. "Introduce myself to my very own sister. Fun!" sarkastikong sagot nito. "All of you. Just tell your names to Erika, that's it. She doesn't know what to call us," utos ni Amanda. Nilingon nito ang lalaki sa tabi at tinanguan ito.