Angat na ang araw. Nakapag-umagahan na sa breakfast table ang ibang kapatid ni Zoelle, habang inaya naman siya ni Five sa kitchenette ng mansion pagkatapos nilang mag-jogging.
Pinagmasdan niya ito na abala sa harapan ng blender. Nang matapos, isinalin nito ang inumin sa babasaging baso at ipinatong sa countertop katapat ni Zoelle.
Ngumiti siya. Inilapit niya sa labi ang medyo malamig na inumin at tinikman na ang ginawang protein shake ni Five.
Lumawak ang kaniyang ngiti, napa-thumbs up pa. "Hmm. Masarap siya."
"It's my usual breakfast. My favorite combo,” nakangiti ring banggit ni Five.
“Peanut butter and banana. Healthy na, masarap pa. Sa’n mo nakuha ‘yong recipe?” tanong niya.
Umupo na rin ito sa harapan
EPISODE 13 “Miss Zoelle, nakahanda na po ang hapunan sa baba.” Nilingon ni Zoelle ang pintuan ng kwarto nang marinig ang pagkatok at sinabi na ‘yon ng isa sa kanilang kasambahay. Madilim na sa labas ng kaniyang bintana, nakapaligo na siya at nakapagpahinga nang halos isang oras sa kwarto niya magmula noong muntikan na siyang malunod sa pool. “Hahatiran ko na lang po ba kayo ng pagkain?” tanong pa nito. “Hindi po, bababa na rin ho ako.” Napahinga siya nang malalim at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kama. Kanina pa siya nakatulala. Hindi man siya nakararamdam ng gutom, ayaw naman na niyang magpaasikaso pa at huwag na lang mag-isip pa ng sobra.
Malinaw pa sa alaala ng lahat ang araw na 'yon. Kung kailan ang bawat sulok ng Mori's Residence, mula labas hanggang loob, ay puno ng dekorasyon na mga magagarbong pailaw, kandila at bulaklak. Hindi mabilang ang dami ng lamesa at upuang nakaayos sa malawak na bakuran. May higanteng screen, speaker at sound system pa ang naka-set-up. Kayang bumusog ng daan-daang katao ang handang pagkain. Magmula sa matatamis na desserts hanggang sa sari-saring putahe at inumin. Ni hindi nakitang nagpahinga noong araw na 'yon ang mga kasambahay ng mansion sa sobrang pagkaabala. Imbitado rin ang bawat kamag-anak at kaibigan ng pamilyang Mori. Napuno ang garahe ng makikintab na kotse. Suot nilang sampung magkakapatid ang sukat na dark brown suit na p
EPISODE 1 Ang pangalan niya ay Zoelle Erika Rose. 18 years old. Unica hija ng pamilyang Mori. Si Ezekiel Romano Mori ang kanyang ama, at si Amanda Mori naman ang tumatayo niyang ina. Siya ang ate sa sampung lalaking kapatid. O at least, 'yon ang sabinila. Hindi niya alam.Walasiyang alam. Nagising siyang nakahiga sa isang kama. Unang bumungad sa mga mata niya ang puting kisame. Ilang segundo pa bago niya maramdaman at mapansin ang mga swero at kableng nakakabit sa kanya. Panay ang pag-beep ng makina sa kanyang tabi-- tanging tunog na maririnig sa apat na sulok ng silid na amoy disinfectant alcohol. Sinubukan niyang igala
EPISODE 2 "Narinig mo ba 'yon, Ma'am Zoelle? Makakalabas na raw tayo!" masayang wika ni Manang Herminia. Biglang napawi ang ngiti nito sa labi nang lingunin si Zoelle. "Hindi ka ba na-e-excite? Mas komportable ang kwarto mo sa mansion. Mas masarap din ang lutong pagkain. At higit sa lahat, makikita mo na ulit ang mga kapatid mo." "A-Ah..." Tumango-tango siya at kahit papaano ay nagawang makangiti. Hindi alam ni Zoelle kung gaano siya pwedeng magtiwala na magiging maayos din ang lahat, ngunit sa positibong mukha ni Manang Herminia, umasa siya sa maliwanag na bukas.
EPISODE 3 Nakakapanlamig ang boses ng kanilang Papa. Balewala lang ito kay Forrester. Mas lalong lumawak pa ang ngisi nito habang tumatango-tango. "Oh, she lost her memories. I almostforgot. Thanks for the reminder, Papa." "Why not instead of showcasing your attitude, you just introduce yourself to your sister?" sabad ulit ni Amanda. "Introduce myself to my very own sister. Fun!" sarkastikong sagot nito. "All of you. Just tell your names to Erika, that's it. She doesn't know what to call us," utos ni Amanda. Nilingon nito ang lalaki sa tabi at tinanguan ito.
EPISODE 4 Tatlong katok sa pinto ang nagpabangon kay Zoelle sa higaan. Gabi na at kanina pa sila nakapag-hapunan. Umalis na rin kanina ang mga magulang niya at alam niyang may kanya-kanya naman silang kwarto magkakapatid. Sino naman kaya ang kumakatok sa kanyang pintuan? Bumungad sa kanya ang nakangiting si Timothy pagkabukas. "A-Ano 'yon?" tanong niya. "Anong ginagawa mo rito?" Tipid siyang ngumiti. Pinakita nito ang hawak na dalawang kulay lilang kandila. Pabilog at maliit lang. "Your scented candles," sagot ni Timothy. "You used to light them befor
EPISODE 5 Pagkatapos ni Zoelle mag-shower, sinimulan na agad nila ni Timothy ang house tour ng sarili nilang bahay. Unang nitong ipinamilyar ang malawak na kusina. May mga maids doon na nagluluto na ng tanghalian kaya sila ang unang nakatikim ng ulam. Kumpleto ang mga gamit, appliances, condiments, hanggang sa knife set. Ganoon rin ang salas na pinaghalong tradisyunal at modernong istilo. At ang palikuran na may sauna, steam room at jacuzzi. Sunod ay ang entertainment room na may malapad na TV screen at naglalakihang speakers. Espesyal ang mga upuan dito at may isang billiard table sa liku
EPISODE 6 Anong kinaibahan ng bahay sa ospital kung itinuturing pa rin si Zoelle na pasyente? 'Yon ang tanong niya sa isip sa loob ng isang linggong pamamalagi sa mansion. Gumigising siya nang may naka-prepare nang breakfast at tatawagin na lang bago kumain ng tanghalian. Matutulog sa hapon at kakain ulit ng meryenda. Aaliwin niya ang sarili bago ang hapunan. Pagkatapos n'on, matutulog na lang at uulit na naman ang lahat kinabukasan. Tumulong siya sa mga maids sa pagwawalis, pag-va-vacuum at pagligpit ng pinagkainan noong isang araw para magkaroon siya ng silbi, pero sinabihan siya ni Manang Herminia ipaubaya na lang sa kanila ang trabaho nila. So she tried other hobbies. Nagbasa siya