Share

Episode 3: One Big Happy Family

EPISODE 3

Nakakapanlamig ang boses ng kanilang Papa.

Balewala lang ito kay Forrester. Mas lalong lumawak pa ang ngisi nito habang tumatango-tango. "Oh, she lost her memories. I almost forgot. Thanks for the reminder, Papa."

"Why not instead of showcasing your attitude, you just introduce yourself to your sister?" sabad ulit ni Amanda.

"Introduce myself to my very own sister. Fun!" sarkastikong sagot nito.

"All of you. Just tell your names to Erika, that's it. She doesn't know what to call us," utos ni Amanda. Nilingon nito ang lalaki sa tabi at tinanguan ito.

"Odysseus." Marahan nitong itinulak paangat ang bridge ng salamin.

Humarap kay Zoelle ang seryosong mukha ng pinakamatandang kuya sa kanilang magkakapatid. Namana nito ang postura ng ama kaya mukha itong kagalang-galang. Ayos na ayos rin ang buhok at pananamit nito.

"Welcome back, Zoelle," bati ng katabi nito. "Timothy." Ngumiti pa ito, kita ang dimples sa pisngi. "Fraternal twins kami ni Odysseus."

Para bang nabingi siya sa huli niyang sinabi. Parang masyadong malayo ang dating nina Odysseus at Timothy. Magkabaliktad na magkabaliktad.

Prente at maginhawang nakasandal ang huli sa kanyang upuan. Messy ang buhok at simpleng statement shirt lang ang suot. Kung ang mata ni Odysseus ay matalim kung tumitig, maliwanag naman ang kay Timothy.

Sinuklian na lang ni Zoelle ang ngiti nito.

"Theodore," pakilala ng isang parang namamaos na boses. "Thunder of Chaos Radio."

Obvious na myembro ito ng isang banda. Base sa itim na shirt ng isang banda na ginupit ang manggas, mga accessories at nakataling buhok.

"Forrester. Call me whatever you want. I won't give a fuck," biglang sabi ni Forrester. Napakayabang ng boses at tingin nito. Hindi na rin yata mabubura ang mapang-asar na ngisi sa labi.

Iniwas agad ni Zoelle ang mga mata at ibinaling sa kasunod nito. Isang lalaki na nakasuot ng jersey. Kapansin-pansin ang braso at katawan nitong maganda ang hubog. Ito ang may pinakamorenong balat sa kanilang lahat.

"Five. It stands for Finleigh Ivano Eliz," sabi nito bago dumiretso sa pagkain.

Pagkatapos, sa kanang bahagi naman ng lamesa bumaling si Zoelle.

Labis ang kaputlaan ng sumunod. Halos matakpan na ang mga mata nito ng kanyang buhok. Katulad ni Three, itim rin ang damit nito, pero long sleeve. Halata kung gaano ito kapayat. Lubha pang maitim ang ilalim ng mga mata nito.

Nag-abang si Zoelle ng sasabihin nito ngunit nanatili lang itong walang buhay na kumakain.

"That's Stephen, the walking dead since he doesn't talk," tatawa-tawang sabat ni Forrester. "Or at least he talks with himself and with the ghosts."

Walang mababakas na reaksyon kay Stephen.

"See?" Ngumisi pa si Forrester.

Nag-aalala siyang tumingin ulit sa kapatid. Mukhang may pinagdadaanan ang kapatid niya, masyadong malayo sa hitsura nito sa portrait.

Katabi ni Stephen ay nakapangalumbaba sa lamesa ang sunod na nagpakilala.

"Sebastian." Maamo itong ngumiti. Inosente ang hitsura nito, lalo ang maamong mga mata. Medyo kulot ang buhok; malinis tingnan magmula sa buhok at pananamit.

"By the way, I am his twin." Itinuro nito ang katabi.

Nabigla siyang tabigin ng kakambal nito ang kamay ni Sebastian.

"Tss," mariing wika nito. Higit na matalim kung tumitig ito, parang tigre. "Emmanuel."

Malalim ang boses nito. Bahagyang kulot rin ang buhok ngunit maikli. Napansin niya rin ang hiwa sa gilid ng kilay nito.

Mukhang nasa lahi na ng pamilya nila ang pagkakaroon ng kambal, ngunit nasa dugo na rin yatang hindi magkakasundo at magkabaliktad ang ugali nila.

Napangiti si Zoelle nang magpakilala ang pangalawang pinakabata.

"My name is Nicholas."

Kagaya ng panganay na si Odysseus, may bilugan rin itong salamin. Bagsak ang buhok nito at masarap pisilin ang pisngi.

"And he is Terrence. He is unable to speak but he can still hear."

Nabigla rin siya sa impormasyon 'yon. Hindi nito kayang magsalita? Tumingin siya kay Amanda.

"Mutism," sagot nito na parang nabasa ang tanong niya sa isip.

Ibinalik niya ang tingin sa kaawa-awang si Terrence ngunit sinupladuhan lang siya nito. Tuloy lang ang lahat sa pagkain, samantalang halos 'di pa nagalaw ni Zoelle ang sa kanya.

"As you can see, you have ten obnoxious brothers. That's why you're my favorite, my unica hija."

Hindi alam ni Zoelle kung dapat ba niyang ikatuwa ang sinabing 'yon ni Ezekiel. Lalo na sa harap pa talaga ng mga kapatid niya. Tiningnan niya ang reaksyon ng mga ito, pero para bang sanay na sila sa ganoon.

"If one of them stresses or bothers you, tell it to me straight away," wika pa nito na para bang nagdedeklara ng batas.

Nagtuloy silang lahat sa pagkain.

***

Isa-isang tumayo ang lahat ng nasa hapag matapos ang tanghalian. Patayo pa lang si Zoelle nang marinig niyang inutusan ni Ezekiel ang kasambahay na samahan siya patungo sa kwarto niya. Para daw makapagpahinga muna siya.

"I'll do it."

Napatigil ang kasambahay at nagtinginan sila sa nagsalita. Lumiwanag pa ang salamin ni Odysseus nang harapin sila nito.

"I'll lead Zoelle to her room."

Hindi na sumagot si Ezekiel at lumakad na kasama ni Amanda. Tinuring naman 'yon ni Odysseus bilang pagpayag. Nagpaubaya na rin ang kasambahay. Paglapit nito sa kanya, pinasadahan siya ng walang emosyon nitong mga mata mula ulo hanggang paa.

Napayuko si Zoelle.

Narinig na lang niya ang yabag ng mga paa nito. Naglalakad na palayo. Tahimik na sumunod si Zoelle.

Dumaan sila sa isang pasilyo bago makarating sa isang engrandeng hagdanan. Ni hindi siya nilingon o kinausap ni Odysseus, kahit isang beses.

Palinga-linga si Zoelle sa paligid. May mga koleksyon ng abstract paintings. Hindi mabilang ang mga silid na dinaraanan nila. Maging ang mga pinto, mukhang mamahalin. Mayroon ding mga halamang nakapaso bilang dekorasyon.

Tumigil si Odysseus sa paghakbang nang makarating sa dulong bahagi ng mansyon. May malaking bintana sa gilid nito. Napansin ni Zoelle ang ang nakaukit na cursive letters sa pinto ng kwartong katapat nila.

Binasa niya 'yon. "Zoelle Mori..."

Sa wakas, nakarating na sila sa kwarto niya.

Hinarap niya si Odysseus at ngumiti. "Salamat sa paghatid." Bahagya pa siyang yumuko bago tumalikod.

"What a shame."

Naihawak na niya ang kamay sa doorknob nang magsalita ito.

"It seems that you forgot everything-- your name, the house where you lived, your relationships, and unfortunately, your self."

Humigpit ang hawak ni Zoelle sa busol.

"You don't even look like the old Zoelle. You look so innocent, pitiful, and weak."

Bumilis ang pagdagundong ng dibdib niya. Wala siyang maisagot, o kung meron man, hindi siya makapagsalita sa sobrang intimidasyon.

"But it doesn't matter anyhow, right?" Tinapik-tapik siya nito sa balikat.

Iniwan siya nitong napako sa kinatatayuan niya.

Bumuntong-hininga si Zoelle bago binuksan ang pintong kaharap. Kadiliman ang unang bumungad sa kanya. Nakapa niya ang switch ng ilaw sa kanan at pinindot 'yon. Dumiretso siya sa loob papunta sa bintana. Umaliwalas ang kwarto niya nang hawiin niya ang kurtina.

Kulay-abo ang pintura ng pader, ganoon rin ang carpet sa sahig. Nasa gitna ng kwarto ang isang malaking kama na walang kagusot-gusot. May glass table malapit sa bintana at sa tabi nito ay isang solong sofa. Sa kanan ay isang malaking istante na may nakasalansang mga libro.

Walang agiw, alikabok o duming mababakas. Mukhang pinanatiling malinis ito habang naka-coma siya. Mula sa mga vase na may puting rosas, lalagyan ng mga espesyal na kandila, at ang magandang lampara sa tabi ng kama.

Dumiretso naman siya sa kaliwang sulok ng kwarto kung saan may dalawang pintuan. Pagbukas niya ng una, tumambad kay Zoelle ang raketa ng mga damit, sapatos at bag. Sa kabilang pinto naman ay ang sariling banyo at shower.

Lumakad siya pabalik sa malaking bintana. Tumatanaw 'yon sa malawak na hacienda ng pamilya nila. Kita ang mga halaman, puno at hardin. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ni Zoelle sa pagtingala sa malawak na asul na langit.

Isinarado niya ang pinto ng kuwarto at ibinagsak ang katawan sa malambot niyang higaan. Sa pagpikit niya ng mga mata, bumalik ang mga sinabi sa kanya ni Odysseus.

Isang napalaking sayang at kahihiyan na nakalimutan niya ang lahat. Hindi man nawala ang buhay ni Zoelle, nabura naman ang 'buhay' na kinalakihan niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status