Share

Kabanata 7

"Cha," tulala akong nakasandal sa bintana nang tinawag ako ni Rita.

Tumabi silang dalawa ni Andra sa akin sa pag-upo.

Pagbaling ko sa kanya ay iniabot niya ang mga notes niya sa akin. Nakausap ko si Maam Flores at ang iba ko pang subject teacher at bibigyan nila ako ng time para makapag review sa special test bukas. Sa hina ng utak ko ay sigurado akong hindi ko rin maipapasa iyon. Buti at nandito si Rita at binigyan ako ng pointers para daw di ako mahirapan.

Kanina pagpasok ko pa lang sa gate ng school namin ay agad na nakatingin ang mga estudyante sa akin na para bang di kapani-paniwala na bumalik ulit ako sa pag-aaral. Mabuti na nga lang at nakuha ko ang loob ni nanay at pumayag pa siya sa akin.

"Cha.. galinga mo ahh, para ma perfect mo ang exam,” pasaring ni Arnold sa akin. Gusto ko mang mag-pokus pero kung ganito ka-epal ang mga kaklase ko ay wala na talagang pag-asa.

"Wag niyong isrtorbohin si Cha, seryoso pa naman yan,” dagdag pa ni Edison. Napapailing na lang ako. Walang magawa ang paninita ng dalawa kong kaibigan dito sa tabi ko.

"Cha si Sander," bulong ni Andra sa akin. Biglang tumahimik ang paligid nang umalis sina Edison at Arnold.

Napatingin ako sa pintuan at nakitang naroon nga si Sander. Ngumiti siya sa akin at pumasok sa room namin. Napaayos ako nang upo, bigla nakaramdam ako nang pagkailang sa kanya na bago sa akin. Simula noon ay lagi akong komportable sa kanya. Siguro dahil na rin sa mga naganap nitong nakaraang mga linggo.

"Busy ka?" tanong niya pagkalapit sa akin. Hinayaan ko siyang umupo sa tabi ko nang umalis si Andra.

"May special test ako bukas," maikling tugon ko at ibinalik ang atensiyon sa pagbabasa.

Pinilit kong maintindihan ang binabasa ko pero hindi ako nagtagumpay. Mas lalong tumaas ang tensiyon ko dahil sa pananahimik niya.

Kahit sa flag ceremony ay tahimik lang siyang nakasunod sa aming tatlo dahil hindi ko siya gaanong pinapansin. Hanggang sa naghiwalay kami para pumasok sa aming klase ay tahimik pa rin niya akong pinagmamasdan.

"Good morning class!"

"Good morning maam!" Sabay na bati namin, agad na dumako ang paningin ni Ma’am Liza sa amin… sa akin.

"Ohh..you're back Cha, It's a good news!" Tuwang tuwa pa siyang pumalakpak.

"Bye the way, may short quiz kami ngayon. Okay lang ba sa labas ka muna?”

Napatingin ako sa mga katabi ko na agad umaangal kay maam. Hindi agad ako nakasagot dahil sa kanila.

"Ma’am, bukas na para makasabay si Charlotte. Magreview na lang muna tayo ngayon,” suhestiyon ng isa kong kaklase.

"No. Today is our quiz and exempted na si Charlotte. Whatever is the higher score that will be her score," anunsiyo ni ma’am.

"Grabe.. Unfair," pabirong sagot pa ng isa.

"Ang dami niyo namang reklamo. Tara na maam mag quiz na tayo,” lakas loob na agaw ni Arnold.

"Bwisit ka Arnold,” pabiro pa itong binatukan ni Edison.

Nagtawan lang sila dahil kahit anong pasakalye nila ay buo na ang desisyon ni maam na mag quiz.

Pumasok na lang ako sa library at maghihintay ng 30 minutes bago bumalik. Kasinglaki lang ng clasroom namin ang library na 'to at minsan ay tambayan lang ito ng mga teachers. Bihira lang ang mga estudyanteng pumupunta dito buti na lamang at walang tao dahil may klase ang lahat. Ngayon lang ako nagkaroon ng oras na pagmasdan ng kabuuan ng silid na ito.

Hindi ko alam pero naiisip ko ang nangyari kanina. Pagpasok ko pa lang kanina ay nakaramdamn na ako ng pagkailang sa mga kaklase ko kahit nagbibiro pa rin naman sila kagaya ng dati. Ngunit may nagbago kanina, hindi ko na kayang makipagsabayan sa kanila. Parang nawala ako ng ilang taon at parang hindi na ako belong sa kanila.

Nalulungkot ako sa nangyari, siguro dahil down lang ako kagaya ganito. Nag-uumpisa na akong mag-scan ng notes ni Rita nang may pumasok. Akala ko ay isa sa mga vacant teacher kaya't naudlot ang pagbati ko nang 'Good Morning' nang makita ko si Sander.

Bakit siya nandito may klase sila. Nakatingin ako sa kanya nang umupo siya sa harapan ko.

"Anong ginagawa mo dito?” mahinahon kong tanong,

"Nakita kitang napadaan kaya't sinundan kita,” sagot niya. Diretsong nakatingin sa akin ang malamlam niyang mga mata. Parang ang dami niyang gustong sabihin pero kinikimkim niya lang.

"Bumalik ka na sa klase mo magrereview pa ako,” painosente ko siyang itinaboy.

Hindi ko siya kayang tingnan. Kanina ko pa nararamdamn ito pero miss na miss ko na siya. Gusto kong umiyak at yakapin siya, gusto kong sabihin sa kanya lahat ng hinanakit ko sa amin.

"Parang hindi mo naman ako na miss,”

Biglang gumuhit ang kirot sa aking dibdib.

Napailing ako hindi dahil sumasang-ayon ako sa kanya.

Hindi mo lang alam!

Matagal akong tumitig sa kanya "Mag break na tayo.” Bumara ang lalamunan ko sa pagpipigil.

Umayos siya sa pagkakaupo at halaat ang pagkagulat.

"Wag ka ngang mag-joke ng ganyan, “ ngumiti pa siya pero seryoso ako.

"Hindi ako nagbibiro, gusto ko na makipaghiwalay sa'yo.” Mas lalo kong tinigasan ang mga salita ko.

Umiling-iling siya sa akin.

"Ngayon ka pa ba makikipaghiwalay na alam na ng nanay at tatay mo ang relasyon natin, hindi na natin kailangang magtago,” pangungumbinsi pa niya.

"Iyon nga ang dahilan kung bakit nakikipaghiwalay ako sa'yo,”

Alam kong pinipigil niya na ring umiyak dahil sa pamumula nang kanyang mga mata.

"Ang unfair mo naman,” pumiyok ang kanyang boses

Wag kang umiyak please! Ayokong masaktan ka.

"Sana maintindihan mo ako.” Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya dahil hindi ko na kayang panuorin ang kanyang mga mata.

Hindi ko akalaing ganito pala kasakit makipaghiwalay sa kanya. Mahigit anim na buwan pa lang ang relasyon namin pero kasi simula ng first year pa lang kami ay lagi na siyang umaaligid sa akin.

Hindi ko na napigilan ang luha ko nang hindi ko na siya maramdaman. Tinakpan ko ang aking bibig at tahimik na umiyak. Lahat ng taong nagmamahal sa akin ay sinaktan ko. Ayokong gawin ito pero gusto ko lang patunayan ang sarili ko kay nanay at tatay.

Patawad Sander! Mahal kita pero siguro hindi pa ito ang tamang oras para sa ating dalawa.

Tulala akong bumalik sa aming clasroom. Wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi ng mga kaklase ko at sa mga itinuturo ni Maam Liza. Lumilipad ang utak ko kay Sander.

Sumapit ang tanghalian at hindi siya nagpakita sa amin. Hindi ko na rin siya nakita sa paligid.

"Saan si Sander?” tanong ni Arnold.

Nakatingin silang tatlo sa akin.

"Hindi ko alam," tulala kong sagot.

“Anong klaseng gilfriend to hindi alam kung nasaan ang boyfriend,” sabat ni Arnold.

Hindi na nag-usisa pa si Andra at Rita sa akin. Kanina paglabas ko sa library ay maga ang mga mata ko kaya alam nilang may mali.

Hindi ko na lang sila pinansin at nag-umpisa nang kumain. Kung tutuusin ay walking distance lang ang bahay namin pero nagbabaon pa rin ako nang kanin dahil hinihingal akong umuwi sa bahay dahil medyo mataas na parte na ang amin at malapit na sa bundok.

Kinabukasan ay wala akong naisagot sa mga test na ibinigay sa akin. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ganito kahina ang utak ko, dagdag pa ang nangyari sa amin ni Sander.

Tawa nang tawa sa akin si Andra nang ikuwento kong wala akong naisagot. Samantalang awang-awa naman si Rita sa akin.

Nang hapon na ay ipinatawag kami ng aming adviser dahil may meeting daw ang buong 4th year tungkol sa gaganaping prom. Excited pa ang mga kaklase kong nag-uunahan papasok sa meeting room.

Dahil tatlong section kami ay nakatayo na lang kami dahil may mga nauna na sa aming umupo.

"Ma’am pwede bang mag ball gown ang mga bakla?” tanong ng isag bakla sa kalagitnaan ng pag-uusap tungkol sa isusuot. Nagtawanan ang lahat dahil sa kanyang biro.

"Peste kang bakla ka!" sita ni Edison

"Inggit lang kayo,” sagot pa nito at kumekendeng na hinawi ang buhok na animo’y mahaba talaga.

"Okay sit down na," hindi pa rin matapos ang mahinang asaran kahit na nagsasalita na si Maam Flores. "As long as we want to Mark hindi talaga pwede. Papagalitan tayo ng principal natin.” paliwanag ni ma’am,

"Bleehh..ano ka," pang-aasar pa ni Arnold

"Shut up bakulaw!” banat din ng bakla sa kanya saka bumaling kay ma’am Flores. “Joke nga lang ma’am eh, pero malay mo kung papayagan,”

Inisa-isa sa amin ang mangyayari sa prom na gaganapin sa araw mismo ng mga puso. Pumili na rin siya ng mga sasayaw sa cotillion at pinasulat niya kami sa papel ng mga pangalan namin para sa pagpili ng mga partner.

Nilibot ko ang paningin ko para hanapin si Sander pero hindi ko siya nakita.

"Maam pa'no po pala yung mga absent?” tanong ng isa mula sa kabilang section

"Okay, President kayo nang bahala sa mga pangalan ng absent,” bilin ni ma’am

"Maam pa'no pala pag ayaw nilang sumali?”

"This is a requirement and no one’s exempted,"

Hindi ko muna inisip kung saan ako kukuha ng panggastos ko dito dahil nag-aalala ako kay Sander. Kung hindi sana ako nakipag-break sa kanya ay malamang nandito siya sa tabi ko ngayon.

Inabot kami ng alas sais dahil sa meeting, malapit nang dumilim pero hindi ako natatakot umuwi nang mag-isa. Ang iniisip ko lang ay si tatay at nanay.

"Bakit absent si Sander?” hindi na napigilan ni Andra na magtanong.

Hindi ko pa sinabi sa kanila na nakipaghiwalay na ako dito. Patay malisya akong tumayo para makaiwas sa kanilang dalawa.

"Mauna na  'ko sa inyo, baka pagalitan na naman ako ni nanay.”

Nag-aalala silang tumango sa akin at hindi na nagpumilit pa na magtanong.

Alam kong maiintindihan nila ako kung iiwas ako sa mga tanong.

Mabigat ang mga hakbang ko palabas ng eskwelahan. Kung pwede lang sanang hindi umuwi ay gugustuhin ko pang manatili sa paaralan, kahit paano ay may nakakausap ako.

Ano na naman kaya ang naghihintay sa akin sa bahay?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status