Minsang may mga bagay talagang kahit gusto mong ikwento ay kailangan mong sarilinin. Ang dahilan marahil ay hindi mo pa kaya o hindi pa ang tamang oras.
Narinig ko ang pagtawag ni Andra.
"Grabe naman kasi 'yang nanay mo, hindi naman kasi masama ang ginagawa mo," komento nito nang makahabol sa akin.
Siguro nga para sa amin ay wala kaming ginagawang masama. Pero sa isang magulang na naghahangad lamang ng kabutihan para sa kanyang mga anak ay maling mali lalo na at ipinagbabawal pa nila ang pagboboyfriend naming magkakapatid.
"Yang nanay mo kung makapaghigpit akala mo hindi nakaranas maglandi noong panahon niya." Nabigla ako sa tinuran ni Rita kaya't taka akong napatingin sa kanya.
Naninibago akong makarinig ng ganitong komento galing sa kanya, nasanay akong lagi niyang naiintindihan ang opinyon ng iba at hindi siya nagkokomento ng hindi maganda.
"Anong gusto niyo? Libre ko na kayo," tanong sa amin ni Andra pagkarating namin sa maliit na canteen ng school.
Hindi ako sumagot kay Andra dahil nasa isip ko ang sinabi ni Rita. Ang ibig kung sabihin ay normal lang naman sa tao na magkomento pero nang marinig ko ang mga salita galing kay Andra ay parang kakaiba. Para bang may pinanggalingan ang mga salita o sadyang nasanay lang talaga ako na hindi siya ang tipo ng tao na mapanghusga.
"Kahit ano na basta galing sa puso mo," tamad na sagot ni Rita. Nasa kanya pa rin ang atensiyon ko at patuloy siyang inoobserbahan
"Ano nga?" ulit pa nito. "Walang kwenta naman 'to pag tinanong." Inirapan ni Andra si Rita bago bumaling sa akin.
Nilibot ko ang aking pananaw sa ibang mga tinda na naroon hanggang sa dumako ang paningin ko sa isang lalaking nakaupo sa kabilang stall kasama niya ang lalaking anak ng tindera rin dito sa canteen. Nakatingin siya sa pwesto namin pero hindi ako sigurado kung sa akin ba siya nakatingin.
Agad ko itong nakilala. Sa maikling sandaling isinayaw niya ako ay hindi ko nakalimutan ang mapaglaro niyang mga ngiti at ang nakakaakit niyang mga mata.
Ano kayang ginagawa niya dito? Magkakilala ba sila ni Archie?
"Halina kayo," kagyat na iniabot sa amin ni Andra ang kanyang pinamili.
Palabas na kami ng canteen nang tawagin ni Archie si Andra.
"Mauna na kayo," bilin niya saka kami iniwan. Sinundan ko siya nang tingin habang patungo siya roon sa kinaroroonan ng dalawa.
Hindi ko na sila nasundan ng tingin dahil hinila na ako ni Rita pabalik sa ground.
"Anong meron?" kuryusong tanong ko kay Rita na nakatingin din kay Andra. Umaasa akong may makukuhang sagot pero nagkibit balikat lang ito.
Hindi ko na rin natanong si Andra tungkol doon dahil nagpatuloy na rin kami sa pag practice. Habang nagpa-practice kami ay nahuhuli ko si Sander na panay ang tingin sa akin kaya't ilang na ilang ako.
"Okay guys, see you again tomorrow."
Pagkatapos magpaalam ang leader namin ay kinuha ko na ang mga gamit namin na nakatambak lang sa gilid.
Nagpasalamat ako nang matapos ang practice dahil malapit na namang dumilim. Paniguradong galit na naman ang isasalubong ni nanay sa akin kapag ginabi na naman ako ng uwi. Wala kaming gaanong ginawa sa buong araw kundi mag-pratice pero nakakapagod.
"Cha, ihahatid ka raw ni Sander." Natigil ako sa ginagawa at napatingin kay Arnold. Mag-isa lang siya kaya't iginala ko ang paningin ko at natagpuan kong nag-aabang ito malapit sa gate.
"Waiting po kami sa comeback," panunukso ni Andra na agad kong pinanlakihan ng mata.
"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig, muling pagbigyan ang pusong nagmamahal.." Siniko ko si Rita dahil sa kanyang pagkanta.
"Tumigil nga kayo," saway ko pero ssa halip na tumigil ay nagbulungan pa ang dalawa na animo'y kinikilig.
"Kunwari hindi kinikilig," bulong ni Andra kay Rita, sinadya niya talang iparinig sa akin para dagdagan ang panunukso.
Hindi ko na sila pinansin at nauna nang maglakad. Inatake ako lalo ng kaba nang sinalubong ako ni Sander. Hindi ko siya pinansin at pinatuloy ang paglalakad na parang hindi ko siya nakita. Hinayaan niya lang naman ako hanggang sa makarating kami sa labas ng gate.
"Bye guys.. waiting sa comeback," sigaw pa ni Andra habang hinihila si Rita patakbo. Hanggang sa mawala sa paningin ko ang dalawang kaibigan ay tahimik pa ring nakasunod si Sander sa akin. Magkaiba kami nang daan at nakumpirma kong susundan niya talaga ako pauwi. Nilingon ko siya. Matamlay itong tumigil sa paglalakad mula sa sampung metrong distansiya mula sa akin.
"Huwag mo na nga akong ihatid," inis kong sabi sa kanya.
"Sige na diretso ka lang sa paglalakad 'wag mo na lang akong kausapin,"
"Hindi ka ba nakakaintindi? Kahit ilang beses mo pa akong ihatid hindi na tayo pwede." Halos tumaas ang aking kilay sa pagpipigil kong masinghalan siya.
Malungkot na siya kanina pero mas lalo yatang lumungkot ang mukha niya ngayon.
"Hindi mo ba ako mahal?" Lumambot ang aking puso sa tanong niya.
Hindi ko naman talaga gustong gawin ito sa kanya, kaya lang kailangan. Isa pa, ito ang nakikita kong dahilan para kahit paano ay mawala ang galit ng pamilya ko sa akin.
"Anong klaseng tanong yan?" Bigla ay nakaramdam ako ng guilt sa sarili. Ganito ba ako kasama? Oo. Mahal na mahal ako ng taong 'to kaya't hindi ko siya kayang panuorin sa ganitong kalagayan. Kaonti na lang at bibigay na ako.
"Sagutin mo ako, kung totoong mahal mo ako kahit ano pang sabihin ng nanay at tatay mo hindi mo pipiliing hiwalayan ako ng ganito.."
Hindi ko alam pero naiinis ako dahil pakiramdam ko ay pinipilit na niya ako. Alam kong mahal niya ako pero hindi pa rin tama ang ganito. Kung mahal namin ang isa't isa makakapaghintay siya sa tamang oras. O, baka mali lang ako ng pagkaunawa sa klase ng pagmamahal niya sa akin?
"Kung talagang mahal mo ako maiintindihan mo ang sitwasyon ko." Pinilit ko pa ring manindigan sa desisyon ko. Hindi ako maaring bumigay. Hinding hindi!
Pinilit niyang ngumiti sa akin at umupo sa batong naroon. May parte sa akin na ayokong pilitin niya ako pero ayoko ring sumuko siya sa akin.
"Pasensiya ka na, gusto ko lang makasigurong safe kang makakauwi!" Yumuko siya at pinagmasdan ang lupa na para bang iyon ang kausap niya.
"Lagi naman akong safe na nakakauwi noong wala pa tayo. Huwag kang mag-alala wala namang multo dito." Pinilit kong pasiglahin ang aking boses.
Matagal siyang tahimik na tumingin sa akin bago tumango. Akala ko ay naintindihan niya na ako pero tumayo siya at lumapit sa akin. Ikinagulat ko ang ginawa niyang pagyakap sa akin.
Sa oras na yakap niya ako ay ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang katawan. Kinilabutan ako ngunit gusto ko na lang yakapin niya ako nang ganito.
"Sabihin mo lang na mahal mo ako gagawin ko ang lahat para mailayo ka sa mga magulang mo!"
Naramdaman ko ang buga ng kanyang hininga na lalong nagpasidhi sa nararamdaman ko.
"Ano bang sinasabi mo?" Itinulak ko siya, kunwa'y naiinis. "Hindi nga ako sasama sa'yo. Ilang beses ko bang sabihin sa'yo 'to para maintindihan mo ako?"
Nang oras na iyon ay lalong gumuho ang mundo ko. Kitang kita ko kung paano tumulo ang luha sa kanyang mata. Napalunok ako at umiwas ng tingin.
Wala na siyang nagawa nang tinalikuran ko siya. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako na kailangan kong magpanggap na hindi ko na siya mahal. Naiinis akong hindi pa rin siya tumitigil sa akin. Mahal na mahal ko siya pero ayokong umabot sa puntong gagawa na naman ako ng isa pang mali. Kung sakaling balikan ko siya ay gusto kong gawin 'yon sa tamang paraan na hindi ko kailangang suwayin ang aking mga magulang.
Bakit ba kasi ang daming bawal? Ang daming kailangang isakripisyo para lang patunayan ang sarili ko.
"Maghihintay ako Cha! Maghihintay ako hanggang sa pwede na ulit tayo.."
Tumulo ang luha ko sa kanyang sinabi. Gusto ko nang iiyak ang lahat. Tumigil ako sa paglalakad at kinalma ang sarili. Huwag kang magpatalo sa emosyon mo Cha, kapag sumuko ka ay ikaw ang talo sa huli.
Ilang segundo akong nakapikit. Tahimik na ang paligid at tanging ang ihip ng mahinahong hangin ang aking naririnig. Dahan-dahan kong pinahid ang butil ng luha sa aking pisngi. Hinugot ko ang aking hininga saka lumingon. Wala na siya sa kinatatayuan niya kanina. Hindi ko naramdaman ang kanyang pag-alis. Iniisip ko pa lang pero hindi ko kayang tuluyan na niya akong sukuan. Pilit kong iwinaksi sa isipan ang nangyari. Kailangan ko nang umuwi. Mabigat ang mga hakbang ko habang tinatahak ang daan pauwi sa amin. Dire-diretso akong naglakad nang may masalubong akong lalaking tumatakbo. Hindi ko agad napaghandaan iyon kaya nagkabanggan kaming dalawa. "Ahh!" Naibulalas ko dahil sa pagkabigla. Napangiwi ako sa sakit nang pareho kaming natumba. Gumulong kaming parehas at ramdam ko agad ang hapdi ng aking siko at paa. Iniinda ko pa ang sakit nang bumangon siya at pupung
Tulala akong naghahakot ng mga gamit namin papunta sa bahay namin. Mahigit isang buwan din kaming namalagi sa bahay ni tiya Marta. Mabuti na lang at naagapan na ni tatay na ayusin ang bahay namin kaya't ngayon ay babalik na ulit kami roon. Habang naglalakad ay hindi ko napansin ang malaking bato na nakaharang sa aking daanan kaya't napatid ako at nabitawan ko ang dala-dala kong karton. "Ang tanga mo talaga!" Napangiwi na lang ako sa paghila ni nanay sa aking buhok. Napatid na nga dinagdagan pa ang sakit. Tiningnan ko ang kuko kung natamaan buti na lamang at hindi natanggal. Kung hindi dahil sa lalaking iyon kahapon ay hindi sana ako ganitong tulala. Hindi k
Nang dumating ang gabi ay bumaba kami para kumain. Hindi ko alam pero nararamdaman ko ang tingin ng nanay ni Rita sa akin kaya't naiilang ako. "Mommy, okay lang bang papahiramin ko si Charlotte ng gown? Para po sana may maisuot siya sa prom." Nabitin sa ere ang aking pagsubo at napatingin kay Rita. Wala sa usapan namin ang ganito. "Meron ka pala e, hindi mo naman sinasabi," sabat ni Andra. "Pahiramin ko na lang siya. Kawawa naman kasi si Charlotte," Napayuko ako at uminit ang sulok ng aking mata. Hindi ko alam kung emosyonal lang ba talaga ako ngayon at napaka sensitive ko ngayong araw pero naiinsulto ako sa sinabi ni Rita. Gusto kong isipin na epekto lang ito ng mga nangyayari sa akin pero nitong mga nakaraang araw ay may napansin akong kakaiba kay Rita. "Balita ko
Halos hindi ko na makita ang aking daanan dahil sa mga luhang nag-uunahan. Hindi ko inalintana ang dilim ng paligid at ang malakas na pagbuhos ng ulan. Mas gugustuhin ko pang may bigla na lang hahablot sa akin at patayin ako kaysa bumalik pa sa lugar na iyon.Pumalahaw ako nang iyak nang gumulong ako pababa. Naramdaman ko ang hapdi ng mga kahoy at mga maliliit na sangang nahagip ng aking paggulong. Sana ay may ahas na bigla na lang tutuklaw sa akin para hindi ko na masaksihan ang mapait na sinag ng araw.Matatanggap ko pa siguro kung ipagtabuyan ako ni nanay kaysa tratuhin ako na parang hindi niya ako anak. Walang mahalaga sa kanya kundi ang paborito niyang anak na si Celestine at ako ang naging dahilan kung bakit nasira ang kanyang magandang mukha. Ako ang anak na naging bunga lamang ng kanilang pagnanasa sa isa't isa ngunit
Pagkatapos naming mag-usap ay nagpalipas muna kami ng oras habang nakaupo sa may malaking bato. Wala na akong pakialam ngayon kay nanay kung makita man nila akong kasama ko si Sander. "Bakit kasama mo ang lalaking 'yon?" Natigilan ako sa tanong niya. "Nagkasalubong lang kami," maikli kong tugon. Hindi ko gustong magsinungaling sa kanya pero kailangan. Isa pa ayokong malaman niya na binalak kong magpakamatay. Tumahimik na siya kaya't tumayo na ako. "Hali ka." Hinila ko siya patayo. Isiniksik ko ang maliit kong daliri sa kanyang mga daliri saka ito itinaas sa ere. Nakakatuwang isipin na saktong sakto ang mga daliri ko sa kanya na para bang sa kanya lang maaring humawak sa aking kamay.
Ilang sandali lang ay nagawan din ng paraan na maayos ang zipper ng aking suot sa likuran. Nakangiti akong humarap sa bakla matapos niyang maayos ang aking likuran. Ngumiti lang din siya sa akin at hinaplos ang dulo ng aking buhok papunta sa harapan ko.Lumapit din si Sander sa akin at pinaikot ako patalikod sa kanya. "Ayos na na." Akala ko ay tiningnan niya lang kung ayos na ba ang ginawa ng bakla sa akin pero natigilan ako nang maramdaman ang isang malamig na bagay sa aking leeg.Tulala ako nang muli niya akong iharap sa kanya "Tandaan mo ikaw lang ang pinakamaganda sa aking paningin kahit ano pa man ang isuot mo."Uminit ang aking pisngi lalo na nang dumampi ang kanyang labi sa aking noo.Gusto kong maiy
Akala ko ng gabing 'yon ay magiging payapa akong nakatanaw sa ulap. Hiniling ko ng araw na iyon na bigyan ako kahit saglit lang na panahaon para makapag-isip at iiyak lahat ng sakit."Balak mo bang matulog dito sa gitna ng daan?" Agad akong napatayo nang may magsalita.Agad na bumungad sa akin si Knee Yoz at katulad ng dati ay may dala siyang flashlight at nakatutok sa aking mukha. Nasilaw ako dahil sa liwanag kaya't naudlot ang aking pag-iyak."Ilayo mo nga yang flashlight mo." Iritadong utos ko sa kanya na agad niya rin namang sinunod.Umupo ako sa lupa at inunat ang aking dalawang binti, walang pakialam kung madumihan man ang puti kong suot. Ginaya niya rin ako sa pag-upo. Kumunot ang noo ko nang mapansi
Pagkatapos ng aming first period ay ibinalik ko na kay Rita ang gown na pinahiram niya sa akin."Salamat pala! Nilabhan ko na yan, pasensiya na rin at nasira ang zipper sa likod," eryoso kong saad at nauna nang lumabas.Hindi ko alam kung may ideya ba siyang nakita ko sila nang gabing iyon at kung ano ang kanyang iniisip pero ayoko talaga siyang kausapin sa ngayon at baka mabulyawan ko siya. Ayoko nang sumunod siya sa nangyari sa amin ni Tintin."Wala ka talagang gana kanina pa," puna ulit ni Andra sa akin.Sumapit ang lunch at nauna na rin ako sa kubong kinakainan namin. Wala pa sina Rita at Andra dahil bumili pa sila ng ulam samantalang ako ay nag-umpisa nang kumain. Sinadya kong bilisan ang pagkain dahil ayoko na silang sabayan pa at para mauna na ako sa room namin mamaya. Buti na lang at may baon akong hotdog.M