Share

Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)
Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)
Author: LaAiraMae

Prologo

Prologo

Nagising ako dahil sa kiliting hatid ng mumunting halik na dumadampi sa aking leeg.

"Hmm," reklamo ko pero naging ungol iyon.

Bahagya ko siyang tinulak pero pinuwersa niya ako.

"Ano ba? Pagod ako." Natigil siya sa ginagawa at bumaba sa kama. Tuluyan na akong nagising sa ginawa niya kaya't napaupo na lang ako.

"Uuwi ka rito ng gabing-gabi, tapos makikipagtalik ka sa akin? Ni halos hindi ka na nga tumitira rito, asawa mo ba talaga ako o parausan lang?" nang-aasar siyang tumawa.

"Gusto ko lang magpainit sige na." Lumapit ulit siya sa akin at sinugod ako ng halik pero muli ko siyang tinulak.

"Ano hindi ka nakatikim sa babae mo at sa akin ka magpaparaos?" sumbat ko sa kanya.

Napapikit ako dahil sa malakas niyang sampal sa akin. "Ano bang problema mo? Ikaw na nga ang nilalambing ayaw mo pa?"

"Lambing mo'ng mukha mo!" Sa lakas ng singhal ko ay tumalsik yata ang laway ko sa kanyang mukha kaya't napapikit siya.

Galit niyang inihilamos ang palad sa mukha at nang magtama ang mata namin ay halos masunog ako sa apoy na lumalabas sa kanyang mga mata. Unti-unti siyang lumapit sa akin at dinakma ang aking leeg. "Pinapainit mo na naman ang ulo ko, tang*na ka talaga. Wala kang kwenta! Sana ay hindi na lang ako umuwi kung ganito lang din naman ang isasalubong mo sa akin."

Pinilit kong manlaban sa kanya ngunit hindi na ako makahinga. Unti-unting tumulo ang luha sa aking pisngi habang hinihintay ang aking huling sandali. Sa isip ko ay mainam nang patayin niya ako ngayon dahil wala namang silbi itong aking buhay.

Hinabol ko ang aking hininga nang tuluyan niya akong bitiwan at bumaba sa kama. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya.

"Diyan ka lang naman magaling sa pananakit mo!" Umamba muli siya ng suntok sa akin pero hindi niya itinuloy dahil sa pag-ilag ko.

"Bakit hindi mo na lang ako hiwalayan para hindi na kayo magbahay-bahayan ng babae mo? Pabayaan mo na ako!" muli kong singhal

"Ang sarap mo talaga pataying babae ka eh!"

"Patayin mo! Huwag mo akong gawing tanga," naiiyak ko na namang sambit.

Ano bang gusto niya sa buhay? Nagsasama na nga sila ng babae niya pero ayaw niya pa rin akong tigilan. Makakalbo talaga sa akin 'yang babae niya sa oras na makilala ko 'yon.

"Ang kapal din naman ng mukha mo noh, 'pag ikaw pinalayas ko rito sa'n ka pupulutin? Pasalamat ka nga at pinapatira pa kita sa bahay ko."

"Bakit ginusto ko ba?"

"O talaga? Hindi mo ginustong sumama sa akin, ang tanga mo naman."

Oo tanga na kung tanga at pinagsisihan ko ang araw na iyon na sumama ako sa kanya. Isa akong malaking tanga at hindi nag-isip ng tama.

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw. Masakit ang katawan ko dahil sa nangyari kagabi. Pagkatapos niya akong saktan ay pilit siyang nakipagtalik sa akin. Dali-dali akong bumaba sa aking higaan at binuksan ang nakaharang na kurtina sa malaking bintana namin. Agad akong nasilaw sa pagtama ng araw sa aking mata. Tanghali na at tulog pa rin ang dalawang bata. Napabuntong hininga ako at bumaba na para magluto.

Akala ko ay lumabas ang demonyo kagabi pagkatapos magparaos, pero nadatnan ko siyang padapang natutulog sa sofa. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, nag-aalangan pa ako kung gigisingin ko ba siya o hindi. Walong taon na kaming magkasama ngunit hindi ko pa rin kabisado ang kanyang paiba-ibang ugali. Kaysa masaktan ako ay pinili kong pumunta sa kusina para maghanda ng pagkain. Ayokong paggising niya ay bugbog ang aking almusal.

Pumunta ako sa banyo at kinuha ang mga nagkalat niyang hinubaran kagabi. Ganito pa rin ang amoy, magkasama sila araw-araw at uuwi lang siya rito para magparaos sa akin o kapag nag-aaway sila ng babae niya. Nakakatouch nga ang regalo niyang labahan sa akin palagi, gusto kong maiyak sa tuwa.

Niligpit ko lang muna ang kanyang mga maruruming damit at pagkatapos magluto ay umakyat ako sa taas para gisingin ang mga bata. Tulog pa rin sila pagkapasok ko. Umupo ako sa gilid ng kama at tinitigan silang mabuti. Sa lahat ng kamalasang naging bunga ng pagkakamali ko ay silang dalawa lang ang tanging magandang bagay na nangyari. Naiiyak ako habang iniisip ang mga ginawa ko.

Tama nga ang asawa ko kung palalayasin niya ako ay saan ako pupunta? Wala akong pamilyang babalikan, itinakwil na nila ako simula nang umalis ako sa poder nila. 

Hinaplos ko ang mukha ng dalawa kong anak na mahimbing na natutulog. Wala silang kaalam-alam sa mga nangyayari sa paligid. Sana ay bata na lang din ako tulad nila na walang iniisip.

"Charlotta!" sigaw ng demonyo kong asawa sa baba. Narinig ko pa ang kalabugan kaya dali-dali akong bumaba.

Nakaupo siya sa lamesa habang nakataas ang paang kumakain. Walang modo talaga. Pinagluto ko na't lahat-lahat ay hindi pa ako hinintay sa pagkain. Binato niya ako ng kutsara pagkakita sa akin. Mabuti na lamang at hindi ako tinamaan.

"Gaga ka talaga? Ba't hindi mo 'ko ginising?" singhal niya sa akin.

"Malay ko bang gusto mong gisingin ka." 

Bigla niyang binato sa gilid ang kanyang plato kaya't nagkalat ang laman niyon sa sahig.

P*ta talaga! Malapit ko na siyang saksakin sa galit.

"Ano bang problema mo? Bakit mo tinatapon ang pagkain?" balik kong singhal sa kanya

"Bakit? Pera ko naman 'to ahh!"

Hindi na ako sumagot sa mga dahilan niya. Nagsasawa na akong makinig sa mga panunumbat niya sa akin.

"Papa!" Napalingon ako sa bunso kong patakbong lumapit sa kanyang ama.

Agad niya itong binuhat at hinalik-halikan na para bang napakabuti niyang ama.

"Papa, a-ano pasayubong mo akin?" inosenteng tanong nito na tinugon niya lang ng ngiti.

"Bukas na lang pag-uwi ni papa." Hinimas-himas pa niya ang buhok ng anak.

"Ayis kay uyit?"

"Sige na aalis na si papa, babay na muna," tango niya at inilapag ang anak sa upuan.

Tumango lang din ang walang kamalay-malay kong anak at sinundan ng tingin ang amang palabas ng bahay. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin at tumalikod na.

Sana lang ay doon na siya tumira sa babae niya at hindi na umuwi dito. Mga walanghiya! Inis kong binalingan ang kalat na ginawa niya. Binigyan ko muna ng pagkain ang anak ko bago iyon nilinis.

"Mama, bakit po tapon anin?" tanong ng anak ko

"Tapon pusa eh," parang batang sagot ko.

"Kain ka na, eat ka marami ahh."

Bumalik na ako sa paglilinis habang kumakain ang anak ko. Iniisip ko pa lang na hihiwalayan ko ang ama nila ay doble ang sakit na nararamdaman ko para sa kanila.

Bigla akong inatake ng kaba nang muling bumukas ang pintuan. Akala ko ay bumalik ang demonyo kong asawa. Nahugot ko ang hininga nang makitang si Denise ang pumasok.

"O madz, anong nangyari rito?" puna niya sa mga nagkalat na pagkain sa sahig.

"Alam mo na, nandito na naman ang demonyo," sagot ko

"Buti pinapauwi mo pa 'yan dito?"

"Bahay niya 'to eh, nakakahiya naman sa kanya."

"Sabagay, ibang klase rin niyang utak ng asawa mo noh." Umupo siya sa tabi ng anak kong kumakain at sinubuan ito "Tita na subo sayo."

"Madz, bakit hindi mo sundan 'yang asawa mo para malaman mo kung sino 'yang babae niya," suhestiyon niya. Naisip ko na ito dati pa pero hindi ko pa nagawa.

"Ano naman ang mapapala ko kapag nalaman ko?" walang gana kong tanong.

"Sabunutan mo 'yung babae, sampalin mo para naman makabawi ka. Hindi yung nakatunganga ka lang at naghihintay kung kailan uuwi ang asawa mo. Ikaw ang asawa dito madz kaya ikaw dapat ang inuuwian hindi ang kabit," tahimik lang akong nakikinig sa kanya "Malay mo kilala mo lang din."

Natigil ako sa ginagawa dahil sa huli niyang sinabi. Nag-angat ako ng tingin pero nasa pagkain lang ng anak ko ang atensiyon niya.

"May alam ka bang hindi ko alam?" kunot-noo kong tanong.

"Wala ah, nabanggit ko lang," agaran niyang sagot.

Hindi pa rin ako nakumbinse sa kanyang sagot. Pakiramdam ko ay may alam talaga siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status