Share

The Vision of Death
The Vision of Death
Author: MATECA

CHAPTER ONE

Napagod na ako sa paikot-ikot na paglalakad ng mabagal pero hindi ko pa rin matunton kung saan nakatayo ang aking mga magulang.

"Lauren, come here. We have a gift for you."

"Hanapin mo kami ng mommy mo, Sweetheart. Hindi mo makukuha ang surprise gift namin sa'yo kapag hindi mo kami nahanap."

I pouted my lips when I heard what my parents said. Binibiro ba nila ako? O baka nakalimutan nilang bulag ako at hindi ako basta-basta makakalapit kung nasaan man sila nakatayo.

Yes. You heard it right. Bulag nga ako. I was blind since I'm seven years old. Nabulag ako dahil sa isang aksidente na nangyari sampung taon na ang nakalilipas.

Naglalaro ako noon ng paper plane na ipinagawa ko pa kay daddy. Sa malawak na lawn ng bahay namin ako nakapuwesto kasi mahangin doon. At saka bawal talaga akong lumabas sa gate namin dahil malapit lamang ang bahay namin sa tabi ng kalsada. May paparating yata na bagyo kaya mas malakas ang hangin nang araw na iyon kaysa sa mga ordinaryong araw lamang.

Eksaktong dumaan ang medyo may kalakasang hangin paghagis ko ng aking paper plane. The wind took away my paper plane and it landed near to our gate. Tumakbo agad ako para kunin ang aking laruan sa takot na baka liparing muli iyon ng hangin at mas mapadpad pa sa malayo. When I was about to stand up a car suddenly crashed to our gate. Sobrang lakas ng pagbangga ng sasakyan sa gate namin kaya lumikha iyon ng napakalakas na ingay. Sa sobrang pagka-shocked ko sa aking nakita ay bigla na lamang akong nanigas sa aking kinatatayuan habang nanlalaki ang aking mga mata. Naramdaman ko ang panginginig ng buo kong katawan sa sobrang takot. I wanted to run fast but I couldn't move my legs. Parang dumikit na ang mga paa ko sa lupa na ayaw nang maalis sa kinatatayuan. At ang tanging nagawa ko na lamang ay mapamulagat habang nakatingin sa mga maliliit na bahagi ng nabasag na salamin ng windshield na lumilipad papunta sa akin.

Tumakbo ang daddy ko para kunin ako at ilayo sa harap ng gate at para rin hindi ako tamaan ng mga nabasag na salamin ngunit huli na. Tinamaan na ako sa mukha ng mga maliliit na bahagi ng nabasag na salamin. At ang mas masakit ay pumasok pa iyon sa mga mata ko. Napasigaw ako ng malakas sa sobrang sakit na aking naramdaman. Tinakpan ko ng nanginginig at maliliit kong kamay ang aking mga mata na punong-puno na ng aking dugo. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay bigla na lamang akong hinimatay.

When I woke up I was already inside the hospital with a bandage covered my whole face. Umiyak ako ng malakas dahil hanggang nang mga oras na iyon ay nararamdaman ko pa rin ang takot sa aking puso. Pero hindi ako pinayagan ng doktor na umiyak. Sabi niya ay makakasama raw sa mga mata ko ang luha at baka maapektuhan ang paggaling ng mga mata ko. Kaya kahit gusto ko pang pumalahaw ng malakas ay pinigilan ko ang sarili ko. Gusto ko yatang gumaling, 'no. I already missed my bed, my pillows and my blanket.

Umabot ng halos dalawang Linggo bago tuluyang gumaling ang mga sugat ko sa mukha at sa aking mga mata. At nang araw na inalis ang benda sa aking mukha at mga mata ay natuklasan ko na hindi na ako nakakakita. Wala akong makita kundi pawang kadiliman lamang kahit pa nakamulat naman ang aking mga mata.

Niyakap ako ng mga magulang ko habang sinasabayan nila ako sa pag-iyak. Napakabata ko pa para mabulag. At ang mas masakit ay tumakas ang taong nagmamaneho sa kotse na bumangga sa may gate namin na naging dahilan ng aking pagkabulag.

"Mommy naman, eh. Alam n'yo naman ni Daddy na kahit matagal na akong hindi nakakakita'y hindi ko pa rin magawang kabisaduhin ang loob nitong bahay natin," nakasimangot kong wika sa kanya.

Paano ko naman kasi makakabisado ang bawat sulok ng bahay namin, eh, lagi silang nakaalalay sa akin kapag lumalabas ako ng kuwarto ko. Kung wala naman sila ay ang kasama namin sa bahay na si Nana Violy naman ang palaging umaalalay sa akin. Kaya hindi ko talaga makakabisado ang mga dapat daanan at lakaran ko sa loob ng bahay namin nang hindi ako bumabangga sa mga gamit na nasa loob ng bahay.

"Nandito lang naman kami sa tabi mo, Sweetheart," bulong sa akin ng daddy ko. "Sweetheart" ang tawag sa akin ni Daddy. At gustong-gusto ko naman na iyon ng tawag niya sa akin. Daddy's girl kaya ako. Close kami ng mommy ko siyempre pero feeling ko mas close pa rin ako kay Daddy kaysa kay Mommy.

"Ngayon ay nandito na kayo ni Mommy sa tabi ko pero kanina ay wala," naaamoy ko na ang pabango ng mommy at daddy ko kaya alam kong nasa malapit na sila sa akin ngayon.

My family loves vanilla lace from Victoria's Secret. Kaya kapag nakaamoy ako ng amoy vanilla lace, eh, siguradong ang mommy o ang daddy ko ang nasa tabi ko o malapit lang sa akin.

Mabagal lamang ang ginawa kong paglalakad habang sinisinghot-singhot ko ang amoy ng vanilla perfume sa hangin na siyang magdadala sa akin papunta sa kinalalagyan ng mga magulang ko. Habang naglalakad ako ng mabagal ay bigla na lamang akong bumangga sa isang malambot na bagay na amoy vanilla flavor din.

"Woah! What is that, Dad?" nagulat kong tanong.

"Here is our birthday gift to you, Lauren," Mom said. "Happy seventeenth birthday, Iha."

Kinapa-kapa ng kamay ko ang malaki, malambot at amoy vanilla flavor na iniaabot sa akin ng mga magulang ko.

"A teddy bear?" hula ko nang makapa ko ng mabuti ang regalo nila sa akin. It's my seventeenth birthday today. My parents wanted to gave me a big birthday celebration but I refused them. I just wanted to celebrate my birthday together with them. And also I don't have friends. Kaya sino naman ang iimbitahin ko para um-attend sa party ko?

"It's a human size teddy bear. At magmula ngayon ay makakasama mo na palagi si Teddy kapag wala kami ng mommy mo sa tabi mo. At kapag niyayakap mo siya ay parang kami na rin ng mommy mo ang kayakap mo. I love you so much, Sweetheart."

"Oh, you're really sweet, Dad," niyakap ko ng mahigpit ang daddy ko. "And I love you too. Of course, I love you too, Mom. And I really really love this gift," madamdamin kong pahayag habang nakayakap ako kay daddy.

"Pasali naman ako d'yan. Payakap din," ani Mommy na tila nainggit na si Daddy lang ang yakap ko.

Natawa na lang kami ni daddy sa reaksiyon ni Mommy. Pagkatapos ay niyakap din namin siya kaya naging tatlo na kami na magkakayakap. Family hug, 'ika nga. Athough I'm already blind I feel that I'm still blessed. Because having a loving and caring parents beside me was the great blessing in my life.

Ang taba-taba ng puso ko sa mga oras na ito. My parents loved me so much as much as I love them. Kahit walang malaking handaan sa birthday kong ito ay masayang-masaya pa rin ang pakiramdam ko. Ang presensiya at pagmamahal ng mga magulang ko ay sapat na para maging masaya ako.

Dahil sa pagmamahal nila ay nakaya kong harapin at tanggapin ang katotohanan na kahit kailan ay hindi na ako makakakita pang muli. Na hindi ko na makikita ang magagandang tanawin na madalas naming pasyalan nina mommy at daddy kasama si Nana Violy na itinuturing na nilang miyembro ng kanilang pamilya, ang mga magagandang kulay sa paligid ko, ang paborito kong palabas sa Disney Channel at ang higit sa lahat ay hindi ko na makikita pang muli ang mukha ng mga taong nagmamahal sa akin.

Pero dahil sa pagmamahal na ipinakita ng mga taong nasa paligid ko lalong-lalo na nang aking mga magulang kaya unti-unti ko ring natanggap ang masaklap na sinapit ng aking mga mata. Masaya na ako kahit ganito ang kalagayan ko. Pero siyempre mas magiging kumpleto ang aking kaligayahan kung makakakita akong muli.

                                                                                   ##

Dahil birthday ko sa araw na ito kaya lahat ng oras ng mga magulang ko ay para lamang sa akin. Malayo pa lang ay ipina-clear na agad ni daddy sa kanyang secretary ang lahat ng mga schedules niyo sa araw ng aking birthday. Ganyan nila ako kamahal.

Dinala ako nina Mommy at Daddy sa isang amusement park. Kahit na hindi ko nakikita ang buong paligid ay alam ko pa rin na maraming tao na namamasyal doon dahil sobrang ingay ng buong paligid. Ang lahat ng mga taong naroon ay nagsasaya. So, dapat magsaya na rin kami.

Niyaya kong sumakay sina Mommy at Daddy ng ferris wheel, caterpillar at siyempre, ang paborito kong ride na carousel. Kahit ayaw ni Daddy na sumakay ng ferries wheel at caterpillar dahil nahihilo raw siya ay pinilit pa rin niyang sumakay para sa akin. Kaya naman talagang tuwang-tuwa ako. Nagpicture-picture rin kami sa picture booth na naroon. Kumain ng ice cream, cotton candy at naglaro sa mga parlor game.

Nararamdaman ko na maraming mga mata ang nakatutok sa amin lalong-lalo na sa akin pero hindi ko nalamang iyon pinapansin. Siguro'y nagtataka sila kung bakit ang isang bulag na katulad ko ay naroroon sa lugar na para lamang sa mga taong nakakakita. But I don't care what they thought about me. All that matters to me right now was the feeling of happiness that I felt while I am with my family

Pagkatapos naming mamasyal sa amusement park ay kumain muna kami sa isang Italian restaurant na si Daddy ang pumili. Nagpa-take out na lang kami para kay Nana Violy. Hindi kasi siya napilit ng parents ko na sumama sa aming mamasyal dahil umatake raw ang kanyang rayuma. Kaya hindi na lang namin siya pinilit na sumama sa amin.

Hindi na rin kami nagtagal sa restaurant dahil pagod na kaming tatlo lalong-lalo na ako. Kaya pagkatapos naming kumain at at makuha ang take out naming pagkain ay agad na rin kaming umuwi. Sa sobrang pagod ko sa pamamasyal ay nakatulog ako sa loob ng sasakyan. Nang makarating kami sa bahay namin ay binuhat na lamang ako ni Daddy sa pag-aakalang tulog pa rin ako. Hindi na ako nag-abala pa na imulat ang aking mga mata. Natatamad na rin naman akong maglakad kaya hinayaan ko na kargahin na lang ako ni Daddy hanggang sa loob ng aking kuwarto. At saka gusto ko rin ang pakiramdam na kinakarga niya ako. Pakiramdam ko'y parang bumalik ako bigla sa pagkabata.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nakatulog ngunit bigla akong nagising nang marinig ko ang malakas na tunog ng nabasag na kung anong babasagin mula sa labas ng aking kuwarto. Naisip ko na baka hindi sinasadyang natabig ni Nana Violy ang isa sa mga babasaging flower vase ni Mommy. Ang tunog ng nabasag na flower base ay nasundan ng kung ilang beses.

I planned to ignored it but the sound of the broken vase was so loud that I couldn't sleep even if I want to. Out of curiousity, bumangon ako sa kama at mabagal na naglakad papunta sa pintuan ng kuwarto ko. Binuksan ko ang pintuan ng aking kuwarto at inilabas ang aking ulo.

"Mom, Dad? What's going on?" no one answered my question so I decided to go out and find out what happened. "Mom? Dad? Nana Violy? Where are you guys? What was that noise about?"

Nang wala pa ring sumasagot isa man sa mga tinawag ko ay mas lalong lumaki ang aking pagtataka. Tila masyado yatang tahimik ang buong kabahayan.

Ano ba ang nangyayari? Did I just dreamed the noise that I heard just now? Naguguluhan kong tanong sa aking isip. Masyado kasing tahimik ang buong bahay na tila ba mahimbing ang pagkakatulog ng mga taong nakatira sa bahay nila. Siguro nga'y panaginip lamang ang narinig kong iyon kanina.

Maglalakad na sana ako pabalik sa aking kuwarto nang bigla akong makarinig ng mahinang ungol ng isang tao na para bang may nakapasak na kung anong bagay sa bibig nito kaya hindi makapagsalita.

"Mom? Dad? Kayo ba 'yan?" kinakabahan kong tanong. Muli akong nakarinig ng ungol. Sa pagkakataong ito ay malakas na ang ungol kaya nakilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng ungol na iyon. It was my mother's voice. Sa pandinig ko ay parang nasa harapan ko lamang nagmumula ang ungol niya.

Hindi ako maaaring magkamali. Boses talaga ni Mommy ang narinig ko at tila malapit lang sa akin ang kinaroroonan niya. Pero bakit hindi siya makapagsalita? Bakit siya umuungol? At nasaan sina daddy at Nana Violy? "Mom? Ano'ng nangyayari sa'yo? Can you please talk to me, Mom?"

Nang wala na akong marinig na ungol mula kay Mommy ay bigla akong nag-panic. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Para bang gustong lumabas ng puso ko sa aking dibdib sa sobrang lakas ng pagtibok niyon. Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Baka may hindi magandang nangyari na sa mommy ko. Huwag naman sana. Nasaan ba kasi sina Daddy at Nana? Bakit hindi nila marinig ang pagtawag ko sa kanila?

Maingat ngunit may pagmamadaling tinalunton ko kung saan nagmula ang ungol ni Mommy na narinig ko. Nakakaapat na hakbang pa lamang ako nang bigla akong napatili ng malakas. Paano ba naman hindi ako mapapatili, eh, bigla akong natalisod at bumagsak sa malambot na katawan ng isang taong nakahandusay sa sahig.

Akmang babangon na ako mula sa pagkakadapa sa sahig nang maamoy ko sa taong nakahiga sa sahig ang pabango naming tatlo nina Mommy at Daddy. Maliban sa akin ay ang mga magulang ko lamang ang tanging gumagamit ng vanilla flavor na perfume dito sa aming bahay. At dahil boses ni Mommy ang narinig ko kanina na umuungol kaya siya agad ang naisip ko na siyang nakahiga sa sahig at tila walang malay.

"Mom—" Napahinto akong bigla sa pagsasalita at sa binabalak ko sanang pagyugyog sa kanya nang hindi sinasadyang nakapa ng aking kamay ang isang kutsilyo na nakatarak sa dibdib ng mommy ko. Nanlaki ang aking mga mata. Doon na talaga ako lalong nagpanic. "Oh my God! Mommy! Gumising ka, Mommy. Daddy! Nana Violy! Tulungan n'yo si Mommy! Daddy!"

Kahit gaano pa kalakas ang ginawa kong pagsigaw at paghingi ng tulong ay walang kahit sino ang lumapit at sumaklolo sa amin. Hindi ko na napigilan ang sarili kong pumalahaw ng iyak. Lalo pa at tila wala ng buhay ang katawan ng mommy ko. Sa unang pagkakataon magmula nang mabulag ako ay ngayon ko lang naramdaman na wala akong silbi. I'm helpless and totally useless.

No! Hindi ito ang mommy ko. Hindi ang mommy ko ang taong nakahiga ngayon sa sahig at may nakatarak na kutsilyo sa dibdib. Hindi pa patay ang mommy ko. Hindi. Hindi ko matatanggap na mawawala ang mommy ko.

Tila wala ako sa sarili ko nang binunot ko ang kutsilyong nasa dibdib ni Mommy at basta na lamang binitiwan. Pagkatapos ay niyakap ko ng mahigpit ang katawan niya habang patuloy sa pag-iyak ng malakas. Wala akong pakialam kahit nahihilamusan na ng dugo mula sa kanyang sugat sa dibdib ang mukha ko. Pakiramdam ko ay nagsisikip ang dibdib ko dahil sa sobrang pag-iyak at pagdadalamhati. Mayamaya lamang ay hindi na ako makahinga hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status