Share

CHAPTER FOUR

Ang lakas ng tibok ng puso ko habang nakatitig sa kulay abuhing mga mata ng lalaking tumulong sa akin para hindi ako tuluyang matumba. He has a pair of beautiful gray eyes. It's my first time to see a person who own a pair of gray eyes. Kahit no'ng hindi pa ako nabubulag ay hindi rin ako nakakita pa ng mga matang katulad ng lalaking may hawak sa akin. For me, it was really amazing and pleasant to my eyesight. Maybe it's the reason why I couldn't speak while staring at his eyes. I've got mesmerized by his gray eyes. Tinalo ng abuhin niyang mga mata ang kulay dark chocolate kong mga mata.

"Are you okay, Miss?"may pag-aalalang tanong sa akin ng lalaki. Katulad ko ay hindi rin niya maalis-alis sa aking mukha ang kanyang paningin. Hindi ko alam kung nagagandahan siya sa akin o nagtataka lang kung bakit hindi ako nagsasalita at nananatiling nakatunganga lamang sa kanya. "Hey, Miss? Are you okay?"

Medyo napalakas na ang kanyang boses kaya bigla akong natauhan. "O-oh, I'm sorry. I'm reall sorry. I- I mean, thank you. Thank you for helping me not to fall down,"

Hindi ko alam kung bakit ako biglang nataranta. Nagkadabulol tuloy ako sa pagsasalita. Siguro nahiya ako dahil matagal akong napatitig sa mukha niya at sa kanyang mga mata. Halatado naman kasi sa expression ko na bigla akong natulala sa lalaking hindi lang maganda ang mga mata kundi pati na rin ang ilong at mga labi. 

Naisip ko na may lahing European siya dahil may pagka-mestizo ang features niya. Matangos ang kanyang ilong at mapupula ang mga labi. Matangkad din siya at medyo may pagka-mapula ang kanyang balat. Pero halatado naman na dati siyang maputi. Malamang ay dala lamang ng matinding pagbibilad sa araw kung kaya't para siyang namumula. Gano'n naman talaga ang mga mapuputi. Kapag nababad sa araw sa halip na umitim ay namumula ang balat. Kasi ganyan din ako no'ng bata pa ako. Kapag nagbibilad ako sa araw ay hindi ako umiitim kundi namumula lang. Lalo na siguro ngayon. Ten years akong nakakulong lamang sa loob ng aming bahay at minsan lang kung lumabas at magpaaraw.

"Ano ba ang nangyari sa'yo kanina? Muntik ka nang matumba kung hindi kita mabilis na nahawakan," sabi sa akin ng lalaki. "Sayang naman kung magagasgasan ang maganda mong mukha at makinis na balat kung natumba ka," dugtong niya sa mahinang-mahinang boses. Tila ayaw niyang iparinig sa akin ang kanyang sinabi ngunit klaro ko pa ring narinig.

Hindi ko maintindihan kung bakit tila nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Para akong kinikiliti na natutuwa. Ah, basta. Hindi ko alam kung paano ko ilalarawan ang naramdaman ko. Ito pa lang kasi ang unang beses na nakaramdam ako ng ganito.

"Thank you uli—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sa kanya dahil biglang dumating sina Tita Lina at Uncle Favlo na galing sa aking likuran. Parehong bakas sa kanilang mga mukha ang pag-aalala sa akin.

"Lauren! Ano ka ba namang bata ka. Kanina ka pa namin hinahanap pero nandito ka lang pala!" galit na sabi sa akin ni Tita. But I know deep inside she's not really angry with me. I know that she's just worrying about my safety. Alam kong nag-aalala lamang siya para sa kaligtasan ko. Siyempre, ilang araw pa lamang na magaling ang mga mata ko kaya wala pa akong alam sa mga lugar na dapat kong puntahan.

"Sorry, Tita, Uncle. Paglabas ko kasi kanina sa mausoleum ay wala na kayo. Hahanapin ko na sana kayo pero bigla akong tinawag ng kalikasan kaya pumunta muna ako sa cr," paumahin ko sa kanila sabay paliwanag.

"May kinausap kasi ang uncle mo sa phone niya at ako naman ay inihatid ko si Sarhento papunta sa sasakyan niya. May mga itinanong kasi ako sa kanya na ilang mga bagay," paliwanag ni Tita.

"Sino ang lalaking iyan na kausap mo? May ginawa ba siyang hindi maganda sa'yo?" matigas ang tono ng boses na tanong sa akin ni Uncle.

Akmang lalapitan niya 'yong lalaking tumulong sa akin ngunit maagap ko siyang napigilan sa braso. "You misunderstood him, Uncle. He just helped me. Kanina kasi'y muntik na akong matumba. Baka nakita n'yo na akong nakahiga na sa semento sa halip na nakatayo nang dumating kayo ni Tita kung hindi niya ako tinulungan kanina."

"Ha? Bakit? Ano'ng nangyari sa'yo? Nasaktan ka ba?" natatarantang tanong ni Tita na may halong pag-aalala sa kanyang boses. Tumaba ang puso ko sa nakita kong tunay na pag-aalala sa kanyang mukha. Pakiramdam ko'y nagkaroon ako ng pangalawang ina sa katauhan ni Tita Lina.

Nang marinig ko ang tanong ni Tita ay saka ko biglang naalala ang hindi kapani-paniwalang nangyari sa akin kanina.

"Tita Lina, Uncle Favlo, I don't know how to explain but I had a quick vision earlier. I saw a woman, she hung herself inside the bathroom. Although, I didn't saw her face but I'm pretty sure that the woman in my vision was Nana Violy," pagkukuwento ko sa kanila sa nakita kong pangitain kanina.

Napatanga sa akin ang aking tita samantalang napatitig naman ng matagal sa mukha ko si Uncle.

"Ano bang kababalaghan ang nangyayari sa'yo,Lauren? Una bigla kang nakakita kahit na hindi ka naman nagpaopera ng mga mata, 'tapos ngayon, nagkakaroon ka na rin ng pangitain. Baka may panganib na dala sa buhay mo ang muling pagbabalik ng iyong mga paningin," nababahalang sabi ni Tita.

"Tita, huwag mo nang alalahanin pa 'yan. Ang importante ngayon ay mapuntahan natin si Nana Violy. Baka kung napa'no na siya," nag-aalala kong wika. Kahit na inamin ni Nana na siya ang pumatay sa aking mga magulang ay may bahagi pa rin sa loob ng aking puso ang hindi naniniwala na magagawa nga niyang patayin ang mga taong napakabuti sa kanya sa loob ng napakaraming taon.

"Lauren, wake up! Kung totoo man ang sinasabi mo na nagkaroon ka ng pangitain tungkol sa matandang 'yon ay hindi mo na 'yon problema. Dapat nga ay matuwa ka pa dahil makakaganti ka na agad sa ginawa niyang pagpatay sa mga magulang mo," biglang sabat ni Uncle sa galit na tono.

"Hindi pa siya puwedeng mamatay hangga't hindi ko pa siya nakakausap ng personal, Uncle Favlo. Marami akong nais na itanong sa kanya," napapailing kong sagot. Marami akong mga katanungan sa aking isip na tanging si Nana lamang ang makakasagot.

Malakas na niyugyog ni Uncle Favlo ang aking mga balikat." Ano pa ba ang nais mong malaman, Lauren? Ano ba ang gusto mong marinig mula sa bibig ng matandang 'yon?"

Inalis ko ang mga kamay niya sa aking balikat dahil nasasaktan na ako sa mahigpit niyang pagkakahawak sa akin. "Hayaan n'yo na ako, Uncle Favlo, Tita Lina. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakakausap at natatanong si Nana Violy ng personal," pakiusap ko sa kanila.

Lumapit sa akin si Tita at niyakap niya ako. "Huwag kang mag-alala, Lauren. Bukas ay pupuntahan natin sa kulungan si Nana Violy. Pero sa ngayon ay kailangan mo munang umuwi at magpahinga. Hindi lang ang katawan mo ang pagod kundi pati na rin ang iyong isipan."

Marahan akong tumango. Nagpaakay na ako sa kanya nang hawakan niya ako sa siko para maglakad kung saan nakaparada ang kotse namin. I couldn't helped myself but to think about the vision I saw. But just like how my eyes got healed I also couldn't explained the reason why I suddenly had a vision. A very ominous vision.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang bigla kong maalala ang lalaking tumulong sa akin. Lumingon ako para magpaalam sana sa kanya pero wala na siya sa kinatatayuan niya kanina.

Kanina pa kaya siya umalis. Narinig kaya niya ang mga pinag-usapan namin, lalong-lalo na nang banggitin ko kay Tita at Uncle ang tungkol sa biglaang pagkakaroon ko ng pangitain? Ano kaya ang iniisip niya ngayon kung narinig niya ang tungkol do'n. Baka inisip niyang nababaliw ako kaya bigla siyang umalis ng walang paalam. Magkita pa kaya kami? Napabuntong-hininga na lamang ako sa maraming katanungang nasa isip ko patungkol sa unang lalaking nakapukaw ng interest ko sa opposite sex.

   

                          ###  

Naglalakad akong mag-isa sa hallway ng isang building. Puro puti lamang ang aking nakikita sa paligid. Puti ang kulay ng pintura ng mga dingding at maging ang nilalakaran ko ay puti rin ang aking nakikita. Napakatahimik din ng buong kapaligiran. Nakakatakot at nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa buong paligid.

"Tita Lina? Uncle Favlo? Nasaan kayo?" tawag ko sa mga pangalan nila pero maliban sa boses ko na echo ng boses ko ay walang ibang tao na sumagot sa akin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa nakarating ako dulo ng hallway. Nakita kong may nag-iisang kuwarto na naroon. Agad akong lumapit sa kuwarto at bahagyang itinulak ang pintuan nang makita kong bahagyang nakabukas. At laking-gulat ko nang makita ko ang mga magulang ko na nakatayo sa loob ng kuwarto. Nakatingin sila sa pintuang pinasukan ko na para bang ini-expect nilang papasok ako sa kuwartong kinaroroonan namin ngayon.

"Mommy! Daddy!" malakas kong tawag sa kanila. Hindi ko napigilan ang sarili ko at tumakbo ako palapit sa kanila para mayakap ko sila ng mahigpit. "I missed you so much, Mom,Dad."

"We missed you too, Sweetheart," madamdaming sagot ni Daddy habang nakayakap sila ni Mommy sa akin ng mahigpit.

"Pero hindi kami magtatagal. We're just here to say goodbye, Lauren. And always take care of yourself," wika naman ni Mommy.

Bigla akong napakalas sa pagkakayakap sa kanila nang marinig ko ang sinabing 'yon ni Mommy.

"No, Mommy. Huwag kayong umalis ni Daddy. Huwag n'yo akong iwan. I can't live without you both, Mom, Dad," pakiusap ko sa kanila habang patuloy akong umiiyak.

Sinapo ni Daddy ng magkabilang palad niya ang aking mukha at marahang hinalikan sa aking noo. "You can live without us, Sweetheart. Remember, you are a tough girl. Me and your mom will always watching you from heaven."

Umiling-iling ako. Lalo lamang akong napaiyak nang unti-unti na silang lumalayo sa akin na para bang hinihila sila ng dahan-dahan  ng isang hindi nakikitang tali.

"Please take me with you, Mom, Dad!" sigaw ko. Tatakbo sana ako palapit sa kanila pero sa kung anong kadahilanan ay hindi ko magawang maihakbang ang aking mga paa.

"Mag-ingat ka sa mga taong nakapalibot sa'yo, Lauren," pahabol na salita ni Mommy bago sila tuluyang naglaho ni Daddy sa aking paningin.

"Mom! Dad! Don't leave me, Please come back!'

"Lauren, wake up! Nananaginip ka lamang, Lauren," malakas na yugyog sa balikat ko ni Tita Lina.

Nagmulat ako ng aking mga mata at natuklasan ko na isang panaginip lamang pala ang naging pagkikita naming tatlo nina Mommy at Daddy. Hindi ko napigilan ang sarili ko't napaiyak  ako nang malaman ko na isang panaginip lang pala ang lahat.

"Nananaginip ka lang, Lauren," ani Tita. Niyakap niya ako at inalo.

"I thought it was real. Panaginip lang pala ang lahat. Nagpaalam lamang pala sila sa akin kaya dinalaw nila ako sa aking panaginip," umiiyak kong sumbong sa aking tita.

"Tahan na,Lauren. Mamumugto na naman 'yang mga mata mo sa kaiiyak. Alalahanin mong aalis tayo ngayon; pupuntahan natin si Nana Violy sa kulungan," paalala niya sa akin.

Napakalas ako sa pagkakayakap sa aking tita nang maalala kong pupuntahan nga pala namin ngayon si Nana Violy sa kulungan. Kailangan ko siyang makausap para alamin kung ano ba talaga ang totoo. Gusto kong marinig mismo sa bibig Nana ang kanyang pag-amin. Na ito nga ang walang awang pumatay sa aking mga magulang.

Tinuyo ko ang aking mga luha at pagkatapos ay kinalma ko ang aking sarili. Nang masigurado ni Tita na okay na ako ay lumabas na siya sa kuwarto ko para makaligo na ako. I just took a quick shower and then I immediately go out my room. I wanted to see and speak to Nana Violy as soon as possible. I'm afraid that my vision would come true before I could speak to her.

"Ready ka na agad?" gulat na tanong ni Tita nang makita niya ako sa sala paglabas niya sa kuwartong pansamantala niyang tinutulugan.

Nagdesisyon kasi si Tita na samahan muna ako sa bahay namin dahil mag-isa na lamang akong nakatira sa malaki naming bahay. Ayokong tumira sa bahay nina Tita o kahit sa bahay ni Uncle Favlo. Mas gusto kong dito na lamang sa bahay tumira kahit na mag-isa na lang ako. Nandito kasi sa bahay na ito ang masasayang mga alaala na naiwan nila Mommy at Daddy.

"I want to speak with Nana as soon as possible, Tita," dagli kong sagot.

Napailing si Tita. "Dahil sa pangitaing nakita mo sa isip mo?" tanong niya. Tumango lamang ako bilang tugon.

Bumuntong-hininga lamang si Tita at hindi na nag-usisa pa. Pagkatapos ay kinuha niya ang susi ng kotse namin at sabay na kaming lumabas ng bahay.

Pagdating namin sa presinto kung saan nakakulong si Nana Violy au naabutan namin na nagkakagulo ang lahat ng mga tao sa loob.

"Ano po ba ang nangyayari, Mamang Pulis? Bakit tila nagkakagulo yata kayo sa loob?" hindi napigilang tanong ni Tita nang nagmamadaling pulis na dumaan sa harapan namin.

"May isang preso kasi na nagbigti sa loob ng banyo kaya kami nagkakagulo," mabilis na sagot ng pulis.

"A-ano po ba ang p-pangalan ng b-babaeng nagbigti, Sir?" kinakabahan kong tanong. Sana ay hindi tama ang kanyang kutob.

"Violy. Violy Casimiro ang pangalan ng babaeng nagbigti sa loob ng banyo," napapailing na sagot ng pulis. "Matanda na nga siya'y nakuha pa niyang magbigti," dugtong pa ng pulis bago umalis sa kanilang harapan.

Biglang nanghina ang aking mga tuhod sa aking narinig. Mabuti na lamang at mabilis akong naalalayan ni Tita kaya hindi ako natumba. "Wala na si Nana Violy, Tita. Patay na siya. Nagkatotoo nga ang nakita kong pangitain tungkol sa kanya. Nahuli na tayo ng dating. Hindi ko na siya makakausap pang muli. Hindi ko na malalaman pa ang katotohanan, Tita Lina."

"Dala marahil ng matinding pag-uusig ng sariling konsensiya kaya nagawang magpakamatay ni Nana Violy," saad ni Tita. "Huwag mong isipin na totoo ang iyong pangitain, Lauren. Nagkataon lamang na pagbibigti sa sarili ang naisip niyang paraan para kitlin ang sariling buhay.

"At sa wakas ay matatahimik na rin ang kaluluwa ng mga magulang mo, Lauren. Dahil nabigyan na ng katarungan ang kanilang pagkamatay."

Nabigyan na nga ba ng hustiya ang pagkamatay ng mga magulang ko? Totoo nga kaya na nagpakamatay si Nana Violy dala ng matinding pag-uusig?

Dapat ay maging masaya ako dahil sabi nga ni Tita Lina ay nabigyan na ng katarungan ang pagkamatay ng mga magulang ko. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit hindi ako kumbinsido sa lahat ng mga nangyari?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status