Share

CHAPTER FIVE

It's almost three months since my parents both died. At tatlong buwan na rin na nagkukulong lamang ako sa kuwarto ko. Wala akong ginawa kundi ang umiyak, matulog, at alalahanin ang mga masasayang sandali na kasama ko sila. Hirap na hirap talaga akong makapag move on. I missed my parents so much. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa sobrang pagka-missed ko sa kanila.

Magtatatlong buwan naman na hindi na ako nagkaroon ng vision. Maybe, my Tita Lina was right. My vision was not true. That Nana Violy's death and the one I saw in my mind were just a coincidence.

Magtatatlong buwan na rin na pabalik-balik si Tita Lina dito sa bahay ko. Yes. This house was already mine. I don't know how did it happened but my parents already had a will and testament ready. As if they already knew that they were gonna die early so they already transfered all their properties to my name including this house. In other words, I'm a multi-millionaire now, 'cause I inherited both of my parents properties. But what will I do with this huge amount of money when I am like this? So sad and very miserable?

Tatlong beses sa isang Linggo kung magpunta sa bahay ko si Tita Lina, to check on me. If I'm still breathing, I guessed. May isang mapagkakatiwalaang kasambahay na mula sa bahay pa mismo ni Tita ang pansamantalang ibinigay niya sa akin para siyang mag-asikaso sa mga gawaing bahay.

Niyakap ko ang malaking teddy bear na kulay pink na siyang huling iniregalo sa akin nina Mommy and Daddy. Amoy vanilla flavor na pabango pa rin ang teddy bear ko. Madalas ko kasing ini-spray kay Teddy Bear ang aking pabango. Ayoko kasing maglaho ang amoy ni Teddy. Kapag nakikita at naamoy ko siya ay parang kasama ko lamang ang mga magulang ko.

Palagi ko ring niyayakap ang aking teddy bear. Just like what my dad told me that everytime I hug  my teddy I feel like my parents are the one that I'm hugging.

I decided to go out and visit my parents room. This is the first time I will visit their room since they died. I brought teddy along with me. Pagkapasok ko sa loob ng kuwarto nina Mommy at Daddy ay sinalubong ako ng malamig na hangin. I feel goose bumps. Bakit may malamig na hangin na biglang sumalubong sa akin pagpasok ko sa kanila? I checked the aircon but it's off. And there was no window in my parents room, so where did the cold wind came from?

"Mom? Dad? Your spirits are here, right, Mom? Dad?" I ask loudly, as if they were going to answer me. "Can you please show yourself to me? I missed you very much, Mom, Dad."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napahagulgol ako ng malakas habang yakap ko ang aking teddy bear. Humiga ako sa kama ng aking mga magulang habang patuloy ako sa pag-iyak.

"Lauren, nandito ka lang pala. Akala ko kung saan ka na nagpunta," wika ni Tita na biglang pumasok sa loob ng nakabukas na pintuan ng parents ko.

Bumangon ako sa kama at yumakap sa kanya. "I missed my parents, Tita Lina. I missed them so much."

Hinagod-hagod ni Tita ng kanyang palad ang aking likuran. " Hindi matatahimik sa langit ang mga magulang mo sa ginagawa mong ito sa sarili mo, Lauren. Hindi gugustuhin ng mommy at daddy mo na makitang nagkakaganito ka. Na pinapahirapan mo ang sarili mo."

Ayokong maging malungkot sila sa langit kaya tumigil na ako sa pag-iyak. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan siya sa mukha. "Hindi sila matahimik dahil sobra akong nalulungkot ngayon?" inosente kong taong kay Tita.

Tumango si Tita at ginulo ang aking buhok. "It's normal to grief for your parents death. But I'm sure, your parents would like to see you continue to live a happy life rather than to see you still griefing for their death."

"I promise that I will not cry again, Tita. I want my parents to be happy wherever they are now," pangako ko sa kanya.

Ngumiti ng matamis si Tita. " That's my good niece. By the way,    your Uncle Favlo and I decided to enrol you on this coming enrollment. Para naman mabawasan ang pag-iisip mo sa mga magulang mo at mapagtuunan mo ang ibang magagandang bagay sa paligid mo. Remember, matagal kang naging bulag kaya dapat lang na samantalahin ang pagkakataong ito. Make some friends in school."

Sumang--ayon na lamang ako sa sinabi ni Tita. Tama naman kasi siya. Matagal akong nabulay kaya dapat ay samantalahin ko ang pangalawang pagkakatong makakita na ibinigay sa aking ng Diyos. Baka nga kapag nag-aaral na ako ay hindi ko na masyadong maisip pa ang pagkamatay ng aking mga magulang. Whih is imposible, I think. Paano ko naman kasi sila hindi iisipin, eh, mga magulang ko nga sila.

Kapag mag-enrol ako sa pasukan ay grade twelve na ako. Kahit naman kasi bulag ako ay pinapag-aral ako ng parents ko. Dalawang teacher ang nagturo sa akin. Isang teacher para sa mga bulag at isa para sa normal ang mga paningin.

Ang itinuturo sa akin ng teacher para sa bulag ay kung paano ako makakapagsulat kahit na hindi ako nakakakita, pagbaybay ng mga letra para matuto akong bumasa at siyempre, ipinapasulat niya sa akin kung ano ang mga natutunan ko sa teacher ko na para sa mga normal na estudyante.

Normal lesson ang itinuro sa akin nang isa kong teacher. 'Yon nga lang, kapag siya ang nagtuturo sa akin ay hindi kami nagsusulat. Puro salita lang ang ginagawa namin. Pero kahit gano'n ay marami pa rin akong natutunan. Sabi nga ng dalawa kong teacher ay gifted daw ako. Kasi kahit bulag ako ay mas marami pa akong alam at natutunan kaysa sa mga normal na estudyante na normal din ang mga paningin. So, I'm confident na makakasabay ako sa ibang mga estudyante kapag nag-aaral na ako.

"Ma'am Lina, may pulis po sa labas. Gusto raw niyang makausap si Senyorita Lauren," sabi ng katulong pagkatapos kumatok ng tatlong beses sa pintuan ng kuwarto.

"Sinabi ba kung sino ang pangalan ng pulis na nandiyan, Myrna?"  tanong ni Tita sa kasambahay.

"Sergeant Carlos Dominggo daw po, Ma'am," mabilis na sagot ni Myrna.

"Sige. Pakisabing maghintay lang saglit at lalabas na kami," utos ni Tita na agad namang sinunod ng kasambahay. Pagkatapos ay binalingan niya ako at tinanong. "Okay ka lang ba? Kaya mo bang makipag-usap kay Sarhento?"

Magkasunod akong tumango. "Opo. Okay na po ako, Tita. Mauna na lang po kayo sa labas at susunod na rin ako."

"Sige. Pero huwag kang magtatagal at lumabas ka na rin,"ani Tita bago lumabas ng kuwarto.

Inayos ko ang nagusot kong damit dahil sa paghiga sa kama at sinuklay ko muna ang aking buhok bago ako lumabas ng silid nina Mommy at Daddy. Paglabas ko ay dumiretso ako sa sala kung saan nakita kong nakaupo patalikod sa akin si Sarhento.

"Sarhen—" Hindi ko na naituloy ang balak kong pagtawag sa pangalan niya dahil bigla na lamang akong nagkaroon ng isang hindi magandang pangitain sa aking isip. At hindi ko gusto ang nakikita kong eksena sa isip ko.

Ang eksenang nakikita ko ay isang lalaking nakasuot ng uniporme ng pulis ang nagmamaneho ng isang kotse ang bigla na lamang binangga ng isang malaking truck na mabilis ang patakbo. Sa lakas ng impact ng pagbangga ay tumilapon ang kotse papunta sa gilid ng bangen at nagpaikot-ikot na parang trumpo. Wasak ang gilid ng kotse na tinamaan ng bumper ng truck at nagkabasag-basag ang mga salamin ng kotse.

Talagang hindi pa nakuntento ang driver ng truck sa nakikitang hitsura ng kotse at ng taong nasa loob. Binanggang muli ng driver ng truck ang kotse na sa pagkakataong iyon ay tumilapon naman pababa sa matarik na bangen.

At katulad nang unang beses na  nagkaroon ako ng pangitain ay bigla rin akong nanghina ng ilang segundo. Tila hinugot ang aking lakas pababa sa aking katawan. Matutumba na sana ako kung hindi lamang maagap akong nahawakan ng isang tao na alam kong si Sarhento Miralles.

"Miss Agustin, are you okay?" nag-aalalang tanong niya sa akin. Inalalayan niya ako paupo sa mahabang sofa.

"Ano'ng nangyari sa pamangkin ko, Sarhento?" nag-aalalang tanong naman ni Tita Lina na kalalabas pa lamang mula sa kusina. May hawak ang dalawang kamay ng isang tray na may lamang cake at isang malamig na inumin na ipapa-meryenda sa pulis. Agad inilapag ni Tita sa center table ang hawak na tray at agad akong nilapitan.

"Hindi ko alam, Mrs. Ricafort. Narinig kong tinawag niya ako kanina, paglingon ko naman ay nakita ko siyang nakapikit at malapit ng matumba. Bago pa siya matumba ay mabilis ko na siyang nilapitan agad at sinaklolohan," pahayag ni Sarhento.

"Ano ba ang nangyari sa'yo, Lauren?" nag-aalalang tanong sa akin ni Tita. Pero sa halip na sagutin ko ang tanong niya ay si Sarhento ang hinarap ko.

"Sergeant, you should be careful. Just now, I saw a vison that someone is going to kill you," nanlalaki ang mga matang sabi ko kay Sarhento.

Napailing si Sarhento. "Sa tingin ko ay hindi pa rin nakakapag-move on si Miss Agustin sa nangyaring trahedya sa kanyang pamilya. I think you should more spend time with her, Mrs. Ricafort. At sa tingin ko ay dapat mo na rin siyang ipatingin sa psychiatrist; baka matuluyan siyang masiraan ng bait sa sobrang pag-iisip."

"Hindi ako nababaliw, Sarhento. I'm telling you the truth. I really saw in my vision that someone was going to kill you," giit ko.

"I came here to talk to you about something that is very, very important but I think this is not the right time for us to talk. You better heal yourself first," ani Sarhento. Tumayo ito at magalang na nagpaalam kay Tita bago lumabas ng bahay.

"Tita, I'm telling the truth. I really saw that a man was going to kill Sarhento Dominggo. Nakita ko sa isip ko na sadyang babanggain ng isang truck ang kotse niya. 'Tapos nahulog 'yong kotse niya sa loob ng bangen habang nasa loob siya ng kotse," natataranta kong wika sa aking tita.

"Sshh. Calm down, Lauren. I believe you, okay? I believe you."

"Tita Lina, si Sarhento ang gusto kong maniwala sa akin dahil buhay niya ang nakataya dito. Ayokong may isang tao na muling mamamatay dahil hindi ko siya natulungan."

"Listen, Laure—" Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Tita, mabilis na akong tumakbo palabas ng aming bahay para habulin si Sarhento. Kailangang mapaniwala ko siya na nagsasabi ako ng totoo. Kailangang maniwala siya sa akin para maligtas ang kanyang buhay.

"Oo na, sige na. Kapag magkaroon ako ng oras ay bibisitahin ko kayo ng mommy mo diyan sa Baguio. Basta ba magiging good girl ka at hindi ka magiging pasaway sa mommy, ha? At siyempre, babantayan mo rin ang baby brother mo kapag may ginagawa si Mommy.

Napahinto ako sa paglapit kay Sarhento nang marinig ko ang mga sinabi niya sa kausap niya sa telepono. Hindi pa kasi ito nakakaalis dahil sinagot pa ang tawag na malamang ay galing sa panganay na anak.

"O sige,bye. I love you too, Baby."

"Sarhento, sandali lang," malakas kong tawag sa kanya nang makita kong papasok na siya sa kotse niya.

Lumingon siya sa akin. "Yes, Miss Agustin? May kailangan ka sa akin?" nakakunot ang noong tanong niya sa akin.

"Sergeant, please believe me. I really saw a vision of your death.   Huwag kang pupunta sa Baguio. If I'm not mistaken, the person who's going to kill you will take action on your way to Baguio," pilit kong pangungumbinsi sa kanya.

"Miss Agustin, I think you're seriously ill. You should visit a psychiatrist to cure your illness," napapailing niyang sabi sa akin. Talagang hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko sa kanya.

Akmang papasok na si Sarhento sa loob ng kotse niya nang muli ko siyang tinawag. May pagkainis na nakalarawan sa mukha niya nang lumingon siya sa akin.

"Even if you don't believe me, you should atleast be careful on your way to Baguio. And I think you should ride a bus instead of your own car when you go there," ayaw pa ring paawat na wika ko sa kanya.

Lalo lamang napailing si Sarhento. Mukhang baliw na yata talaga ang tingin niya sa akin ngayon. Hindi niya pinansin ang huling sinabi ko at itinuloy na niya ang naudlot na pagpasok sa loob ng sasakyan niya.

Pagkaalis ng sasakyan ni Sarhento ay agad akong bumalik sa loob ng bahay. Nakita kong nakatayo si Tita Lina malapit sa may pintuan. May lungkot sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Marahil ay iniisip din niya na nababaliw nga ako ako at kailangan kong magpatingin sa isang psychiatrist. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay yayain o pilitin niya akong bumisita sa isang doktor sa utak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status