Share

CHAPTER 2: Seraphina Laurier

Kinabukasan, si Devon Donovan ay nag-wala sa kanyang kwarto. Napansin nito na wala na sa tabi n'ya ang dalaga.

Naisip n'yang napahimbing ang kanyang tulog. Kaya ngayon ay naging aligaga itong hanapin, kahit saan man sulok ito mag-punta.

Ngayon lang naramdaman ni Devon ang sarili na para siyang taranta ng dahil lamang sa isang babae. Padabog n'yang binuksan ang pintuan ng kanyang kwarto, para hanapin sa baba ang dalaga. 

"Where's the woman!" sigaw nito na umalingawngaw sa buong bahay. Lahat ng katulong ay lumabas sa kanilang lungga kung saan ang lahat ay nasa kusina.

Hindi maiwasan ni Devon na kumunot ang kanyang noo. Lahat ng katulong n'ya ay nasa kusina at sa sobrang galit n'ya ay siya na ang nag-kusang pumunta roon para sermunan sila.

"I said where's the wom-," hindi naituloy ni Devon ang sasabihin ng biglang nawala ang galit sa kanyang katawan. Kasunod no'n ang pagbilis ng kanyang dibdib ng makita ang dalagang nakangiti sa kanya.

"Devon hinahanap mo ba ako?" tanong ng dalaga habang nakangiti ito at si Hadues na tahimik na nagkakape sa kanilang sala. at halos maibuga ang sariling iniinom ng dahil sa sinabi ng dalaga.

'Did he just call him Devon?' tanong ni Hadues sa sarili, dahil walang sinuman ang nagtatangkang tawagin siya sa sariling pangalan.

Isa ito sa mga ayaw ni Devon. Kaya pinagmasdan ni Hadues ang kanyang kapatid na parang isang bata. At hindi makasagot sa simpleng tanong ng dalaga.

"Thank you for saving me Devon," saad ng dalaga, gusto na rin mahimatay ng mga katulong at kasama si Butler Tom.

"Nagluto ako dahil ayoko namang pagsilbihan nila ako kaya eto." Sabay turo nang dalaga sa lamesa kung saan may iba't ibang pagkain na nakahain. Kahit isa ay hindi man lang alam ni Devon ang tawag dito.

"Eldest young master, hindi po namin siya mapigilan kanina, patawarin n'yo po kami," pagmamakaawa ni Butler Tom habang nakatungo ito at pati na rin ang mga katulong.

Pero kahit isang salita ay wala silang narinig kay Devon. Bagkus, hinawakan lamang siya nito sa balikat at nilampasan.

Dahilan na ikagulat ito ng lahat pati na rin si Finn Lucas na kararating lang sa loob ng bahay para sunduin siya.

Nagtataka pa rin si Finn ng makita n'yang hindi pa rin nagpapalit ng damit ang kanyang boss at ang suot nito ay may bahid pa ng mga dugo dahil sa pagbitbit n'ya sa dalaga kahapon.

"Come here and sit," tawag ng dalaga sa kanya at walang nagawa si Devon kung 'di ang umupo sa upuan kung saan itinuro ng dalaga. Kahit na hindi naman siya do'n umuupo.

Ang lahat ng nakakasaksi sa kanila ngayon ay hindi na alam ang gagawin. Ang babaeng ito ay nagagawang utusan ang isang mafia king.

Habang ang isip naman ni Finn, baka umuusok na sa galit ang kanyang boss ng dahil sa pag-utos sa kanya ng babae.

"H'wag na kayo mahiya sumabay na kayo sa amin. Mas marami, mas masaya diba Devon?" masayang sabi ng dalaga habang nakangiti ito kay Devon.

Para bang hindi n'ya kilala ang taong nasa harapan n'ya para sabihin ang mga ganitong bagay.

"Butler Tom," tawag ng dalaga sabay turo sa upuan pero umiling lang ito sa kanya. Kahit kaylan hindi sila sumasabay sa hapagkainan kapag kumakain ang tatlong magkakapatid na Donovan.

"Bakit parang takot na takot kayo sa kanya? Tao lang naman din siya," sabi ng dalaga habang sinusuri ang lalaking nasa harapan n'ya. 

"All of you sit down," utos ni Devon sa lahat na ikinagulat nila. Lalo na ng kanyang kapatid na si Hadues.

"I don't want to repeat my words." Devon said with a cold voice at pati na rin si Hadues at Finn ay napaupo sa upuan, kahit ayaw naman talaga nila.

Isang malaking pagkagulat ito sa lahat dahil kahit si Hadues ay hindi sumasabay sa kanyang kapatid na si Devon. Sa tuwing kumakain ito, dipende na lang kung nandito ang kanilang ina dahil hindi ito pumapayag na hindi sabay kumakain ang lahat.

Sa kabilang banda, magsisimula na sana ang lahat kumain ng bigla silang matigilan sa sinabi ng dalaga.

"We should pray first before we eat." Dahilan na parang maging patay ang mga ito sa mga sinasabi ng dalaga at kahit isa sa kanila ay hindi magawang tignan si Devon, dahil baka nag-aapoy na ito sa galit.

"Do you pray before and after eating?" tanong ng dalaga kay Devon pero umiling lang ito na parang bata.

Si Finn at Hadues na nasa pagitan ni Devon ay nangangatal na, "Then starting today you should pray before and after eating," saad ng dalaga at biglang pumasok sa isipan ni Devon ang kanilang ina.

Kapag ito ay nasa hapag-kainan ay walang ginawa kung 'di ang mag-dasal bago at pagkatapos kumain.

"What should I do?" tanong ni Devon sa dalaga dahil hindi n'ya talaga hilig ang mag-dasal.

Bakit naman magagawang mag-dasal ng isang demonyo? Kung tanging pag-patay lamang ang alam nito?

Habang si Hadues na hindi magawang mag-salita. Pero panay lamang ang react sa sinasabi ng kapatid. Hindi maiwasan ni Hadues pagmasdan ang dalaga dahil talagang humahanga siya rito na tulad ng paghanga n'ya sa kapatid n'yang si Devon.

Pero ang paghanga n'ya sa babae ay kakaiba. Ang Devon na kilala nila ay para bang naging isang bata, habang sumusunod sa utos ng magulang.

"Ipikit mo ang iyong mga mata at magpasalamat ka sa d'yos ng dahil sa pangaraw-araw. Humingi ka ng tawag kapag may nagawa kang kasalanan," sagot ng dalaga at pipikit na sana si Devon kaso ng marinig n'ya ang sinabi ng babae ay agad s'yang napaisip.

"Why do I need to thank him? I don't want to," matigas na sabi ni Devon at nag-simula na itong kumain, ayaw n'ya talagang gawin ito.

Ang mga nakaupo sa lamesa ay nararamdaman na ang maitim na aura ng demonyo. Kaya nag-simula na silang kumain bukod sa dalaga.

"It's okay, someday you'll pray for someone's safety." Napatigil si Devon nang marinig n'ya ang sinabi ng dalaga. Hindi n'ya alam kung bakit bigla siyang natakot na para bang may mangyayaring hindi maganda. Pero hindi ito nagpahalata sa dalaga hanggang sa matapos siyang magdasal mag-isa.

Tahimik ang lahat sa hapag kainan habang kinakain ang luto ng dalaga. Hindi maalis ang takot sa kanilang mga mata. Dahil baka may masabi nanamang mali ang dalaga na ikagalit ni Devon. Pero agad na tumingin si Devon sa dalaga ng mag-salita ito.

"Seraphina Laurier ang pangalan ko," nakangiting sabi nito. Si Devon na nakatulala sa dalaga habang paulit-ulit sa isipan n'ya ang napakagandang pangalan nito.

'Seraphina Laurier' isip ni Devon at pagkatapos nilang kumain ay agad n'yang hinila ang dalaga papunta sa kanyang kwarto.

"Seraphina." Devon called her name and Seraphina is looking at him with a bright smile.

"Devon gusto ko magpasalamat ng dahil sa kabutihan mo," pagpapasalamat ng dalaga.

Hindi naman maisip ni Devon kung tama ba ang sinabi sa kanya ni Seraphina. Dahil hindi n'ya maisip na mabuti s'yang tao.

Paano nasabi ng dalaga na mabuti siya? Nang dahil lang sa niligtas n'ya ito, mabuti na agad siya?

Si Seraphina Laurier ay hindi maiwasang mamangha sa taglay na kagwapuhan nito. Ang mukha nito ay para bang ginawa ng isang tao, para malaman nila na maganda ang kalalabasan nito. 

Agad din natigilan si Seraphina ng maalala n'yang wala na s'yang tirahan. Umalis siya sa bahay ampunan na kanyang tinitirahan. Dahil nahihiya na s'yang tumira doon at nangakong aalis din kapag nakahanap nang matitirahan.

Hindi maiwasan ni Devon ang mag-alala dahil gusto n'yang pasukin ang utak ng dalaga. Gusto n'yang malaman ang malalim nitong iniisip. Dahil ang mukha nito ay biglang sumimangot.

"What's bothering you?" nag-aalalang tanong ni Devon sa dalaga at mas lalong sumimangot ito.

"I d-don't know where to s-stay," nahihiyang sagot ni Seraphina habang nilalaro ang sariling daliri.

Si Devon naman na hindi mawari ang sarili basta nasabi n'ya ang gustong sabihin sa dalaga, "I think, I like you, Seraphina," mahinang sabi ni Devon at rinig na rinig naman ito ng dalaga.

Dahilan na bumilis ang tibok ng puso n'ya, dahil sa hindi n'ya inaasahang pangyayari, "You said, you like me?" tanong ng dalaga at tumango lamang si Devon sa kanya habang nakatingin sa mga mata nito.

Napangiti lang sa kanya si Seraphina kaya nag-taka si Devon sa dalaga.

"Why are you smiling? Are you not mad at me for liking you?" magkasunod na tanong ni Devon pero tumawa lang nang mahina si Seraphina.

"Do I need to get mad because you like me?" Seraphina answered with a smile at hindi maiwasan ni Devon hawiin ang buhok nito dahil malapit n'ya ng makain. 

"You can live with me and let me court you." Habang pinagmamasdan nito ang dalaga.

Naisip ni Seraphina na bakit hindi diba? Kung alam n'ya namang mabuti ang lalaking ito. Kahit na ngayong araw pa lang sila nakapagusap ni Devon ay feeling n'ya na safe siya kapag ito ang kasama. 

"Okay," masayang tugon ng dalaga at hindi maiwasang yakapin ni Devon, sa sobrang saya. Tila ba kahit hindi pa siya sinasagot nito at gusto n'ya ng tumalon sa tuwa.

_____

Sa kabilang banda, ang mag-asawang Donovan ay hindi mapakali. Lalo na si Venus Donovan dahil nalaman nilang umalis na si Seraphina sa bahay ampunan.

Ngayon ay hindi sila mapakali at ipinahanap nito ang dalaga kahit magkano pa ang presyo.

"Evel Donovan! I'm telling you, you need to find Seraphina at any cost!" galit na sabi ni Venus sa kanyang asawang si Evel. Napalunok na lamang ang asawa nito dahil kahit siya ang dating mafia king ay hindi n'ya pa rin kaya ang asawa n'ya na ngayon ay nag-aapoy sa galit.

Kinuha ni Evel ang paborito nitong cookies na gawa ni Seraphina. At agad naman itong bumalik sa pagiging maamong mukha. Kaya nakahinga ng maluwag si Evel habang minamasahe n'ya ang ulo ng kanyang asawa.

"Wala na bang ibibilis to?" reklamo ni Venus dahil ngayon ay nakasakay na sila sa eroplano pabalik sa Donovan hacienda.

Dahil sa sinabi ng madre sa bahay ampunan na umalis si Seraphina at ngayon ay hindi nila makita. Kaya naman nag-atubilin si Venus at Evel na umalis ng France. Kahit hindi pa tapos ang meeting nila about sa bagong project na gagawin. 

"We will find Seraphina at any cost okay?" pagpapakalma ni Evel sa asawa at talaga namang sumasakit ang ulo n'ya. Maging siya ay hindi alam ang gagawin.

"You better find him Evel, I'm telling you. I'm telling you," sagot ni Venus at mas lalong sumakit ang ulo n'ya. Dahil naalala n'ya ang anak n'yang pangatlo na si Lucif Donovan.

Si Lucif ang pinakabata sa tatlong magkakapatid, kung si Devon ay isang ruthless mafia at si Hadues naman na gentleman. Si Lucif naman ay isang brat na bata kung saan pagala-gala lang ang alam at humanap ng babae.

"That brat kid Evel," inis na saad ni Venus at mas lalong dumoble ang stress ni Evel dahil sa sinabi ng asawa. Anytime ay siya nanaman ang sisisihin nito sa pag-layas ng kanilang anak.

Venus Donovan is married to a retired mafia king Evel Donovan, and Venus is a very lovely woman that Evel met.

Kaya bakit hindi rin maiwasan ni Evel mag-alala sa dalagang si Seraphina. Iniisip niya kung ito ay anak niya at hindi malabong kay Venus ito magmana.

Dahil si Venus ay isang napakasayang bata at mapagmahal. Kaya nang unang makita ni Evel si Venus, hindi niya maiwasang mahulog. Nagawa niyang itago ang sarili sa babae dahil ayaw nitong malaman na isa siyang masamang tao at iwan siya nito sa takot.

Nagkamali si Evel dahil para kay Venus ay mabuti itong tao. Kaya ngayon ay meron na silang tatlong anak na may iba't ibang personalidad. 

_____

Sa kabilang banda, si Hadues na hindi makapaniwala sa nangyayare simula pa kanina. Ngayon ay pinagmamasdan niya pa rin ang kapatid na sumusunod sa utos ni Seraphina.

'I can't imagine that he's my brother Devon Donovan, the ruthless mafia is now in love with a woman' isip ni Hadues habang nainom nang kape sa gitna ng katanghalian.

"How is it? Am I pretty?" tanong ni Seraphina kay Devon habang umiikot at suot nito ang isang pajama at t-shirt ni Devon.

Ayaw nitong pasuutin ng kahit na anong damit ang dalaga, kung hindi niya damit ang susuutin. Kaya naman naintindihan agad ni Seraphina ang gustong ipabatid sa kanya ni Devon at ito na lamang ang kanyang sinuot.

Tila ba si Devon Donovan ay nagiging possessive kay Seraphina. Kahit na pumayag pa lang itong ligawan siya.

Hindi niya lubos maisip na kapag nakasuot ang dalaga ng sando at short. Nagwawala na agad ang demonyo sa kanyang katawan. At hindi siya magdadalawang-isip na patayin lahat ng taong titingin sa katawan nito at sa mala-anghel na mukha ni Seraphina.

"Of course you are," reply ni Devon habang masayang pinapanood ang dalaga. Ngayon ay hindi niya maisip na palihim siyang mapapangiti na hindi niya naman talaga ginagawa.

Si Hadues na nakaramdam ng pagtaas ng balahibo. Dahil sa hindi niya alam kung siya ba ay namamalikmata sa kanyang nakita. Hinawakan niya ang braso niya para himasin ito sa sobrang takot.

'Did the Demon smiled?' isip-isip ni Hadues dahil hindi ito makapaniwala na ngumiti ang demonyo na kinatatakutan ng kahit na sino.

Mismong siya ay hindi pa nakikitang ngumiti ang isang Devon Donovan na kilala bilang isang demonyo.

Hindi maiwasan ni Hadues na kilabutan sa kanyang nakita at nagawa niya na lamang pumunta sa kanyang office.

Silang tatlong magkakapatid ay may sari-sariling opisina sa loob ng kanilang bahay. Lalo na ang mga ito ay may kanya-kanyang kumpanya bukod sa bunso nila.

Walang iba kung hindi si Lucif Donovan ang Third young master ng Donovan family.

Kung ang dalawa niyang kapatid ay nasa 20's lamang ito naman ay 18 years old at walang planong mag-trabaho sa sariling kumpanya. Hindi tulad ni Devon at Hadues na masasabing capable sa pag-hawak ng business.

Kilala si Lucif na isang playboy. Pero hindi pa rin ito nagpapatalo kay Hadues. Dahil ayaw niyang nalalamangan siya nito sa kapatid nilang si Devon.

Parehas nilang iniidolo ang kapatid, hindi dahil sa isa itong mafia king. Kung hindi isa talaga siyang malakas at talagang kahanga-hanga kapag nakita mo siyang makipaglaban.

Sa tuwing magkasama silang tatlo ay hindi nila maiwasang magpaligsahan. Kahit hindi alam ni Devon ang pinaggagawa nitong dalawa.

Minsan ay naiisip ni Devon kung may problema ba ang dalawang ito at kaylangan na magpatingin.

Dahil minsan ay bigla-bigla siyang sinasalubong para batiin o kaya naman sabay silang magdadala ng iba't ibang pagkain at gatas nito. Hindi naman siya nainom ng kape hindi tulad ni Hadues na mahilig sa kape.

Hindi inaasahan ni Devon ng biglang tumawag si Finn sa kanya. Nagkaroon daw ng problema sa kumpanya nito at kaylangan siya.

Kaya ang ngiti nito sa mga labi habang pinagmamasdan si Seraphina ay biglang nawala. Dahil gusto niyang makita ang dalaga bawat sigundo at agad niyang hinila si Seraphina sa bakuran kung saan walang tao, maliban sa kanilang dalawa.

"Something's bothering you Devon?" mahinahong tanong ni Seraphina sa kanya. Pero hinawakan lang ni Devon ang mga pisngi nito gamit ang dalawa niyang kamay.

"I have an emergency, call me if you need anything okay?" tugon ni Devon at ibinigay niya ang cellphone na kahapon n'ya binili. Plano niya talagang bigyan ito ng cellphone, para kapag busy siya ay matatawagan niya ito anytime.

"D-Did you buy this for me?" hindi makapaniwalang sabi ng dalaga kay Devon. Hindi na rin naituloy ni Devon ang sasabihin ng bigla siya nitong yakapin. Dahilan na mas lalo siyang nate-temp mag-stay at h'wag umalis sa tabi ng dalaga.

Kahit anong gawin ni Devon ay hindi nito maipaliwag ang nararamdaman. Hindi man lang alam ni Seraphina na malaking impact kay Devon ang kanyang pagyakap.

Agad na umalis sa pagkakayakap si Devon kahit ayaw niya na talagang bitawan ito. Gusto niya sanang halikan ang dalaga, pero ayaw nitong matakot ito. At ayaw niyang madaliin ang dalaga lalo na pumayag palang itong ligawan siya.

"Thank you, take care," sabi ni Seraphina habang kuma-kaway ito at napangiti rin naman siya ng umalis na si Devon at sumakay sa kotse.

Ang nararamdaman ni Seraphina ngayon ay kakaiba. Tila gusto niyang maihi sa hiya nang dahil sa ginawa niya.

Alam niya namang kakapayag niya lang magpaligaw kay Devon, talagang kinikilig na ito.

Hindi niya maisip na ito pala ang sinasabi sa kanya ng mga madre sa bahay ampunan. Balang araw ay makakatagpo siya ng lalaking gugustuhin siya kahit unang beses mo palang ito makita.

Mukhang tama naman sila dahil kahit unang beses niya palang nakita si Devon ay hindi niya maiwasang magkagusto. Hindi dahil sa gwapong lalaki ito, kung hindi sa pagtulong nito sa kanya nang isang araw.

Agad na rin pumasok si Seraphina sa loob nang bahay. At masaya nilang pinagmamasdan ang dalaga. Nakikita nilang mabait ang magiging future wife ng kanilang unang amo.

Lalo na para talagang anghel ito na bumaba sa langit sa sobrang bait. Bagay na bagay sa kanya ang pangalang Seraphina, because the Seraphim or Seraphina are the highest-ranking angels of God.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
pinagtagpo ang isang angel at isang devil
goodnovel comment avatar
Elaine
nakakatuwa tong ginamit na mga pangalan . hahahha s
goodnovel comment avatar
Reem ali Abada
How So exiting the story haha nagsama pala c lucifer demond at hudas... Sana maganda ang ending and thanks to authur...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status