Share

CHAPTER 3: The boss is in love

Kinakabahan si Butler Tom at ang mga ibang katulong sa bahay. Hindi nila mapigilan si Seraphina sa pagtulong, kahit na pagbawalan nila ito. Napahawak na lang si Butler Tom sa kanyang sintido dahil talaga namang napakakulit nito. 

Habang busy si Seraphina sa pagliligpit nang plato. Biglang pumasok sa isip niya si Devon at kaaalis lamang.

Naisip nitong ipaggawa niya ng cookies si Devon dahil baka magutom ito pagdating sa bahay.

Nginitian lamang ni Seraphina ang mga tao sa bahay dahil alam n'ya namang napakakulit niya. Ang gusto niya lang naman ay tumulong at hindi maging isang palamunin sa loob ng bahay.

"Lady Era," tawag sa kanya ni Butler Tom habang nakabantay lang ito sa likuran. Panay ang kulit nito sa kanya na ikinakatawa niya ng palihim.

"Lady Era, parurusahan kami ni Eldest young master," sabi ng isang katulong pero ngumiti lang ito dito at huminga ng malalim.

"Don't worry, hindi po," masayang sabi nito at inutusan niya ang isa sa mga katulong na kuhanin ang mga ingredients na sinasabi niya.

Hindi pa kasi alam ni Seraphina kung saan nakalagay ang mga dapat gamitin sa paggawa ng cookies.

"Salamat po," pagpapasalamat nito habang pinapanood lang nila ito. At hindi niya naman maiwasang mailang, bawat kilos nito ay kanilang binabantayan.

"Okay lang po ako, h'wag niyo na po ako bantayan," masayang sabi ni Seraphina at tumango naman silang lahat at walang nagawa dahil talagang napakakulit nito.

"Tawagin niyo lang kami kapag may kaylangan kayo, Lady Era," sabi ni Butler Tom at nagthumbs-up naman siya rito. Habang busy siya sa paggagawa ng cookies. Agad niya naalala na may isang lalaking nagngangalang Hadues.

Kapag tinignan mo ito ay talaga namang masasabi mong kapatid niya si Devon. Dahil hindi naglalayo ang mukha nila, pero si Devon pa rin ang mas lamang sa kagwapuhan kung tatanungin.

Kung si Devon ay may magandang pangangatawan at may matangos na ilong, makakapal na kilay, mapupulang labi at kulay itim na buhok. At ang pagiging cold ni Devon ay nakadagdag pa sa kanyang kagwapuhan.

Itong si Hadues naman ay halos kaparehas na kaparehas ng kanyang kapatid. Ngunit ang buhok nito ay kulay dark blue kapag nasa araw at nagmumukhang itim sa dilim.

Kahit sino ay talagang mahuhulog dito hindi dahil sa kilala ang Donovan sa pinakamayaman. Kung hindi dahil sa taglay nitong kagwapuhan.

Hindi niya maisip kung ano ang itsura ng mga magulang nito, dahil sobrang gwapo ng dalawa. Kaya ng matapos siya sa kanyang ginagawa ay agad niya rin nilagay sa oven ang mga natapos niyang cookies para agad din ito maluto. 

Bigla niyang nalala ang dalawang taong itinuring siyang parang anak. Hindi niya alam kung magkikita pa ba sila dahil umalis na siya sa bahay ampunan na kanyang tinutuluyan dati.

Dahil hindi niya rin inaalis na talaga itong nagpapasalamat sa dalawa. Sa laki ng tulong nito sa kanya pati na rin sa bahay ampunan. 

Isa lang ang nasa isip ni Seraphina. Sana ay mapagbigyan siyang makita ulit ang dalawang taong tumulong sa kanya.

Walang iba kung hindi si Venus at Evel ang mga magulang ng tatlong magkakapatid na si Devon, Hadues at Lucif.

Kahit alam ni Seraphina na hindi pa sila magkikita ngayon ay plano niya pa rin ipagtago ito ng paboritong cookies. Dahil sa tuwing pupunta si Venus kasama ang asawa niyang si Evel ay laging hanap nito ang gawa niyang cookies at talagang nakasanayan niya ng magtabi.

_____

Sa kabilang banda, isang oras at kalahati pa lang ang lumipas ng simulan nila ang meeting.

Naulit nanaman ang mga kinatatakutan ng mga empleyado ni Devon. Panay nanaman patunog nito sa lamesa gamit ang mga daliri kaya naisip nilang hindi nanaman satisfied si Devon sa ipinapakita nang nasa unahan.

Ang bagong representative ay takot na takot habang dini-discuss ang problemang nangyari habang wala si Devon.

Isang taong nakatayo hindi malayo sa kanya. Walang iba kung hindi si Finn na nakamasid sa mukha ng kanyang boss.

Ngayon niya lang nakita na ganito ito ka-stress at sobrang lalim ng iniisip, habang nakatingin sa unahan. Napahawak na lang siya sa kanyang mukha dahil mukhang hindi nanaman satisfied ang kanyang boss.

Pero ang hindi nila alam si Devon Donovan ay wala sa kanyang pag-iisip. Simula palang ng magsimula sila sa meeting, kung hindi na kay Seraphina ang isipan nito.

Hindi rin alam ni Devon na ang daliri niya ay kusang gumagalaw. Para gumawa ng tunog sa napakatahimik na kwarto. 

Hindi niya man lang alam na natatakot niya na ang mga tao sa loob ng kwarto, dahil sa inaasal n'ya. Habang s'ya naman ay panay ang isip sa napakagandang mukha ni Seraphina at lalo na kapag ang dalaga ay nakangiti. 

Tila ba ayaw n'ya ng iwan ito at gustuhin na lamang n'ya makita ang mga ngiti nito. Pero alam ni Devon na hindi n'ya pa rin pwede iwanan ang kanyang responsibilidad bilang isang CEO ng Donovan Industry.

Paniguradong nandyan ang kanyang ina na bubunganga sa kanya. Kahit na anong bait pa nito ay hindi siya makakalusot dito tulad ng ama niyang si Evel.

Minsan iniisip niya na baka may sakit na rin sa pag-iisip ang kanyang ama. Dahil palagi itong binubungangaan nang kanyang ina.

Naiisip niya na ganon ba talaga kapag nag-asawa? Palaging makakarinig ng sermon? O tanging ina niya lamang ang gano'n?

Pero natigilan ang lahat at mas lalong pinagpawisan ang mga nakaupo maliban kay Devon na wala sa pag-iisip. 

Isang tunog ang kanilang narinig at alam nilang sa cellphone iyon. Kahit hindi kalakasan ang tunog nito ay rinig na rinig pa rin sa loob ng kwarto. Dahil ni isa sa kanila ay walang nagtatangkang magsalita, bukod sa isang taong nasa unahan.

Naging alarma si Finn at sumenyas sa mga nakaupo na tignan ang kani-kanilang cellphone. Nakahinga sila ng maluwag ng malaman nilang hindi ito sa kanila.

Halos sabay-sabay napalunok ang mga ito at napatingin sa unahan kung saan nanggagaling ang tunog.

Hindi nila maisip kung sa kanilang CEO ba ang cellphone na iyon. Dahil siya na lang naman ang hindi tumitingin sa sariling cellphone.

Lubos pa rin ang pagtataka nila dahil lagi naman nakasilent ang cellphone nito. Kahit gaano pa ka-importante ay hindi niya sinasagot.

Bagkus, alam na ng taong tumatawag ang dahilan ng kanyang hindi pagsagot. Pwedeng ayaw nito o nasa importanteng meeting ang kanilang boss.

Lumapit na si Finn sa kanyang boss at iniisip nito na sana ay mali siya ng iniisip. Pero ng siya ay mapasilip sa ilalim nang desk ni Devon ay hindi n'ya inaakalang sa kanya nga nanggagaling ang tunog, na umalingawngaw sa tahimik na kwarto.

Kahit takot na takot si Finn ay nagawa niya pa rin bulungan ang demonyong tulala sa kakaisip kay Seraphina.

"B-Boss, iyong cellphone niyo tumutunog," bulong ni Finn, biglang bumalik si Devon sa kanyang pag-iisip at magagawa niya pa sanang magalit. Kaso ang tumatawag sa kanya ay ang babaeng kanina niya pa iniisip.

Hanggang sa tuluyang sinagot ni Devon ang tawag nang dalaga. Ngunit sumenyas siya na walang magsasalita at nagawa lamang nilang tumango sa sobrang takot. Baka mapaihi na sila kung hindi sila susunod.

Ang boses ni Seraphina sa cellphone ay talaga namang napakaganda sa pandinig ni Devon. Hindi niya na rin naisip na may ibang tao sa loob ng kwarto. Hindi man isa o dalawa kung hindi marami sila.

Pero hindi ito pinansin nang demonyo para sa kanyang anghel, "Devon? Pagpasensyahan mo na ako naka-istorbo ba ako sa iyo?" tanong ni Seraphina sa kanya habang tahimik ang buong kwarto.

"No, It's okay," simpleng sagot nito at ang mga nasa loob ay tahimik na nakikinig sa kanilang boss.

Hindi mawala sa kanilang isipan kung sino ang kausap nito. Alam nilang espesyal ang taong ito dahil hindi man lang ito nagalit nang ito ay tumawag. Bagkus, isang mahinahong boses ang pinakawalan nang kanilang boss, para mas lalo pa silang ma-curious.

Kaya ng marinig ni Finn ang boses ng kanyang boss ay hindi na siya nagtaka. Dahil kahit alam niyang nakakagulat at panibago ito sa kanya ay wala siyang magawa.

Dahil ang kanyang boss ay halatang in love na in love kay Seraphina.

Kahit mismo si Finn ay hindi maipagkakaila na talagang napakaganda ni Seraphina. Mukha talaga itong anghel, lalo na nang siya ay nalinisan. Hindi tulad nung makita niya itong bitbit ng kanyang boss. Habang ang puting bestida nito ay may mga bahid ng dugo.

"I'll wait you for you okay? Take care," simpleng sabi ni Seraphina at agad na pinatay ang tawag. Dahil nakaramdam na ito ng kahihiyan. Habang si Devon naman ay gusto ng ngumiti sa kinauupuan pero hindi niya magawa.

Ayaw nitong makita siya ng iba na ngumiti. Ang gusto niya lamang na makakita nito ay ang kanyang anghel na si Seraphina.

"Boss? Can I continue the meeting?" tanong ni Finn, habang nakatingin sa kanya ang lahat.

Halos mapahawak ang mga ito sa kanilang sintido at kung may lamok man sa loob ng kwarto ay paniguradong napasukan na ang kanilang nakangangang bunganga.

Pati na rin ang nagsasalita sa unahan ay gusto ng umiyak at bumagsak sa pagkakatayo ng dahil sa gulat.

"Let's start the meeting," saad nito at pati si Finn ay muntik ng mabitawan ang dala-dalang schedule ni Devon sa pangaraw-araw. 

Dahil do'n, ngayon lang napagtanto ni Finn na akala niya ay hindi satisfied ang kanyang boss, sa impormasyong nakuha nito sa problema ng kumpanya ni Devon.

Hindi pala iyon ang rason dahil tulala pala ito simula palang ng umupo ito sa upuan at halos sumakit ang ulo ni Finn sa nangyayare.

Samantalang si Devon ay nasobrahan sa pag-iisip at akala nito ay ngayon palang sila magsisimula ng meeting. Kahit dalawang oras na ngayon ang lumipas ng magsimulang magsalita ang lalaki sa unahan.

"Dalawang oras na po ang lumipas ng magsimula ang meeting," bulong ni Finn at hindi pinahalata ni Devon na siya ay gulat sa sinabi nang kanyang assistant secretary na si Finn Lucas.

"You can give it to Finn, wala lang talaga ako sa pag-iisip ngayon," cold na sabi ni Devon at tuluyan na siyang tumayo para umuwi ng bahay at makita ang kanyang anghel.

______

Katatapos lang ni Seraphina gawin ang cookies na kanyang ginawa at naisip niya si Devon. Dahil nahihiya man siya tumawag dito ay hindi niya pa rin maiwasan dahil gusto niyang marinig ang boses nito. 

Kahit medyo matagal ang pagsagot sa kanya ni Devon ay sulit naman, at narinig ni Seraphina ang boses nito. Naisip nitong napakaganda pa rin ng boses nito kahit sa cellphone lamang. 

Hanggang sa naalala niya si Hadues at agad tinawag si Butler Tom, "Butler Tom? Si Hadues po nasaan?" tanong nito habang nakangiti at ipinakita niya ang napakaraming cookies na kanyang nagawa.

"Nasa office niya po, Lady Era," sagot ni Butler Tom sa kanya at dali-dali rin tinanong ni Seraphina ang hilig nitong inumin dahil balak niya maghatid ng cookies.

"Mahilig s'ya sa kape." At ituturo sana ni Butler Tom ang kape ni Hadues ngunit hindi niya na naituloy dahil bigla siya nitong pinangunagan. 

"Ako na pong bahala sigurado po akong magugustuhan ito ni Hadues," sabi niya habang nakita nito ang iba't ibang uri ng mga kape at gatas.

"Lady Era, hindi po umiinom ng ibang kape si second young master," pagpapaliwanag ni Butler Tom at kinakabahan na rin ang ibang katulong sa ginagawa ni Seraphina. 

Iniisip nila na pagagalitan din sila nang kanilang pangalawang boss sa bahaya. Dahil sa ginagawa ng dalaga at kahit na matigas ang ulo ni Seraphina ay malakas pa rin ang tiwala nito sa sarili, na magugustuhan ni Hadues ang kanyang ginawa.

Tahimik na naggagawa si Hadues sa kanyang opisina. Habang suot nito ang kanyang salamin na pang anti-radiation. Para hindi maapektuhan lalo ang kanyang mata.

Palagi pa naman siyang babad sa pagtatrabaho lalo na kung siya ay nasa kanyang trabaho.

Nagulat na lang ito ng mapatingin siya sa pintuan. Hindi niya inaasahan ang isang tao na papasok sa kanyang opisina. Walang iba kung hindi si Seraphina. 

Napalunok na lamang siya sa takot na baka maabutan ito ng kanyang kapatid at mag-isip ng hindi maganda.

Lalo na kilala niya si Devon na nagiging demonyo kapag may hindi siya gusto. At ayaw niyang magalit sa kanya ang kanyang kapatid.

Iniisip pa lang ni Hadues na mahihigitan siya ng kanyang kapatid na si Lucif kay Devon ay naiinis na ito. Kaya hanggat maaari ay ginagawa niya ang lahat para matalo si Lucif. Naisip niyang hahamunin nanaman siya nito kapag umuwi na ulit ito sa bahay.

Hanggang sa hindi na namalayan ni Hadues na nasa harapan niya na ang kanyang future sister-in-law. At napansin niya ang mabangong amoy na nanggagaling sa kanyang lamesa kaya hindi nito maiwasang mapakunok. Dahil hindi ito nakakain ng ayos kanina nung sila ay kumakain nang sabay.

Tila ba parang mamamatay siya ng maaga at hindi na aabutin pa sa hospital. Sumabay pa no'n ang pagdadasal ni Seraphina habang kumakain sila. Kaya mas lalong dumoble ang bigat ng kanyang katawan.

"Hadues, naggawa ako ng cookies, at saka napansin ko rin na mukhang hindi ka nakakain ng ayos kanina. Pasensya kana," hindi inaasahan ni Hadues na marinig iyon mula sa bibig ni Seraphina at mas ikinagulat niya ng tawagin siya nitong Hadues.

Napagtanto ni Hadues na sobra ba siyang halata kanina para mapansin niyang hindi siya nakakain nang ayos ng dahil sa kanila?

"At saka, nasabi ni Butler Tom na kape lang daw ang iniinom mo? Bakit hindi mo ito i-try? Promise magugustuhan mo," saad ni Seraphina. At hindi alam ni Hadues kung bakit dumaretso ang kanyang kamay sa basong tinutukoy ni Seraphina.

"Thank you," mahinang sabi ni Hadues at hindi nito magawang tignan si Seraphina. Natatakot siyang makita ito ng kanyang kapatid at patayin siya sa takot.

Biglang inumin ni Hadues ang kape at agad niya itong inilayo nang koonti ng malasahan niyang hindi ito ang kapeng iniinom niya. Pero tinikman niya ulit iyon dahil hindi niya mawari ang lasa kaya napilitan siyang tumingin kay Seraphina.

"Masama kasi ang kape sa katawan kaya itong gatas na ito ay parang kape pag-inamoy pero lasang gatas kapag ininom," pagpapaliwanag ni Seraphina kay Hadues at sunod-sunod ang higop ni Hadues sa gatas na kape na gawa ni Seraphina.

Dahil do'n hindi niya magawang ibuga ang inumin dahil hindi naman siya mahilig sa gatas. Pero bakit ngayon ay parang ayaw niyang tigilan ang iniinom nitong gatas.

"Is it good?" tanong ni Seraphina at tumango lang si Hadues na parang bata at hindi mawari ang saya dahil para sa kanya ay "coffee is life" but now he think that "milfee is life" ang pinagsamang milk and coffee.

"I don't think that milk is bad, this is good, sister-in-law," masayang sabi ni Hadues at hindi niya na namalayan na tinawag niyang sister-in-law si Seraphina.

Dahilan na mamula ito na parang kamatis, "I didn't mean it siste-, I mean Era," tarantang sabi ni Hadues at muntik niya nanaman itong matawag.

"It's okay, it doesn't matter," tugon ni Seraphina kahit gusto niyang kiligin sa sinabi ni Hadues. Naisip tuloy ni Seraphina na baka payag ito na s'ya ang maging kasintahan ng kanyang kapatid na si Devon at maging asawa.

Kaya gusto n'ya ng tumalon sa tuwa dahil sa sinabi ni Hadues. Pero dahil hindi pwede ay pigil na pigil 'to kahit sa pagngiti lamang.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
grabe tinamaan ng husto ni kupido ang puso ng isang devon,exciting ang story na to
goodnovel comment avatar
Raul Rosalesjr
pwede po ba pure tagalog na lang wag na english
goodnovel comment avatar
Rhea Balbido Garcia Tepora
grabe ka devon dalawang oras ng lumipas ang meeting d mo man lang nararamdamn...ang layo na ksi ng isip mo papunta kay seraphina...eh nasa bahay lang sya
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status