Kabanata 1

Napaka halaga sa atin ng ating pamilya... Kaya napaka hirap din kapag may nawalang isa sa kanila. Tila gumuho ang mundo ko nang nalaman kong wala na si mommy. Talagang napaka hirap tanggapin dahil mahal na mahal ko siya. Siya ang dahilan kung bakit ako nandito. Siya ang dahilan kung bakit patuloy akong lumalabas sa buhay. Pero ano pang silbi ng paglaban ko kung ngayon ay wala na siya? Tangina!

Naabutan ko ang kambal kong si Leigh na nasa harap ng bangkay ni mommy. Likod pa lang niya ang nakikita ko pero alam ko nang siya nga iyon. Ilang taon na ba simula noong huli kaming nagkita? Hindi ko na matandaan... Basta nasa grade school kami noong nagpasiya sila mommy na paghiwalayin kaming dalawa dahil sa personal na rason.

"Janine... Hindi mo ba lalapitan ang mommy mo?" Ani ng matagal na naming kasambahay na si Manang Tina.

"I-I will, Manang. Pero mamaya na po..."

"Bakit mamaya pa? Hindi ba't mas mabuti nga na ngayon na habang nandyan din ang kapatid mo?"

Lumunok ako at pilit nilakasan ang loob. Hindi ko pa kasi kaya na makita si mommy na nasa ganitong sitwasyon. Halos dalawang buwan na noong huli ko siyang nakita at nakausap. Dinalaw ko siya noon sa hospital dahil may sakit na nga siya. Hindi ko na siya muling napuntahan dahil na busy sa school works. We're now graduating students, so, it's natural that we're busy. Mommy knows that. That's why she told me that it's okay if hindi ko muna siya puntahan. At hindi ko alam na iyon na pala ang huling pag-uusap namin. Ni hindi ko alam na Malala na pala ang sakit niyang lung cancer. Ni hindi ko man lang siya nayakap sa huling pagkakataon...

"Janine, anak! Nandito ka na pala!"

Sabay kaming napalingon ni Manang Tina sa pinaroroonan ni daddy. Palapit soya sa akin kaya hindi ko na siya hinintay at sinalubong ko na siya. I hug him tightly. He hugged me too.

"D-dad... I-I'm sorry, ngayon lang ako nakapunta. Ni hindi ko po alam na sobrang lala na pala ng sakit ni mommy..." Utas ko at humagulgol sa kaniyang dibdib.

"Shh... Hiniling ng mommy mo na huwag nang sabihin sa iyo, anak. Ayaw niyang isipin mo siya kaya hiniling niya sa amin na ilihim na lang sa iyo. Sana ay mapatawad mo siya sa parteng iyon..."

Kumalas ako sa yakap at hinarap si daddy. Nakita kong namumula ang mga mata niya. Siguro'y dahil na rin sa pag-iyak. Alam kong mahirap din para sa kaniya ang pagkawala ni mommy. Napaka tibay ng relasyon nilang dalawa at sadyang mahirap tanggapin kung mawawala ang taong mahal mo sa buhay.

"Dad..."

Pumikit ako ng mariin nang marinig ang boses ng kambal kong si Leigh. I don't want to see her. I don't know but, I'm not yet ready to see her.

"Leigh, anak... Nandito na Ang kapatid mo."

"Janine..."

Dumilat ako nang marinig kong binanggit niya ang pangalan ko. Sobrang malapit kami sa isa't-isa noon. Pero dahil nga kinailangan naming maghiwalay, nagkaroon na rin ng kaunting barrier ang samahan naming dalawa. Hindi na kami gaanong nag-uusap. Hindi na kami malapit sa isa't-isa gaya noon...

Halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko nang bigla niya akong binalot ng mahigpit na yakap.

"Na miss kita, 'bal..." Napapaos niyang utas.

Dahan dahan kong inangat ang mga kamay ko upang mayakap siya pabalik.

"W-wala na si mommy... 'B-bal, wala na si m-mommy..." She cried while her hug going tighter.

Sinalubong ko ang mahigpit niyang yakap. I hugged her back. Ngayon ko na lang ulit siya nakita. At ngayon ko na lang rin siya ulit nayakap ng ganito kahigpit at ganito katagal.

Ilang minuto pa bago siya bumitaw sa yakapan naming dalawa. Naupo kami sa harap ng kabaong ni mommy habang magkahawak kamay na dalawa.

Noong naghiwalay kami, takot na takot ako dahil hindi ko na siya makakasama. Takot din ako dahil hindi ako sanay ng mag-isa lang. At higit sa lahat, ayoko na makalimutan namin ang isa't-isa kapag hindi kami magkasamang dalawa. Pero tama nga so mommy... Kahit gaano pa kami katagal na hindi magkasama... Kapag nagkita kaming muli ay pareho pa rin ang sarap sa pakiramdam...

Tulala akong nakatitig sa kabaong ni mama nang may marinig na pamilyar na boses. Ngunit hindi ako nag-angat ng tingin dito dahil si Leigh naman ang tinawag nito.

"It's dinner time. What do you want to eat?" I heard him asked my twin sister.

"I-I don't know, Hiro... W-wala akong gana na kumain..."

Kumunot ang noo ko hindi lang dahil sa naging sagot ni Leigh rito kundi pati na rin sa pangalang binanggit niya. Hindi ko na kinaya ang kuryosidad at nag-angat na rin ng tingin sa kausap ni Leigh. Agad nanlaki ang mga mata ko nang makumpirmang tama ang hinala ko! It's Hiro!

"Kailangan n'yong kumain na dalawa. Siguradong malulungkot si tita kapag nalaman niyang hindi kayo kumakain dahil sa pagkawala niya..."

"P-pero, Hiro, hindi ako gutom–"

"Baby, please? You both need to eat..."

B-baby?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status